You are on page 1of 2

Aralin 3.

1 Soberaniya – Panloob at panlabas


Ano ang soberaniyang panloob?
*Ang soberanyang panloob (internal sovereignty) ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng estado na mag-utos at magpa-sunod sa mga
tao na naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito.
*Sa soberanya na ito nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng isang
bansa.
*Kasama dito ang: pagpapatupad ng batas, pagbibigay ng paglilingkod
sa mga mamamayan, pangangasiwa ng likas na yaman, pagpapanatiling
maayos at mapayapa ang bansa at pagpapanatili ng kalayaan at
karapatan ng mga mamamayan.

Ano ang soberaniyang panlabas?


*Ang soberanyang panlabas o external sovereignty naman ay tumutukoy
sa kapangyarihan ng estado sa pamamalakad at pamamahala ng estado
na
malaya sa impluwensya at panghihimasok ng ibang estado.
*Kasama dito ang pagtataguyod ng ekonomiya, edukasyon, buwis,
hanapbuhay, at iba pang bagay na nagbibigay ng suliranin o tinatayang
mag-aambag sa kagalingan ng bansa.
*Nakikita ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng bansang
makipagsundo o makipag-ugnayan sa ibang bansa.
Bakit mahalagang taglayin ng isang bansa ang dalawang uri ng
soberaniya?
nakikita ba sa pilipinas ang paghahari ngpanloob at panlabas na
soberaniya?
*Mahalagang taglayin ng isang bansa ang dalawang uri ng soberanya
upang maisakatuparan nito ang pagtataguyod ng kabutihan at kapakanan
ng mga mamamayang nasasakupan nito upang masabing ito ay ganap
nang malaya.
*Sa Pilipinas, nakikita ang paghahari ng panloob at panlabas ng
soberanya. Mayroon tayong sariling Saligang Batas o Konstitusyon.
May mga batas din tayo na ipinapatupad upang mapanatili ng maayos at
payapa
ang ating bansa. May sarili rin tayong watawat, salapi, at opisyal na
selyo ng bansa na ilan sa mga simbolo ng soberanya.
*Itinataguyod din ng Pilipinas ang sariling ekonomiya, edukasyon,
buwis, at hanapbuhay para sa ika-uunlad at ikabubuti ng ating bansa.
Nakikipag- ugnayan din tayo sa ibang bansa.

You might also like