You are on page 1of 3

GUARDIAN ANGEL ACADEMY Page 1

St. Jude st. Marvi Hills Subd. San Mateo Rizal


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
NAME:_________________________________________________DATE_________________________
I.Piliin ang Titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

________1. Naipapahayag ang mga nararamdaman, pangitain, opinyon at pagkatao ng isang indibidwal.
a. imahinatibo b. impormatibo c. pansarili d. instrumental
________2. Sa mga kwento , dula, nobela, tula, awit at iba pang mga akdang pampanitikan ay nagagamit nang husto ang wika.
a. imahinatibo b. impormatibo c. pansarili d. instrumental
________3. Binibigkas ito nang marahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan, hindi ginagamitan ng
tuldik maaari itong magtapos sa patinig o katinig.
a. maragsa b. malumi c. malumay d. mabilis
________4. Binibigkas ito tulad nang malumay ang ipinagkaiba lamang may impit sa dulo ang mga salitang malumi
lagi itong magtatapos sa patinig gumagamit ito ng tuldik na pahilis.
a. maragsa b. malumi c. malumay d. mabilis
________5. _______ay isang uri ng maikling tula na nagmula sa kulturang hapon,binubuo ito ng 5,7,5 na taludtod.
a. sonnet b. haiku c. tanaga d.korido
________6. Pahayag na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino.
a. sawikain b. salawikain c. bugtong d. kasabihan
________7. Hindi ito gumagamit ng talinghaga. nagtataglay din ito ng aral sa buhay.
a. sawikain b. salawikain c. bugtong d. kasabihan
________8. Si Samuel, ang bugtong na anak ng mag-asawang sina Aling Charisma at Mang Noel.
a. panganay b. kaisa-isa c. kahuli-hulihan d. panggitna
________9. Dapat na maging masipag at matatag ang haligi ng tahanan para sa buong pamilya.
a. lolo b. ama c. tiyo d. kuya
________10. Handa na si Samuel na pangalagaan ang kanilang pugad ng pagmamahalan.
a. bahay b. bakuran c. tahanan d. kahoy
________11. Itinakda na ang araw ng paglagay sa tahimik nina Samuel at Ruth.
a. pagsumpa b. kasal c. pagmamahal d. pagsasama
________12. Naging matapat si Samuel sa paghingi ng kamay ni Ruth.
a. tuluyang pamamaalam b. paglalahad ng intension c.pagpapaalam ng magpapakasal
________13. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian.
a. magkatulad b. magkaiba c. pasahol d. palamang
________14. Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
a. magkatulad b. magkaiba c. pasahol d. palamang
________15. _______kung ang inihahambing ay may mas maliit o mas mababang katangian.
a. magkatulad b. magkaiba c. palamang d. pasahol
________16. Ito naman ay ginagamit kung ang ikinukumpara ay may mas mataas o nakahihigit na katangian.
a. magkatulad b. magkaiba c. pasahol d. palamang
________17. _______ito ay bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino, nagpapamalas ito ng talas at tayog ng
kaisipan ng ating ninuno.
a. kwentong bayan b. karunungang bayan c. kawikaan d. bugtong
________18. Pahayag na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino, kadalasang nagtataglay ito ng sukat at tugma.
a. bugtong b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
________19. Isang uri ng awiting bayan na Awit para sa Pag-ibig.
a. kundiman b.kumintang c. talindaw d. oyayi
________20. Isang uri ng awiting bayan na awit Pandigma.
a. oyayi b.kumintang c. kundiman d. talindaw
________21. Isang uri ng maikling tula na nagmula sa kulturang hapon at naging bahagi ng panitikang pilipino.
a. tanaga b. sonnet c. korido d. haiku
________22. Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng apat na taludtod.
a. tanaga b. sonnet c. korido d. haiku
________23. Sagutin ang bugtong: Isang Balong malalim, punong-puno ng patalim.
a. basket b. bibig c. baul d. cabinet
________24. Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na kailan. naglalahad ng panahon nang maganap ang kilos.
a. panlunan b. lugar c. pamanahon d. layon
________25. Ito ay nakabilang sa mga katutubong panitikang nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
a. tula b.dula c. maikling kwento d. alamat
________26. Maingay ang paligid, sarisaring paninda ang iniaalok ng mga tindera. hinahanap ko ang bahaging
nagbebenta ng mga sariwang gulay Ako ay nasa____________.
a. simbahan b. ospital c. palengke d. parke
