You are on page 1of 8

SIMU-SIMULA NG WIKA

Mga teorya ng pinagmulan ng wika

Maraming haka–haka tungkol sa pinagmulan ng


wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang
tao hindi pa rin maipaliwanag Kung saan, paano at
kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng
mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa
ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili paring hiwaga at misteryo.
• Teorya ng Tore ng Babel- Ayon sa (Genesis
Kabanata 11:1-8) sa Bibliya. Pinaniniwalaan na
iisa lamang ang wikang ginagamit ng lahat ng
mga tao kung kaya’t hindi sila nahihirapan sa
pakikipag-usap o pakikipagtalastasan sa isa’t
isa. Naghangad ang mga sinaunang tao na
higitan ang Diyos at nagnais na magtayo ng
isang Tore. Hindi nagtagumpay ang mga tao at
ang toreng kanilang itinayo ay pinabagsak ng
Diyos. At kaniyang iniba-iba ang wikang
ginagamit ng bawat isa upang hindi
magkaintindihan ang mga tao.
• Teoryang Bow-wow- Ayon naman sa
teoryang ito, sinasabi na natutong
magsalita ang mga tao sa panggagaya sa
mga tunog na likha o gawa ng kalikasan
at ng mga hayop.
• Teoryang Ding-dong- Ang teoryang Ding-
dong at teoryang bow-wow ay may
pagkakahawig sa isa’t isa. Kung sa
teoryang bow-wow ay tunog lamang sa
kalikasan at mga hayop , sa teoryang
ding-dong naman ay kasama na ang mga
bagay na ginawa ng mga tao.
• Teoryang Pooh-pooh- ayon naman sa
teoryang Pooh-pooh, sinasabing ang tao ang
siyang lumilikha ng tunog at siya rin ang
nagbibigay ng kahulugan. Natuto ang mga tao
sa pagsasalita at hindi sinasadyang
pagbulaslas ng bibig dahil sa labis na
nararamdaman o masidhing damdamin.
• Teoryang Ta-ta- Pinaniniwalaan ng
teoryang ito na natuto na ang mga tao sa
pakikipagkomunika sa bawat isa dahil sa
kumpas o galaw ng kanilang mga kamay
na di kalaunay ginaya ng kanilang dila at
naging sanhi ng kanilang pagkatuto na
lumikha ng tunog at hindi nagtagal ay
makapagsalita. Ang ta-ta ay nagmula sa
slitang pranses na nangangahulugang
paalam.
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay- Likas sa
mga primatibong tao ang mga ritwal.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay
nag-ugat sa mga tunog na kanilang
nalilikha sa mga ritwal na kalauna’y
nagpabago-bago at nagkaroon ng ibang
kahulugan.
MARAMING SALAMAT!

You might also like