You are on page 1of 3

Robles, Reena Theresa M.

2/27/17
Grade 9- Dalton Gng. Longasa
Script ng Noli Me Tangere
(kabanata 28-30)

Kabanata 28 (Mga Sulat):


Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga pamunuan ng bayan na
malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga
paring Franciscano ang namamahala sa marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga
kilalang mamamayang Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila. Nasasaad din sa balita ang
dalawang banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan sa kura sa
kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni Don Santiago delos Santos
upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso Verdolagas. Nabanggit din ang mga artistang gumanap sa
dula ang mga balitang artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez subalit dahil sila ay nagsasalita lamang ng
Espanyol, marami ang hindi nakaunawa sa kanilang mga sinasabi. Mas ginusto nila ang komedya sa Tagalog. Hindi
dumalo si Ibarra kaya nagtaka ang karamihan,
Idinaos ang prusisyon ng Birhen Dela Paz ng alas onse ng umaga, kinabukasan. Kasama rin ang mga
karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Pagkatapos ng prusisyon ay magkaroon ng misa kantada nay
orkestra at mga artistang umaawit. Ang nagbigay ng sermon ay si Pari Manuel Martin. Sumunod ang sayawan kung
saan hinangaan si Kapitan Tiyago. Si Maria Clara naman ay hinangaan sa nagniningning nitong brilyanteng ibinigay
ng kaniyang ama. Ang sulat ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ay pag-aanyaya para ito dumalo sa
pista at makapaglaro sa monte nina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Joaquin, Kabesang Manuel at ang
Konsul. Sinabi niya niya na nanalo si Carlos ang Intsik. Binanggit din niya ang hindi pagsipot ni Crisostomo Ibarra.
Si Crisostomo Ibarra naman ay tumanggap ng sulat na dala ni Andeng. Sulat na galling kay Maria Clara na
nagsasaad na ilang araw na silang hindi nagkikita at ipinagdarasal niya na gumaling ito sa sakit.Sinabi rin niya na
kinausap niya ang kaniyang ama para dalawin si Ibarra. Inanyayahan din ni Maria Clara na dalawin siya para
makadalo siya sa paglagay ng unang bato sa iskwela.
Robles, Reena Theresa M. 2/27/17
Grade 9- Dalton Gng. Longasa
Script ng Noli Me Tangere
Kabanata 29 (Ang Umaga):
Ginising ng malakas na tugtog ng mga banda ng musiko ang mga pagod at nahihimbing pang mga
taong-bayan. Pinatunog ang mga kampana at inumpisahan ang mga paputok. Muling nabuhay at
sumigla ang paligid. Nakabili na sila ng napakaraming kandila at dahil kumita nang Malaki ang mga
Tsino, ibig ng mga itong magpabinyag sa Katoliko bilang pasasalamat. Ngunit sabi naman ng iba na
gusto lamang ng mga ito na makapag-asawa. Nangatwiran naman ang mga babaing relihiyosa.
Mga babaeng relihiyosa: kung mangyari iyon, magpapatuloy ang himala dahil mga magiging asa-
asawa na nila ang kukumbinse sa kanilang magkatoliko.
Samantala, nagbihis ang taong bayan ng pinakamagara nilang kasuotan, saka inilabas ang kanilang
mga alahas.
Tenyente Mayor: Malungkot yata kayo kaysa dati. Marami ba kayong dapat iyakan kaya ayaw
niyong magsaya?
Pilosopo Tasyo Ang pagsasaya ay di paggawa ng kalokohan---tulad ng pagwawaldas ng salapi.Ah
naisip kong pagtatakip sa karaingan ng lahat ang paglulustay na ito, ang pagsusugal, ang pagsasaya.
