You are on page 1of 1

Mikaella Aubrey N.

Aclan PPSIITP(Activity) TEKSTONG PROSIDYURAL

11-Stem C (St. Lorenzo Ruiz) March 09,2023

Upang makaipon ako sa paparating na bakasyon namin ng aking mga kaklase gagawa ako ng planong
sistematiko at metodoholokal na proseso para sa aking pag-iipon. At ito ang mga proseso.

1. Sa isang linggo, tatlong beses lamang ang aking pasok kaya naman nagkakahalagang P300 ang
aking pera sa isang linggo. P100 sa Lunes, P100 sa Martes, P100 sa Miyerkules.

2. Mahal na ang bilihin sa canteen ng paaralan kaya magbabaon na lamang ako ng baong pagkain ,
tinapay, at tubig. Dito ay makakatipid ako .

3. Hahatiin ko ang aking pera sa kalahati, itatabi ko ang kalahati para sa pamasahe na P50 ngunit
kung minsan naman ay hinahatid at sinusundo ako. Ang kalahati naman ay P20 para sa extrang
pera ko at ang natirang P30 naman ay para sa pag-iipon ko sa bakasyon kasama ang aking mga
kaklase.

4. Upang mas maging epektibo ang aking pag-iipon bibigyan ko ng kontrol ang aking sarili sa mga
bilihin. Iiwasan ko ang pagbili ng mga bagay na hindi naman kaialangan at gusto lamang.

5. Isa pa sa magiging plano ko ay ang pag-iwan ng pera ko na iniipon para sa bakasyon namin sa
bahay agad pagkabigay sakin upang hindi ko na magastos pa.

You might also like