You are on page 1of 2

1.

Batay sa aking pagkakatanda at sa mga naging talakayan ay may apat na


pinaniwalaang teorya sa pagtamo ng pagkatuto ng wika sa isang tao na nakabatay sa
pag-aaral ni Castillo et.al,2008 dahil sa pagtuturo ng wika ay kailangan magkaroon ng
isang basehan upang mapaigting at mapalawig ang pagkatuto ng isang estudayante na
upang gabayan sila sa kanilang pagtamo sa pakatuto ng wika.

Ang unang kakanyahan ay ang Behaviorist na Teorya na sinabi nga ni Skinner


na kailangang alagaan ang isang intelekwal sa pamamagitan sa mga sumusunod na
Gawain na tulad na lamang pagbibigay sigla sa mga Gawain na may katuturan sa
pagkakatuto ng mga mag-aaral at pagbibigay ng kaaya-ayang motibasyon sa isang
klase upang ganap ang pagkuha ng isang makabuluhang pagkatuto at bigyan din ng
tamang direksyon ang bawat estudyante upang sa ganon ay mayroon ganap na
pagkatuto sa isang paksa.Dagdag pa, Castillo,et.all( 2008) na ng wika ay natatamo
lamang sa pamamagitan ng panggagaya at pagkokondisyon .Sapagkat ang mga bata
ay isinilang na may kanya-kanyang kakayahan sa pagkatuto na maaring mahubog sa
pamamagitan ng interaksyon sa kanyang paligid na ginagalawan dahil ang kanilang
kakayahan ay mapapayaman at mapanatili sa mga taong kanyang naging kasangkot sa
pang-araw-araw na pakikisalamuha bagkus ang bawat bata ay may kakayahang
makagaya ng tunog at napapatibay ito sa pamamagitan ng pagganyak sa klase.

Ang ikalawang kakanyahan ay ang Innative na Teorya na nakabatay na may


paniniwala na lahay ng ipinanganak na bata ay may likas na pagkatuto ng wika at ito ay
napatunay ni Chomsky na kailangang magkaroon ng isang interaksyon sa kanyang
paligid upang mabuo ang sosyo-kultural na kapaligiran. Ang teoryang ito din likas na
nililinang ng isang bata kung nagkakaroon lamang ng interaksyon sa pagitan ng
kanyang paligid o mga taong kanyang nasasalamuha at ito ay naptunayan sa pag-aaral
na ginawa ni Galasco,Joseph,1998 na ang pagkakaroon ng Language Acquisition
Device.

Ang kognitibong teorya ay isang persepyon ukol sa isang pagbabagong wika na


kung saan ang mga estudyante ay kailangan mag-isip at gumawa ng bagay na may
katiwasayan na tumanggap ng bagong kaalaman at maiugnay sa totoong
pangungusap.Ang kamalian ay isang tanda ng pagkatuto at iwawasto ito upang ganap
na maging tama na ayon kay Page et.al,1979

Ang ikaapat na ay Makataong Teorya na kung saan nagbibigyang-kahalagahan


ang salik ng emosyunal at pandamdamin dahil ang bawat guro ay may tungkulin na
lumikha ng mga kaayang-ayang silid-aralan at isang klaseng walang halong pananakit o
pananakot dahil sa ganitong paraan naging magaan ang maging pakiramdam ng bawat
estudyante sa loob ng silid-aralan upang sag anon ay magkaroon ng bagong kaalaman
sa kanilang pagkatuto.Kailangan maging maganda ang emosyon ng bawat guro upang
ang lahat ng mga estudyante ay makakakuha ng isang makabuluhang kaalaman sa
kanilang pagatuto mula sa mga paksang natalakay.Dagdag pa,kailangan magkaroon
din ng isang may damdamin na pagtuturo upang maramdaman din ng guro ang
nararamdam ng bawat estudyante habang siya ay nagtuturo na pinalawig ang
pagkalalahad nito batay kay Castillo et.al.2008. na pinatunyan din sa pananalikisk na
ginawa ni Liwanag,Lyndia na batay sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika ( una at
ikalawang wika),2017
Kung ang apat na ito ay matatamo sa pagtuturo ng wika ang lahat ng mga
estudayante ay magiging bihasa ang pang-araw-araw nilang pakikisalamuha at
paggamit ng wika na nakabatay sa mga teorya.

You might also like