You are on page 1of 5

FILIPINO 3

Pangalan:__________________________Baitang at Antas:_______________Iskor:_____
Paaralan:______________________________________Guro:_________________________

UNANG MARKAHAN
WORKSHEET BLG. 1

PAGSASANAY 1
PANUTO: Bilugan ang magagalang na salitang ginamit ng mga tauhan sa
kwentong babasahin.
Ang Magalang na Magkapatid
Ika-7 pa lamang ng umaga ay handa nang pumasok sa paaralan ang
magkapatid na Allan at Anabelle. Nagpaalam na sina Allan at Anabelle sa
kanilang Tatay at Nanay.
“Nanay, Tatay, aalis na po kami.”
“O, sige. Mag-ingat kayo sa daan.”
“Opo.”
“Nanay, maaari po bang makapagdala kami ng lumang dyaryo?
Ibebenta po namin ito upang ibili ng mga binhing
pananim sa aming hardin,”
“oo, kumuha na kayo.”
Sa daan, nakasabay nila ang guro sa kanilang paaralan. Binati nila ito.
“Magandang umaga po, Bb. Pineda.”
“Magandang umaga naman sa inyo.”
Nagpunta sina Allan at Anabelle sa kani-kanilang silid-aralan. May mga
gurong nag-uusap sa may pintuan ng silid-aralan ni Allan.
“Makikiraan po.”
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Siyang pagdating ng isang magulang ng kanilang kamag-aaral. Kilala ni
Allan ang dumating.
“Nariyan ba si Gng. Almario, Allan?”
“Wala po si Gng. Almario. Tuloy po kayo. Maupo po muna kayo.”
“Salamat, Allan.
“Wala pong anuman.”
Hindi nagtagal at dumating si Gng. Almari.
Sagutin:
1. Sino ang magalang na magkapatid?
A. Ben at Betty B. Carl at Cita C. Allan at Anabelle
2. Ano ang sinabi ng magkapatid ng sila ay aalis na upang pumasok na sa
paaralan?
A. Aalis na po kami, Nanay…Tatay.
B. Iwan na namin kayo,Tatay..Nanay.
C. Sige na Tatay at Nanay,alis na kami.
3. Nang masalubong nila ang kanilang guro,ano ang sinabi nila?
A. “Paalam po,Bb.Pineda.”
B. “Magandang gabi po,Bb.Pineda.”
C. “Magandang umaga po, Bb. Pineda.”
4. Paano tinanggap ng magkapatid ang magulang na naghahanap sa
kanilang guro ?
A. Pinababalik na lang nila.
B. Pinatuloy nila at pinaupo muna.
C. Pinatayo nila sa labas ng silid-aralan.
5. Bakit nasabing sila ay magalang na magkapatid?
A. Hindi sila kumikibo kapag kinakausap.
B. Pabalang silang makipagusap sa nakatatanda.
C. Gumagamit sila ng magagalang na pananalita sa
pakikipag-usap.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat sa patlang ang letra ng magalang na salitang angkop sa
sitwasyon.

1. Pinahiram si Alphy ng aklat ng kanyang kaklase. Ano ang dapat sabihin ni


Alphy?
A. Salamat.
B. Salamat po.
C. Akin na iyan!
2. Binigyan ka ng baon ng nanay mo. Anong magalang na salita ang dapat
sabihin mo?
A. Salamat.
B. Salamat po.
C. Dagdagan mo pa.
3. Bumisita si Shiela sa bahay ng kaibigan niyang si Gracey. Ang ate ng kaibigan
mo ng nagbukas sayo ng pintuan. Paano ipakikilala ni Shiela ang kanyang
sarili?
A. Ako si Sheila. Nasaan si Gracey?
B. Ako po si Shiela, kaibigan ni Gracey.
C. Nasaan si Gracey? Palabasin mo siya.
4. “Magandang umaga, mga bata,” bati ni Gng. Flora sa klase niya. Ano ang
magalang na sagot dito?
A. Magandang umaga.
B. Magandang hapon din po sayo Gng. Flora
C. Magandang umaga rin po sayo Gng. Flora
5. Nabasag mo ang baso ng nanay mo ng hindi sinasadya. Ano ang sasabihin
mo?
A. Nanay nabasag ang baso.
B. Pasensya na po nanay, hindi ko sinasadya.
C. Itatago na lang at hindi sasabihin sa nanay.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
PAGSASANAY 3
PANUTO: Basahin ang nasa Hanay A at piliin sa Hanay B ang magalang na
salitang angkop sa sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa gulit na
nakalaan.

HANAY A HANAY B

1. Pagpapakilala ng sarili sa A. Makikiraan po.


di mo kilalang bisita ng
magulang mo
______
2. Pangungumusta sa lolo at B. Patawad, hindi ko sinasadya.
lola
______
3. Isang hapon, C. Ako po si Jastin, panganay na
nakasalubong mo ng iyong anak sa tatlong
guro sa labas ng pamilihan magkakapatid.
______
4. Hindi mo sinasadyang D. Kamusta po kayo lolo at lola?
naapakan ang paa ng Sana po ay nasa mabuti
iyong kaklase kayong kalagayan.
______
5. Dadaan ka sa gitna ng E. Magandang hapon po, Bb.
dalawang taong nag- Jarligo.
uusap
_____

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang letra ng magalang na salitang angkop sa sitwasyon.


1. Gusto mong lumabas ng kuwarto , ngunit nasa pinto ang iyong nanay at tita
na nag-uusap. Ano ang sasabihin mo?
A. Tumabi kayo!
B. Makikiraang po!
C. Wag kayong haharangharang sa daan!
2. Tinulungan ka ng iyong kaibigan na pulutin ang mga nahulog mong gamit.
Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Salamat.
B. Wag kang makialam.
C. Wag mong hawakan ang mga gamit ko!
3. May lakad kayong magkakaibigan, paano ka magpapaalam sa mga
magulang mo?
A. Aalis muna ako.
B. Sasama ako sa mga kaibigan ko,aalis kami.
C. Nanay, tatay, maari po ba akong sumama sa mga kaibigan ko?
4. Nabali mo ng hindi sinasadya ang krayola ng iyong kaklase. Paano mo ito
sasabihin sa kanya?
A. Hindi mo sasabihin.
B. O ayan, sayo na ulit yan.
C. Pasensya na, hindi ko sinasadya.
5. Kailangan mong pumunta sa palikuran, ngunit kayo ay nasa kalagitnaan ng
pagkaklase. Paano ka magpapalam sa iyong guro?
A. Tatakas ng walang paalam.
B. Gagapang palabas ng aming silid-aralan.
C. Maaari po ba akong pumunta sa palikuran?

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like