You are on page 1of 43

Stallion Series #30: ANGELO EXEL FORMOSA

by Sonia_Francesca

Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na
niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal.
Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo.

Si Angelo Exel Formosa.

Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging
panggulo rin ito sa nananahimik niyang puso. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay
niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap...

Teka, hindi ba't inlove na siya sa iba?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 1

***UNEDITED:  So some words here you may find a little off.  Please excuse it.
Enjoy reading. :) ***

ABALA SA pagbabasa ng paborito niyang libro si Nadja nang mapatingin siya sa


wallclock na nakasabit sa dingding ng souvenir shop ng Picka-Picka.
"Its time." Malakas niyang isinara ang libro at inihagis iyon sa rattan basket
sa isa pang bahagi ng shop.
Pagkatapos ay dinampot naman niya ang binocular sa ibabaw counter at tahimik na
dumiretso sa kanugnog na veranda. Dalawang metro kasi mula sa kinaroroonan niya ay
bangin na kaya pinagawan ng veranda ang naturang shop. Salamat sa talino niya,
ngayon ay nagagawa na niyang makasilay sa guwapong lalaking ilang metro lang ang
layo ng bahay sa shop na pag-aari niya.
"Where art thou, oh handsome creature of the...ah..." Ini-adjust niya ang zoom
ng binocular upang mas makita nang maigi ang kanyang tinutunghayan mula sa salaming
bintana ng bahay ng lalaki. "Of the—aw, syet! Nandiyan ka na pala, irog! Wuuuu!"
Si Ian Jack Salmentar. Ang nag-iisang lalaking pinag-aaksayahan niya ng
panahon at atensyon. Ang nag-iisang lalaking gusto niyang laging nakikita. Ang
lalaking walang kamuwang-muwang na pinagnanasaan na niya. Napangisi siya nang
makitang naupo sa sofa nito si Ian Jack habang may pasak ng kutsara ang bibig. Sa
mesitang nasa harap nito ay nakapatong ang isang laptop computer. Magulo ang buhok
nito, lukot-lukot din ang sando na suot pati na ang cargo shorts nito. Halatang
kagigising lang nito.
"Good morning, irog," ngiting-ngiti niyang sambit. "Nag-breakfast ka na ba?
Gusto mong ipagluto kita? Sige, tumingin ka lang dito at kindatan ako, meron ka na
agad instant breakfast. May bonus pang kiss iyan."
Hindi rin niya alam kung bakit pinagmumukha niyang tanga ang sarili nang dahil
lang dito. Ah, oo nga pala. Kasi gustong-gusto nga pala niya ito. Mula nang araw
na makita niya itong dumaan sa tapat ng Picka-Picka, nagmamadali habang namumutok
ang laman ng pagkalaki-laki nitong backpack. Naisip niya noon, isa itong kalahi ni
Samson, o ni Godzilla, dahil tila balewala lang dito ang dala nito. And at that
time, it was even raining very hard. Ngunit di iyon alintana ng lalaki.
Inaabangan nga niya kinabukasan ang anunsyo sa Stallion Riding Club na may sakit
ito. Pero wala. In fact, nakita pa nga niya uli itong dumaan sa tapat ng Picka-
Picka, lumingon sa kanya at ngumiti pa. And the moment she saw that smile,
nalaglag ang kinakain niyang cookie dahil napatanga na lang siya rito, kasabay
niyon ay ang pagkalaglag na rin ng puso niya para rito. Mula noon, lagi na niya
itong inaabangan kahit pa nga hindi na uli naulit ang paglingon nito sa kanya at
pagngiti. Ayos lang iyon. Masaya na siyang nakikita itong dumaraan sa tapat ng
Picka-Picka. Batid niya, balang araw ay darating din ang pagkakataon na hihinto
ito sa tapat ng shop niya, papasok at babatiin siya.
"Sige lang, irog. Pakabusog ka sa kutsara mo. Ako naman e nandito lang sa
tabi-tabi, laging nakabantay sa iyo—"
"Excuse me, Miss?"
"At hindi namamansin ng mga malignong nagsasalita sa tabi ko." Muli niyang in-
adjust ang zoom ng kanyang binocular. "Wala akong katatakutan dahil nakikita kita,
o iro—"
"Miss."
Dahan-dahan niyang nilingon ang istorbo sa kanyang morning ritual. Sinigurado
rin niyang masamang-masama ang itsura niya para malaman ng istorbo na hindi maganda
ang ginawa nitong pang-iistorbo sa kanya. Hayan, redundant na tuloy siya. Asar,
ha.
"Bakit?"
"Anong bakit? Customer ako. Gusto kong bumili ng mga bulaklak. Asikasuhin mo
ako."
Asar 'tong isang ito, ah. Base sa suot nitong riding uniform, isa ito sa mga
prominenteng taong miyembro ng exclusive Stallion Riding Club. Kung hindi lang sa
paraan nito ng pag-uutos sa kanya, pupurihin sana niya ang gandang lalaki nito, eh.
Kaso, di bale na lang. Bukod sa wala siyang balak pumuri ng mga mayayabang na
nilalang, si Ian Jack lang din ang kinikilala niyang guwapo sa mundo. Kung hindi
man sa buong Stallion Riding Club.

"Pumili ka na muna ng magugustuhan mo bago mo ako tawagin.


Saka ko kukuwentahin ang mga nabili mo."
"Hindi mo man lang ba ako i-a-assist?"
"Bakit, pilay ka ba?" Sinulyapan niya ang mga paa nito. "Hindi naman, ah.
Kaya mo na iyan."
Pabalik na siya sa veranda nang muli siya nitong tawagin. "Ganito na ba ngayon
magtrabaho ang mga nasa establishment ng Stallion Riding Club? Walang galang sa
mga customer. Does Reid know about this?"
"Alam mo, Mister—"
"Angelo Exel Formosa."
Wala akong pakialam! "Alam mo, Mister, ganito na talaga ako magpalakad ng
negosyo ko rito," wika niya sa pinakamahinahon niyang tinig. "Hahayaan kong mamili
ang mga customer nang hindi sila iniistorbo dahil kapag pinakialaman ko sila, mapa-
paranoid ang mga iyon. Saka ko lang sila iistorbohin kung gusto na nilang
magpaistorbo."
"Ganon naman pala." Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang
counter. "Gusto ko ng magpaistorbo. Dahil gusto kong asikasuhin mo ako."
Naku, Nadja. Maghunus dili ka. Huwag mong patulan ang impaktong iyan dahil
magkakaroon ka ng record kay Jesus. Hindi ka na Niya bibigyan ng gift. Remember,
ang irog mong si Ian Jack ang gusto mong maging gift Niya sa iyo sa Pasko. At next
month, Pasko na. So be a little good girl, okay? Kaya mo ang isang iyan.
Nakaplaster na sa kanyang mukha ang isang fake na fake na ngiti nang iwan ang
veranda at lumapit sa counter. "Yes, Sir? What can I do for you, Sir?"
"Wala akong alam sa flower combination," buong paghahari pa rin nitong wika.
Talagang hindi ito tinatablan ng killer look niya. So, its either makapal ang
mukha nito o talaga lang manhid ito. "Give me something that a special woman would
want to have."
Walang sabi-sabi niyang hinugot sa flower vase na naka-display sa ibabaw ng
counter ang isang tangkay ng zinnia at iyon ang ibinigay dito ng ngiting-ngiti pa
rin.
"Heto. Zinnia. Maganda iyan. Para sa mga praning."
"Praning?"
"O di ba ang sabi mo, 'special' woman. As in may konting 'off' sa personality
niya, right?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. Nagpatuloy lang siya sa pangiti. Kung hindi
siya nagkakamali, anomang oras ay lalayas na rin ito sa harap niya at makakabalik
na siya sa kanyang irog na si Ian Jack.
Perfect!
"Kahit kailan ay hindi pa ako nakatanggap ng ganitong klase ng reception," wika
nito. Galit. "I have never felt this insulted. Kung ayaw mong pagsilbihan ang
mga customer mo, hindi ka na lang sana nagtayo ng negosyo."
"Teka, una sa lahat, hindi kita iniinsulto. Ang zinnia ang bulaklak na
nakakapagpa-relax ng isip ng mga tao." Kunwari, totoo. "Humingi ka ng suggestion,
binigyan kita ng sagot. Tapos ngayon, sasabihin mong iniinsulto kita at gusto mong
ipasara ko na itong shop ko? Baka gusto mo ng zinnia? Dahil mukhang troubled na
rin ang pag-iisip mo."
Kinuha nito sa kanya ang pobreng bulaklak. "You're sick."
Ginaya niya ang seryosong mukha at boses nito. "Then call the doctor very
quick."
Tinitigan lang siya nito ng matagal. Ng matagal na matagal. Sa sobrang tagal,
parang tinubuan na siya ng kulaba sa kanyang mga binti. At sa sobrang tagal din ng
titigan nilang iyon ay tila ba lumusot sa kanyang mapangmatang mga mata ang totoong
itsura nito.
He was really a goodlooking guy. With angelic face, cute pointed nose, nice
rosy lips, smiling eyes even when he wasn't really smiling at the moment. One
could really get addicted to that handsome face. Kahit siyang may ibang iniirog,
hindi malayong magustuhan ang guwapong mama. Kung hindi lang niya narinig ang
kayabangan nito.
"Hoy, mamang ano, bibili ba kayo o hindi?" untag niya nang hindi lumalayo rito.
"Aba'y marami pa akong trabaho rito. Kung gusto mo akong titigan maghapon,
bibigyan na lang kita ng picture ko. May autograph pa iyon—"
"Hindi na." Pinutol nito ang mahabang tangkay ng zinna at isinuksok ang
bulaklak sa pagitan ng kulot niyang buhok. "Salamat na lang sa napakagandang pag-
aasikaso."
Tinalikuran na siya nito pagkatapos. "Uy, sige. Ingat." Dinampot naman niya
agad ang binocular saka bumaling pabalik sa veranda. "Hey,
Jack...hey...heypibertdey!"
Naabutan naman niyang nagpu-push up ang binata sa sala nito. Ng walang suot na
sando! Napangisi siya.
"Kung hindi ka nga naman sinusuwerte ngayon, Nadja!" bati niya sa sarili.
"Naku! Just look at those flexing muscles, mare. Panalo!"
Sulit na sulit ang pagtatayo niya ng negosyo sa loob ng Stallion Riding Club.
Bukod kasi sa wala talaga siyang lugi, ang laki pa ng bonus na nakuha niya nang
hindi sinasadya. At iyon ay sa katauhan nga ni Ian Jack. Sino ang mag-iisip na
magiging ganito siya kalapit sa lalaking naging kabuuan ng kanyang pangarap?
Life couldn't be any better than this.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 2

