You are on page 1of 5

ASSESSMENT TEST

FILIPINO 9

PANGALAN: _______________________________ PANGKAT: ________________________


GURO: Gng. Desy Rose G. Mendoza MARKA: ______________ PETSA: Dec. ___, 2019

PAALALA: Iwasan ang bura


Gumamit lamang ng itim na panulat.
I. PANUTO: Ibigay ang mahahalagang detalye sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Ito ang tawag sa dula kung masaya, magaan at kawili-wili ang mga pangyayari lalo na sa
pangunahing tauhan.
a. Komedya b. Parsa c. Melodrama d. Saynete
_______ 2. Ito ang pagbitiw ng mga linya ng mga gumaganap sa isang dula.
a. Tagadirehe b. Iskrip c. Diyalogo d. Parodya
_______ 3. Ito ay bahagi ng dula na katumbas ng kabanata sa mga nobela.
a. Diyalogo b. Tanghal-eksena c. Yugto d. Tagpo
_______ 4. Ito ay dula na nagpapakita ng karaniwang pag-uugali o sitwasyon ng tao.
a. Komedya b. Trahedya c. Melodrama d. Saynete
_______ 5. Itinuturing itong pinakakaluluwa ng isang dula.
a. Tagadirehe b. Iskrip c. Diyalogo d. Parodya
_______ 6. Ito rin ay uri ng dula na may layuning magpatawa sa pamamagitan ng mga kawili-wili at
nakatatawang eksena o pangyayari na walang mapupulot na mahalagang aral.
a. Komedya b. Parsa c. Melodrama d. Saynete
_______ 7. Ito ang dula na nagpapamalas ng mga nakaiiyak na eksena at nakapagbubuhos ng matinding
damdamin.
a. Komedya b. Parsa c. Melodrama d. Saynete
_______ 8. Ito ang tawag sa dula kung malungkot, mabigat, nakalulunos at nakaiiyak ang mga pangyayari lalo
na sa pangunahing tauhan.
a. Komedya b. Parsa c. Melodrama d. Saynete
_______ 9. Ito ang uri ng dula na may panunudyo o panggagaya sa kakatwang anyo, kilos, akto, pananamit,
pananalita at pag-uugali ng tao bilang komentaryo, pamumuna o pambabatikos sa pinag-uukulan.
a. Tagadirehe b. Iskrip c. Diyalogo d. Parodya
_______ 10. Ito ang paghahating tumutukoy sa pagpasok at paglabas ng mga tauhan sa tanghalan.
a. Diyalogo b. Tanghal-eksena c. Yugto d. Tagpo
_______ 11. Ito ay isang koleksyon ng mga kuwentong nalikha noong kapanahunan ng Islamic Golden Era at
nasusulat sa wikang Arabe.
a. Alibughang Anak b. Parabula c. Isang Libo at Isang Gabi d. Elehiya
_______ 12. Ito ay isang tulang liriko na ang karaniwang paksa ay kamatayan o pagpupugay sa taong namayapa
na.
a. Alibughang Anak b. Parabula c. Isang Libo at Isang Gabi d. Elehiya
_______ 13. Ito ay nag-ugat sa salitang Griyego na parabole na ang ibig sabihin ay maikling sanaysay tungkol
sa buhay, na nagtuturo ng kagandahang asal at maaaring maging gabay sa pagdedesisyon kung kinakailangan.
a. Alibughang Anak b. Parabula c. Isang Libo at Isang Gabi d. Elehiya
_______ 14. Ito ay isang uri ng tauhan na kung saan ang mga tauhan ay lubhang dumaraan sa maraming
pagsubok sa kuwento kung kaya nagkakaroon ng masalimuot at nag-iibang ugali o katangian.
a. lapad b. bilog c. karaniwan d. payak
_______ 15. Ito naman ay tauhang mayroon lamang isang paglalarawan.
a. lapad b. bilog c. karaniwan d. payak
II. PANUTO: Ibigay ang salitang may wastong diin ayon sa kahulugang nakatala. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

_________ 16. bahagi ng ng mukha a. BA:ba b. ba:BA


_________ 17. kapalaran ng tao a. BU:hay b. bu:HAY
_________ 18. nakahihigit a. LA:mang b. la:MANG
_________ 19. karne na karaniwang a. HA:mon b. ha:MON
inihahanda sa tinapay
_________ 20. gamit ng karpentero a. PA:ko b. pa:KO
_________ 21. pambabang kasuotan ng mga babae a. SA:ya b. sa:YA
_________ 22. panloob na bahagi ng katawan a. BA:ga b. ba:GA
_________ 23. panahon a. HA:pon b. ha:PON
_________ 24. kabahagi ng kalikasan a. PU:no b. pu:NO
_________ 25. malaki ang halaga a. MA:hal b. ma:HAL

