You are on page 1of 1

Saliente,Daniela Marie D.

Sanaysay at Talumpati
20-14894
BSED-Filipino

Paksa: Kahandaan sa Pagpapabalik ng F2F na klase

Balik-eskwela sa new normal


Handa na nga ba ang mga paaralan para sa F2F na klase? Base sa mga
balitang aking natunghayan may mga iilan ng paaralan sa iba’t-ibang
lungsod at probinsiya ang nagsimula na ng limitadong face to face na
klase.Sapagkat sila ay nakapaghanda ng Mabuti para sa magiging resulta at
para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral.Ngunit may mga ilang paaralan
din ang hindi pa handa sapagkat wala pa silang sapat na pondo pambili ng
mga kakailanganin ng mga guro at mga estudyante.Katulad na lamang ng
mga awtomatik na alcohol dispenser at temperature scanner sapagkat isa
ito sa pinaka kailangan sa paaralan lalu na’t may pandemya pa ngunit
maaari ng magkaroon ng F2F na klase.At base rin sa mga aking narinig
katulad na lamang dito sa pampublikong paaralan na kung saan nag-aaral
ang aking anak. Sabi ng isang guro ay sa susunod na taong panuruan sila
magsisimula ng limitadong klase sapagkat kung sila ay sasabay raw sa ibang
paaralan. Kulang pa raw talaga sila sa kahandaan kaya’t kailangan pa ng
ilang buwan upang mas maging Pulido at maayos ang lahat ng hakbang na
kanilang gagawin para sa isang ligtas na balik-eskwela.

You might also like