You are on page 1of 8

• Nagmahal ka na ba?

Alam nating lahat na ang magmahal ay isang normal na bagay


ngunit papaano kapag ang pagmamahal ay may batayan? Kung sa
ingles tinatawag natin itong “standards”. Maraming tao ay nais ang
kanilang kabiyak ay kasundo nila sa lahat ng bagay, sa mga hilig dapat
sila ay pareho ng mga gusto, ngunit papaano kapag pagkakaiba sa
pananampalataya ang pag-uusapan? Ito ba ay isang malaking hadlang
para sa dalawang taong nagmamahalan? You fell in love with her and
she can only accept you if you convert to her religion. What will you
choose?
Its All about Love- with Dj Diego Romantiko
U can comment or make some questions about ur love
problem and am willing to give u some a little bit of
advice:)
Paalala lamang ito ay sarili kong opinyon,idea at ang ilan ay
base na rin sa reality sa ating karanasan. Para magbigay payo
at aral sa mga tagapakinig at Ang gusto ko lang ay maibahagi
sa inyo ang ibang lessons ng buhay PAG-IBIG:))

TOPIC: Ano ang gagawin mo pag naipit ka sa sitwasyon na dapat kang pumili, ang
taong mahal mo o ang religion mo? Paano kung nagustuhan mo ang tao, hindi
mo pa alam kung magugustuhan ka rin niya pero minahal mo na siya at doon mo
pa lang nadiskubre na hindi mo pala siya karelihiyon. Ano ang gagawin mo?
• Ngunit bakit nga ba sa iba napakahalagang issue ang pagkakamukha
ng relihiyon kapag sila ay nagmahal? Naniniwala ako na kahit naman
magkasama ang dalawang pusong magkaiba ang pananampalataya
maari parin silang maging masaya. Hindi malaking factor ang
pagkakaiba nila, isa pa nga itong challenge para sa dalawa na kahit
merong mga bagay ang magkaiba sa kanila kung talagang
nagmamahalan sila maaari silang magkasundo at tumagal.
• Para sa akin, basta nagmamahalan ang dalawang tao, magkaiba man
ang kanilang relihiyon hindi ito sukatan kung sila ba ay para sa isa’t-isa
o hindi. Basta kapag itinakda ng Diyos ang dalawang nilalang sa
mundo upang magmahalan magkaiba man ang lahat sa kanila, sila
parin ang mananatili hanggang sa huli. Ito ang tinatawag na “GOD”s
WILL”.
• Tulad ng kwento ng isa sa aking mga kaibigan na si Jhen, sinabi niya sa
akin na meron daw siyang minahal na kaibigan rin niya at ang
pangalan nito ay Mark. Nang sinabi ni Jhen kay Mark na tila
nahuhulog na ang loob niya sa kanya, ito lamang ang nasabi ni Joel sa
aking kaibigan, “Alam mo kung ano yung gusto ko”. Ngunit dahil sa
hindi maintindihan ni Jhen ang sagot ng kaibigan muli siyang
nagtanong ng ganito, “Eh ano ba ang gusto mo sa taong iyong
mamahalin balang araw?”. Sumagot si Mark, “Kung ano yung Will ni
God”.
• At tila mas lalong naguluhan si Jhen at dahil gusto niya ng mas
malinaw na sagot tinanong ulit niya si Mark, “Eh ano naman yung Will
ni God na sinasabi mo diyan?” sumagot muli si Mark, “iyon yung
taong mahal ako at mahal ko at isa ring Born Again Christian”. . . sa
pagkakarinig ni Jhen batid niya ang labis na kalungkutan dahil isa
siyang Katoliko. Kung kaya’t sa akin siya lumapit at nagtanong, “Bakit
kailangan pang magkahawig ang relihiyon kapag nagmahal?” at ito
lamang ang mga nasabi ko sa kanya, “Alam mo Jhen, Hindi ka tunay na
mahal ng isang tao kapag meron siyang batayang hinahanap sa iyo,
dahil kapag nagmahal hindi ito sinusukat kung ano ang meron ka,
magkaiba man kayo ng relihiyon kung talagang mahal ka niya wala ng
batayang hihingin ang pagmamahal na iyon.”
ARAL
• Tulad na lamang ng pagmamahal ng Ama nating nasa langit,
humahanap ba siya ng batayan sa mga taong kaniya lamang nais
mahalin? Lahat tayo ay mahal niya, magkakaiba man ang gating ugali,
personalidad, katayuan sa buhay, relihiyon atbp. tanggap niya tayo at
mahal niya tayo! Kaya’t lagi lamang nating isipin, “Sa pagmamahal
hindi mo kailangan ng batayan upang masukat ang iyong pagmamahal
dahil kapag nagmahal ka kahit ano ang iyong hinahanap sa isang tao
basta iyon ang itinakda ng Diyos para iyong mahalin, iyon ang
magaganap.
• no need to convert...just learn how to respect both religion...that is
love all about!
dapat accept me for who I am not for what I have diba?
I think hindi naman ipinagbawal ng dios ang magmahal o umibig
Kailan pa itinuro ng Salita ng Dios na bawal ang magkaroon ng
kasintahan? Ang pagkakaroon ng kasintahan ay paghahanda sa pagka-
karoon ng asawa.
Kung pipiliin niyo ang iyong relihiyon, desisyon mo yon we respect
that your dcision kahit sa pananaw ng iba jan ay mali. Wala tayong
magagawa riyan. Respitohin natin ang pagpapasya ng bawat isa..

You might also like