You are on page 1of 4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ______

I – Knowledge
A. Paglinang ng Talasitaan
Isulat sa patlang ang wastong sagot na nagbibigay ng pinakaangkop na kahulugan sa salitang
nasalungguhitan.

_____1. Nakipaghamok si Prinsepe Bantugan sa mga halimaw.


a. Nakipaglaban c. Nakipag-unahan
b. Nakipag-usap d. Nakiisa
_____2. Magtutuos ang sinumang manliligaw ni Donya Ines kay Lam-ang.
a. Maglalaban c. Maglalaro
b. Magpaligsahan d. Magagapi
_____3. Tuwang-tuwa si Baldog ng nagapi niya ang mga halimaw.
a. natalo c. naunahan
b. nahagip d. nadismaya
_____4. Ibinalibag ni Lam-ang si Sumarang.
a. itinapon c. ipako
b. inihagis d. hinila
_____5. Inusisa ni Lam-ang ang kanyang ina tungkol sa tunay na nangyari sa kanyang ama.
a. Tinanong ng tinanong c. Nagbabaka-sakali
b. Nagsalita d. Nagwala
_____6. Ang pakikibaka niya ay para sa bayan.
a. pakikipagsapalaran c. pakikipag-away
b. pakikipaglaban d. pakikipagkagalit
_____7. Bigla siyang nagulantang sa lakas ng putok ng instrumenting nakamamatay.
a. natakot c. nagulat
b. nabahala d. nagimbal
_____8. Tinupad ng mga tao sa Suyok ang bilin ng matanda.
a. sinunod c. ibinasura
b. ipinagwalang-bahala d. kinalimutan
_____9. Handang magbubo ng sariling buhay ang mga bayani.
a. maglagay c. magtiis
b. magbuwis d. mag-alay
_____10. Yumabong ang mga halaman dahil sa matiyagang pag-aalaga ng ina.
a. sumagana c. lumago
b. umunlad d. lumaki

B. Pagpapakahulugan sa Sawikain
Bilugan ang titik ng wastong sagot na nagbibigay ng pinakaangkop na kahulugan sa
pariralang may salungguhit.

11. Kawawa naman si Lito, talaga yatang mapurol ang utak at palagi nalang bagsak ang grado.
a. bobo c. duwag
b. tamad d. iyakin
12. Di niya inaasahang magdilang-anghel siya sa mga pangyayari.
a. magkabula c. matuloy
b. Magkatoto d. masundan
13. Mabuti pa Mariane, hindi namomoblema kasi nakahiya sa salapi.
a. mayaman c. bahag ang buntot
b. mandurukot d. asal hayop
14. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Melaisa ay isa pa lang ahas.
a. makati ang dila c. tamad
b. anak-pawis d. taksil
15. Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
a. mabigat ang loob c. walang pera
b. traydor d. walang trabaho
16. Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
a. asawa c. madilim ang mukha
b. kaaway d. mababaw ang luha
17. Si Jamea ay magaling ang kamay kaya lagging kasali sa mga “Poster Making Contest”.
a. makati ang dila c. mabigat ang kamay
b. mahusay gumuhit o magpinta d. magaan ang dugo
18. Mabigat ang kamay ni Janel kaya tinanggal na ng kanyang amo sa construction.
a. Nasunog ang kilay c. Tamad magtrabaho
b. Nadilim ang mukha d. Mababaw ang luha
19. Noon ko pa napapansin na tila madilim ang mukha ni Aisa.
a. problemado c. asal-hayop
b. agaw-dilim d. anak-dalita
20. Kahit anak-dalita ay naabot pa rin ni Sison ang kanyang pangarap.
a. nagbibilang ng poste c. nakahiga sa salapi
b. mahirap d. nagpapanganib sa nerbiyos
21. Di magandang ugali ang makati ang dila.
a. matulungin c. tsismosa
b. madaldal d. makuwento
22. Kailangang mag-aral na mabuti upang di-magbilang ng poste balang-araw.
a. walang ginagawa c. walang hanapbuhay/trabaho
b. hampaslupa d. istambay
23. Pababalik-balik siya sa kulungan dahil mabilis ang kamay niya.
a. mabaho c. mandurukot
b. mahirap d. makalimutin
24. Agaw-buhay nan ang dalhin sa ospital ang lol ani Abraham.
a. Bukas ang palad c. Muntik nang maputulan ng hininga
b. Ibaon sa hukay d. Alog na ang baba
25. Ano, pinautang mo na naming ang taong iyan? Ilista mo na lang sa tubig.
a. Kalimutan mo na c. Ibigay ang listahan
b. Ipaalaala sa kanya d. Maghintay ka na lang
I – Kasanayang Pampanitikan (Epiko)
Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____26. Kilalang epiko ng mga Ilokano.