NAGPALIPAT-LIPAT NG tingin si Nadja sa kanyang nakatatandang kapatid na si


Neiji at ng big boss ng Stallion Riding Club na si Reid Alleje. Nananahimik kasi
siya sa kanyang lungga sa Picka-Picka nang ipatawag siya ni Reid. Pero ano nga
kaya ang kailangan nito sa kanya? At ano ang ginagawa roon ng kanyang kuya?
Mukhang importante ang pag-uusapan nila dahil ang hipag niyang si Winry ang
nagboluntaryong tumao na muna sa kanyang shop. Parang alam na nitong matatagalan
sa opisina ni Reid.
She started humming. Napatingin sa kanya ang dalawang lalaking kanina pa
tahimik na nag-uusap.
"What?" tanong niya sa mga ito. "Mapapanisan na ako ng laway dito kung hindi
ko igagalaw ang mga muscles sa bibig ko."
"Nadja," saway ng Kuya Neiji niya. "Alam mo ba kung bakit ka ipinatawag dito?"
"Well, kung alam ko, sa tingin nyo ba uupo na lang ako rito na parang tanga at
nagtatanong sa kawalan?"
Reid sighed. "Someone proposed to close up your shop."
"What? Who?"
"Angelo."
"Angelo Exel Formosa?" Ang antipatikong iyon?! Kinalma niya ang sarili.
Dahil kung magwawala siya ngayon sa galit, siguradong disadvantage iyon sa kanya.
Ayaw na ayaw pa naman ni Reid ng ingay at gulo sa loob ng pinakamamahal nitong
riding club. "Ano naman daw ang dahilan niya at ipasasara niya ang shop ko?"
Buwisit siya!
Her brother gave her a piece of paper. Isang proposal iyon. Ng pagpapasara ng
shop niya! Parang gusto niyang lamukusin ang naturang papel at ipakain iyon sa
buwisit na lalaking nakapirma roon.
"Uncooperative and unrespectful to the clients?"
"You know the rules around here, Nadja," wika uli ni Reid. "I will agree for
some establishments to be put inside the Stallion Riding Club. Pero kung may isa
sa mga members ng club ang magpoprotesta, I'll have to side with them. Afterall,
sila ang talagang priority dito."
"Pero...anong...bakit..." Ilang beses pa niyang tiningnan ang lintik na papel.
At sa bawat pagtitig niya roon ay tila mas lalong pumupula ang kulay ng kanyang
paligid. "Saan...unfair."
"Ano ba kasi ang ginawa mo kay Angelo at bigla na lang niyang naisipang
patalsikin ka ng club?" tanong ng kuya niya. "He was one of the friendliest people
around here. Siguradong hindi naman maghahain ng ganitong petisyon ang isang iyon
kung wala kang ginawa na ikinaglit niya."
"Wala naman talaga akong ginagawang masama..." Naalala niya ang araw na
nagpunta ito sa shop. O, hindi naman niya ito sinigawan o inasar. Maayos niya
itong pinakiharapan. Kaya ano ang dahilan ng kurimaw na iyon na palayasin siya sa
lugar na iyon?
"Kuya, ako rin kilala mo. Napaka-bait ko ring tao. Napaka-friendly.
Pinakiharapan ko naman siya ng maayos nang magpunta siya sa shop noong nakaraang
araw. Baka siya ng may problema kaya niya ginagawa ito sa akin." muli niyang
binasa ang nakasulat sa papel. "Hindi kaya naiinggit siya sa akin dahil malakas
ang kita ng Picka-Picka at gusto niyang i-take over ang management ng shop ko?"
Napangiwi na lang siya nang makita ang reaksyon ng mga ito sa sinabi niya.
Parang kulang na lang ay sigawan siya ng mga itong nasisiraan na siya ng bait.
"Angelo owned the most prestigious modelling agency in the country," mahinahong
wika ng kuya niya. "Not to mention one of the biggest advertising company today.
As international model, he's earning thousand of dollars every time he strut his
stuff on the ramp. Kaya ano ang gagawin niya sa isang gaya ng Picka-Picka?"
Doon siya umalma. "Hoy, Kuya, kahit maliit lang ang Picka-Picka dito sa
Stallion Riding Club, ito ang may pinakamalaking income sa lahat ng branch ng shop
ko. At pinaghirapan kong i-establish ang negosyo kong ito kaya huwag na huwag mong
lalaitin ang Picka-Picka ko."
"Okay, okay. I'm sorry. I shouldn't have said that." Napakamot na lang ito
ng ulo nang balingan ang kaibigan. "Baka naman puwede pa natin itong ipakiusap kay
Angelo. I'm sure this was just a little misuderstanding. Minsan kasi may
pagkataklesa rin iyang kapatid ko."
"If you wanted to talk this over with, I'm not the one you, two, should be
talking to right now." Nilingon siya ni Reid. "Hindi ko ia-approve ang proposal
na ito ni Angelo. Pero sa isang kundisyon."
"Basta huwag lang pera," wika niya. "Okay sa akin."
"Ikaw ang makipag-usap kay Angelo. Kumbinsihin mo siyang bawiin itong proposal
niya."
"Sige, perahin ko na lang iyan."
"Nadja," singit ng kuya niya. "I know you're a proud little Gremlin—"
Sumimangot lang siya. "Pero ito na lang ang tanging paraan para hindi tuluyang ma-
dissolve ang shop mo rito sa SRC. Take it or leave it."
"I'm giving you a week," dugtong pa ni Reid.
Asar niyang kinamot ang ulo. Wala na talaga siyang ibang choice kundi ang
sundin ang suggestion ng mga ito.
"Do I really have to beg?"
"If you really care for your shop."
Lulugo-lugo siyang tumayo, dala ang lintik na proposal ng lintik na Angelo Exel
Formosa na iyon. Aburido pa rin siya sa kinahinatnan ng inakala niyang maganda at
tahimik niyang buhay sa loob ng Stallion Riding Club. Nang biglang mabangga siya
ng kung sino.
"Ops. Sorry."
Handa na siyang manlapa nang mapatingin siya sa mukha ng taong nakabangga sa
kanya. Tila biglang nilipad ng hangin ang lahat ng problema niya sa buhay nang
makilala ang lalaking nasa harap niya ngayon.
At hawak ang braso ko! Syet!
"Galing ka ba sa opisina ni Reid?" tanong ni Ian Jack. "Is he there?"
Nakatanga lang siyang tumango. "Thanks."
Marahan pa siya nitong tinapik sa balikat saka nagtungo sa opisina ni Reid.
Hinawakan niya ang balikat niyang pinagdampian ng mapagpala nitong kamay.
Pagkatapos ay sininghot niya nang husto ang bango ni Ian Jack na dumikit sa damit
niya.
"Jack..." parang lumulutang pa rin ang utak niyang sambit. "Hey, Jack..."
Ngayon higit kailanman, nagkaroon siya ng mas matibay na dahilan upang manatili
pa sa naturang lugar. Kailangang manatili siya roon. Dahil kung hindi, wala ring
Ian Jack na magpapasaya sa bawat araw niya.
Binigyan niya ng huling sulyap ang nakasaradong pinto ng silid ni Reid kung
saan pumasok si Ian Jack.
"Wait for me, irog," wika niya sa hangin. "Aayusin ko lang ang problemang
ibinigay sa akin ng kulugong Angelo na iyon. Saka tayo mag-uusap, okay? Diyan ka
lang, ha? Babalikan kita agad."
Bitbit ang proposal, sinugod niya ang...Napahinto siya. "Teka, saan ko nga
pala makikita ang kulugong iyon?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 3

WALANG GATE o bakod ang bahay ni Angelo kaya madaling nakapasok si Nadja.
Kunsabagay, si Myco Gosiaco, ang nakatalaga sa security ng buong Stallion Riding
Club at isa ring dakilang member, walang dapat na ipag-alalala mga tao sa riding
club. Afterall, Myco is the best in his field. And Reid Alleje always wanted the
best for his precious SRC.
"Tao po!" Idinikit niya ang dalawang kamay sa salaming bintana upang masilip
nang maayos ang loob ng bahay. "Tao nga po! Mr. Formosa, nandiyan ka ba?"
Wala siyang maaninag na kaganapan sa loob ng bahay. Pero ayon kay Reid, naroon
daw ito ngayon Stalllion Riding Club. At nabanggit din ng isa sa mga members na
nakasalubong niyang hindi nagpakita sa riding arena ang lalaki. Kaya ang ibig
sabihin ay naroon ito ngayon sa bahay nito.
"Pero nasaan naman ang isang iyon?" tanong niya sa sarili. "Pausukan ko kaya
itong bahay niya? Para kusa na lang siyang lumabas at hindi na ako mahirapan."
She stepped back, hands on her hips as she measured the whole house in front of
her. "Walang 'keep out' sign. Wala ring doorbell. Walang sumasagot kaya siguro
naman, hindi ako kokondenahin kung pumasok man ako nang walang paalam."
Tiningnan niya ang hawak na papel. Basta na lang niya iyon nilamukos saka
inililis ang manggas ng suot niyang t-shirt. Importanteng makausap niya ang Angelo
na iyon ngayon. Kailangan. Dahil kapag nagkataon, hindi na rin niya masisilayan
ang kanyang irog na si Ian Jack. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Bukas.
Pumasok na siya.
"Tao po! Pumasok na po ako! Mr. Angelo, Sir, puwede ba kayong makausap?
Importante lang po!" Habang malakas na sumisigaw ay patuloy siya sa paghahanap sa
lalaki. Sa sala, sa banyo, sa kusina, hanggang sa second floor kung saan naroon
ang nag-iisang silid. "Mr. Angelo, Sir? Nandito na ba kayo? Hello? Wow, ang
bango naman."
Malinis ang kabuuan ng kuwarto. Nasa ayos ang lahat liban sa ibabaw ng kama na
bahagyang magulo ang kumot at unan. Kung ganon, naroon nga ang lalaki.
"Pero saan naman kaya nagsuot ang isang iyon?" Isang beses pa niyang simanyo
ang bangong iyon bago bumaba sa sala. "Asar, ha? Ngayon lang ako naghanap ng
ganito sa isang lalaking ni hindi ko nga boyfriend."
Saka naman napadako ang tingin niya sa magandang tanawin sa labas ng bintana sa
likurang bahagi ng bahay. Kitang-kita roon ang view ng Taal Lake. It was such a
refreshing sight and the view of the famous lake from the Stallion Riding Club
never fails to charm her. Kaya naman lumapit siya sa mahabang sofa at lumuhod doon
upang mas mapagmasdan nang husto ang magandang tanawin. Nang mahagip ng tingin
niya ang duyan na iyon na nakakabit sa magkabilang puno ng niyogs. At makitang
naroon ang kanyang hinahanap.
"Aha! Nandiyan ka lang pala, peste ka. Bakit hindi ka sumasagot? Pinahirapan
mo pa ang vocal chord ko!"
Naghanap siya ng daanan patungo roon at ilang sandali pa ay kaharap na niya ang
lalaki. Ngunit tila naglaho ang lahat ng ngitngit niya sa mundo nang tuluyang
makita ito. The guy was fast asleep, with his one foot on the ground, his one arm
over his head and his other hand clinging to a book over his chest. His white
longsleeve polo was opened halfway across his chest, his beautiful chest, and his
hair framed his sleeping handsome face. The gentle breeze and the absence of the
sun together with the fantastic surrounding all seemed to conspire to bless the
sleeping man with the most beautiful aura. Pakiramdam niya, habang pinagmamasdan
ang lalaking iyon, tila ba nalilinis na rin ang pagkatao niya ng mga naging
kasalanan niya sa buhay. Or something like that. Basta. Ibang-iba ang dating sa
kanya ng nakikita niya ngayon. Sa isang iglap, parang nawala ang pagnanasa niyang
saktan ito dahil sa proposal nitong patalsikin siya ng SRC. Basta, parang gusto na
lang niyang magnasa...
Marahas niyang ipinilig ang ulo. "No, Nadja. Malaki ang kasalanan niyan sa
iyo. Hindi ka puwedeng magkagusto sa isang kaaway. Tandaan mo, siya ang magiging
dahilan ng hindi na ninyo pagtatagpong muli ng irog mo kapag nagkataon. At si Ian
Jack lang ang lalaking para sa iyo. Hindi ka puwedeng pumayag na basta na lang
magkalayo ang mga landas ninyo nang dahil lang sa kapritso ng mama'ng iyan..."

