You are on page 1of 14

Rufino G. Palabrica Sr.

National High School

Departmento ng Senior High School

San Matias, Dingle, Iloilo

Kahulugan at Katangian
ng Wika
Pag-isipan Mo.!
Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay
nasa isang daigdig na napakatahimik. Maraming
tao ngunit walang nagsasalita. Nakita mo ang
pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo
nang hindi nakikita. Gusto mo siyang makausap
ngunit walang salitang namumutawi sa iyong
bibig. Madami kang gustong sabihin sa kanya
ngunit hindi mo masabi.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


Sagutin ang mga sumusunod;
1.Ano ang naramdaman mo nang napunta ka sa isang
tahimik na daigdig?
2. Ano naman ang iyong naging reaksyon nang makita
mo ang pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo
ng hindi nakikita?
3. Ano ang pakiramdam ng isang taong may gustong
sabihin ngunit walang paraan upang sabihin ang
kanyang saloobin?
Diyan pumapasok ang kahalagahan ng WIKA.
Ngunit ano nga ba ang wika? Halina’t tunghayan natin
sa susunod na slide.
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Ano nga ba ang WIKA?

 Ayon kay Lumbera (2007), parang hininga


ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay
nariyan ito.
 Ayon naman kay J.V. Stalin, ang wika ay isang
midyum at isang instrumento na nakatutulong
sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at
pag-uunawaan ng mga tao.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


Ano nga ba ang WIKA?

 Ayon naman kay Henry Gleason, isang


dalubwika. Ang wika ay masistemang balangkas
na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo, na ginagamit sa
komunikasyon ng tao na kabilang sa isang
kultura.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


Ang pagpapakahulugan ni Henry Gleason sa
wika ay ang itinuturing na unibersal na
kahulugan ng wika. Nakapaloob sa kanyang
pagpapakahulugan ang bawat katangian ng
wika na nananaig sa daigdig.
Tunghayan natin sa susunod na slide ang
bawat katangian ng wika na ibinigay ni Henry
Gleason.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA

Masistemang Balangkas
~ lahat ng wika ay may sinusunod na
kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.

Tunog Salita Balarila Kahulugan

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA

Sinasalitang Tunog
~Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang
mga komponent ng bibig. Ang nalilikhang tunog
sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o
makabuluhang tunog.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA

Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitrayo


~ Ang wika ay nabubuo batay sa
napagkasunduang termino ng mga tao sa isang
komunidad. Bawat lipunan ay maaring makabuo ng
salita o wika batay sa kanilang napagkasunduan.
Hal.
Tagalog Ingles Kapampangan Itlog
Egg Ebun
Mantika Oil Taba

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA
Kabuhol ng Kultura
~ Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa
taong gumagamit nito na kabilang sa isang
lipunang may umiiral na kultura.
Hindi ba kayo nagtataka kungt bakit ang
salitang Ingles na rice ay maraming katumbas sa
Wikang Filipino?
Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit limitado
lamang ang panumbas ng Wikang Filipino sa
salitang Ingles na snow?
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
KATANGIAN NG WIKA

Ginagamit sa Komunikasyon
~ Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na
paggamit dito ng tao sa komunikasyon.

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA

Nagbabago
~ Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago
nito sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang
pagbabago ng wika sa taong gumagamit at
kulturang nabubuo sa lipunan.
Ano na nga ba ang mga trending na salitang
ngayon? Instagram? Chat? O Selfie?

Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika


KATANGIAN NG WIKA

Natatangi
~ Bawat wika ay may kanya-kanyang
katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang
wikang parehong-pareho.
May kakayahan ang Wikang Filipino na
gawing pandiwa ang mga pangngalan.
Halimbawa ang salitang damit na pwedeng
maging damitan na isang pandiwa. Ito ay
tinatawag na Verbalizing Power.
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika
Modyul 1: Kahulugan at Katangian ng Wika

You might also like