You are on page 1of 14

Mga Tungkulin at

Gampanin ng
Wika
Tungkulin ng Wika
1. Instrumental

Tumutugon ang wika upang


magsilbing instrumento sa tao upang
maisagawa o maisakatuparan ang
kanyang naisin.
2. Regulatori

Ito ang gamit ng wika na


kumokontrol o gumagabay sa kilos o
asal ng iba.
3. Interaksyonal

Gamit ng wika upang mapanatili


at mapatatag ang relasyon ng tao
sa kanyang kapwa.
4. Personal

 Nakakapagpahayag ng sariling
damdamin o opinion maging ito ay
sa anyo ng mga padamdam o sa
pamamagitan ng maingat na pagpili
ng salita. Maaari ding magkaroon ng
pagkukuyom sa sarili.
5. Imahinatibo

 Gamit ng wika na
nakakapagpahayag ng sariling
imahinasyon sa malikhaing paraan. Ito
ang pagkakataong gamit ng wika
upang aliwin ang sarili o ibang tao.
6. Hyuristik

 Gamit ng wika na kung saan ito ay


naghahanap ng mga impormasyon o
datos. Ito din ay kagamitan sa
pagkatuto ng mga kaalaman at pag-
unawa.
7. Representasyonal

 Gamit ng wika sa pagpaparating


ng kaalaman tungkol sa daigdig
tulad ng pag-uulat, pagpapahayag,
pagsasaysay at iba pa.
 Gampanin ng Wika
Ang wika ay nagtataglay ng
maraming kahalagahan sa
sangkatauhan. Marami itong
nagagawa sa pang-araw-araw na
interaksyon ng tao sa kapwa.
1. Impormatib

► ang wika ay impormatib kung


nagagawa nitong makapaglahad ng
impormasyon tungo sa tagatanggap
nito.
2. Ekspresib

 ang wika ay nagagawa nitong


makapagpahayag ng saloobin o
makapagpabago ng emosyon.
3. Direktib

 nagiging direktib ito kung hayagan o


di hayagan nitong napapakilos ang
isang tao upang isagawa ang isang
bagay.
4. Perpormatib

 ang perpormatib na gamit ng wika ay


higit pa sa pasalitang anyo ng
komunikasyon. Ito ay kinapapalooban
din ng kilos bilang pansuporta sa isang
pahayag.
5. Persweysib

 persweysib ang wika kapag


nagagawa nitong makahikayat ng tao
tungo sa isang paniniwala.

You might also like