Nawalan na naman siya ng lakas na maasar nang muling


mapagmasdan ang payapang mukhang iyon. Nakagat na lang niya ang kanyang daliri
habang patuloy nag pinagmamasdan ang lalaki.
"I can't believe a guy could actually look like this..."
"Look like what?"
Malakas siyang napasinghap sa gulat nang magsalita ito. Nang magmulat ito ng
mga mata, pakiramdam nanuot sa buong katauhan niya ang mga tingin nito. His eyes
were sharp but there was nothing in the way he looked at her to be threatened
about.
But damn it! He was really so good to look at!
"Look like what?" ulit nito.
"Ha?" Hinalukay niya ang kanyang isip para maintindihan ang tanong nito. Pero
malas! Dahil ayaw makipag-cooperate ng isip niya sa kanya. Masyado siyang
distracted ng imahe ng lalaking ito. Kailangan niya ng reinforcement. "Mamaya na
lang tayo mag-usap. Pasensiya na sa istorbo."
Tinalikuran na niya ito habang buong pagpipigil niya upang masabunutan ang
sarili. Ano ba ang nangyari sa kanya kanina at nagmukha na lang siyang sa pagtanga
rito? Nasaan na ang panata niyang kakastiguhin ito dahil sa gulong ibinigay nito
sa kanya? Nawala na lang bigla ang lahat ng iyon nang makita ito. Gaga talaga
siya minsan.
"You insulted me and then you trespassed into my house. Do you think I'd let
you go that easily?"
Nasa gitna na sila ng maliwanag at malawak na sala ng lalaki nang marinig niya
ang boses nito. Nilingon niya ito. Nakasunod pala ito sa kanya nang hindi niya
namamalayan. Isang beses pa siyang nagulat sa presensiya nito.
"Mamaya na lang tayo mag-usap."
Tatalikuran na lang uli niya ito nang marinig ang boses nito. "Kung ang
ipinunta mo rito ay tungkol sa petisyong inihain ko kay Reid, then I guess I should
tell it to you personally. I want you and your business out of the Stallion Riding
Club."
Sa pagkakabanggit nito ng tungkol sa problema niyang ito ang may hatid, naglaho
ang anomang gulong nararamdaman niya kanina. Hinarap na niya ito.
"Kahit kailan, hindi kita ininsulto. Nag-trespass ako, oo. At humihingi ako
ng paumanhin doon kahit hindi ko naman talaga kasalanan..." Hinabol ng kanyang mga
mata ginawa nitong pagsuklay ng buhok sa pamamagitan ng mga daliri nito. "Kanina
pa ako tumatawag sa labas ng bahay mo pero walang sumasagot kaya pumasok na ako—
puwede bang pakibutones iyang polo mo?"
"Ayoko." He walked towards the open kitchen and poured himself a cup of
coffee. "Inistorbo mo na nga ako sa pagtulog ko, uutusan mo pa ako sa sarili kong
pamamahay. Ang dami mo ng atraso sa akin. At sa lahat ng ayoko ay 'yung
binibigyan ako ng sakit ng ulo. Kaya umalis ka na at mag-umpisa ng mag-impake
dahil hindi na magbabago ang isip ko tungkol sa pagpapaalis sa iyo rito."
Naglakad na uli ito patungo sa likurang bahagi ng bahay. Sinundan niya ito
hanggang sa maka-upo ito sa iniwang duyan kanina. Masakit man sa ego niya ay hindi
talaga niya makalimutan ang eksenang nakita kanina kung saan malaya niya itong
napagmasdan habang natutulog. Marahas uli niyang ipinilig ang ulo. Kailangang
maging malinaw ang isip niya ngayon. Walang dapat magign distraction. Wala.
"Kailan kita ininsulto?"
"Kung hindi mo maalala, wala rin akong balak mag-aksaya ng panahong ipaalala sa
iyo ang kasalanan mo."
Calm down, Nadja, utos niya sa sarili. Calm down. "Paano akong makakahingi ng
paumanhin kung hindi ko alam ang naging kasalanan ko sa iyo?"
"Problema mo na iyon." He gave her a sideway glance. "What's your name
again?"
"I didn't give you." Pero nagpakilala na rin siya. "My name's Nadja
Villaraza. Neiji's sister."

"Ah." Humigop ito ng kape bago muling bumaling sa kanya.


"And who gave you the idea that I'll forgive you if you apologize?"
"What..."
"Mabait akong tao, Miss. Pero hindi ako basta-basta nagpapatawad ng mga may
kasalanan sa akin."
"Ang sama mo," pigil na pigil niya ang panggigigil. "Kung ayaw mo e di huwag—"
"Angelo!"
Napalingon din siya sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. At ba tinambol ang
dibdib niya nang makita kung sino ang isa sa tatlong lalaking nakasakay sa kani-
kanilang kabayo di kalayuan sa kinaroroonan nila ni Angelo.
"Ian Jack," sambit niya nang hindi na inaalis ang tingin sa binata. "O,
irog..."
"Hindi ka ba makikisali sa tournament ngayon?" tanong ni Brad habang papalapit
ito sa kanila. Kasama nina Reichen at Ian Jack. "Oh, hi, Nadja. Nandito ka
pala."
"Oo nga, eh." Irog... "H-hi, Ian Jack."
"Hello," nakangiti nitong bati. Umawit ang puso niya. "Dinadalaw mo si
Angelo? Hindi ko alam na kayo na pala ngayon."
Bumagsak ang puso niya. "N-naku! Hindi, ah! Ngayon ko nga lang nakausap ang
lalaking iyan! I swear! Besides, he's not my type—"
"Not your type?" tanong ni Reichen. "You refused the ultimate ramp model?
Angelo, mukhang humihina na ang kalibre mo sa mga babae, ah. Balak mo na rin bang
lumagay sa gulo?"
Nagtawanan pa ang tatlong bagong dating habang siya ay hindi na maintindihan
kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Subalit tila kuntento na ang mga ito sa
kung ano ang iniisip sa kanila ni Angelo. Parang gusto na niyang magbigti habang
pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Ian Jack.
Ikaw, ikaw ang kapalaran ko, Ian Jack. Hindi ang kumag na Angelo na ito. Ikaw
lang...ikaw—
"Para kayong mga tanga riyan," mayamaya'y wika ni Angelo. "Nagpunta lang dito
si Nadja para magmakaawa na iurong ko ang petisyon kong paalisin siya rito sa
club."
Nakuha nitong muli ang atensyon ng tatlo. Pati na ang atensyon niya. Kung may
mahahawakan nga lang siya ngayon na kaya niya, inihambalos na niya iyon sa ulo
nito.
"Anong magmakaawa? Hindi ako magmamakaawa sa iyo, ano? Nagpunta lang ako rito
para magkalinawan tayo at makapagpaliwanag ako ng side ko sa isyu. Since ayaw mo
namang sabihin sa akin kung ano at saan ako nagkamali sa iyo, don't you think
you're being unfair?"
"No." He sipped on his coffee. "Besides, throwing you out of the club was
still lenient. Dapat siguro, ipa-ban na rin kita rito."
"Angelo, what's with you?" tanong ni Brad. "Masyado ka yatang malupit ngayon."
"Tama lang iyan sa kanya. Para matuto na siyang gumalang. Dahil kung hahayaan
ko siya sa ginawa niya, aabuso na iyan hanggang sa mawalan na siya ng galang sa
lahat ng club members."
"Kung meron man siyang naging kasalanan, masyado naman yatang mabigat na parusa
ang ibibigay mo sa kanya."
Nananahimik ang nagngingitngit niyang puso nang marinig ang pagtatanggol na
iyon sa kanya ni Ian Jack. And so with a renewed spirit, hinarap uli niya si
Angelo. Alam niya, hinding-hindi siya pababayaan ng kanyang irog.
"You're being unfair to me, Angelo. Wala akong kasalanan sa iyo, as far as I'm
concerned. At paninindigan ko iyon. Nakapag-sorry na ako sa iyo kahit hindi ko
alam ang naging kasalanan ko. Hindi ko na iyon uulitin pa kaya kung hindi mo ako
patatawarin, bahala ka sa buhay mo. I won't beg in front of you."
Nakipagtagisan siya ng titig kay Angelo at wala siyang balak na sumuko rito.
Never! Hah! Akala mo kung sino ka. Hello! You're not even Ian Jack.
Kunsabagay, there was nothing to compare. Mabait ang irog ko. Hindi tulad mo.
Mayabang. At higit sa lahat, ipagtatanggol ako ni Ian Jack at hinding-hindi iiwan—
May nag-ingay na cellphone. Ian Jack smiled at answered his phone. "Well, see
you later, guys," paalam nito.
"Aalis ka na naman?" tanong ni Reichen. "Hindi ka na talaga mapakali sa isang
lugar."
"Work calls." He started to manuever his horse. "Angelo, give her another
chance. For goodness' sake, she's a woman."
Ngumiti at tumawa lang sina Brad at Reichen bago sumunod sa papalayong si Ian
Jack. Tila siya man ay nakasunod na rin sa binata ang kanyang puso. Ngayon higit
kailanman, kailangan niyang manatili sa Stallion Riding Club. Dahil malakas ang
kutob niyang sa muling pagkikita nila ni Ian Jack, may magandang mangyayari sa
kanila.
Hinarap niya si Angelo na nakahiga na uli sa duyan at nagbabasa ng libro. Ang
tasa ng kape nito ay nakapatong na ngayon sa mesitang malapit dito.
Darn it! He still as gorgeous as before. Nakakainis! Pero hindi, si Ian
Jack. Siya lang dapat ang iniisip ko. Hey, Jack...
"You can leave now," mayamaya'y wika nito. "Wala na tayong pag-uusapan pa.
Maghanda ka na sa pag-alis—"
She dropped on her knees and clasped her hands in front of him. "I'm sorry.
Huwag mo na akong paalisin dito, please? Patawarin mo na ako. Hindi na ako uulit.
Magpapakabait na ako, pangako."
"What in the world are you doing?"
Tiningala niya ito na magkasalikop pa rin ang kanyang mga kamay. "Hindi ako
puwedeng umalis ng Stallion Riding Club. I have to stay here. I have to. Kung
hindi, walang Nadja-Ian Jack loveteam na mabubuo. Please, forgive me. Please let
me stay. Hindi na kita iinsultuhin. Hindi na ako magte-trespass sa bahay mo.
Hindi ko na sisinghutin ang amoy ng kuwarto mo—"
"You sneaked into my room?"
"I didn't sneak!" depensa niya. Ngunit nang ma-realized na nasa bingit pa ng
alanganin ang kanyang posisyon sa riding club, bigla niyang binawi ang tapang niya.
"O, sige, nagpunta na nga ako ng kuwarto ko. I'm sorry. Forgive me?"
"No."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 4

