You are on page 1of 16

Ang 

katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad


ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa
ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-
verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong
nakasaksi nito.
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang
tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na
mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon,
maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:
Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni,
mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa
sa…
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-
unti ng nababawasan ang mga out-of school
youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng


mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang
turismo ng ating bansa.
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng
isang tao na may takot sa Diyos.
Isulat ang K kung ang pangungusap ay Katotohanan at
O naman kung opinion.

1.Sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas.


2.Laging may pasalubong ang ama kapag umuwi sa
tahanan.
3.Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa ating
bansa
4.Ang maranhyang pagdiriwang ng pista ay magastos.
5.Nagdarasal muna ang mga rebeldeng Pilipino bago
lumaban sa mga Espanyol.
Ang Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang
isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng
sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ng usok. Pangunahing ginagawa
ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil
sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng
mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng rituwal, upang
hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang
sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon,
at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin
mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng
kamay.
 1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin
ang sunog.
 2. May mga taong ang gawain ay magsilbi ng kapwa.

 3. Walang magsasakang yumayaman.

 4. Ang basurero ang humahakot ng ating mga basura.

 5. Hindi pinapansin ng mga katulong sa pamayanan ang


hirap at pagod sa pagganap ng kanilang tungkulin.
 6. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka.
 7. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang
katulong sa pamayanan.
 8. Ang tatay ay ang lalaking magulang ng isang bata.

 9. Matigas ang bato.

 10. Mas masarap na kapatid ang babae kesa sa lalaki

 11. Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo

 12. Keso ang paboritong palaman sa tinapay ni Rea sa


paniniwala ko.
 13. Ang dugo ay kulay pula.
 14. Sa Baguio raw dapat magtayo ng
bahay- bakasyunan.
 15 Pinakamagandang libangan ng isang
bata ang paglalaro ng computer games.
Ang Timbre ay isa sa mga
elemento ng musika. Ito ay
tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.
Ang tinig ng mga mang-aawit ay
nahahati sa apat: dalawa para sa
babae at dalawa para sa lalake.
Ang tinig ng mga babae sa
pag-awit ay tinatawag na
soprano o alto. Ang soprano
ay tinig na mataas at may
kaliitan, samantalang ang alto
ay mababa at may kalakihan.
Ang dalawang uri ng tinig ng
mga lalaki ay ang tenor at
baho. Ang tenor ay mataas
at medyo matinis. Ang baho
naman ay mababa, malaki at
kung minsan ay
dumadagundong.
 Ang uri ng tinig ay nag-iiba dahil sa pagbabago
ng mga sankap ng katawan sa pagbibinata at
pagdadalaga. Ang tinig ng mga bata ay mataas at
maaaring isama sa soprano o alto. Kapag ang
mga lalaki ay sumapit na sa wastong gulang, ang
kaniyang tinig ay lalaki at lalalim at
magkakaroon na siya ng kakayahang umawit ng
mabababang himig para sa baho.
Salamat 
-DIVINA E. BUMACAS

You might also like