You are on page 1of 6

10

PAG-AARI NG BUSCO Academy


MPC
HINDI IPINAGBIBILI

FILIPINO
Pangalawang Markahan – Modyul 4

Panitikang Mediterranean
Filipino – Baitang 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 4:
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Mga Bumubuo at Kasapi ng Modyul

Guro: Daina Rose D. Caparida


Tagasuri: Mark Joseph Babon
Tagaguhit: Ang mga larawan ay kinuha mula sa Internet

Mga Namamahala
Chairman: Ambrosio J. Dragon
School Administrator: Marilyn S. Quintos Ph,D.

Printed in Busco Academy MPC, Quezon, Bukidnon


Office Address: BUSCO, Butong, Quezon, Bukidnon
Cellphone Number: 0965-811-5490
ARALIN Pakikipaglaban para sa Kalayaan
4 TULA

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para maipamalas mo ang
pag-unawa at mapahalagahan ang tula.

Ano ang inaasahan mo?


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay:

Pamantayan sa Pagkatuto:
Most Essential Learning Competency/ies:
 Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasing-kahulugang pahayag sa taludturan

Layunin:
Sa katapusan ng klase, ang mag-aaral ay inaasahang;
a. Nailahad ang depinisyon ng tula,
b. Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t ibang paraan at pahayag; at
c. Nakasusulat ng sariling komposisyong tula.
Pangkalahatang Panuto
Paano mo matutunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
❖ Basahin at unawain.
❖ Sundin ang bawat panutong ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

Subukin

Sa puntong ito, subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa lamang.
Hand ka na ba?

PAALALA: MAGHANDA NG ISANG BUONG PAPEL PARA SA MAGIGING SAGOT SA


LAHAT NG PASULIT O PAGSASANAY NA NAKAPALOOB DITO SA MODYUL.
Gawain 1:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ibang termino ng tula?
a. Tula c. Tayutay
b. Panulaan d. Wala sa nabanggit

2. Ano ang tawag sa mga salitang may malalalim na kahulugan o may naiibang kahulugan?
a. Talinghaga c. Tugma
b. Sukat d. Larawang-diwa
3. Ano ang tawag sa mga bilang ng pantig ng bawat taludtod?
a. Talinghaga c. Tugma
b. Sukat d. Larawang-diwa
4. Ano ang isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't
ibang anyo at estilo?
a. Tula c. Tayutay
b. Panulaan d. Wala sa nabanggit
5. Ano ang tawag sa pagkakapareho ng tunog sa huling pantig ng salita sa bawat taludtod?
a. Tula c. Tayutay
b. Panulaan d. Wala sa nabanggit

Balikan

Salamat sa pagsagot sa unang pagsasanay, ngayon ay ating balikan ang mga aralin na tinalakay
noong nakaraang tagpo. Naaalala mo pa ba ang huling aralin? Kung gayon, basahin ang mga
nakasulat sa ibabang bahagi.

Tinalakay natin noong nakaraang linggo ang tungkol sa sanaysay na tumatalakay


isang uri panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan. Karaniwang pinapaksa ng sanaysay ang
mga mapaghahanguan ng impormasyon, kapupulutan ng aral, at magbibigay-aliw sa mga
mambabasa. Nabibilang sa panitikang ito ang mga sulating pampahayagan tulad ng artikulo,
natatanging pitak o lathalain, at editoryal.

Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-uusapan sa
araw na ito, basahin mo muna ang nakasulat sa ibaba para maliwanagan ka sa daloy ng
talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

TULA
o Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit
ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang
tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

o Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,


lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay.
May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

ELEMENTO NG TULA
c. Sukat – ang bilang ng pantig ng bawat taludtod.
d. Tugma – ang pagkakapareho ng tunog sa huling pantig ng salita sa bawat taludtod.
e. Tono – ang paraan ng pagbigkas ng tula, tulad ng pagbibigay-diin sa mga pantig sa
taludtod.
f. Talinghaga – malalalim na salitang may natatago o naiibang kahulugan.
g. Larawang-diwa – ang mga salitang ginamit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa.

