You are on page 1of 1

Ang masayang pangyayare na naranasan ko sa aking buhay ay ‘yung bata pa ako.

Sapagkat,
nung mga bata pa tayo malaya pa nating magawa ang mga nais natin, walang iniintindi na
problema o ano pa man. Nang bata pa ako naranasan kong maglaro sa labas hanggang gabi, at
matuturing ko ‘yong isang masayang pangyayare, dahil hindi lahat ng mga bata ay nakaranas ng
ganoon dahil ang ibang magulang ay mga mahigpit sa kanilang anak. Bilang isang bata dapat lang
natin i-enjoy ang aking pagkabata dahil kapag lumaki na tayo hindi na natin ito mae-enjoy
sapagkat papasok na ang mga iisipin at problema. Marami akong nalaro nung bata ako at
binibilhan pa ako ng mga laruan, kahit sa simpleng laruan ang ibigay sa ‘kin sobrang tuwa o saya
ang madarama ko. Nakapaglaro ako ng Chinese Garter, Agawan Base, Patintero, Tumbang Preso,
at marami pang iba. Kaya habang hindi pa tayo masyadong matatanda, alalahanin ang mga
masasayang araw noong tayo ay mga bata pa.

Saliente, Jennieca Mae D.


10 – De Jesus / Filipino / April 01, 2022

You might also like