III. PANUTO: Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ba ay Paninindigan o Mungkahi. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_________ 26. Totoo lamang ang ipinaglalaban ng bawat tsuper sa usaping Jeepney Modernization.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 27. Kailangang magsagawa ng tulong-tulong na pagbibigay pokus sa mas importanteng problema
ng bansang Pilipinas.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 28. Mas mabuting pagtuunan ng pansin ang mas malalaking problema ng ating bansang Pilipinas
kesa sa maliliit na usapin na hindi naman dapat pagtalunan gaya na lamang ng Sogie Bill.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 29. Ang bawat isa ay maaaring magkaroon ng interes sa mga batas na ipinapasa ng mga Senador.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 30. Dapat nating isapuso ang pagiging Pilipino.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 31. Huwag sana tayong maging dayuhan sa sarili nating bansa.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 32. Kailangang ipaglaban ang ating Inang Bayan sa mga mapag-abusong mga dayuhan.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 33. Makagaganda ang patuloy na pagtangkilik sa ating mga produktong Pilipino.
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 34. Totoo lamang ang kasabihan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
a. Paninindigan b. Mungkahi
_________ 35. Ipaglaban ang lahat ng pag-mamay-ari ng mga Pilipino!
a. Paninindigan b. Mungkahi

IV. PANUTO: Isaayos ang mga salita ayon sa tindi ng kahulugang ipinaparating nito. Isulat ang titik ng
tamang ayos sa patlang bago ang bilang.

_________ 36. sigwa bagyo ulan


a. sigwa-bagyo-ulan c. ulan-bagyo-sigwa
b. b. bagyo-ulan-sigwa
_________ 37. hinampas tinapik nilatigo
a. hinampas-tinapik-nilatigo c. nilatigo-tinapik-hinampas
b. tinapik-hinampas-nilatigo
_________ 38. babagyo uulan aambon
a. aambon-uulan-babagyo c. babagyo-uulan-aambon
b. uulan-babagyo-aambon
_________ 39. hinalughog hinanap hinalungkat
a. hinalughog-hinanap-hinalungkat c. hinanap-hinalungkat-hinalughog
b. hinalungkat-hinalughog-hinanap
_________ 40. kalansing alingawngaw tunog
a. tunog-kalansing-alingawngaw c. kalansing-tunog-alingangaw
b. alingawngaw-kalansing-tunog
_________ 41. humahangos tumatakbo nagmamadali
a. nagmamadali-tumatakbo-humahangos c. tumatakbo-humahangos-nagmamadali
b. humahangos-tumatakbo-nagmamadali
_________ 42. tampo poot galit
a. tampo-poot-galit c. tampo-galit-poot
b. poot-galit-tampo
_________ 43. nakatatakot mabagsik mabangis
a. nakatatakot-mabagsik-mabangis c. mabangis-mabagsik-nakatatakot
b. mabagsik-mabangis-nakatatakot
_________ 44. matayog mataas mataas-taas
a. mataas-mataas-taas-matayog c. mataas-taas-mataas-matayog
b. matayog-mataas-taas-mataas
_________ 45. ginasta inubos nilustay
a. inubos-ginasta-nilustay c. nilustay-ginasta-inubos
b. ginasta-inubos-nilustay
_________ 46. maliwanag may banaag nakasisilaw
a. may banaag-nakasisilaw-maliwanag c. maliwanag-may banaag-nakasisilaw
b. may banaag-maliwanag-nakasisilaw
_________ 47. napunit nasira nawasak
a. napunit-nasira-nawasak c. napunit-nawasak-nasira
b. nawasak-nasira-napunit
_________ 48. lungkot agam-agam pagdurusa
a. agam-agam-lungkot-pagdurusa c. pagdurusa-agam-agam-lungkot
b. lungkot-agam-agam-pagdurusa
_________ 49. daluyong bagyo sama ng panahon
a. sama ng panahon-bagyo-daluyong c. daluyong-sama ng panahon-bagyo
b. bagyo-sama ng panahon-daluyong
_________ 50. niyakap nilingkis niyapos
a. niyapos-nilingkis-niyakap c. niyakap-niyapos-nilingkis
b. nilingkis-niyapos-niyakap