PAGGAMIT NG TAYUTAY SA PAGSULAT NG TULA


o Tayutay – ay salita o isang pahayag na ginagamitan upang bigyang-diin ang isang
kaisipan o damdamin. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay ay makatutulong sa
pagkakaroon ng talinghaga sa isang tula.
1. Pagtutulad – paghahambing ng dalawang bagay gamit ang mga salitang gaya, tulad,
kawangis, parang, wari, tila, at iba pa.
Halimbawa:
a. Tila siya’y isang anghel na bumaba sa langit.
b. Ang kagandahan niya’y tulad ng isang diwata.
2. Pagwawangis – direktang paghahambing na di na ginagamitan ng mga salitang tulad,
gaya, wari, at iba pa.
Halimbawa:
a. Tigre kung magalit ang aking ama.
b. Siya’y tala sa gabing madilim
3. Pagsasatao/Personipikasyon – pagsasalin ng kilos o gawi ng tao sa bagay.
Halimbawa:
a. Mabilis tumakbo ang panahon.
b. Inaanyayahan kami ng kalinisan ng ilog upang maligo.

4. Pagmamalabis – pinalulubha ang kalagayan ng isang bagay o pangyayari.


Halimbawa:
a. Bumaha ng salapi nang dumating ang mga tagasunod ng dalawang kandidato.
b. Inaanyayahan kami ng kalinisan ng ilog upang maligo.

5. Pagpapalit-tawag – paggamit ng ibang salita upang katawanin ang isang bagay.


Halimbawa:
a. Masigabong palakpak ang sumalubong sa kaniyang pagdating.
b. Pag binato ka ng bato, batuhin mo siya ng tinapay.
6. Pagpapalit-saklaw – paggamit ng isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa:
a. Sampung mata ang nakasaksi sa naganap na krimen.
b. Limang bibig ang umaasa sa kaniya.
7. Panawagan – ang pakikipag-usap sa isang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang
buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wla naman.
Halimbawa:
a. Diyos ko, iligtas po ninyo kami sa kapahamakan.
b. Pag-ibig, masdan mo ang iyong ginawa.
8. Tanong Retorikal – hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-
aalinglangan.
Halimbawa:
a. Diyos ko, iligtas po ninyo kami sa kapahamakan.
b. Pag-ibig, masdan mo ang iyong ginawa.
9. Pag-uyam – mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng paggamit
ng mga salitang kapuri-puri ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na
pang-uyam.
Halimbawa:
a. Humahanga ako sa kadalagahan ngayon, isang dangkal na lang kung magsuot ng
palda.
b. Hanga naman ako sa talino mo, nangongopya ka nga lang sa tuwing may pagsusulita.
10. Paghihimig – ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
a. Ang tik-tak ng relo ay maririnig sa kalagitnaan ng gabi.
b. Ang rumaragasang mga bato mula sa bulkan ang nagbibigay ng matinding takot sa
mamamayan.
Pagyamanin
Gawain 2:
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay TAMA at palitan ang salitang
nakasalungguhit kung ang pahayag ay MALI. (kopyahin at sagutin)

1. Ang panawagan ay tumutukoy sa pakikipag-usap sa isang bagay na para bang nakikipag-


usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wla naman.

2. Ang pahayag na “sumasayaw ang mga puno” ay isang halimbawa ng pagmamalabis.

3. “Oh! Ilaw sa gabing madilim” ay isang halimbawa ng personipikasyon.

4. “Ang kanyang ganda ay parang isang anghel” ay isang halimbawa ng pagwawangis.

5. “Umiiyak ang langit” ay isang halimbawa ng personipikasyon.

Tayahin
Panuto: Gumawa ng sariling tula. Pumili lamang ng lima sa sampung uri ng tayutay at gamitin ito
sa loob ng tula. Limitahan sa tatlong saknong ang sariling tula. (Bawal mag copy/paste
sa internet!)

------------------------------------NAWA’Y PAGPALAIN KAYO NG POONG MAYKAPAL


----------------------------------------------

TALASANGGUNIAN NA GINAMIT SA MODYUL

 Merida, M. Dela Paz, E. at Macascas, C. (2016). Bulwagan Kamalayan sa Gramatika at Panitikan.


ABIVA Publishing House, INC.
 https://peac.org.ph/learning-module-repository/

Susi sa Pagwawasto
Aralin 4
Subukin
1. b
2. a
3. b
4. a
5. d

You might also like