"Kawayang Pangarap" Ako ay naantig sa kwento ng pamilya ni Mang Joseph, dahil kahit mahirap ang kanilang buhay sa pangungulekta at binababa ang mga buho sa bundok para lang mabayaran ang kanilang utang ay ipinagpapatuloy parin nila ang kanilang pangarap at makapagtapos ang kaniyang mga anak sa pag aaral. Nakakaawang makita sa murang edad na nagtratrabaho para makatulong sa kanilang may sakit na Ama. Isa pang parte ng dokumentaryo ang ikinagulat at ikinalungkot ko, matapos niyang ibigay sa bibili ang mga 67 piraso na buho, akala ko ay makakapagbayad na siya ng utang pero ito ay binawas pa sa dati niya pang utang na mahigit kumulang na dalawalang libo. Itinanong ni Kara kay Mang Joseph na kung ano pa ang gagawin niya sa natitirang utang, ang sagot nya “ay ganon parin kukuha parin, pag titiyagaan niya na lamang mangulekta na mahigit kumulang tatlong daang piraso ng buho”. Napabilib rin akong malaman na magagaling sa klase ang kaniyang mga anak, at nakapag tapos ang isa ng elementarya. Ramdam ko ang saya ni Mang Joseph sa pagtatapos ng kanyang anak ng elementary, dahil nagulat rin ako ng mawala si Mang Joseph, ito pala ay nangutang muli para pang bili ng pansit na pang handa sa kanyang anak. Malaking inspirasyon para sa akin si Mang Joseph bagamat kahit hindi siya nakapag aral, alam niya parin yung responsibilidad niya bilang isang Ama sa kaniyang mga anak.