"HEY, PROBLEM?"
Napabuntunghininga lang si Nadja imbes na sagutin ang tanong ni Polly. Kapatid
ito ng isa sa mga miyembro ng Stallion Riding Club at isa rin sa mga paborito
niyang customer na laging bumbisita roon dahil lagi itong bumibili ng santambak na
souvenirs sa shop niya. Ewan nga lang niya kung saan nito pinagdadala ang mga iyon.
Nang mga sandaling iyon, iba't ibang kulay ng tullips naman ang pinag-iinteresan
nito.
"Halata ba?"
"Hindi." Lumapit ito sa counter at inilapag sa ibabaw niyon ang mga bulaklak
saka isa-isang inayos. Hinayaan lang niya ito dahil mas gusto nito ang personal na
inaasikaso ang mga binibili. "Nakapangalumbaba ka riyan, panay ang buntunhininga at
nakatingin sa kawalan. Hindi nga naman mahahalata na may problema ka."
"Polly, how's your Kuya Pipo?" Isa ring miyembro ng SRC ang nakatatanda nitong
kapatid.
"Hayun, awa ng Diyos, may girlfriend na. Rakista. Cool."
"May girlfriend na siya?! Bakit hindi ko alam?"
"Bakit dapat mong malaman?" Mataman siya nitong tiningnan. "May lihim ka bang
pagnanasa kay Kuya Pipo?"
"Luka-luka! Wala, 'no? Alam mo namang si Ian Jack lang ang tanging lalaki sa
mga mata ko."
Tumalim ang tingin nito sa kanya. Siya man ay ganon din ang naging reaksyon
dito. That's understandable. Pareho kasi silang may gusto sa iisang lalaki. Ngunit
nagkaroon na sila ng kasunduan noon. No hard feelings sa kung sinomang magugustuhan
ni Ian Jack. Pero para sa kanilang dalawa lang ang kasunduang iyon. Ewan din niya
kung paano silang basta na lang nagkasundo. Siguro dahil nang panahong iyon ay
pareho silang lango sa alak kaya nagkataong pareho ang wavelength ng mga utak nila
nang maikuwento nila sa isa't isa ang damdamin para iisang binata. Nagkasabunutan
sila at nagkapalitan ng mga maaanghang na salita. Nang mahimasmasan sila ay pareho
silang nasa labas na ng main entrance ng Stallion Riding Club. Ipinatapon daw sila
roon ni Reid dahil sa kaguluhang ginawa nila. At kung hindi raw sila magkakasundo
ay huwag na lang uli silang tatapak sa loob ng club. Kaya wala ng sali-salita pang
nagkasundo sila, all for the sake of that one person they truly adore.
"Gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Ian Jack. Kahapon kasi bigla siyang
umalis dito sa SRC." Mag-bestfriend kasi si Pipo at si Ian Jack.
"Must be his work. Alam mo naman ang trabaho nun." Sinamyo nito ang mga
sinalansang mga bulaklak. "Naitanong ko rin siya kay Kuya. Ang sabi niya, nasa
Australia raw ngayon si Ian Jack natin. Doon kasi gaganapin ang X-Games at siya ang
nakuhang maging park and terrain designer para sa naturang event. Kaya hindi pa rin
sigurado kung kailan ang balik niya."
"Hay, nakakatamad na naman pala ang buhay dito sa club kung ganon."
Nangalumbaba siya sa counter. "Wala na naman akong inspirasyon."
"Ang daming lalaking guwapo rito sa club. Bakit kasi hindi ka pa magpalit ng
sinisinta?"
"Ikaw na lang kung gusto mo. Hindi kita bibigyan ng pagkakataong masolo ang
irog kong si Ian Jack, 'no?"
"Anong irog mo? Irog ko rin iyon. Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos."
Sabay silang napatingin sa pinto ng Picka-Picka nang marinig ang pagtunog ng
chimes na palatandaang may customer na pumasok. Meron nga.
"Hi, Cloud!" bati niya. "Naligaw ka yata ngayon sa shop ko?"
Tumango lang ito at tahimik na hinarap nito ang pamimili ng mga bulaklak sa mga
naka-display doon.
Nagkatinginan lang sila ni Polly saka sabay silang nagkibit ng balikat. Sanay
na naman sila sa ugaling iyon ng pinakatahimik na miyembro ng club.
"Ang ganda ni Cloud, ano?" mahinang sambit niya. "Bagay sa kanya ang dramang
laging parang pasan niya ang daigdig. And that long wavy hair. Gosh, parang ang
sarap-sarap haplusin. Maganda pa sa buhok natin, Polly. Stallion Shampoo din kaya
ang gamit niya?"

"Tanungin mo siya."
"Okay." Limang long-stemmed white lilly ang inilapag ni Cloud sa counter. "Hey,
Cloud, Stallion Shampoo ba ang gamit mo?"
"Oo."
"Kaya pala ang ganda ng hair mo."
"Salamat." Ibinigay na nito sa kanya ang maliit na black card na opisyal na
pinaka-ATM card sa loob ng SRC.
"Para ba ito sa girlfriend mo?" tanong niya nang inaayos na ang mga bulaklak.
"Kahit pala mukha kang suplado, may girlfriend ka rin, ano? So, who is she? Bakit
hindi mo siya dalhin dito at nang siya na mismo ang makapili ng bulaklak na gusto
niya? Malay mo type din pala niya ang mga stuff toys at may magustuhan siya sa mga
stuff toys dito. I also have some accessories here, and some souvenir stuffs that
she can choose from—"
"Nadja."
"Yes?"
"Puwedeng tapusin mo na lang iyan? I'm in a hurry."
"Hay naku, Cloudio Martinez," singit ni Polly sa tabi nito. "Chill out, dude.
Cool ka lang. Cool...you know?" He just gave her a cool stare. But Polly just
offered her a pink tullip from her own bunch of flowers. Nang hindi iyon pansinin
man lang ng lalaki ay ito na mismo ang naglagay niyon sa mga bulaklak nito. "Hayan,
para may kulay naman ang mga lillies mo."
"Dagdagan mo na ng yellow at red mums, Cloud." Hinila niya ang pinakamalapit na
stainless na balde kung saan nakalagay ang mga mums at kumuha siy ang dalawang
kulay ng bulaklak na iyon at isinama sa boquet of lillies ng lalaki. "O, di ba
maganda?"
"Eto pa, orange carnations." Si Polly naman ang nangulimbat ng mga bulaklak na
pandagdag. "And dark blue lilly—"
"Enough!" sigaw ni Cloud.
"That would be six hundred and twenty seven, Sir." She had swiped the card
before he could react and gave it back to him with the sweetest smile on her lips.
"Thank you very much. Please come again."
"Enjoy the flowers, Cloud," dugtong pa ni Polly. "Halika, kiss na rin kita para
mawala ang mga alalahanin mo sa buhay."
Ipinukpok lang nito sa ulo ni Polly ang boquet of flowers saka nagmartsa
palabas.
Iiling-iling na lang nilang sinundan ng tingin ang lalaki.
"Babae lang ang maaaring naging dahilan ng ugaling iyan ni Cloud," sambit niya.
"He must have had his heart broken really bad."
"Kawawa naman siya. I heard he's one of the most celebrated brain surgeon in
the US before he quit last year and settled here."
"Brain surgeon? Wow. Ang talino siguro niya, ano?"
"Yeah. But even Einstein fell inlove and had his heart broken."
"Ow? Alam mo iyon?"
"Sus! Kalaro ko lang ng piko si Eistein, 'no?"
"Ewan. Kausapin mo'ng sarili mo." Tinalikuran niya ito upang asikasuhin ang
ibang mga bulaklak na idi-display. Nang may maalala siya. "Polly, ano sa palagay mo
ang puwede kong gawin para mapalambot ang puso ng isang lalaki?"
"Sasagutin ko iyan kung hindi mo gagamitin iyon kay Papa Ian Jack."
"No, I'm not doing it for him."
"E, para kanino?"
"Hindi mo na kailangang malaman."
"Bahala ka. Hangga't hindi ako nakakasigurong labas dito si Ian Jack, hindi
kita tutulungan."
Napilitan na rin siyang ipagtapat dito ang tungkol sa kanyang problema. Mabuti
na lang at hindi naman ito tumawa sa mga sinabi niya. Dahil kung nagkataon, sinipa
na niya ito palabas ng shop.
"So...kailangan mong makumbinsi si Angelo na iurong ang petisyon niya sa loob
ng isang linggo o mapapaalis ka rito pati na ang Picka-Picka?" Napalatak na lang
ito. "You've picked the wrong man to mess up with, my dear friend. Hindi mo ba alam
na si Angelo Exel Formosa ang pinakamatayog ang pride sa lahat ng members ng
Stallion Riding Club. Matayog pa sa saranggola ni Pepe ang lipad ng pride nun."
"Alam ko. Kaya nga ako naasar sa kanya. Isang beses pa nga lang siyang maligaw
dito sa shop ko, kung umasta pa siya akala mo kung sinong hari. Kaya hayun, binara-
bara ko siya."
"Kaya hayan din ang nangyari sa iyo. Mapapatalsik ka ng SRC nang wala sa oras."

Inis niyang dinampot ang naka-display na botelya ng Stallion Shampoo sa ibabaw


ng counter at inalog-alog iyon. "Nakakagigil siya! Nakakagigil! Kapag nakita ko
siya—"
"You should apologize to him. And convinced him to take back his petition to
kick you out of here." Itinali na nito ng isang pulang ribbon ang boquet of
tullips. "No choice ka na, sister."
"Nagawa ko na iyan, 'no? Pero ang impaktong iyon, ni hindi man lang lumambot
ang puso nang lumuhod ko sa harap niya."
"Lumuhod ka?"
"Oo. All for the love of Ian Jack." Ngumisi pa siya rito. "Dakila ako, hindi
ba?"
"Oo, pero mapapaalis ka pa rin ng Stallion Riding Club. O."
Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak nito. "Anong gagawin ko riyan?"
"Props. Narinig ko sa ibang club members na dito sa SRC gagawin ang photo shoot
ng bagong brand of clothings na imo-model ni Angelo. Kaya puntahan mo na siya
ngayon at ibigay mo itong bulaklak siya kanya."
"Pero—"
"Pero kung gusto mong bawasan ang karibal ko kay Ian Jack, okay lang. Mas
mabuti iyan sa akin—"
"No way!" Kinuha niya ang mga bulaklak. "Ikaw muna ang magbantay dito."
"Hindi ako marunong mag-operate ng card swiper—hoy, Nadja!"
"May ballpen at papel diyan." Iyon lang at nagmartsa na siya patungo sa
Clubhouse lobby. Doon na lang siya magtatanong kung saan ang location ng photo
shoot ni Angelo.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 5

