You are on page 1of 12

Philippines

ILOILO SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIVERSITY


mpus
oilo

TAGAMTAM, PATRICIA ANN M.

I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa popular na Resort: Ang

CoraVergel bilang dagsain ng maraming turista sa bayan ng Tigbauan, Iloilo.

II. RASYUNAL

Ang pagkamahilig ng mga Pilipino sa mga popular na bagay, maging lugar

man o pangyayari, sa aktuwal man o social media ay hindi na maikakaila pa, sapagkat

bawat isa sa atin maging matanda, bata, estudyante man o propesyunal ay

nabubuhay sa panahon kung saan ang uso, uso na dulot ng malakasang globalisasyon.

Ayon kay Rolando Tolentino, ang kulturang popular ay may kapangyarihang

lumikha ng kulang at sobra sa atin. Lagi nitong ipinamumukha na ang ating kasalatan

sa ideal na ginawang mabisang pamantayan ng panggitnang-uring pamumuhay.

Dagdag pa ni Tolentino, na hindi libre ang kulturang popular. Tunay na nararanasan

lamang ito ng mga may kakayahang bumili at magbayad (2004).

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para

maramdaman ang pagtanggapsakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang

popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggapsila sa modernismo dahil ang


kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produktong mga

kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang

nagbibigay ngdepinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap.

Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa.

Ito ay ang mga pinagsasama-samang kulturana itinatakda ng makakapangyarihang

tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang

kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Sa isasagawang pananaliksik ay naniniwala ang mananaliksik na matutunghayan

at malalaman kung bakit isa sa mga popular na resort ang CoraVergel na

matatagpuan sa Brgy. Barosong, Tigbauan, Iloilo.

III. LAYUNIN

Sa isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, hinahangad ang mga

sumusunod:

Pangkalahatang Layunin:

1. Malalaman kung bakit dinadagsa ng maraming tao/turista ang

CoraVergel Resort?

2. Maiisa-isa kung anong mga serbisyo ang ibinibigay ng resort?

3. Matutukoy kung bakit ito naging popular maging sa social media?

Tiyak na layunin:

1. Mabigyan ng persepyon ang mga turista kung bakit dinadayo ang

CoraVergel Resort.
2. Magkaroon ng sapat na batayan kung bakit dinadagsa ang resort.

3. Magkaroon ng sapat na detalye kung bakit maging sa social media ay

popular ang resort.

IV. KAHALAGAHAN

Mahalaga ang isasagawang pag-aaral ng mananaliksik sapagkat

naglalayon itong maobserbahan, matukoy at maiisa-isa ang mga kadahilanan at

matunghayan kung bakit dinadagsa ng maraming tao ang CoraVergel bilang

popular na resort sa kasalukuyan. Upang mapatunayan na popular at dagsain

ng maraming tao ang resort, ang mga mananaliksik ay nagpunta at nagsagawa

ng kanilang obserbasyon at panayam.

Ayon kay Kartini Kartono, ang obserbasyon ay isang pagsubok na may

tiyak na layunin upang malaman ang isang bagay, lalo na sa layunin ng

pangongolekta ng mga katotohanan, datos, marka o halaga, isang verbalization

o tinatawag na paglalahad ng mga salita sa lahat ng bagay na sinasaliksik o

naoobserbahan.

Obserbasyon ang magiging batayan ng mananaliksik na kung saan

magiging tampok sa mga bisita at turista ang atraksyong makikita sa loob ng

resort gaya ng: white circles, tower, swings, pools playground at iba pang mga

atraksyong pino-post sa social media tulad ng: stories, status sa facebook,

twitter, tiktok at instagram.


Ayon naman kina Nuncio at Nuncio (2004), numerikal din ang

pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming

tumatangkilik. Ang apirmadong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang.

Maituturing na kulturang popular ang pagdagsa ng maraming tao sa

CoraVergel resort sapagkat nangangahulugang karaniwan, malawak ang sakop,

talamak at napapanahon (Bernales at Dela Cruz 2017 at binanggit nin Bernales,

et al., 2019).

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang pagkamahilig natin sa mga

popular na bagay, lugar man o pangyayari, mapa aktuwal man o social media

sapagkat tayo ay nabubuhay sa panahon kung saan may uso.

Bilang pangkalahatan, ang pag-aaral na ito ay naka sentro sa popular na

resort sa Barosong, Tigbauan,Iloilo, ang CoraVergel Resort bilang dagsain ng

maraming tao.

V. PAGTALAKAY

Ayon kina Gibson,R.L. at Dan Mitchell, M.H., ang pagmamasid ay isang

pamamaraan na maaaring gamitin bilang isang seleksyon ng mga antas upang

matukoy ang isang desisyon at mga konglusyon mula sa ibang mga taong

inoobserbahan. Ang mga obserbasyon na tulad nito ay hindi maaaring gawin ng

mag-isa ngunit dapat tulungan sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang mga

pamamaraan ng pananaliksik.
Kung kaya’t, batay sa pagsisiyasat at obserbasyon ng mananaliksik, ang

naturang resort ay lugar kung saan nakapagnilay-nilay ang buong pamilya,

malayo sa magulong mundo na mararanasan sa siyudad at nakakabahalang

gawain sa opisina at eskwela. Ang pagdayo sa resort na ito ang tumutugon sa

kaligayahan ng buong pamilya upang maka-bonding ang bawat kasapi ng

kanilang miyembro.

