You are on page 1of 7

ARALIN 2: KATANGIAN,

MANIFESTASYON, AT MGA
KOMPONENT NG KULTURA
2.1. KATANGIAN NG KULTURA

1. Natutunan (learned). Ang tao ay isinilang at inalagan ng mga magulang at kung paano siya
inaalagaan, pinakakain, dinadamitan, atbp. Ay isang proseso ng kulturang natutuhang nagsimula sa
pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya. Ang prosesong ito ay magpapatuloy sa
buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa kultura ng kanyang pamilya at sa ibang kultura.
May dalawang proseso ng pag-inter-ak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan; ang
enculturation at socialization. Ang enculturation ay isang proseso ng pagkuha ng mga katangian
ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Ang socialization naman ay ang
pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard ng kultura. Makikilala kung sino
ang may mga panlipunang tungkulin tulad ng ina/ama,asawa/bana, estudyante,kabataan, mga
titser,banker,policeman/military men,custodians, at iba pa.
Ang enculturation at socialization ang proseso na nagsisimula pa pagkaanak
ng isang titser, kapitbahay, at iba pang tao sa lipunan na kanyang nakahalubilo.
Ang mga tagapagturo niya ay maaring walang kamalayan sa prosesong
nangyayari ngunit makikitang nagbibigay sila ng pabuya sa mabubuti at
katanggap-tanggap na ugaling nakikita nila. Natututo ang tao kung paano
mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-obserba at pakisalamuha sa
kultura at lipunang kanyang kinagisnan
2. Ibinahagi (shared). Ang ibinahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang
pagkakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para mamuhay nang
maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na pakikisalamuha niya sa
kanyang kapwa.
3. Naadap (adapted). Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang
tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay nakatira sa isang
napakalamig, may snow, at yelong lugar.
4. Dinamiko (dynamic). Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na nagbabago. Tulad ng
wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon di namang hindi nagbabago o
mabagal ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng
buhok/gupit, atbp.
2.2. MANIFESTASYON NG KULTURA

Naipapakita ang kultura sa maraming paraan sa pamamagitan ng panlipunang institusyon, karanasan sa


pamumuhay, at katuparan ng indibidwal sa sikolohikal at beysik na pangangailangan niya. Sa araw-araw na
pamumuhay, nasisinag ang ilang manifestasyon ng kultura sa mga sumusunod.
1. Valyu. Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin. Ito’y naiimpluwensiyahan
ng prestige (kapangyarihan), istatus, garbo, katapatan sa pamilya, pag-ibig sa bayan, paniniwalang
panrelihiyon, at karangalan. Ang status symbol ay magkaiba sa iba’t ibang kultura.
2. Di-verbal na Komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay naglalarawan ng konteksto ng
kultura. Amg pakikipagkamay, pagsaludo, o paghalik sa bibig sa harapan ng maraming tao na walang
kiyeme ay nagpapakita ng pagkakaiba sa kultura. Ang kultura ay nadedetermina rin sa paraan ng paglakad,
pag-upo, pagkilos, at maging sa pagsayaw.
Gawain:

1. Instruksiyon: Makikilala mo ba siya? Ano ang di-verbal na larawan nila? Magbigay ng tig-isang
larawan at deskripsiyon ng larawan, at isulat ito sa katapat na salita sa bawat bilang.

1. Bakla 2. Mahirap 3. Edukado 4. Pulitiko

5. 6. 7. 8.
Manlolokong Sinungaling Mayaman
manliligaw Banyaga

9. Magnanakaw 10. Istriktong


/ Swindler
Titser
Salamat sa Pagbabasa! 

You might also like