SA HARAP ng Lakeside Café and Restaurant nakarating si


Nadja. Doon kasi ang may pinakamaganang view ng Taal Lake kaya marahil ay doon ang
naging venue ng photo shoot ng crew ni Angelo. Ilan lamang ang mga taong naroon at
nag-aasikaso kasama ng limang modelong babae. Si Angelo lamang ang tanging modelong
lalaki roon.
"Okay, turn a little bit on your side, Angelo," wika ng photographer na walang
tigil sa pagpindot ng camera nito. "Jeuliette, put your hand on Angelo's chest.
Yes, that's it...Danica, move a little more closer on Angelo's side and lean your
head towards his chest...that's it...perfect..."
Nakatayo na lang siya di kalayuan at pinagmamasdan ang mga nangyayari. At kahit
ayaw niyang aminin sa kanyang sarili, Angelo seemed to have proved to her why he
was hailed as the most sought-after male model not just in the country but also in
the international modelling world. Noong nakaraang araw nang makita niya itong
natutulog sa duyan sa likod ng bahay nito, hindi nga ba't pakiramdam niya noon ay
tila humulas ang lahat ng inis at ngitngit niya rito? He looked like an innocent
angel back then. Pero ngayon habang pinagmamasdan niya itong mag-project sa harap
ng mga camera, tila bigla itong nagbago. He became the hottest piece of meat any
woman would have to have taken a bit with.
"Nadja, ha?" saway niya sa sarili. "Ano ba naman iyang pinagsasasabi mo riyan?
Patatalsikin ka na ng lalaking iyan sa SRC, nagagawa mo pa siyang purihin. Umayos
ka nga."
Impit siyang napasinghap nang madako ang tingin sa kanya ni Angelo sa kabila ng
limang babaeng nakapaligid dito nang mga sandaling iyon.
"Angelo, give me a seductive look...that's it." utos pa rin ng photographer
nito. "That's it. Give me a look that will make the women scream for you."
And he did just that. Ang problema lang, sa kanya nakatingin talaga ang kumag.
At sa utos ng photographer nito, pakiramdam niya ay inakit siya nito nang husto na
halos gustuhin na niyang tumili, just for the heck of it. His hair was swaying
against the gentlest breeze and that oh-so-delectable look he was giving her almost
made her went insane.
"Hala!" sambit niya sa sarili habang pilit na iniiwas ang tingin dito.
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib nang mga sandaling iyon sa hindi malamang
kadahilanan. "No, no, no. Wala itong kinalaman sa Angelo na iyon. I'm not even
attracted to him. Si Ian Jack...si Ian Jack lang ang—"
"Para sa akin ba iyan?"
Angelo was drinking a bottled water, as his magnificent chest peeping through
his still opened shirt. Tila pinasok na naman ng masamang hangin ang utak niya
dahil natagpuan na lang niya ang kanyang sariling pinagmamasdan ito nang maigi.
Because, darn it, he really was so good to look at!
"Ang alin?" He motioned the flowers she was holding. "Ha? Ah...oo."
Lumapit pa ito sa kanya. Lumayo naman siya. Napakunot ang noo nito. "I'm not in
the mood for playing games with you, Nadja. Kung ayaw mong ibigay iyang mga
bulaklak, okay lang. Its not my type anyway."
Umiral na naman ang kayabangan nito at kahit paano, iyon ang nakapagpabalik sa
linaw ng kanyang pag-iisip. At sa tanging dahilan niya ng paglapit dito.
"Para sa iyo talaga ito." Iniabot na niya rito ang bungkos ng tullips. "Puwede
mo na bang bawiin ang petisyon mo kay Reid?"
Natigil ito sa pag-inom at napatingin na lang sa kanya sandali. "And you think
maaalis ng mga bulaklak na iyan ang pang-iinsultong inabot ko nang dahil sa iyo?"
"Nakapag-apologize na ako doon, ah. Bakit ba hindi mo pa rin ako mapatawad?"
"Dahil hindi ako madaling makalimot ng mga taong nagkakaroon ng atraso sa
akin."
Hambalusin na kaya niya ito ng mga bulaklak na iyon? "Okay, fine. Ano pa ba ang
gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo na ako at bawiin na ang petisyong iyon?"

"Nothing." Tinalikuran na siya nito. "I just want you out


of the Stallion Riding Club."
Sinundan niya ito. Hindi siya papayag na basta na lang mawala ang opportunity
na mapalapit sa tanging lalaking naging espesyal sa kanya dahil lang sa kapritso ng
impaktong lalaking ito.
"You're being unfair, Angelo. Simple lang naman ang naging kasalanan ko sa iyo
pero bakit hindi mo pa iyon mapatawad? I've already said my apologies. I even
offered you this seven hundred pesos worth of flowers."
"Kung nanghihinayang ka sa mga iyan, ibalik mo sa shop mo. Pero hindi na
magbabago ang isip ko."
Nakarating na sila sa loob ng Lakeside Café kung saan may nakalatag na buffet
para marahil sa buong crew ng nagpo-photo shoot doon. Umakyat sa ikalawang palapag
si Angelo. Sumunod pa rin siya. Ang buong palapag na iyon ay pribado para lamang sa
mga club members sa mga gustong isama ng mga ito roon. At dahil siya lang ang
nakabuntot kay Angelo, hindi tuloy sila nakaiwas sa mga panunukso ng ibang club
members na kasalukuyang kumakain at nagpapalipas oras ngayon doon.
"Uy, ano iyan? Babae na pala ang nanunuyo ngayon sa mga lalaki?"
"I just love this riding club."
"Nadja, sigurado ka na ba kay Angelo? Kunsabagay, guwaping naman iyan. Nakita
mo naman na international model pa siya ngayon."
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at patuloy na sinundan si Angelo.
Hanggang sa CR ng mga lalaki. Nilingon siya nito nang tangkain niyang pumasok.
Inilahad niya ang mga bulaklak dito.
"Ayoko talagang umalis dito sa SRC. Masaya ako rito. Kahit na mga buraot minsan
ang mga tao rito, masaya pa rin ako. Pero mas masaya ako dahil nandito si Ian Jack.
You know I like him very much, don't you? At isa siya sa mga dahilan kung bakit
kailangan kong manatili rito. Please naman, Angelo. Patawarin mo na ako."
"You like Ian Jack?"
Napangiti siya saka tila nangangarap na kinutingting ang mga bulaklak. "I liked
him the first time I saw him. Ang cute-cute niya..."
"Ang babaw mo."
"What?"
Pumasok na ito sa loob ng CR. Susunod pa rin sana siya kung hindi lang siya
tinamaan ng hiya kaya nanatili na lang siya sa labas ng nakasarang pinto.
"Hindi kababawan ang magkagusto kay Ian Jack. For your information, isa siya sa
mga pinakamabait na member ng club. Pinakaguwapo, pinakamasayahin, pinaka—"
Biglang bumukas ang pinto. Napaurong na naman siya palayo rito. He had his
other arm leaned against the door frame that made him looked so masculine. At ewan
niya kung dahil sa gulat ay tila tinambol ang kanyang dibdib nang makita ito. O
talaga lang masyado itong naging guwapo sa paningin niya nang mga sandaling iyon.
Ian Jack...Ian Jack. Iyan lang dapat ang tanging lalaking nakakapagpalito sa
isip mo, Nadja. Ang tanging lalaking nakakapagpabilis ng tibok ng puso mo. Hindi
kasama ang lalaking iyan sa harap mo! Eww!
"Parang narinig kong sinabi mong mali ako, a," wika nito.
"Ha?" Kailangan na niyang bumawi. Kahit magsinungaling pa siya. Syet talang
kaba ito! "Naku, hindi. Tama ka. Mababaw naman talaga ako, eh. Tama lang iyong
sinabi mo."
"Talaga?"
"Oo naman. You're perfect!"
"Nang-iinsulto ka na naman, Nadja."
"Hindi!" Ibinigay na uli niya rito ang mga bulaklak. "Meron bang nang-
iinsultong nagbibigay ng mga tullips? Na worth seven hundred pesos?"
Napakunot lang ang noo nito. Patay! Mali na naman ba ang kambiyo niya?
"Bakit lagi mong pinipresyuhan ang mga bulaklak na iyan? Kung masama ang loob
mong ibigay iyan, huwag mong ibigay."
"Naku, buong puso ko itong ibinibigay sa iyo, Angelo. Pramis. Nanghihinayang
lang kasi ako kung tatanggihan mo ang mga ito. Magaganda pa naman." Sinulyapan uli
niya ang mga bulaklak. "At seven hundred pesos din ito."
Bakit ba kasi ganito karami ang kinuha ni Polly na mga tullips? Iyon pa naman
ang pinakamahal na mga bulaklak sa shop niya. Sana pumitas na lang siya ng gumamela
sa mga nadaanan niya kanina. Kinalimutan lang niya iyon nang kunin sa kanya ni
Angelo ang mga bulaklak. But he had touched her hand and didn't take the flowers
right away. Instead, he just held her hand and the flowers as he looked at her.
"I'll take these," wika nito. "Pero hindi ito sapat para makabayad sa naging
kasalanan mo sa akin."
"O-okay..." Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit hindi siya
pinapakawalan nito. Her heart started to rumble again. "So...a-ano ang puwede kong
gawin—"
"I want you to work for me for the whole week."
"Ha?"
"You heard me. Magiging alalay kita at katulong sa loob ng isang linggo. Saka
ko babawiin ang petisyon kong paalisin ka ng SRC."
"Alalay at katulong?" Ang dami yata nun, ah. "Hindi ba puwedeng isa lang sa
dalawa? Wala kasing magbabantay ng Picka-Picka—"
"Do you want it or not?"
"Bitiwan mo muna ang kamay ko."
"I'm not holding your hand."
"You do."
"I don't." Binitiwan nito ang kamay niya. Bumagsak ang mga bulaklak sa sahig.
"See? I told you."
Siya ang humahawak sa kamay nito, ganon? Paanong nangyari iyon? At bakit parang
bigla siyang nawalan ng lakas na hawakan ang mga bulaklak na iyon? Ganon ba ang
naging epekto sa kanya ng saglit na pagkakadaiti ng mga kamay nila ni Angelo? She
looked at his handsome face. Ano nga ba ang meron sa mukhang iyon na
nakakapagpalito sa kanya ng ganito? Na nakakapagpatibok nang husto sa puso niya?
Samantalang ang alam niya, si Ian Jack lang ang nakakagawa niyon sa kanya.
Ian Jack.
"Okay, I'll accept it. Magiging alalay at katulong mo ako sa loob ng isang
linggo." Napakunot ang noo nito. "O, bakit parang nagtataka ka pa? Iniisip mo bang
aatras ako at kakalimutan ang panata ko kay Ian Jack? Neknek mo. Hindi ako ganon
kadali mapapasuko ng sinoman sa pagsinta ko sa lalaking...sinta ko. Hi-hi-hi."
Dinampot niya ang mga bulaklak at nakangiti iyong ibinigay uli kay Angelo. "O,
hayan. Ingatan mo iyang seven hundred pesos na tullips ng Picka-Picka, huh? Huh? A,
teka. Jigger, halika dito sandali."
Lumapit sa kanila ang isa sa notorious twins ng Stallion Riding Club. "Hindi
ako si Jigger."
"O kung sino ka man. Ikaw ang witness namin ngayon sa kasunduan namin ng Angelo
Exel Formosa na ito. Na magiging alalay niya ako at katulong sa loob ng isang
linggo. Isang linggo. Malinaw na malinaw, kapatid."
"Hindi kita kapatid." Nilagpasan lang sila nito at dumiretso na sa CR ng mga
lalaki. "At huwag ninyo akong isali sa kabaliwan ninyong dalawa."
"Okay!" Tinapik niya sa balikat ang tila naguguluhan pa ring si Angelo. "Bukas
na ako magsisimula. Oo nga pala, itsa-charge ko sa iyo ang seven hundred pesos na
tullips na iyan since hindi mo naman ako susuwelduhan. Okay? Okay!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 6

