You are on page 1of 15

GOOD

MORNING!

Review
May Dalawang Uri
ng Soberanya,
Alam mo ba kung
ano ito?
Panloob na Soberanya

• Ang panloob na soberanya o internal sovereignty ay aspektong


tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa o estado na mamuno sa teritoryo
nito.
• Bahagi nito ang karapatan ng isang bansa na pumili ng uri at estruktura
ng pamahalaan at ng mga batas na ipapatupad sa loob ng teritoryo.
• Bukod sa pamimili ng pamahalaan at paggawa ng mga batas, kasama
rin dito ang awtoridad ng estado o ang kapangyarihan ng bansa na
mapasunod ang mga mamamayan sa hurisdiksyon nito.
• Ang panloob na soberanya ay mahalaga para sa pagpapanatili ng
kaayusan at kaligtasan sa isang teritoryo.

• Ang bansang may panloob na soberanya ay makakapili ng paraan ng


pamumuno na angkop para sa teritoryo at mga mamamayan nito.

Ang mga batas na ipinapatupad ng bansang may panloob na soberanya


ay paraan upang mapangasiwaan ang mga mamamayan nang maayos.

• Ang pagkilala ng mga mamamayan sa awtoridad ng estado ay bunga


ng pagsunod nila sa mga batas na ipinapatupad.
Panlabas na Soberanya

• Ang panlabas na soberanya o external sovereignty ay


tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa mula sa kontrol o
panghihimasok ng ibang bansa.
• Karaniwang tinatawag na "kasarinlan" ang panlabas na
soberanya. Bahagi rin nito ang kakayahan ng isang bansa
na makipag-ugnayan sa ibang bansa sa pantay at patas na
paraan at batayan.
• Mahalaga ang panlabas na soberanya para sa pagbuo ng
kooperasyon at maayos na relasyon sa pagitan ng iba't
ibang bansa. Kapag kinikilala at iginagalang ng bawat
bansa ang soberanya ng isa't isa, magdudulot ito ng
pakikipagtulungan at pag-iwas sa digmaan. Makatutulong
din ang paggalang at pagkilala ng soberanya ng bawat
bansa sa pagbuo ng mga kasunduang pantay at patas.
Gawain 1.

Ibigay ang dalawang(2) uri ng


Soberanya paghambingin ito.
Gawain 2.
Punan ang Patlang.

Panloob na Soberanya

• Ang panloob na soberanya o _________ay aspektong tumutukoy sa


kapangyarihan ng bansa o estado na mamuno sa _____nito.

Panlabas na Soberanya

• Ang panlabas na soberanya o ________ay tumutukoy sa kalayaan ng


isang bansa mula sa kontrol o panghihimasok ng _______.
• Karaniwang tinatawag na “______" ang panlabas na soberanya.
Pagtataya:

1. Ano ang ibig sabihin ng panloob na soberanya?

a) Ang panloob na soberanya ay tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa mula


sa kontrol o panghihimasok ng ibang bansa.
b) Ang panloob na soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa na
mamuno sa teritoryo nito at pumili ng uri at estruktura ng pamahalaan.
c) Ang panloob na soberanya ay tumutukoy sa pagkilala at paggalang ng
bawat bansa sa soberanya ng isa't isa.
d) Ang panloob na soberanya ay tumutukoy sa pagbuo ng kooperasyon at
maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.
2. Ano ang ibig sabihin ng panlabas na soberanya?

a) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa


mula sa kontrol o panghihimasok ng ibang bansa.
b) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa na
mamuno sa teritoryo nito at pumili ng uri at estruktura ng pamahalaan.
c) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa pagkilala at paggalang ng
bawat bansa sa soberanya ng isa't isa.
d) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa pagbuo ng kooperasyon at
maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.
3. Bakit mahalaga ang panloob na soberanya?

a) Ang panloob na soberanya ay mahalaga para sa pagpapanatili ng


kaayusan at kaligtasan sa isang teritoryo.
b) Ang panloob na soberanya ay mahalaga para sa pagbuo ng
kooperasyon at maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.
c) Ang panloob na soberanya ay mahalaga para sa pagkilala at
paggalang ng bawat bansa sa soberanya ng isa't isa.
d) Ang panloob na soberanya ay mahalaga para sa pagkilala ng mga
mamamayan sa awtoridad ng estado.
4. Bakit mahalaga ang panlabas na soberanya?

a) Ang panlabas na soberanya ay mahalaga para sa pagpapanatili ng


kaayusan at kaligtasan sa isang teritoryo.
b) Ang panlabas na soberanya ay mahalaga para sa pagbuo ng kooperasyon
at maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.
c) Ang panlabas na soberanya ay mahalaga para sa pagkilala at paggalang ng
bawat bansa sa soberanya ng isa't isa.
d) Ang panlabas na soberanya ay mahalaga para sa pagkilala ng mga
mamamayan sa awtoridad ng estado.
5. Ano ang ibig sabihin ng panlabas na soberanya?

a) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa


mula sa kontrol o panghihimasok ng ibang bansa.
b) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa
na mamuno sa teritoryo nito at pumili ng uri at estruktura ng pamahalaan.
c) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa pagkilala at paggalang ng
bawat bansa sa soberanya ng isa't isa.
d) Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa pagbuo ng kooperasyon
at maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.
THANK
YOU

You might also like