You are on page 1of 2

Pointers in Filipino

Talasalitaan

 Bazaar – pook na mabibilhan ng iba’t ibang produkto


 Palimbagan – kompanyang naglalathala ng mga aklat o magasin
 Katad – pinatuyong balat ng hayop na ginagamit sa paggawa ng sapatos.
 Industriya – anumang pangkalahatang negosyo
 Matalinghaga – makabuluhang pagpapahayag na gumagamit ng metapora o pahambing na
paglalarawan.
 Panuntunan – mga kaisipang sinusunod sa paggawa ng mga bagay bagay.
 Salawikain – matatalinhagang salita na ginagamit nating panuntunan sa araw-araw
 Matipuno – Malaki ang katawan
 Nagngangalit – galit na galit
 Nagsalimbayan – gumalaw na tila nagliliparan
 Siit – maliliit na sanga
 Kayumanggi – kulay kape
 Mangangaso – nanghuhuli ng mababangis na mga hayop
 Malakandila – hugis kandila
 Global warming – pag-init ng mundo
 Glaciers – mga makakapal na yelo
 Climate change – pagbabago bago ng klima ng mundo
 Inang kalikasan – ang mundo sa kabuuan at ang lahat ng mga bagay sa loob nito na hindi gawa
ng tao.
 Kalamidad – pinsalang dulot ng ngitngit ng kalikasan, tulad ng bagyo, baha, lindol, tsunami, at
iba pang kauri nito.
 Environmetalists – mga taong ngangalaga sa ating kapiligiran

Aralin sa Wika

 Pang-abay – salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.


 Pang-abay na pamaraan – salitang naglalarawan sa kung paanong paraan ng pagkilos.
 -na o -ng – ‘-na’ ang ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa katinig. ‘-ng’ naman
ang ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig.
o Halimbawa:
 Padabog na naglakad si Mr. Bean.
 Si Ferb ay pasigaw na nagsalita.
 Patakbong sumalubong si Rudolf kay Santa Claus.
 Pang-abay o pang-uri – pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan. Ang pang-
abay naman ay naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pang-abay.
o Halimbawa:
 Si Bonifacio ay matapang.
 Matapang na sumagot ang bata sa kanyang magulang.
 Pang-abay na pamanahon – pang-abay na tumutukoy sa kung kailan ginanap, ginaganap, o
gaganapin ang pandiwa.
 Pasukan na ng mga estudyante na naman bukas.
 Sa isang linggo ang kanyang pagdalaw.
 Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa kung saan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang
pandiwa.
 Sa may bakod ako nagsampay.
 Ang mga batang naglalaro ay nasa mga inay.
 Panang-ayon, Pananggi, o pang-agam
o Pang-abay na panang-ayon – pang-abay na sumasang-ayon sa sinasabi ng pang-uri o
kapwa pang-abay. (tunay, sadya, totoo)
 Tunay na nakagagaling ang dahon ng sambong.
 Si Bugoy ay sadyang masipag.
o Pang-abay na pananggi – pang-abay na hindi sumasang-ayon sa sinasabi ng pang-uri o
kapwa pang-abay. (Hindi, di, o wala)
 Walang makulit na bata kung lahat ay makikinig sa magulang.
o Pang-abay na pang-agam – pang-abay na hindi sang-ayon at hindi rin naman tumatanggi
sa sinasabi ng pang-uri o kapwa pang-abay. Pang-abay na hindi sigurado. (marahil, baka,
siguro, tila, yata)
 Baka magaling si Pia Gutierrez na reporter.
 Si Mang Juan ay tila nanghihina.
 Pariralang Pang-abay – pang-abay na higit sa isang salita. Ginagamitan ito ng nang.
 Kumain nang mabilis si Peppa Pig.
 Salawikain
o Ang kalinisan ay kapatid ng kagandahan.
o Daig ng maagap ang masipag.
o Kung ano ang puno, ay siya ang bunga.
o Habang maikli ang kumot, magtiis na mamaluktot.
o Aanhin ang damo kung patay na ang kabayo.
o Kapag may isinuksok may mabubunot.
o Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.
o Ang sundalong nasugatan ay lalong tumatapang..
o Mag-ingat sa pagsasalita, may pakpak ang balita.
o Ang tunay na kaibigan, sa gipit nasusubukan.
o Pagkatapos ng ulan, liwanag ang masasaksihan
o Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira naman ay kuwago.
o Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
o Ang nagsasabi ng tapat ay nagsasama ng maluwat.
o Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
 Opinyon o katotohanan – ang opinion ay sariling palagay ng nagpapahayag, ayon sa kanyang
naisip o nadama tungkol sa pinag uusapan, samantalang, ang katotohanan naman ay mga
pahayag na matagal napatunayang tumpak sapagkat may pinagbabasehan.
 Piksyon o Di-piksyon – piksyon ay kathang bunga ng malilikhang pag-iisip ng mga manunulat.
(maiikling kwento, nobela, tula, alamat, atbp.) Di-piksyon ay mga kathang may pinagbatayan sa
totoong pangyayari. (talambuhay, anekdota, liham, o sanaysay)

You might also like