NAKAPANGALUMBABA SI Nadja sa unang baitang ng hagdan sa


front porch ng bahay ni Angelo. Mag-a-ala sais pa lang ng umaga kaya makapal pa ang
ulap sa bahaging iyon ng Tagaytay. Nakadagdag pa ang lamig na iyon sa nararamdaman
niyang antok. Hindi siya sanay na nagiging ng ganito kaaga. Sa Picka-Picka siya
nakatira since dati naman talagang bahay ang naturang establishment at maliit lang
na bahagi niyon ang ginawa niyang souvenir shop. Kaya kahit anong oras ay puwede
siyang gumising at magbukas ng shop. Pero dahil ayaw niyang may masabi pa ang
Angelo na iyon, inagahan talaga niya ang punta sa bahay nito para maaga rin siyang
makapagsimula sa kung ano man ang ipagagawa nito sa kanya.
"I didn't you know you could be this dedicated." Nilingon niya ang nagsalita.
Nakaupo si Angelo sa lounger, nakapatong ang isang binti nito habang may hawak ng
umuusok na tasa ng kape. "Mahihiya sa iyo ang mga alarm clock."
"Wala kang sinabing eksaktong oras kahapon bago tayo naghiwalay. Ayoko namang
may maibato ka na namang reklamo laban sa akin kaya inagahan ko na ang punta rito."
Humigop ito ng kape nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Simpleng t-shirt at
maluwag puting na cotton pants lang ang suot nito. Pero nagawa pa rin nitong
magmukhang kaakit-akit sa kanyang mga mata.
Lagi na lang, reklamo niya sa isip habang pinagmamasdan ito. Kailan ka ba
papangit? Naman!
"Bakit hindi ka nagtanong kahapon?"
"Nakalimutan ko na." Niyakap niya ang sarili upang kahit paano ay hindi
gaaonong lamigin saka sumandal sa dalawang baitang pa ng hagdan. "O, ano na ang
iuutos mo?"
"Mag-iisip pa ako."
"Mag-iisip?" Nangati ang kanyang lalamunan kaya malakas siyang tumikhim. "Mga
ilang oras naman kaya ang aabutin niyan bago ka makapag-isip?"
"Mga...kalahating araw." Tumayo na ito at lumapit sa kanya saka iniabot ang
tasa nito ng kape. "Magkape ka muna. Mukha ka ng basang sisiw diyan."
Nagtaka siya sa inasal nito. Hindi kasi siya sanay na makasaksi ng kabutihan
nito.
"Huwag kang mag-alala," patuloy nito. "Walang lason iyan."
"Gayuma?"
"You're insulting me again, Nadja. Para sa isang tulad ko, hindi ko na
kailangan ng gayuma kung gusto kitang akitin."
Sinimangutan lang niya ito saka kinuha ang iniaabot nito. Lantaran lang kasi
nitong sinabi na wala itong gusto sa kanya kaya hindi ito mag-aaksaya ng panahon na
akitin siya.
O, e, ano naman kung wala siyang gusto sa akin? Kiber. Si Ian Jack lang ang
lalaking gusto ko. Period.
Sinundan niya ng tingin si Angelo nang pumasok ito ng bahay nito. "Hindi man
lang ako niyayang pumasok. Walang puso! Walang kaluluwa! Walang balunbalunan—ay,
bumalik!"
Wala sa loob niyang humigop ng kape kaya hindi na kataka-takang napaso siya.
"Tsk! Huwag mo kasi akong isipin," narinig niyang wika nito. Saka niya
naramdaman ang paglapat ng init na hatid ng balabal na inilagay nito sa balikat
niya. "At ang pag-inom ng mainit na kape, dinadahan-dahan. Ganito, ipapakita ko sa
iyo—"
"Ano ba?" Inilagay niya sa pagitan nila ang tasa ng kape dahil naupo na rin ito
sa tabi niya sa baitang na iyon ng hagdan. "I know how to drink coffee."
"Iyon naman pala, bakit napapaso ka pa?" He put a finger under her chin. "Ano,
masakit ba?"
Tinakpan niya ang bibig saka ito matamang pinagmasdan. What the heck was he
doing? To her?
"What?" tanong nito nang mahalata marahil ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Bakit tinatanong mo ako ng ganyan?"

"Natural dahil napaso ka."


"Bakit biglang-bigla naman yata ang pagiging concern mo sa akin ngayon?"
"Huwag kang mangarap. Sinisiguro ko lang na walang anomang mangyayaring hindi
maganda sa iyo dahil kargo kita habang nasa poder kita." Dinampot nito ang tasa ng
kape at humigop din doon. "Iyon lang iyon."
"B-bakit ka nakikiinom sa kape ko?"
"Akin naman ito. Pinainom lang kita."
"Pero ibinigay mo na sa akin iyan."
"Again, 'pinainom' lang kita." Iminuwestra nito ang tasa sa kanya. "Its still
mine. Bakit pumangit na ang lasa nito?"
"Ewan ko sa iyo."
"Hmm." Tumayo na uli ito at wala ng imik pang bumalik sa loob ng bahay dala ang
tasa ng kape.
Nakatanga na lang siya nakamasid dito. What in the world was going on with him?
Hindi ito ang inaasahan niyang Angelo Exel Formosa na makakasama niya ngayon.
Napansin niya ang nakabalabal sa kanya.
"Anong nangyari sa lalaking iyon?" tanong niya sa sarili. "Hindi iyon ang
Angelo na kilala ko."
Hindi kaya...may gusto ito sa kanya?
"Miss." Nakatayo na sa nakabukas na pinto ang lalaki. "Ano pa ang ginagawa mo
riyan? Pumasok ka na rito at ipagtitimpla mo pa ako ng kape."
"Ano? Magtimpla kang mag-isa—"
"Katulong kita ngayon. Gawain ng mga katulong ang magtimpla ng kape ng mga amo
nila kapag nag-request ang mga iyon ng kape." He opened the door for her. "I want
some coffee. Now. If you don't mind."
Grinding her teeth, she went inside the house. Pero bago tuluyang pumasok ng
bahay ay binigyan muna niya ito ng matalim na tingin saka nagtungo sa kusina.
"Where's your coffee?" tanong niya rito.
"Sa may kitchen counter."
"Your coffeemaker?"
"Sa may kitchen counter."
Tiningnan niya ang itinuro nito. Oo nga naman. Naroon na pati ang dalawang tasa
at kustsara na gagamitin niya. Dalawang tasa?
"Malamig sa labas," wika nito nang tila nabasa ang kanyang iniisip. "I'm sure
gusto mo ring mainitan kahit paano kaya magtimpla ka na rin sa sarili mo. 'Yang
balabal, ayusin mo ng gamit. Bigay pa iyan ng isa sa mga fans ko."
"Opo," padabog niyang sagot saka pabalang na ipinulupot lang sa kanyang leeg
ang balabal na napipilitan nitong ipinahiram sa kanya. "With or without sugar?"
"Without." Naupo ito sa silya sa harap ng kitchen table. "Nag-breakfast ka na?"
Napalingon siya rito. Kanina coffee, ngayon naman breakfast. Talagang gusto na
niyang magduda sa lalaking ito—
"Sagot," untag nito.
"Oo, nag-breakfast na ako bago umalis ng bahay ko."
"Good. Ayoko kasing may kasama kapag kumakain. Ipaghanda mo na rin ako ng
agahan. Damihan mo. At heavy meal ang gusto ko. Dalhin mo na lang sa lanai sa likod
bahay. Unahin mo ang kape na isunod sa akin."
Pagtalikod nito palabas ng kusina ay napamaang na lang siyang pinagmasdan ito.
She really couldn't believe this. Talagang dinidibdib ng damuho ang pagiging
señorito nito at pagiging atsay niya! At sino ba kasi ang sira ulong nagpasok sa
utak niya na maaaring may gusto ito sa kanya?
"Problem?" tanong nito nang bigla na lang siyang lingunin.
"Wala po, among tunay," buong sarkasmo niyang sagot. Lasunin kita diyan, eh.
"Nadja."
"Ano po iyon?"
"Ayusin mo iyang paggamit sa balabal ko. Bigay pa iyan ng fan ko."
"Ha?"
"Tsk." Bumuntunghininga lang ito saka lumapit sa kanya.
Napaurong pa siya palayo dahil hindi niya inaasahan ang paglapit nito sa kanya.
Ngunit hinila lang siya nito uli palapit dito at inayos ang balabal sa leeg niya.
Ewan niya kung dala lang ng pagkabigla niya kaya naramdaman niya ang malakas na
pagkabog ng kanyng dibdib gaya ng naramdaman niya kahapon nang tingnan siya nito
habang nagmo-modelo sa harap ng camera. Subalit mas matindi ngayon. Dahil ni hindi
niya magawang tumingin man lang sa mukha nito. Para kasing natatakot siya na kung
ano ang makikita nito sa kanyang mga mata.
Teka, ano nga ba ang meron sa mga mata ko na katatakutan kong makita niya?
Siya na rin mismo ang sumagot sa katanungang iyon. Wala. But when she tried
looking up to him and seeing his handsome face that close, she felt like all the
feeling inside her just went off. Wala siyang ibang nararamdaman nang mga sandaling
iyon kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso. Iyon lang. Napatingin din ito sa
kanya at mas lalo pang dumoble ang pag-arangkada ng kaba sa dibdib niya. Hindi niya
akalaing darating ang pagkakataon sa buhay niya na nagwawala na siya sa loob,
nagsusumigaw, ngunit walang anomang ingay na lumalabas sa kanyang bibig.
"O, bakit?" mayamaya'y tanong nito. "Ngayon lang ba may nag-ayos ng balabal
para sa iyo? Well, there's always a first time for everything, right? 'Yung kape
ko, isunod mo na lang sa akin sa lanai."
Tinapik pa siya nito sa balikat. At salamat doon dahil kahit paano ay nagising
ang tila natulog niyang sistema. Hinawakan niya ang balikat na tinapik nito kasabay
ng pagkakadaiti rin ng kanyang kamay sa balabal na inayos nito sa para sa kanya.
"Oo..." sagot niya sa hangin. "Ngayon lang may nag-ayos ng balabal para sa
akin..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 7