Isiping ginagawa ito sa gitna ng kahirapan at pangangailangan!
Magbitiw ka!
Tenyente Mayor: Magbitiw? Oo.. kung ang posisyong ito ay isang karangalan at di isang pabigat!
Puno ng tao ang patyo ng simbahan. Bihis na bihis ang lahat mula bata hanggang pinakamatanda,
nagkakagulo, pumapasok at lumalabas sa masikip na pintuan ng simbahan.
Hermano mayor: mangumbida kayo sa mga taong nasa kalye, tulad ng mga nagbanggit sa
ebanghelyo.
Parang eksena ng pagkakagalit ang pag-iimbita dahil pinipilit ang mga tao na uminom ng kape,
tsokolate, tsaa o kayay kimain ng suman na minatamis at iba pa.
Idadaraos na ang misang tinatawag na misang Dalmatika, na ang mag mimisa ay si Padre Salvi.
Hermana ng V.O.T: Ginawa niya ang sakripisyong yan para makamit natin ang kalangitan at
magbalik loob tayo sa Diyos!
Hermana ng Santisismo Rosario: Pinarurusahan siya ng Virgen De La Paz!
Lumabas ang prosisyon ng ikawalot kalahati ng umaga. Tulad din ng kahapon ang ayos dito, luban sa
paglahok ng V.O.T. na binubuo ng matatandang lalaki at babae at dalagang matatanda ma
nakaabitong Pransiskano.
Nang makita ang pari, itinuwid ng bata ang maliliit nitong kamay, masayang tumawa at pautal na
sumigaw sa gitna ng katahimikan.
Robles, Reena Theresa M. 2/27/17
Bata: Papa! Papa! Papa!
Grade 9- Dalton Gng. Longasa
Script ng Noli Me Tangere
Kabanata 30 (Sa Simbahan):
Punong puno ang simbahan. Nagtutulakan, nagsisiksikan, dumaraing ang ilang pumapasok at
lumalabas. May hindi maabot ng kamay ang agua bendita; may natatapakan kaya umaangil,
nagmumura.
Dalaga: Benditado kung benditado, pero ang kulay naman
Pilosopo Tasyo: Dalawang daan at limampung piso para sa minsang sermon ng isang tao. Ikatlong
bahagi na iyon ng bayad sa lahat ng komedyanteng tatlong gabing magtatrabaho! Talagang
napakayaman na ninyo!
Maestro ng V.O.T.: Ano ang kinalaman nyan sa komedya? Nakabubulid ng kaluluwa sa impyerno
ang komedya; ang sermon ay nakapag-aakyat ng kaluluwa sa langit. Kahit magbayad kami ng isang
libo sa sermon, magpapasalamat pa kami!
Pilosopo Tasyo: May katwiran kayo.mas nakalilibang ang sermon kaysa komedya.
Kasapi: Para sa akin, kahit komedyay di nakalilibang! R=tama ka! Hindi mo naman naiintindihan
ang pagkakaiba ng komedya at sermon!
Lumayo na si Pilosopo Tasyong pinabayaan lamang na syay laitin at sabihang may malubhang
mangyayari sa kanya.
Nagsisigawan at nag-iiyakan ang nga batang pinalalabas ng mga sacristan. Pinag-isip nito ang
maestro ng samahang Santisismo Rosario.
Maestro: Bayaang lumapit sa akin ang mga bata, sabi ni Hesukristo. Pero ang ib9g sabihin, wag
umiyak ang bata.
Hermana puti: Makinig ka. Maririnig mo ang sermon na pang-Biyernes santo!
Dumating din sa wakas ang alkalde mayor.
Magsasaka: Aba! Isang guwardya sibil na nakasuot ng komedyante!
Siniko ito ng katabi
----: Tanga! Si Prinsipe Villardo yan na napanood natin kagabi sa teatro.
Nagsimula ang misa.
Kapitan Tiago: Bawat isa sa mga kura namin ay kahanga-hanga kaysa lahat ng mga emperador.
Nagising naman ang naghihilik na si Hermana Puti at binatukan ang apo nang makitang natutulog din
ito. Maya-mayay nalibang ito nang makakita ng babaing dadaguk-dagukan ang dibdib dahil sa
tindi ng pananalig. Dumaan si Padre Damaso sa gitna ng mga tao.
Padre Damaso: Sige, kapatid. Buksan mo na ang kwaderno!

You might also like