You are on page 1of 3

NDC – TAGUM FOUNDATION, INC.

Apokon, Tagum City, Davao del Norte


Pinal na Eksaminasyon sa FIL 102
Panimulang Linggwistika 50

Pangalan:____________________________________ Petsa:_________________
Kurso at Taon:_________________ Oras:__________________

PANGKALAHATANG PANUTO: 1. BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA PANUTO.


2. ISULAT SA MALAKING TITIK ANG SAGOT
3. GUMAMIT NG BALLPEN BILANG PANULAT
4. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA AT
ALTERASYON.
5. ANG HINDI PAGSUNOD SA MGA PANUTO AY
MAGKAKAROON NG BAWAS NA PUNTOS.

I. Maramihang Pagpipili. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


( 2 puntos bawat aytem )
1. Makikita sa Genesis __:___ ng Bibliya kung paano lumaganap ang wika.
a. 11:1-9 b. 12:1-8 c. 11:1-8 d. 12:1-9
2. Ginuho ng Diyos ang tore, ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa.
a. Teoryang Dingdong c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tore ng Babel d. Teoryang Bowwow
3. Ang salitang unang nabigkas ng dalawang bata ayon sa Hari ng Ehipto?
a. leki b. pulo c. reno d. bekos
4. Ang wika ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
a. Teoryang Dingdong c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tore ng Babel d. Teoryang Bowwow
5. Hari ng Ehipto na nag-eksperimento sa dalawang bata.
a. Phrygean c. Pharaoh
b. Psammitichus d. Phammus
6. Ang isang tao ay napabulalas sa sakit ay maaring napapa-aray.
a. Teoryang Dingdong c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tore ng Babel d. Teoryang Bowwow
7. Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa.
a. Teoryang Dingdong c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tore ng Babel d. Teoryang Bowwow
8. May pinakamalaking angkan ng wika sa buong daigdig ayon kay Gleason.
a. Austro-Asiatic c. Afro-Asiatic
b. Malayo-Polinesian d. Indo-European
9. Pangalawang pinakamalaking angkan ng wika sa buong daigdig.
a. Austro-Asiatic c. Afro-Asiatic
b. Malayo-Polinesian d. Indo-European
10. Kumalat sa buong kapuluan sa Pasipiko at sa kanluran ng Madagascar.
a. Austro-Asiatic c. Afro-Asiatic
b. Malayo-Polinesian d. Indo-European
11. Ang wikang hindi kabilang sa angkang Malayo-Polinesian,
a. Malayalam c. Melanesian
b. Micronesian d. Polynesian
12. Pinaniniwalaang lingua franca sa Timog-Silangang Asya.
a. Alifbata c. Sumatra
b. Alibata d. Java
13. Isa sa mga nagpasimula ng pag-aaral ng angkang Malayo-Polinesian.
a. Ferdinand Blumentritt c. Cecilio Lopez
b. Jose Rizal d. Lope K. Santos
14. Ayon kina David at Healey (1962), nahahati sa tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa
kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo, maliban sa
a. Philippine Superstock c. Philippine Superstock
b. Southern Philippine Family d. Eastern Philippine Stock
15. Ang polyglot, kung hindi nagpakadalubhasa sa wika, ay hindi tinatawag na dalubwika o
linggwista.
a. Tama b. Mali c. Depende
16. Mga mambabarilang itinuturing na kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng
linggwistika.
a. Ebreo b. Hindu c. Latin d. Griyego
17. Sa mga wikang ito unang nagkaanyo ang linggwistika.
a. Griyego at Ebreo c. Latin at Ebreo
b. Griyego at Latin d. Hindi at Griyego
18. Sa kanilang sinulat ay mababakas natin ang kanilang halos walang katapusang pagtatalu-talo
tungkol sa simu-simula at kakanyahan ng wika.
a. Plato at Aristotle c. Plato at Socrates
b. Aristotle at Socrates b. Muller at Whitney
19. Ang kinilalang wika ng simbahan sa pagpasok ng Kalagitnaang Siglo.
a. Ebreo b. Hindu c. Latin d. Griyego
20. Kinikilalang orihinal na wikang ginagamit sa matandang Tipan.
a. Ebreo b. Hindu c. Latin d. Griyego
21. Siglo / panahon na nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang agham wika.
a. Kalagitnaang Siglo c. ika-19 na Siglo
b. Ika-18 na siglo d. Panahon ng Pagbabagong-Isip.
22. Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika.
a. Historikal c. Antropolohikal
b. Instruktural d. Sikolohikal
23. Disiplina sa linggwistika na nagbibigay-diin sa pagsusuri sa distribusyon at kayarian ng ponema
at morpema.
a. Historikal c. Antropolohikal
b. Instruktural d. Sikolohikal
24. Disipilina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula
sa iba’t ibang angkan.
a. Historikal c. Antropolohikal
b. Instruktural d. Sikolohikal
25. Ang international Phontic Alphabet (IPA) ay gumagamit ng hindi kukulangin sa ______
simbolo.
a. 200 b. 400 c. 600 d. 800
26. Ito’y tinatawag ding agham wika.
a. Surian ng Wika c. Panunuring Pangwika
b. Polyglot d. Linggwistika
27. Ang kauna-unahang Linggwistang Pilipino.
a. Ferdinand Blumentritt c. Cecilio Lopez
b. Jose Rizal d. Lope K. Santos
28. Pinabuti at pinayaman ni/nina _________________ ang “logical syntax.”
a. Muller at Whitney c. Noam Chomsky
b. Zellig Harris d. Jakobs at Rosenbaum
29. Disiplina sa linggwistika na nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo at ng gamit.
a. Historikal c. Antropolohikal
b. Instruktural d. Sikolohikal
30. Disiplina sa linggwistika na nagbibigay-diin sa pagtarok sa ‘sinasabi’ at ‘di-sinasabi’ ng
nagsasalita sa kanyang sariling wika.
a. Historikal c. Antropolohikal
b. Instruktural d. Sikolohikal

You might also like