You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Unang Markahan
Lagumang Pagsubok 3

Talahanayan ng Ispisipikasyon
Bilang Bigat Bilang Kinalalagyan
LAYUNIN ng % ng ng Aytem
Araw Aytem
Nakagagamit ng impormasyon ( wasto/
tamang impormasyon
2 40% 1-10
1. Natutukoy ang tamang hakbang sa paggamit
10
ng impormasyong may kinalaman sa
2 40% 11-20
pangyayari na makukuha sa radyo, telebisyon
1 20% 21-25
at social media.
2. Nasusuri ang mga impormasyong nakukuha
10
o naririnig sa radyo, telebisyon o social media
3. Naisasagawa ang tamang paggamit ng
5
impormasyong nakuykuha sa radyo, telebisyon
o sosyal media
Kabuuan 5 100% 25 25

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Unang Markahan
Lagumang Pagsubok 3
Pangalan: ______________________________________________________________Iskor:___

I. Panuto:Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang (Tama) kung
wasto ang hakbang sa paggamit ng impormasyong may kinalaman sa pangyayari
na makukuha sa radyo, telebisyon, at social media at ( Mali ) kung hindi wasto.

1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan


2. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita
3. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay
4. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin
5. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain
6. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon.
7. Nakapanood ako ng programang may karahasan sa telebisyon.
8. Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang nangyari sa programang
aking pinanood.
9. Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na malalaswang panoorin
10.Naiisa-isa ko ang mga taong may magandang pagganap sa teleserye.

II. Panuto:Lagyan ng tsek ( / )kung ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa
balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis ( x ) kung hindi nabigyan ng
mapanuring pag-iisip
11.Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
12. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
13.Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo.
14. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
15. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.

III. Panuto:Isulat ang ( Nakabubuti ) kung ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa
paggamit ng internet at (Hindi Nakabubuti ) naman kung ito ay nakasasama.
16. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
17. Nabibigyan ng impormasyon ang mga kaibigan tungkol sa paggawa ng loombands
galing sa internet.
18. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.
19. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin
20. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng
mag-aaral na Pilipino.

I. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng media ang mga pinagkukunan ng mga
impormasyon.Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Internet Radyo Diyaryo Telebisyon Computer

21. Tinatawag din na peryodiko o pahayagan.


22. Isang makina o electronic device na ginawa para mapabilis ang mga gawain tulad ng
pagbibilang o pagkokompyut
23. Isang teknolohiya na pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa
pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may frequency na mas
mababa kaysa liwanag
24. Pinaikling salita na international networking kung saan ginagamit ng mga tao upang
mas madaling makakuha ng mga impormasyon
25. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag ng mga gumagalaw na mga
larawan at tunog sa kalayuan.

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Unang Markahan
Lagumang Pagsubok 3

SUSI SA PAGWAWASTO

1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama
11. /
12. /
13. /
14. /
15. X
16. Hindi Nakabubuti
17. Nakabubuti
18. Hindi Nakabubuti
19. Nakabubuti
20. Nakabubuti
21. Diyaryo
22. Computer
23. Radyo
24. Internet
25. Telebisyon

You might also like