You are on page 1of 4

Cipriano P.

Primicias National High School


PANGASINAN DIVISION II
Alcala, Pangasinan

Ikalawang Panahunang Pagsusulit


FILIPINO 9
2018-2019
Pangalan: ____________________________________________ Seksyon: ______________ Iskor: __________
I.Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot na isinasaad ng bawat
pangungusap sa ibaba.
1. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.
a. Ambahan b. haiku c. tanaga d. tanka
2. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at ng Japan?
a. may tugma sa tanaga, sa tanak ay wala
b. mas mababa ang tanka kaysa sa tanaga
c. malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw
d. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon
3. Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula
na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami ay tinawag na ________.
a. Kana b. Kiru c.Manyoshu d. aristocrat
4. Ito ang tawag sa mga ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
a. Kana b. Kiru c.Manyoshu d. aristocrat
5. Tula na lumaganap sa panahon ng Hapon ng binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludtod. a. tanaga b tanka c. ambahan d. haiku
6. Ginagamit sa mga kwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
a. maikling kwento b. kwentong bayan c. parabola d. pabula
7. Siya ang itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu.
a. Aesop b. Kasyapa c. Hwanin d. Hwanung
8. Ang Diyos ng kalangitan na nagbigay katuparan kahilingan ng tigre at oso.
a. Aesop b. Kasyapa c. Hwanin d. Hwanung
9. Ang nagbigay ng tamang hatol sa tao at tigre ay ang ________________.
a. puno ng pino b. baka c. kuneho d. tao
10. Siya ang lalaking nabilanggo at nagbagong buhay sa pamamagitan ng pagtatayu tindahan.
a. Lo Huiquan b. Lao Huiquan c. Li Huiquan d. Luo Huiquan
11. Ang tumulong kay Huiquan upang makakuha ng permit para sa pinaplano niyang negosyo.
a. Tiya Lao b. Tiya Luo c. Tiya Lo d. Tiya Le
12. Ang uri ng negosyo na ipatayo ni Huiquan ay __________.
a. Damit b. manukan c. prutas d. kainan
13. Tumutukoy sa lugar o pook na pinangyarihan ng kwento na karaniwang naglalarawan hindi lamang ang
pisikal kundi pati na rin pangkalahatang pag-uugali ng mga tao, kilos, gawi paniniwala pamahiin at pananaw
sa buhay. a. banghay b. tema c. tauhan d. tagpuan
14. Ang nagsasabuhay sa mga tauhan, bumibigkas ng diyalogo,at nagpapakita ng iba’t-ibang emosyon.
a. Iskrip b. Tanghalan c. Direktor d. Aktor
15. Sa kanila inilalaan ang isang dula at sumasaksi sa isang pagtatanghal .
a. manonood b. Tanghalan c. Direktor d. Aktor
16. Sa anong tribo nagmula ang binata na si Temujin?
a. tribong Merit b. tribong Tivoli c. tribong Borjigin d. tribong Kankanna-ey
17. Isang anak ng labandera, nagtapos bilang isang guro at nabuntis ni Manuel.
a. Rita b. Lita c. Lina d. Rina
18. Ito’y isa sa kultura mayroon ang bansang Mongolia, hinihingi ito ng dalawang nagmamahalan sa kanilang
magulang bago ikasal. a. mana b. bendisyon c. pera d. alahas
19. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan.
a. paglipas ng panahon c. mainit na ang panahon
b. malapit na ang taglamig d. nalanta na ang cherry blossom
20. Ano ang paksa ng kasunod na haiku?
Iyong galangin
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.
a. Buhay may asawa c. Pagpaplano ng Pamilya
b. Ang Pag-aasawa d. Pag-aaruga ng pamilya
21. Ang mga salita na ginagamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan tulad ng
“ kawazu” ay palaka na nangangahulugang _________.
a. nagpapahiwatig ng tagsibol c. paglipas ng panahon
b. unang ulan sa pagsisimula ng taglamig d. mainit na ang panahon
22. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng kasunod na haiku?
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
a. pagiging ulila b. paroseso sa buhay c. paglililo d. pagkatakot
23. Ang ____ ang salitang paghihintuan o cutting word, ito’y kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling
tatlong parirala ng bawat berso.
a. kana b. kiru c. manyoshu d. kireji
24. Ang kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon ay inihahalintulad sa ______.
a. komplikado b. delikado c. kasambahay d. katulong
25. Ilang buwan ang ibinigay na maternity leave ng isa sa nangungunang networking hardware manufacturer
sa Taiwan? a. 3 buwan b. 2 buwan c. 4 buwan d. 12 buwan
26. Ang kabuuang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay ______na mataas kaysa kalalakihan.
a. 41 % b. 51 % c. 61 % d. 31 %
27. Ano ang inaasahang mangyari sa mga kababaihan sa Taiwan sa mga susunod na taon , ayon sa sanaysay?
a. mabago ang kalagayan ng kababaihan at makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan
b. pagtaas ng kanilang sweldo/ sahod
c. umangat ang kanilang posisyon sa kompanya
d. mas maraming mga kababaihan ang mag-aral sa kolehiyo
Para sa bilang 28-30
Hindi na kaila sa mga taga-tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong
namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at
patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na
yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin.Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang punag-
uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ng
inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si
Derang, sapagkat naniniwala ang mga taga- Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang
damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng
dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago.
28. Ano ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay ____.
a. naging mayabang c. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
b. mahirap itong pakisamahan d. nagbago ang magandang pag-uugali
29. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga- Tulikan ay ________.
a. pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago c. pagbabago ng kanilang lugar
b. pagdating ng mga taga- Maynila d. pangingibig ni Derang sa iba
30. Ano ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay ________.
a. pareho ang minamahal c. iisa ang tinitibok ng puso
b. pareho ang iniibig d. iisa ang isinisigaw
31. “ Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi matatawaran ang kontribusiyon ni dating pangulong Cory Aquino sa
sambayanang Pilipino.” Sa pangungusap, anong kohesiyong gramatikal ang ginamit?
a. sa b. hindi c.siya d. ni
32. Batay sa sagot sa bilang 31, anong uri ng gramatikal na pagpapatungkol ang ginamit?
a. anapora b. berbal c. nominal d. katapora
33. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayg o diyalogo?
a. binibgyang-turing nito ang mga pangngalan c. napaiikli nito ang mga pangungusap
b. iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangngalan d. napalalawak nitong mga pangungusap
34. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na______ ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap.
a. nagsasama b. nagtuturing c. nag-uukol d. nag-uugnay
35. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?
a. mo,iyo, ikaw b. ni, kung ngunit c. ang, si, sina d. mas, kaysa
36. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga
kababaihan. Anong pangtnig ang ginamit sa pangungusap?
a. at b. dapat c. ng d. nilang
37. Punan ng angkop na pangatnig , Lahat ng bagay na ninanais niya ay kanyang nakukuha/natutupad
________ siya’y anak mayaman.
a. sapagkat b. kaya c. dahil sa d. palibhasa
Para sa bilang 38-39
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay……