V. PANUTO: Unawaing mabuti ang pangungusap kung ang kahulugan ba nito ay denotatibo at
konotatibo. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_________ 51. Basa na ang papel ng ibang politiko sa lipunan dahil sa pangakong napapako lamang.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 52. Ang tungkulin ng haligi ng tahanan ay maghanap buhay upang matustusan ang pangangailangan
ng pamilya.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 53. Maraming paruparo ang naghahangad ng aking pag-ibig noon ngunit iisa lamang ang aking
minahal.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 54. Ako ay ilaw ng aming tahanan na nangangako ng magbibigay liwanag hanggang ako ay
nabubuhay.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 55. Bumili ako ng bulaklak sa palengke upang ialay sa Panginoon.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 56. Naglaho na lamang na parang bula ang taong pinagkatiwalaan ko ng aking puso.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 57. Hindi tinik sa pangarap ang kahirapan sa buhay.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 58. Dumadaloy sa kanyang mata ang luhang kalungkutan.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 59. Ang krus na pasan-pasan niya sa kanyang balikat ay walang iba kundi ang kanyang anak na
suwail.
a. Denotatibo b. Konotatibo
_________ 60. Ang libro na binabasa niya ang sobrang napakakapal.
a. Denotatibo b. Konotatibo

VI. PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na idyomatikong pagpapahayag. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________ 61. Mag-ingat tayo sa mga malikot ang kamay upang hindi tayo mawalan ng mahalagang bagay na
mayroon tayo.
a. mapagsamantala b. magnanakaw c. sinungaling d. walang tiwala

_________ 62. Napakaganda naman ng inyong hardin, siguro ay malamig ang kamay ng inyong hardinero.
a. mahusay magtanim b. mahusay magbungkal c. masipag d. mahusay
_________ 63. Nakasalubong ko ang kaklase ko noon sa kolehiyo, napakatigas na ng leeg niya ngayon. Halos
hindi niya man lang ako nginitian nang siya ay binatiko.
a. mapagsamantala b. may sakit c. sinungaling d. mayabang
_________ 64. Nasira ang araw ko ng marinig ko ang awitin niyang malaboses-palaka.
a. sintunado b. maganda ang boses c. mang-aawit d. makata

_________ 65. Nasaksihan ng lahat ang pag-iisang dibdib nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
a. pagpapakasal b. pagkilala c. magkasintahan d. iniirog
_________ 66. Napakagaan ng dugo ko sa mga batang nasa lansangan at nanlilimos lamang.
a. malayo ang loob b. pamilya c. kaiibigan d. malapit ang loob

_________ 67. Nagsusunog ng kilay ang kapitbahay dahil kukuha siya ng CPA board exam.
a. nagbunot ng kilay b. nagbulakbol c. nag-aral ng mabuti d. nag-ahit ng kilay

_________ 68. Kung hindi maganda ang ugnayan natin sa mga karatig bansa, mawawala ang mga BPO at
darami ang mga nagbibilang ng poste.
a. tamad b. tambay c. propesyonal d. walang magawa

_________ 69. Hindi muna ako mago-online games ngayon. Butas na ang bulsa ko at wala na akong pambaon.
a. sira na ang bulsa b. wala ng pera c. may pera d. mahirap
_________ 70. Dati silang magkaaway ngayon, hindi na mapaghihiwalay ang magkahiramang suklay na sina
Ate Alex at Ate Kris.
a. magkapatid b. matalik na magkaibigan c. magkakilala d. magkaklase

_________ 71. Kitang-kita naman ang talas ng kanyang ulo sa ipinakita niyang kahusayan sa pagsagot sa
tanong ng kanyang guro.
a. matalino b. nakamamangha c. masipag d. masigasig
_________ 72. Matagal ng pantay ang paa ng aking mga magulang kung kaya ako ay lumaki sa piling ng aking
pinakamamahal na lola.
a. natutulog b. nakahiga ng tuwid c. nagpapahinga d. pumanaw na
_________ 73. Ang aking panganay na anak ay lagi kong napagagalitan sapagkat siya ay may nunal sa paa.
a. gala ng gala b. nasa bahay lang c. nasa kuwarto lang d. makati ang paa

_________ 74. Huwag mo siyang paringgan. Balat sibuyas iyan baka umiyak ‘yan mamaya.
a. maramdamin b. malakas loob c. makinis ang balat d. masayahin
_________ 75. Magaling siyang maglubid ng sinulid kaya huwag na huwag kang magpapaloko sa kanya.
a. mapagsamantala b. manloloko c. sinungaling d. mayabang

You might also like