Page2
________27. Napansin ni Kristine na nakaluhod ang mga tao. Taimtim silang nagdarasal maraming kandilang
nakatulos mula sa mga deboto. posibleng si Kristine ay nasa__________.
a. simbahan b. ospital c. palengke d. parke
________28. Publikasyong inililimbag sa mga tiyak na panahon o regular na pagitan.
a. authentic data b. sangunian c. peryodikal d. scrapbook
________29. album ng mga clipping, tala at larawang maaaring pagsama-samahin batay sa paksa.
a. authentic data b. sangunian c. peryodikal d. scrapbook
________30. Tumutukoy ito sa mga pinagmulan ng mga impormasyon at datos.
a. authentic data b. sangunian c. peryodikal d. scrapbook
________31. Listahan ng mga akda na may panahon at lugar ng pagpapalimbag.
a. authentic data b. sangunian c. peryodikal d. scrapbook
________32. Ginagamit ito sa pag-uugnay-ugnay ng mga katwiran o ideyang inilalahad at nagpapakita ito ng
pagkakasunod-sunod,at gumagamit ng mga salitang tulad ng una sa lahat/una, ikalawa kahuli-hulihan at
iba pang kauri nito.
a. pang-ugnay pamanahon b. pang-ugnay panserye c. pang-ugnay nagpapatuloy
________33. Nagpapakita ito na ang isang ideya ay karugtong ng isa pang ideya. ginagamit dito ang mga salitang
tulad ng at, dagdag/karagdagan dito, at iba pang kauri nito.
a. pang-ugnay pamanahon b. pang-ugnay panserye c. pang-ugnay nagpapatuloy
________34. Pati wikang minana moy busabos ng ibang wika. ibigay ang kahulugan.
a. naging katatawanan na lamang ang sariling wika. c. wikang dayuhan ang mas pinahahalgahan kaysa sa sariling wika.
b. hindi na gingamit ng mga mamamayan ang sariling wik d. iisang wika lamang ang ginamit ng mga dayuhan
________35.tumataghoy, kung paslangin;tumatangis kung nakawan! ibigay ang kahulugan.
a. kusang loob na sumasang ayon sa mga pang-aabuso c. umiiyak na lamang habang tinatapakan ang karapatan.
b. tumatahimik na lamang habang sya ay inaapi. d. Lumuluha ng di mo napapansin.
________36. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ,hindi makakarating sa pinaroonan.
a. mag-ingat b. utang na loob c. pasasalamat d. pag-ibig
________37. Isang uri ng panitikan na naglalahad ng buhay at pakikipagsapalaran at pakikipagtungali ng isang
tauhan at pagpapakita ng kabayanihan.
a. maikling kwento b.tula c. nobela d. epiko
________38. Tulang nagpaparangal sa Maykapal.
a. Dalit b. Duplo c. Dula d. Banghay
________39. Matalinhagang mga pariralang may sukat at tugma na nangangailangan ng medaling kasagutan.
a. Banghay b. Moro-moro c. Bulong d. Bugtong
________40. Ayon sa kanya ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang wika.
a. Webster b. Azarias c. Long d. Nicasio
_________41. Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa ibat-ibang bagay sa daigdig.
a. Webster b. Azarias c. Long d. Nicasio
_________42. Ang panitikan ay ang nasususlat sa tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
a. Webster b. Azarias c. Long d. Nicasio
_________43. Sina malakas at maganda ay malaon nang naiidlip sa loob ng puno ng kawayan bago sila napalaya
ng dakilang ibon. a. naiwang walang malay c. matagal nang natutulog
b. natagpuang nananaginip d. Malalgkit na lupa
_________44. binato ng kalangitan ang karagatan ng kimpal-kimpal na lupa.
a. Hiwa-hiwalay na lupa c. Malalambot na lupa
b. Buo-buong lupa d. Malalagkit na lupa
_________45. Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang
kapanahunan at pagbabalik ni Odysseus.
a. El cid b. Koran c. Bibliya d. illiad and Odyssey
_________46. Ito ang itinuturing na pinakamahabang tula sa Daigdig.
a. Divine Comedy b. Mahabharata c. Koran d. Bibliya
_________47. Akda ni Dante Aleghieri na mula sa Italy.
a. Divine Comedy b. Mahabharata c. Koran d. Bibliya
_________48. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.
a. Romantisismo b. Realismo c. Pormalistiko d. Queer
_________49. Ipakita ang mga karanasan, ang nasaksihan ng may-akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.
a. Romantisismo b. Realismo c. Pormalistiko d. Queer
_________50. Ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.
a. Eksistensyalismo b. Moralistiko c. Markismo d. Pormalistiko

Ingles ang itinanim sa utak, ngunit Filipino ang nasa puso.


Sagutan at pag-isipang mabuti :D

You might also like