You are on page 1of 3

IKALAWANG

MARKAHAN

NATUTUNAN SAAN NAHIRAPAN

NATUTUNAN SAAN NAHIRAPAN

NATUTUNAN SAAN NAHIRAPAN

PAANO NALAMPASAN

PAANO NALAMPASAN

PAANO NALAMPASAN
Ang natutunan ko sa araling ito ay kung ano nga ba ang kahulugan ng isyu at ano
ang iba't ibang isyung moral tungkol sa buhay. Ang araling ito ay siyang nagturo sa
akin kung bakit mahalaga na pag-aralan ang mga isyung moral tungkol sa ating
buhay. Ang mga ito ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, alkoholismo,
aborsiyon, pagpapatiwakal at euthanasia. Dahil sa pag-aaral sa mga ito ay
natutunan ko ang magkaroon ng tamang pagpapasiya dahil ang buhay ng tao ay
napakahalaga.

Sa araling ito, medyo nahirapan akong tukuyin kung alin ang papanigan kung pro-
life ba o pro-choice. Pero ang dalawang panig na to ay tama sa iba't ibang aspeto.

Nang maituro sa amin ang pagkakaiba ng pro-life sa pro-choice ay napagtanto ko


na ang dalawang panig na to ay tama sa magkaibang aspeto, mas lalo ko rin
naintindihan ang paniniwala at ipinaglalaban ng dalawang panig na ito.

Sa araling ito, natutunan ko ang kahulugan ng pagmamahal sa bayan, kahulugan


ng patriyotismo at ang pagkakaiba nito sa nasyonalismo. Sa aralin din na ito ay
natutunan ko ang mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan,
ang karamihan dito ay ang mga simpleng pagkilos lamang na madalas nating
ginagawa o kaya naman nalalabag pero isang kilos na nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan. Dahil sa aralin na ito ay napagtanto ko na kahit sa maliit na bagay
lamang ay maipapakita mo ang pagmamahal mo sa iyong bayan, kaya naman ang
ibang mga kilos na aking nalalabag ay akin nang babaguhin.

Sa araling ito, medyo nahirapan akong tukuyin o ipaliwanag bakit kahit na maliit na
kilos na ating ginagawa sa pang-araw-araw ay isang pagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan.

Nang maipaliwanag samin kung ano nga ba ang mga kilos na ito at bakit ito
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay napagtanto ko na kahit sa maliit na
paraan ay naipapakita ko ang pagiging isang Pinoy na may pagmamahal sa sariling
bayan.
Ang natutunan ko sa araling ito ay ang iba't ibang uri ng pagmamahal at ang iba't
ibang paraan para maipakita mo ang iyong pagmamahal. Natutunan ko rito na ang
pagmamahal sa Diyos ay naipapakita sa pamamagitan ng pagmamahal sa iyong
kapwa. Dito ay natutunan ko rin kung paano maipapakita ang pananampalataya at
pagmamahal sa Diyos, ang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang
sa pamamagitan ng palagiang pagsimba kundi maipapakita mo ito sa iba't ibang
paraan na naituro sa araling ito.

Sa araling ito, nahirapan akong tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng


pananampalataya sa pananampalataya at kung ano ang espirituwalidad.

Nang maituro at maipaliwanag sa amin napagtanto ko na ang pananampalataya at


ang pagtugon ng tao sa pagmamahal ng Diyos, samantalang ang pananalangin ay
ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Ang espirituwalidad naman ay ang
pinaghuhugutan ng pananampalataya.

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY

PAGMAMAHAL SA BAYAN

PAGMAMAHAL SA DIYOS

You might also like