Inggo: Huwag na…anak ko… hindi na maaari… luray- luray na ang katawan ko… Tayo’y
maghihiwalay nang walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin…Julia-Juana…kayo na lamang ang inaasahan kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y
inihain ko na kay Bathala! Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y iyong
patawarin…Naluoy nay ta ang puso ng mga Kastila.

Hango sa dulang: Walang Sugat


ni Severino Reyes
38. Anong kulturang Pilipino ang lantad sa bahaging ito ng dula?
a. Maluwag na pagtanggap sa kamatayan c. Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
b. Pag-iiwan ng habilin bago lumisan d. Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang
39. “ Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala”! Kung durugtungan ang pahayag na ito at gagamitan ng
kohesiyong gramatikal, ano sa sumusunod na panghalip ang nagkop?
a. nila b. niya c. sila d. siya
40. Ano ang kadalasang ipinakikita sa isang dula?
a. kabayanihan ng mga tauhan c. nagaganap sa buhay ng tao
b. pinagmulan ng isang bagay d. kagandahan ng kapaligiran
41. Ano ang hinid kabilang sa pangkat?
a. aktor b. iskrip c. kariktan d. tanghalan
42. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang _________.
a. aktor b. direktor c. manonood d. tanghalan
43. Ang maikling kwento: Edgar Allan Poe; Ama ng sinaunang pabula: __________
a. Aesop b. Basho c. Nukada d. Ki no Tomonori
44. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula
b. mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop
c. matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula
d. maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kwento.
45. “ Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “ Sabihin mong dahil sa
ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan”.
Anong damdamin ang ipinahihitig ng pahayag na ito?
a. pagtakot b. pagkagalit c. pagkamuhi d. paghihiganti
46. Kailangan mong mag-aral nang mabuti upang makamit mo ang iyong pangarap.
a. nagsasaad ng posibilidad c. hinihinging mangyari
b. nagsasaad ng pagnanasa d. sapilitang mangyari
47. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat ________.
a. hindi ito nagsasaad ng kilos c. ito ay nasa anyong pawatas
b. ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa d. wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa
48. Paano ginamit ang modal sa pangungusap: “ Ibig ng mga tutubi na ipaghiganti ang kanilang prinsesa
a. malapandiwa b. panuring c. pandiwa d. pawatas
49. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang supasegmental sa pakikipagtalastasan upang ____.
a. mas malakas ang ating tinig sa pagbigkas c. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
b. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isusulat d. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin
50. Equinox ang tawag kapag mas mahaba ang gabi kaysa sa araw. Paano binibigkas ang salitang
nasalungguhitan sa pangungusap?
a. / ga:bih / b. /ga:bi?/ c. / GA:bi / d. / ga: BI /
51. Hindi siya ang kaibigan ko. Ano ang kahulugan ng pangungusap na kung saan ang hinto ay nasa hulihan?
a. siya’y kaibigan niya at maaring napagkamalan lamang
b. nagpapahiwatig na maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi niya ginawa
c. nagpapahayag ito na hindi siya ang kanyang kaibigan
d. lahat ng nabanggit
52. “Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging
panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Anong pagpapahalaga ang nais ipahayag nito?
a. maging sunud-sunuran sa asawa c. kanya- kanya sa mga desisyon at responsibilidad
b. karamay ang asawa sa lahat ng desisyong at gawain d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 53-54
Paano ko ipaliliwanag sa iyo anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at
sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag?
Kung sa ngayon anak, ako muna’y patawarin, Ngunit balang araw sana’y maunawaan mong
ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko
pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo.

Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina


Ligaya Tiamson Rubin
53. Ang layunin ng sumulat ng sanaysay ay upang _______.
a. isa-isahin ang pagkukulang ng ina c. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina
b. ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina d. makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak
54. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babe ay:
a. pantahan lamang c. aktibong bahagi ng lipunan
b. abala sa labas ng tahanan d. katuwang sa paghahanapbuhay
II. Pagsulat 6pts ( 55-60 )
Sumulat ng maikling talata tungkol sa Paglalarawan sa kultura ng bansang China, gamitin ang mga
pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng kwento.

Inihanda ni : Ipinasa kay:

ELAINE C. DULLER AURORA G. SARIO


Teacher III, Filipino HT III, Filipino

You might also like