NAKAKADALAWANG BESES ng nagpapabalik-balik si Nadja sa


kusina at lanai dahil sa paghahatid ng kape at breakfast para kay Angelo nang
marinig niya itong magsalita.
"There's a tray that you can use at the kitchen, you know," wika nito nang
hindi siya nililingon mula sa pagbabasa nito ng diyaryo. "Nahihilo na ako sa
pagpapabalik-balik mo."
Tiningnan niya ito ng masama. Well, at least that was her intention. But when
she saw that handsome face with a carefree aura, everything she wanted to say just
flew out of her mind. Asar! Ibinaling na lang uli niya ang kanyang atensyon sa
ginagawa.
"May kulang pa ba rito sa order mo?" tanong na lang niya. Kailangan na talaga
niyang ayusin ang takbo ng kanyang isip kapag kaharap ang lalaking ito. kung hindi,
malilintikan siya sigurado. "Kung may kulang pa, pakisabi na lang."
"Wala na." Ibinaba na nito ang binabasang diyaryo at tiningnan ang nasa hapag.
"This is too much. Maupo ka riyan at tulungan mo akong ubusin ito."
"Ha?"
"Sayang kung itatapon ang pagkaing hindi ko mauubos. Kaya kumain ka na rin."
"Nang-aasar ka ba talaga o ano?"
Tiningala siya nito since siya ang nakatayo. "What's the problem?"
"Anong what's the problem ka diyan? Pinagluto mo ako ng marami tapos ngayon
sasabihin mong hindi mo mauubos iyan kaya kailangan kong kainin ang matitira mo?"
Naipadyak niya ang isang paa sa sobrang inis. "Kung hindi ka lang papatol, Angelo,
kinutusan na kita talaga."
"May sinabi ba akong tira-tira ko ang kakainin mo?" Iniurong nito ang isang
upuan para sa kanya. "Sasabayan mo akong kumain. Now, sit down. Mahirap kumain ng
nakatayo. Hindi ka mabubusog."
Padabog siyang naupo. Hindi talaga niya maintindihan ang takbo ng utak ng
lalaking ito. And to think na minsan niyang naisip na nagkakagusto na siya rito.
Haller! Malabong magkagusto siya sa isang kasing gulo nito.
"Ganyan ba talaga kalabo ang mga taga-Stallion Riding Club? Grabe. Hindi kayo
maarok ng isip ko, as in."
"Kumain ka na lang." Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "Gutom
lang iyan."
"I'm not hungry." Binalingan siya nito And she felt something shoved her heart.
Kaya mabilis niyang dinampot ang kutsara at tinidor. "Grabe, ang sarap ko palang
magluto!"
Hindi na ito nagsalita pa at tahimik na lang ding kumain. Maganda ang tanawin
sa paligid. Hindi pa rin nagpapakita ang araw dahil napapalibutan pa rin ng hamog
ang kabuuan ng lugar na iyon. Pati ang Bulkang Taal ay hindi pa rin halos makita sa
kapal ng hamog. The stillness of the whole place, the serenity of their
surroundings, should have been enough to take her attention. Pero ang nangyari,
ginawa lang niya iyong distraction upang hindi na mapatutok ang atensyon niya sa
kanyang kaharap.
Tumikhim siya. Distraction, she needed a distraction. "Tapos na ba ang
photoshoot ninyo?"
"Hindi pa. Mamayang hapon pa ang resume namin para may araw. Kailangan namin
iyon para mas maging natural ang dating ng mga larawan. Sayang ang ganda ng
Stallion Riding Club kung gagamit kami ng artificial lightings."
"'Buti pumayag si Reid na dito kayo mag-shoot. Hindi ba't inlove iyon sa SRC
niya at ayaw na ayaw na nae-exploit ang lugar?"
"Wala naman kaming sinisirang parte ng SRC. Ako man ay ayokong may masisira sa
kahit na anong parte ng lugar na ito." Sumandal ito sa kinauupuan at pinagmasdan
ang paligid. "I like SRC the way it is. Gusto ko lang ipagmalaki ang lugar na ito
sa lahat."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmayabang."
"True." He sighed and continued watching the magnificent view in front of them.
"Sino ba ang hindi magyayabang kung nakatira ka sa ganitong lugar? And SRC gave me
the things that I crave most."
"And that is?"
"Privacy. Alam naman nating lahat kung gaano ako kasikat. Kahit saan ako
magpunta, lagi akong pinagkakaguluhan. Hindi na ako makapaglakad ng normal kapag
nagpupunta ako ng mga mall at restaurants na gusto ko. Malaking hassle iyon sa
akin. Kaya nang marinig ko ang tungkol sa SRC, hindi na ako nagdalawang isip na
magpa-member dito. Anyway, kaya ko naman ang lifestyle nila rito since mayaman ako,
so I guess its fine."
Sambakol na ang mukha niya habang nginangata ang bacon strip. "Bakit kapag
nagkuwento ka, parang mas lalong lumalakas ang hangin dito?"
"Nakikiayon lang ang panahon sa mga sinasabi ko." He picked up his cup of
coffee. "Mamaya sa photoshoot, sumama ka."
"Bakit?"
"Kailangan ko ng alalay."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 8

"BOYFRIEND MO si Angelo?"
Gusto sanang taasan ng kilay ni Nadja ang babaeng nagtanong. Kasama ito sa
limang modelo na gaya ni Angelo ay naghahanda na rin para sa photoshoot nang araw
na iyon. Ngunit di gaya ng ibang modelo, ang babaeng ito ay mas abala pa sa pagtipa
sa laptop computer nito imbes na magpa-cute sa mga napapadaang club members doon.
"Huwag mo akong tingnan ng ganya," wika nito nang hindi naman lumilingon sa
kanya. "Nagtatanong lang ako."
Ang taray ng bruha. Naging model ka lang pero magkasing-level lang ang ganda
natin. "Hindi ko boyfriend si Angelo."
"Ano ka niya kung ganon? Alalay?"
"Ano naman kung alalay niya ako?" Inggit ka lang dahil malapit ako lagi sa
kanya. Beehh!
Lalayasan na lang niya ito para hindi na siya maasar pa sa pakikipag-usap dito
nagn marinig niya itong muling magsalita.
"Pumapayag ka ng ganon? Don't you think that's too degrading for us, women?
Dapat ang mga babae, hindi nagpapaapi sa mga lalaki. Dapat, lumalaban sila. Kung
nagkaroon kayo ng problema ni Angelo, maraming paraan para makabawi ka sa kanya.
Hindi sa ganitong paraan na magpapaalipin ka sa kanya. Come on, girl. Ipagtanggol
mo naman ang pagiging babae mo. Dapat ka niyang igalang kahit gaano pa kalaki ang
naging atraso mo sa kanya."
Nge! Sabay ganon? Biglang nagbago tuloy ang tingin niya rito. "Feminist ka ba?"
"No. I just believe na ang mga babae sa lipunan natin ay dapat mas binibigyang
halaga. That Angelo guy, he could be charming and nice. Pero sa tingin ko, hindi pa
rin tama na napakarami niyang babae."
"Marami...siyang babae?"
Saka lang siya nito binalingan. "Selos ka?"
"Hindi, 'no! Nagtatanong lang ako." Humalukipkip siya. "Ikaw, may gusto ka ba
kay Angelo?"
"Of course not. I'm inlove with Trigger."
"Trigger?"
"Yeah." Inginuso nito ang direksyon ng isa sa kambal na nakatayo sa tabi ng
veranda ng Lakeside Cafe habang kausap ang ilang club members. "Trigger Samaniego."
"That's not Trigger."
"That's him."
Tiningnan uli niya ang kinaroroonan ng isa sa notorious twins. Kahit siya ay
nagududa sa hula niya. "Paano mong nalaman na si Trigger nga iyon? Ni minsan ay
wala akong narinig na nakapagsabi ng tama kung sino si Trigger o kung sino si
Jigger sa kanilang dalawa."
Nagkibit lang ito ng balikat saka muling binalikan ang laptop computer. "Ganyan
talaga pag-inlove. Kahit gaano pa kalaki ang mundo o kung gaano pa karami ang tao
sa paligid mo, ang nag-iisang tao lang na mahal mo ang tanging makikita mo."
Talagang nagulat siya sa sinabi nito. Ito ang unang pagkakataon na may
nakatukoy ng tama sa kambal. Siguradong matutuwa nito ang mga tao roon sa SRC na
nabiktima ng dalawang iyon dahil sa past time ng mga itong panggugulo sa lovelife
ng mga tao sa kanilang paligid.
"Excuse me," untag niya sa babae. "Anong pangalan mo?"
Nilingon siya ng babae at inayos ang salaming pangmata nito. "Jeuliette Altre."
"Nadja."
Nilapitan niya si Angelo nang senyasan siya nitong lumapit dito. Subalit hindi
pa rin maalis ang tingin niya sa babaeng nagpakilalang Jeuliette Altre.
"Nadja."
"Ha?"
"You don't pay attention."
"Ah. May iuutos ka?" Tiningnan uli niya ang babae. "Did you know she could
easily tell who Trigger was from the twins?"

"No. Can you wipe away my sweat?"


"No." Nakatingin pa rin siya sa babae. "Magkano kaya ang ibabayad sa akin ng
mga taong gustong makaganti sa kambal na iyon para sa impormasyong ito?"
"Nadja."
"Mukhang yayaman ako ng wala sa oras..." Nawala lang ang atensyon niya sa
bagong natuklasan nang sa pagharap niya sa binata ay makita itong halos dalawang
hakbang na lang ang layo sa kanya. Nakapamaywang at matiim ang pagkakatitig sa
kanya. Napaurong siya nang wala sa oras hindi dahil sa nailang siya sa pagkakatitig
nito sa kanya kundi dahil sa reaksyon niya mismo sa pagkakalapit nilang iyon.
"Alam mong nakasalalay sa akin ang pananatili mo rito sa SRC, Nadja," seryoso
nitong wika. "Pero mukhang balewala lang sa iyo iyon sa nakikita ko sa iyo. Sige,
okay lang. Maybe I should just talk to Reid right now."
Tinalikuran na siya nito. Doon lang siya tila natauhan kaya sinundan niya ito.
"Pupuntahan mo si Reid?"
"I'll tell him that he doesn't have to wait for a week. Ngayon na mismo ay
puwede ka na niyang patalisikin ng SRC."
"T-teka, Angelo—"
"Maayos ang naging agreement natin, Nadja. Isang linggo kang magsisilbi sa
akin. But you just forfeited that now."
"What? Wala naman akong—Sandali lang, Angelo!" Hinawakan na niya ito sa braso
upang pigilan. "Okay, okay. I'm sorry. Masyado lang akong natuwa sa nalaman ko kay
Jeuliette."
"I don't care." He started to walk again but she didn't let him go.
"Sorry na nga, eh. Hindi na mauulit iyon. Sige na, bumalik na tayo doon. Baka
mabulilyaso pa ang photoshoot ninyo dahil sa tantrums mo—"
"I'm not having tantrums."
"Okay." Sinubukan niya itong ngitian. "Balik na tayo?"
It worked because she noticed him relaxed. Pakakawalan na lang niya ito nang
magdalawang isip siya. She liked this feeling, of holding him this way. Kaya siguro
hindi rin niya ito agad pinakawalan.
"Bumalik ka kung gusto mo," wika nito mayamaya. "I'm tired and I want to rest."
"Ha? Paano ang photoshoot ninyo? Ni hindi pa nga kayo nagsisimula."
"I was only there to supervise everything. Hindi ako kasali sa mga modelo
ngayong araw." Tinalikuran na siya nito at dahil nakahawak siya sa braso nito ay
napasama na rin siya rito. "Puwede mo na ring bitiwan ang braso ko."
Napahiya naman siya dahil napansin nito ang ginagawa niya kaya napilitan na rin
siyang bumitaw dito. Ngunit dahil din doon ay hindi niya napansin ang naka-usling
bato sa daraanan niya kaya siya natalisod at dire-diretsong bumagsak sa lupa. Agad
niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang tuhod.
"Aray..."
"Ano ba iyan?"
She sat on the grassy part of the land to tend to her wounds. "Nakita mo na
ngang nadapa ako, di ba? Nagtatanong ka pa. Aw..."
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?"
"Malay ko bang may extra'ng bato riyan..."
Nawalan na naman siya ng imik nang mag-squat sa harap niya si Angelo at maingat
na inililis ang pantalon niya. "This is bad. Ito lang ba ang sugat na nakuha mo?"
"Bakit parang nanghihinayang ka pa yata na iyan lang ang sugat ko?"
"Parang ganon na nga. Naiinis ako sa mga taong hindi tumitingin sa dinaraanan
nila. Can you get up?"
"Can you die?" Akala ko pa naman magkaka-puso ka na dahil sa nangyari sa akin.
Hay naku, wala ka ng pag-asang maging tao, Angelo. Ngunit pinilit na rin niyang
tumayo. Umalalay naman agad ang binata. Na mabilis din niyang tinanggihan. "Kaya ko
ang sarili ko."
"Okay. Sumunod ka sa akin sa clinic."
Nauna na itong maglakad. Gustong-gusto na niya itong batuhin ng isa sa mga
kabayong sinasakyan ng mga club members na nakasalubong nila. Wala talagang puso
ang walanghiya. Hindi na naawa sa kanya. Nagpakipot lang naman siya ng kaunti,
kinagat naman agad. Pero masakit talaga ang tuhod niya. Mahapdi ang sugat na
nasasagi ng pantalon niya sa bawat paglakad niya kaya napilitan siyang huminto sa
paglalakad.
"O, ano? Kaya mo pa?"
Masama ang tinging ibinigay niya kay Angelo. "Ewan ko sa iyo!"
"Puwede kitang tulungan."
"I don't need your help!"
"Okay."
"Nadja? What happened to you?"
Parang nagliwanag ang buong paligid niya nang makita kung sino ang papalapit na
ngayon sa direksyon niya sakay ng kabayo nito.
"Ian Jack..." Nakalimutan na niya ang iniinda at sinalubong ito. "K-kilala mo
ako?"
"Paano kitang hindi makikilala, kapatid ka ni Neiji."
Nagpiyesta na naman ang puso niya. He knew her! "Grabe, nandito ka pala? Kailan
ka nakabalik? Ang sabi ni Polly, nasa Australia ka raw ngayon, ah."
"The X-Game has been cancelled." Bumaba na ito sa kabayo nito upang
inspeksyunin ang sugat niya. "Bakit hindi ka magpunta sa clinic? Baka maimpeksyon
iyan."
"Ha? Ah...papunta na nga talaga ako roon, eh. Nagpahinga lang ako kasi
nahihirapan akong maglakad."
"Do you need help?"
"Yes, thank you."
"Malayo-layo din ang clinic dito. Sumakay ka na lang sa kabayo ko."
"Okay."
Inalalayan siya nitong makaangkas sa likod ng kabayo nito. Ngunit hindi ito
sumampa roon bagkus ay iginiya lang nito ang hayop patungo sa direksyon ng clinic.
Nakangisi niyang nilingon si Angelo.
Beeehh.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 9

