You are on page 1of 21

INTRODUKSIYON SA

PAG - AARAL NG WIKA


DEPINSYON AT KATANGIAN
NG WIKA
KAALAMAN KO IBABAHAGI
KO!
•Ano ang para saiyo ang Wika?
•Bakit mahalaga ang wika?
•Ano sa palagay mo ang mangyayari sa
mundo kung walang wikang ginagamit
ang tao?
DEPINISYON NG WIKA
• Mula sa kanyang artikulong
“Language, Thought and
Reality”,inihayag niyang ang
wika ang humuhubog kung paano
tayo mag-isip at siyang
nagdedetermina kung ano ang
kaya nating isipin
BEJAMIN LEE WHORF
DEPINISYON NG WIKA

• Ang wika ay isang kolektibo at


hindi konsyus na sining at resulta
ng pagkamalikhain ng sanlibong
henerasyon

EDWARD SAPIR
DEPINISYON NG WIKA

• Ang wika ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang
magamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon
HENRY GLEASON
DEPINISYON NG WIKA

• Maihahambing ang wika sa isang


papel: ang kaisipan ang nasa harap at
ang tunog ang nasa likuran; hindi
nagagawang gupitin ang harap nang
hindi nagugupit ang likuran; ganoon
din ang wika, hindi maipaghihiwalay
ang kaisipan mula sa tunog
FERDINAND DE SAUSSURE
DEPINISYON NG WIKA

• Ang wika ay isang maituturing


na behikulo ng pagpapahayag ng
nararamdaman, isang
instrumento din ng pagtago at
pagsiwalat ng katotohonan.

DR PAMELACONSTANTINO
KATANGIAN NG WIKA
ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS

• Lahat ng wika sa mundo ay mayroong set ng mga


tuntuning sinusunod. Simula sa paglikha ng tunog,
salita at pangungusap. Sa larangan ng
linggwistika, ang sayantipikong pag-aaral sa
makabuluhang tunog ngbawat wika at tinatawag
na ponolohiya.
ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS

• Tinatawag namang morpolohiya ang


sayantipikong pag-aaral sa mga salita ng wika.
Sintaksis naman ang tawag sa sistema ng pagbuo
ng pangungusap. Bawat wika ay mayroong
natatanging sistemang sinusunod na hindi
matatagpuan sa iba.
ANG WIKA AY PINIPILI AT
ISINASAAYOS

• Sa bawat pagsasalita ng tao, pinipili niya ang mga


angkop na salitang bibigkasin sa paraang mauunawaan
ng kausap ang buong mensaheng nais na iparating.I
sinasaayos din ang mga pahayag batay sa gramatikal.
Pinipili rin ang angkop sa sasabihin batay sa sitwasyon
at kausap.
ANG WIKA AY NAG
BABAGO
• Kasabay ng pagbabago ng buhay ng tao sa bawat
araw,sabay ding nagbabago ang wika. Ito ang
dahilan kung bakit mayroong mga salitang
nawawala, nadadaragdag,at napapalitan batay sa
bawat yugto ng pagbabago ng panahon. Subalit ang
pagbabago ng wika ay nangangahulugang buhay ito
at hindi mamamatay.
ANG WIKA AY GINAGAMIT
• Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipamuhay ng mga tao sa loob ng isang lipunan.
Hindi gagalaw o tatakbo ang lipunan kung walang
wikang magagamit sa komunikasyon ng bawat
miyembro. Wika ang dahilan kung bakit naging sibilisado
ang lipunan mula sa primitibo tungo sa modernisado at
teknolohikal na lipunan sa kasulukuyan.
ANG WIKA AY NAKA
BATAY SA KULTURA
• Sa sinasabing ang wika ay kakambal ng kultura. Ang
dalawa ay mga aspetong bumubuo sa isang lipunan.
Kung kaya, ang wika ay representasyon ng kultura ng
lipunang siyang taggamit nito. Ang kurunungan at
yaman ng kultura ay naipapakita sa pamamagitan ng
wika
KARAGDAGANG
DEPENISYON NG WIKA
DEPINISYON NG WIKA
• Ang wika ay makapangyarihan
sapagkat ito ay maaring makasakit at
makapagpataas ng moral ng isang tao.
Maaring mabago ang isang ugali at
kilos ng tao depende sa kung anong
wika ang kanilang maririnig o
gagamitin sa pakikipagkomunikasyon.

MANMAR ABREGUNDA
UNANG
MAIKLING GAWAIN
KATANGIAN NG
WIKA
DEPINISYON
NG WIKA

You might also like