You are on page 1of 11

ARALIN 3 – ARALING PANLIPUNAN 6

KAHALAGAHAN NG
SOBERANYA
SA ISANG BANSA
Balik Aral
Balik Aral
Kahalagahan ng Soberanya ng Pilipinas
Ang soberanya ay isa sa mga kapangyarihan
ng ating bansa bilang isang estado.
Ito ay elementong pinakamahirap makamit.
Kailangang kilalanin muna ang isang estadong may
soberanya sa daigdig at ng mga Nagkakaisang Bansa. Upang
maunawaan ang soberanya , kailangang suriin kung ano ang
estado. Ang estado ay binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang
naninirahan sa isang
nakatakdang teritoryo. May pamahalaang
nagtataglay ng awtoridad. Ito rin ay may
kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas at
nakakatamasa ng Kalayaan
Katangian ng Soberanya
Permanente : Ang awtoridad ng estado ay permanente at
mananatili ito hanggang ang mga
mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling
pamahalaan
May awtonomiya : Ang tanging sakop ng awtoridad ng
estado ay ang mga mamamayan nito
at iba pang mga tao at bagay na matatagpuan sa loob ng
teritoryo nito. Hindi sakop ng
awtoridad ng estado ang mga naninirahan sa labas ng
teritoryo nito.
Mga Dimensyon ng Soberanya ng Estado
Soberanyang Panloob (Internal Sovereignty) – ito ay
kapangyarihan ng Pilipinas na mamahala sa nasasakupan nito.
Ang kapangyarihang pampamahalaan nito ay nasa
mamamayan. Sila ang may karapatang pumili ng mamumuno sa
bansa.
Ang mga pinuno ng estado may kapangyarihang pasunurin ang
lahat ng mga tao. Pamahalaan ang lahat ng mga tao at bagay sa
loob ng teritoryo nito. Sa pamamagitan ng ibat-ibang ahensya
ng gobyerno. Tanging ang Pilipinas lamang ang maaring
magpasya tungkol sa
paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nito.
Mga Dimensyon ng Soberanya ng Estado
Soberanyang Panlabas (External Soveriegnty) – Ito ay
kapangyarihan ng bansang
magpatupad ng mga layuning mapabuti at mapaunlad
ang mga mamamayan at ang Pilipinas.
Kasama rin nito ang kapangyarihang lutasin ang mga
suliranin o kaguluhan sa bansa. At nang
hindi pinapakialaman ng alinmang bansa. Malaya ito sa
anumang kontrol o panghihimasok ng
ibang mga estado.
TAYAHIN NATIN
Panuto : Uriin ang mga sumusunod na pahayag
ayon sa Soberanyang Panloob o Soberanyang
Panlabas. Isulat ang sagot sa patlang bago ang ang
bawat bilang.
_______1. Magpasya tungkol sa paglinang at
paggamit sa mga likas na yaman nito.
_______2. Pagdaraos ng halalan at pagbibilang ng
boto.
TAYAHIN NATIN
_______3. Pagpapadala ng pwersang Plipinong
sundalo sa Congo bilang pakikiisa sa UN.
_______4. Pangangalaga ng Philippine Coast
Guard ang Sabah na sinasabing
pagmamay-ari ng Pilipinas.
_______5. Pagsali sa mga paligsahan sa sports
tulad ng Asian Games.
TAKDANG ARALIN

Gumawa ng isang tula


na nagpapakita ng
kahalagahan ng
soberanya sa isang
bansa.

You might also like