_____27. Ano ang mahabang salaysayin patula na sumasalamin sa kultura ng isang bansa?
_____28. Ang epiko ay nanggaling sa salitang Griyego na epos na may kahulugang ___.
_____29. Mga magulang ni Lam-ang ay sina ___.
_____30. Ang kasintahan ni Lam-ang ay si ___.
_____31. Pumunta sa bundok ang ama ni Lam-ang, upang parusahan ang mga ___.
_____32. Si Lam-ang ay naligo sa ilog ___ nang umuwi sa kanyang bayan.
_____33. Ang panghuhuli ng isdang ___ ay obligasyon ng mga lalaking may asawa.
_____34. May pangitain si Lam-ang na mapapatay siya ng isdang ___.
_____35. Ilang buwan si Lam-ang nang pumunta sa lugar ng mga Igorot upang makipaglaban.
_____36. Ang pangunahing tauhan na may alagang aso at putting tandang.
_____37. Isinusuot ni Lila Sari ang kuwintas ng ___ sa araw at ibinabalik sa tubig tuwing gabi.
_____38. Ang tawag sa matandang pangalan ng Bikol.
_____39. Isang mangangalakal na nakapulot ng sanggol.
_____40. Kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.

III – Pag-unawa sa Binasa


Basahin at unawain ang seleksyon. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

Likas sa tao ang pagiging mapangarapin. Ito ang nagsisilbing inspirasyon upang lalo siyang
magsikap at magpupunyagi sa buhay. Ang anumang balakid ay handa niyang harapin, magkaroon
lamang ng katuparan ang kanyang hangarin. Patuloy siya sa paghahanap ng “bangang umaapaw sag
into sa paanan ng bahaghari”.
Ang iba ay mapapalad, ang iba ay bigo. Bakit kaya? Anuman ang dahilan, walang masama
kung patuloy tayong mangangarap, kung di titigil sa pagsisikp, sa pagdalangin, sap ag-asam. Hindi ba,
habang may hininga, habang may buhay, may pag-asa ang tao?

41. Ang seleksyong ito ay ipinatutungkol sa ___?


a. kalalakihan b. kababaihan c. kabataan d. lahat
42. Ang anumang balakid ay handa niyang harapin. Ang balakid ay nangangahulugang?
a. hadlang b. haring c. bara d. suliranin
43. Ang pinakadiwa ng seleksiyon ay ___.
a. Ang lahat ng tao ay maaaring umunlad.
b. Ang pangangarap ay para sa lahat.
c. Ang kaunlarang ay kusang dumarating.
d. Hindi lahat ay umuunlad.
44. Likas sa tao ang pagiging mapangarapin kaya ___.
a. Dapat lamang na siya’y mangarap nang mangarap.
b. Natural lamang na magkaroon siya ng mga ambisyon.
c. Lahat ay may karapatang magnais na umunlad.
d. Kailngang nananaginip siya ng kaunlaran.
45. Ang layunin ng seleksiyon ay ___.
a. maglibang c. manumbat
b. manghikayat d. manisi

You might also like