You are on page 1of 3

FINAL EXAMINATION

KOMPAN

I. MARAMIHANG PAGPIPILIHAN. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.


Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng may tamang sagot. (15 puntos)

1.Bakit inerekomenda ang pagtatatag ng Akademya ng Tagalog?


A. Upang matuto ang mga sarhento at opisyal na mga Espanyol ng mga Katutubong Wika
B. Upang lumawak ang pagkakaunawaan ng mga Pilipino at mga Espanyol
C.Upang mas mapaunlad ang Wikang sinasalita ng mga Katutubo
D. Upang maging daan sap ag unlad ng bansa

2. Noong 1843, sino ang nagrekomenda sa pagtatag ng Akademya ng Tagalog?


A. Vicente Barrantes C. Carlos I
B. Juan de la Matta D. P. Blancas de San Juan

3. Ang mga sumusunod ay ang mga aklat na nailimbag sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol MALIBAN
sa;
A. Doctrina Cristiana C. Barlaan at Josaphat
B. Nuestra Señora Del Rosario D. Abecedario

4. Ano ang dahilan sa pagbura ng baybayin sa Pilipinas?


A. Sapagkat ito ay makakahadlang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Sapagkat ang Baybayin ay masyadong komplikadong pag aralan
C. Sapagkat nahihirapan ang mga Espanyol na basahin ang Baybayin
D. Sapagkat kaunti lamang ang taong marunong umunuwa ng Baybayin

5. Ilang titik ang bumubuo sa Abecedario?


A. 30 C. 35
B. 32 D. 28

6. Ilang titik ang bumubuo sa Alpabetong Filipino sa kasalukuyan?


A. 20 C. 26
B. 25 D. 28

7. Ang mga sumusunod ay ang- mga panahon na sumakop sa Pilipinas at nagbigay ng malaking pagbabago
sa kasaysayan ng wika. Alin dito ang nag alis ng Kurikulum sa paggamit ng Wikang Ingles?
A. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Hapon D. Panahon ng mga Tsinong nagbabarter

8. Ang mga sumusunod ay ang mga batas na nagsulong sa pagpapalawig ng wika na nagtakda ng ilang
repormang pang edukasyon, isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng publiko at
pribadong paaralan ng hayskul, kolehiyo, at unibersidad?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 C. Memorandum Sirkular Blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 D. Saligang Batas ng 1973

9. Alin sa mga sumusunod na mga taon sa paglalawig ng ating wika ang nag utos sa pagsasagawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng Pambansang Wika?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 C. Memorandum Sirkular Blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 D. Saligang Batas ng 1973

10. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan sa hindi pagsunod ng mga Espanyol sa utos ng hari na ituro ang
Wikang Espanyol bagkus sila ay nag aral ng Wikang Katutubo MALIBAN sa;
A. Ayaw nilang mahigitan ang kanilang talino ng mga katutubo
B. Natatakot sila na baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila
C.Nangangamba sila na baka magsumbong sa Hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang
ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.
D. Natatakot silang magkamali sa interpretasyon at pagpapaliwanag ng Doktrinang Kristiyanismo ang mga
pari.

11. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang tumutukoy sa Pseudo-anglicism?


A. Boreboru o volleyball C. Querida o minamahal
B. Portefeuille o wallet D. Bad trip

12. Ang pangalan ng lugar na ito hinango sa pangalan ng opisyal na nakaimpluwensya sa Pamahalaang
Sentral upang tuluyang paghiwalayin ang mga bayan ng Latag at Silang.
A. Carmona C. Baryo Bancal
B. Baryo Cabilang Baybay D. Baryo Maduya
13. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagsasaad na ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tingo sa pagkakaroon natin ng isang wikang pambansa?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
B. Artikulo XIV, Seksyon 3, ng Konstitusyon (1935)
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
D. Batas Komonwelt Blg. 570

14. Ito ay tumutukoy sa paggamit sa dalawang wika.


A. Bilingguwalismo C. Heuristiko
B. Multilingguwalismo D. Regulatori

15. Ito ay tumutukoy sa napakaraming ginagamit na wika.


A. Bilingguwalismo C. Heuristiko
B. Multilingguwalismo D. Regulatori

16. Alin sa mga sumusunod na teorya ng wika na hinango sa kuwento ng Tore ng Babel?
A. Teoryang Biblikal C. Teoryang Pooh-pooh
B. Teoryang Bow-wow D. Teoryang Yum-yum

17. Ito ay teorya na nagsimula sa paggagaya ng tao sa tunog ng kalikasan (onomatopoeia)


A. Teoryang Biblikal C. Teoryang Pooh-pooh
B. Teoryang Bow-wow D. Teoryang Yum-yum

18. Ito ay teorya ng wika na ginagamit sa pamamagitan ng pagkumpas o pagpapakita ng aksyon upang
ipahayag ang bagay na nais sabihin.
A. Teoryang Biblikal C. Teoryang Pooh-pooh
B. Teoryang Bow-wow D. Teoryang Yum-yum

19. Ito ay teorya na nagsasaad na nakabatay raw sa unang wika sa melodiya at tonong pag awit ng mga
sinaunang tao kagaya ng paghingi ng mga awit.
A. Teoryang Ta-ta C. Teoryang La-la
B. Teoryang Sing-Song D. Teoryang Ding-dong

20. Alin sa mga barayti ng wika na tumutukoy sa lokasyon at heograpiya.


A. Diyalekto B. Idyolek C. Sosyolek D. Register/Rehistro

II. TAMA O MALI


Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at M naman kung MALI.

21. Ang Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay ay ang huling teorya na tumutukoy sa pagmumula ng wika sa mga
ritwal, pagdarasal, pagtatanim, at iba pang gawain ng mga tao.
22. Ang sosyolek ang nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o pangkat ng mga tao.
23. Ang idyolek ang tawag sa barayti ng wika na bunga ng natamong edukasyon, trabaho, grupo, sosyo
ekonomiko, kaanak, kasarian atbp.
24. Ang pangalawang wika ay ang sinusong wika.
25. Ang unang wika ay natutuhan ng mga mag aaral o tao sa pagkaraang matutuhan ang kanilang unang
wika.
26. Ang inatrumental ay tumutugon sa pangangailangan at magpapahayag ito ng pakiusap, utos, at tanong.
27. Ang personal ay nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinsyon.
28. Ang Regulatori ay ginagamit sa paghahanap ng datos o impormasyon
29. Ang representatibo ay tumutukoy sa pagkontrol at paggabay sa asal at kilos ng tao.
30. Ang imahinasyon ay nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipabayag niya ang kanyang saloobin.

MATCHING TYPE
Panuto: Pagtapat-tapatin ang tamang sagot mula sa Hanay A at Hanay B.

Hanay A
31. Alibata
32. Aklat na sinulat ni P. Blancas de San Jose
33. Aklat na isinalin ni P. Antonio de Borja sa Tagalog
34. Aklat na sinulat ni P. Juan de Plasencia
35. Pangkat ng mga gurobg Amerikano
36. Diyalektong ginagamit araw-araw ng mga tao sa kanilang lugar
37. Pag aaral ng kasaysayan ng mga salita o pinagmulan
38. Mga salitang hiniram sa ibang wika na iba ang kahulugan kapag ginamit
39. Bad trip
40. Pagpapaikli ng salita

Hanay B
A. Barlaan at Josaphat
B. Doctrina Cristiana
C. Nuestra Señora del Rosario
D. Tinatawag na Baybayin
E. Etimolohiya
F. Bernakular
G. Pseudo-anglicism
H. Thomasites
I. Clipping
J. Pangyayaring di-mainam

You might also like