You are on page 1of 1

Kahalagahan Ng Soberanya – Bakit Mahalaga Ang Soberanya?

Ano ang mga kahalagahan ng soberanya?

KAHALAGAHAN NG SOBERANYA – Ang soberanya sa isang bansa tulad ng


Pilipinas ay mahalaga at ito ang mga dahilan bakit ito mahalaga.

Ang terminong soberanya ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kalayaan at


sariling pamahalaan ng isang bansa. Ito ay may mas malalim na kahulugan
sa kalayaan at ito ay kailangan ng isang bansa

Bakit ito mahalaga?

Ito ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay proteksyon sa kalayaan ng isang


bansa. Ito ay may dalawang uri: panloob na soberanya at panlabas na
soberanya.

Ang panloob na uri ang nagpapahalaga sa sariling kalayaan ng estado. Ito


ang kapangyarihan na pamunuan ang tao sa loob ng teritoryo ng bansa.
Habang ang panlabas na uri ay ang kapangyarihan ng bansa ipahayag sa
ibang bansa ang kalayaan nito o ang kalayaan mula sa panghihimasok ng
mga dayuhan.

Ito ang mga katangian nito:

 palagian
 may malawak na saklaw
 pansarili
 hindi naisasalin
 walang taning na panahon
 lubos

Ito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang maging soberanong bansa:

 ang estado ay may karapatan sa pagsasarili, pagkakapantay-pantay,


pagsakop, pagmamay-ari, at pakikipag-ygnayan sa ibang bansa
 may kakayahan ang isang bansa na gumawa ng mga batas para sa
mga mamamayan
 para sa kapakanan ng publiko at kapakanang panlipunan
 pagtatatag ng hustisya
 pagpapanatili ng batas at kaayusan
 pang-ekonomiya at pampulitika na kapakanan ng mga tao
 garantiya sa karapatang pantao at proteksyon sa mga mamamayan
 napapagtibay ang ugnayang dayuhan
 pagsulong at pagpapatupad ng mga aktibidad sa ekonomiya
 kalayaan laban sa kontrol at interbensyon ng mga dayuhan

You might also like