VI. METODOLOHIYA

Isasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman kung bakit dinadagsa ng

mga tao ang CoraVergel Resort sa pamamagitan ng pangangalap ng mga

impormasyon, reaksyon, obserbasyon mula sa mga taong nakapunta na sa

nasabing resort sa paraang pag-iinterbyu at pagsagot sa talatanungang

inihanda ng mananaliksik.

Ayon kay Nurkancana, ang obserbasyon ay isang paraan ng pagsasagawa ng

ng pagtatasa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng direkta at sistematikong mga

obserbasyon. Ang mga datos na nakuha sa obserbasyon ay itatala sa isang tala

ng obserbasyon. At mismong recording activity ay bahagi din ng observation

avtivity.

Samantala, ang paraan ng pagtalakay ng mga makakalap na impormasyon ng

mananaliksik ay gagamitan ng deskriptibong metodolohiya. Pinili ng mananaliksik

ang Descriptive Survey Research Design na kung saan gumagamit ng

talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mananaliksik ay naniniwala na


ang disenyong ginamit ay angkop para sa paksa sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng datos na isinasagawa.

Dagdag pa rito, napagtanto ng mananaliksik na ang Descriptive Survey

Research Design ay nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado

lamang ang mga tagatugon. Ito ay sa kadahilanang hindi lamang nakadepende

ang mga mananaliksik sa mga sagot sa talatanungan kundi maging sa pagsagawa

ng panayam at obserbasyon na makadagdag sa mga nakalap na datos at

impormasyon.

VII. INAASAHANG BUNGA

Sa kaganapan sa araw-araw, naoobserbahan ng mananaliksik ang


pagtangkilik ng karamihan sa nasabing resort batay sa mga nakakalat na mga posts sa
social media mapa facebook man o Instagram.
Inaasahan na ang mga makokolektang datos, impormasyon at

obserbasyon ng mananaliksik ay magtatala ng datos kung bakit dayuhin talaga

ng maraming tao ang resort.

TALAAN NG SANGGUNIAN

Bernales, R.A. & Dela Cruz, M.A.S. (2017). Filipino sa Larangan ng Sining at

Disenyo. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R.A., et al., (2019). Panitikan ng Pilipinas: Kasaysayan at Pagsusuri.

Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Gonzalez, A. (2009). Kritika/Kultura/Popular: Ang kulturang Popular ng Kritika at

Kritika ng Kulturang Popular. Manila: DLSU.


Nuncio, R.V. & Nuncio, E.M. (2004). Sangandiwa: Araling Filipino bilang

Talastasang Pangkalinangan at Lapit-pananaliksik. Manila: UST

Publishing House.

https://m.facebook.com/nt/screen/?params=%7B%22note_id%22%3A144371

5555819088%7D&path=%2Fnotes%2Fnote%2F&refsrc=deprecated&_r

dr

https://tl.nucleo-trace.com/176-definition-of-observation-complete-

meaningcharacteristics-and-types

MGA APENDIKS
APENDIKS A
TALATANUNGAN
Republic of the Philippines
ILOILO SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIVERSITY
Miagao Campus
Miagao, Iloilo

TALATANUNGAN

Para sa Staffs.

1. Ano ang ipinagkaiba ng CoraVergel Resort sa iba pang mga resort at kung bakit

ito patuloy na tinatangkilik at dinadayo ng mga tao?

2. Bakit po ba kinagigiliwhan ng maraming tao ang pagpunta sa CoraVergel Resort?

Ilan po ba ang kabuuan ng kostumer na pumupunta rito araw-araw?

Para sa Bisita

1. Ano po ang masasabi mo maam/sir sa mga tanawing makikita sa CoraVergel


Resort?
2. Ano po yung pakiramdam niyo na nasa CoraVergel resort na kayo?

3. Babalik pa po ba kayo rito kasama ang iba niyo pang pamilya, kaibigan at
barkada?

APENDIKS B
LIHAM PARA SA MAY-ARI NG RESORT
Republic of the Philippines
ILOILO SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIVERSITY
Miagao Campus
Miagao, Iloilo

Abril 20, 2022

CORAVERGEL RESORT
Barosong, Tigbauan, Iloilo

Ginoo/Ginang:

Pagbati!

Ang mag-aaral sa asignaturang FOODTECH: Estudyante ng pagluluto ay magsasagawa po


ng isang pananaliksik hinggil sa kung bakit dagsain ng maraming tao ang CoraVergel
Resort bilang bahagi ng pangangailangan ng nabanggit na kurso.
Kaugnay po nito, nais naming humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pangangalap
ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga staffs at bisita.

Ang mga makukuha naming impormasyon ay gagamitin bilang lunsaran sa isasagawang


pagaaral.

Ang inyo pong positibong pagtugon sa kahilingang ito ay lubos na inaasahan.

Lubos na gumagalang,

Patricia Ann M. Tagamtam

You might also like