You are on page 1of 2

MGA BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG LUGAR NA

PAGDARAUSAN NG TRAINING/ WORKSHOP NG MGA BATA.

Mahalagang isaalang alang ang apat na prinsipyo ng United Nations Convention on the Rights of the Child sa
pagsasagawa ng mga proyekto para at kasama ang mga bata. Ang pagsasabuhay ng mga prinsipyo ay dapat
na ginagawa sa paghahanda, pagasasagawa at pagbabalik tanaw ng mga aktibidad ng proyekto.

Isang bahagi ng paghahanda para sa mga aktibidad ng proyekto ay paghahanap ng lugar na pagdarausan ng
training o workshop para sa mga bata. Mahalagang sinisiguro nang mga staff na ang venue ay ayon at
nagpapalaganap ng pagpapatupad ng apat na prinsipyo ng UN CRC. Ang checklist na ito ay naglalarawan ng
mga pamantayan sa pagpili ng lugar para sa training ng mga bata.

SURVIVAL AND DEVELOPMENT


Kalusugan at pag-unlad
1. Ang hotel/resort ay walang naitalang kaso ng food poisoning.
2. Ang hotel/reort ay may sapat na kwarto para sa bilang ng mga kalahok ng training.
3. Ang hotel/resort ay mayroong clinic na skilled nurse at first aid equipment at medicines.
4. Ang hotel/ resort ay may stand-by na sasakyan na maaring gamitin sa oras ng kagipitan.
5. Ang hotel/resort ay may layong isang kilometro mula sa isang private hospital.

Kaligtasan at Proteksyon mula sa kalamidad at pang aabuso


1. Ang hotel/resort ay may working fire exits at fire extinguisher
2. Ang hotel/resort ay may floor plan sa bawat kwarto at emergency alarm system.
3. Ang bawat kwarto o lobby ay may telepono na magagamit kung kinakailangan mag report ng mga
bata.

NON DISCRIMINATION AND INCLUSION


1. Ang hotel/resort ay may pagrespeto sa iba’t –ibang cultural at gawi na ipinapakita sa pamamagitan
ng pagbabawal sa dress code sa loob ng hotel. Tanggap ang cross dressers, short, tsinelas, sando at
iba pa.
2. Ang hotel/resort ay may mga pasilidad para sa mga batang may kapansanan tulad ng ramp,
malalaking cubicle sa palikuran at elevator.
3. Ang staff ng hotel/resort ay may pantay na pagtingin sa mga bata at matanda na maipapakita sa
agarang pagtugon hinaing/ request ng mga bata at seryosong pakikitungo sa mga bata.
4. Ang hotel/resort ay madaling puntahan ng lahat ng kalahok sa pamamagitan ng pampublikong
transportasyon.

Ang checklist na ito ay ginawa para sa


Children Talk to Children About the UN CRC (C2C) Project Year 3
19 October 2011, scarreon

DRAFT 1
PARTICIPATION
Pagkatuto ng mga bata
1. Ang hotel/resort ay may sapat na function room para sa session, break out rooms para sa group
exercises at ground para sa outdoor activities.
2. Ang function room ay may sapat na space, ilaw at ventilation.

Pahinga at Paglilibang ng mga bata


1. Ang hotel/resort ay may ground para sa paglalaro ng mga bata
2. Ang hotel/resort ay may facilities para sa paglilibang tulad ng pool, gym at iba pa.

Privacy ng mga bata


1. Ang kwarto ng hotel/resort ay may sariling palikuran na sapat sa dami ng mga kalahok sa isang
kwarto.
2. Ang bawat kwarto ng hotel ay may sapat ng dami ng kama ayon sa dami ng kalahok.
3. Ang bawat kwarto ay may lock.

BEST INTEREST OF THE CHILD


1. Ang hotel/resort ay may respetadong reputasyon, walang naitalang kaso ng prostitusyon, trafficking
at pang aabuso.
2. Ang lokasyon ng hotel/resort ay ligtas mula sa kaso ng prostitusyon, trafficking at pang aabuso.

Mga iba pang dapat isaalang-alang


1. Ang hotel/resort naayon sa disenyo ng workshop para sa mga bata.
2. Ang hotel/resort ay mayroon malakas na signal ng network ng telepono at wifi. (access to
communication)

Ang checklist na ito ay ginawa para sa


Children Talk to Children About the UN CRC (C2C) Project Year 3
19 October 2011, scarreon

DRAFT 2

You might also like