"MASAYA KA ngayon, ah."


Hindi pinansin ni Nadja ang sinabi ni Ada, ang nakuha niyang papalit na muna sa
kanya sa pagbabantay sa Picka-Picka habang hindi pa siya tapos sa obligasyon niya
kay Angelo. Hanggang ngayon kasi, tila lumulutang pa rin ang mga paa niya sa ulap.
Dahil kay Ian Jack. Ito ang nag-asikaso sa kanya nang dalhin siya sa clinic para
ipagamot ang kanyang sugat. Hindi man ito nagtagal doon, at least sinamahan pa rin
siya nito. Sapat na iyon para kalimutan niyang maraming kapalpakang ibinigay sa
kanya ang tadhana.
"Huy, mahipan ka ng hangin diyan, sige ka. Ang pangit ng magiging itsura mo sa
kabaong."
"Ada, have you fallen inlove before?"
"Hindi pa. Virgin pa ang puso ko. Bakit, inlove ka?"
Tiningnan niya ito. Not even once na nakarinig siya rito ng pa-opo. Kunsabagay,
isang linggo lang naman ito sa kanya at sa Stallion Guesthouse naman talaga ito
original na nagtatrabaho bilang recpetionist. Nalaman kasi niya kay Yoanna, ang
nightshift manager ng Guesthouse na naghahanap ng mapaglilibangan si Ada para sa
isang linggo nitong forced vacation. Kaya kinuha na niya ito sandali para sa
kanyang shop. Kaya rin walang dahilan para sa formalities.
"Oo." Nagpangalumbaba siya sa counter. "Si Ian Jack, ipinaalala ko lang sa iyo,
he's off limits."
"Naku, hindi ko type ang mga lalaking ayaw magpatali. Iyong-iyo na si Ian
Jack."
"Good to hear that. Si Polly na lang ang kailangan kong idispatsa. Sa tingin
ko, kung magkakaroon lang kami ng pagkakataon ni Ian Jack na magkasarilinan ng mga
isang linggo, magbabago na iyon. Eventually, he'll learn how to surrender his
freedom and his heart. To me." Binuntutan pa niya iyon ng malutong na halakhak. "I
can't wait!"
"Ganyan ba talaga ang mga inlove? Parang baliw. Ayoko na yatang ma-inlove—"
Sabay silang napalingon ni Ada nang marinig ang pagbukas ng pinto ng Picka-
Picka. Si Angelo iyon, kasama ang isa sa kambal. Ngunit mas napatutok ang atensyon
niya kay Angelo. Seryoso ang mukha nito nang magtama ang kanilang mga mata. May
kung ano sa mga tingin nito na tila ba nakapagpapa-guilty sa kanya.
Bakit ako magi-guilty? Wala naman akong kasalanan sa kanya.
Dumiretso ang isa sa kambal sa mga nakahilerang bulaklak at kumuha ng iba't
ibang kulay ng mga rosas. Samantalang naupo naman sa couch na para sa mga customers
si Angelo at dumapot ng magazine.
"Nadja, sa tingin mo, si Trigger iyan?"
"Ha? Ewan ko. Tanungin mo siya para makasiguro ka."
"E, kahit kailan naman hindi nagsabi ng totoo nilang pangalan ang dalawang
iyon, eh. Kapag tinanong ko iyan, siguradong magsisinungaling lang siya."
"Iyon naman pala, eh."
"Sayang. Crush ko kasi si Trigger, eh."
"Pwwede na iyan tutal naman magkamukha sila."
"Nge! Ayoko nga. Siyempre kung sino ang type ko iyon ang lalandiin ko. Teka..."
Itinaas nito ang isang kamay at pumikit. "Mag-i-internalize lang ako."
"Para?"
"Para malaman ko kung si Trigger ba siya o si Jigger." a few seconds later...
"Si Trigger iyan." Lumabas na ito ng counter at nilapitan ang binata. "Hello, Sir.
Can I help you?"
Napailing na lang siya. Kanina parang ikokondena siya sa kabaliwan niya dahil
nagmahal siya. Pero mas malala pa pala ito dahil crush pa nga lang, nalulukring na
ito. Napalingon uli siya sa direksyon ni Angelo. He was still busy reading the
magazine. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon uli na pagmasdan ito. Ang sabi sa mga
nababasa niya tungkol dito, he was the ultimate model of the generation. Hindi na
siya nagtataka kung saan at paano nito nakuha ang titulong iyon. Dahil kahit tulog,
nasa harap ng camera o nagbabasa lang ng magazine, walang dudang deserved nito ang
ganoong titulo. Sa suot nitong uniporme ng Stallion Riding Club, he had managed to
become more than just ordinary club member. Napaka-elegante naman kasi nitong
kumilos at sa pagkakaupo nito ngayon sa sofa niya, tila ito prinsipe roon.
Napakaganda nitong panoorin, hindi nakakasawang tingnan. Nakadagdag pa sa karisma
nito ang mga nakapaligid ditong mga bulaklak sa likuran nito. Pati ang nananahimik
na fireplace ay nakapag-enhance din sa dating nito. O sige na nga, lahat na lang ng
nasa paligid nito, tila ba nakakakapag-enhance sa taglay nitong karisma nito.

Naramdaman marahil nitong may nakatingin dito kaya bumaling


ito sa kanya. At may kung anong bumundol sa dibdib niya at bigla na lang siyang
sinalakay ng kakaibang kabang iyon. Ilang beses na niyang nararamdaman iyon kaya
kahit paano ay pamilyar na rin siya. Although hanggang ngayon ay hindi pa rin niya
maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyon.
"How's your wound?" tanong nito.
Pati ang boses nito, hindi niya akalaing ganito ang magiging reaksyon niya. Na
para bang...na-miss niya ito. "Okay naman...salamat."
"Kaya kay Ian Jack ka magpasalamat since siya ang hinayaan mong tumulong sa
iyo." He turned to his magazine again.
Oo nga naman. "Nakapagpasalamat na ako sa kanya."
Hindi na ito sumagot pa. And that was bugging her. Hindi naman sila nito talaga
nakakapag-usap noon pa man o matatawag na magkaibigan. In fact, kung hindi pa nga
nangyari na nagkaroon sila ng kasunduan ay hindi pa sila magkakaroon ng
pagkakataong makapag-usap ng matagal. Kaya nagtataka siya ngayon kung bakit parang
big deal sa kanya na hindi siya nito kinakausap ngayon.
Teka, bakit ba ako isip ng isip tungkol sa lalaking ito? "May ipapagawa ka na
naman ba sa akin kaya mo ako pinuntahan dito?"
"Hindi mo na dapat itinatanong iyan. You know our deal, Nadja."
Ewan niya kung bakit pero bigla na lang siyang natawa. Nag-peace sign lang siya
rito nang mapatingin ito sa kanya. Now that she felt better, for reason she doesn't
know, nagawa na uli niyang makalapit dito.
"So, ano naman ngayon ang request mo?"
Itinapik nito ang magazine sa sofa. "Maupo ka rito."
"Bakit?"
"Ang dami mo pang tanong. Basta maupo ka na lang." Nagkibit lang siya ng
balikat at sinunod na rin ito. "Let me see your wound."
"Ha?"
"Your wound. Let me check it."
"Bakit?"
"Gusto ko lang makasigurong maayos iyang nagamot sa clinic."
Nagtataka man ay itinuntong na rin niya sa mesita sa harap niya ang kanyang paa
at inililis ang suot na pantalon. "Ang sabi ni Dr. Mondragon, huwag ko raw babasain
para hindi mawala ang gamot at maiwasan ang pamamaga."
"Masakit pa?"
Tiningnan niya ang nakabendang sugat. "Minsan na lang kapag hindi ko
namamalayang naisasangga ko sa kung saan-saan."
"Mag-iingat ka kasi."
"Opo."
Tumango-tango lang ito saka tumayo. "Iyon lang."
"Iyon lang?" Gusto lang nitong malaman ang kalagayan ng pinsala niya kaya ito
nagpunta roon? Well, wasn't that a bit...sweet?
"Dalhan mo uli ako mamaya ng mga bulaklak sa bahay. Gaya ng ibinigay mo sa akin
noong nakaraan. Jigger, tapos ka na ba riyan?"
"Yeah." Nilingon sila nito. "Ikaw, tapos ka ng manligaw?"
"Shut up." Iyon lang at lumabas na ng shop si Angelo.
Ibinigay na ni Jigger kay Ada ang mga napili nitong bulaklak upang gawing
boquet bago siya binalingan. "Kumusta ang kasunduan ninyo ni Angelo? Hindi mo pa
rin napapalambot ang puso niya?"
"May puso ba iyon?"
"Magpakabait ka kasi sa kanya."
"Mabait naman ako, ah."
"Baitan mo pa. And a little piece of advice..." Kinuha na nito ang mga bulaklak
kay Ada. "Kapag magkasama kayo ni Angelo, huwag ka ng titingin pa sa ibang lalaki."
Palaisipan pa rin sa kanya ang huling sinabing iyon ni Jigger nang umalis ito.
Hindi raw siya titingin sa ibagn lalaki kapag kasama niya si Angelo? Bakit?
"Jigger is just so cool," tila nangangarap na sambit ni Ada sa kanyang tabi.
"Speechless ako kanina nang tabihan ko siya! Ako na yata ang pinakamasuwerteng
babae sa mundo! Wey!"
"Mukhang hindi ka naman niya kinausap kanina, ah."
"O, di ba? Astig!"
"Ewan. Teka, akala ko ba si Trigger ang gusto mo?"
"Babae naman ako. Kaya puwede akong magbago ng isip. At puso. Pero Nadja,
narinig ko 'yung huling sinabi ni Papa Jigger. May relasyon ba kayo ni Angelo?"
"Luka-luka!" Pinalo niya ito ng isang tangkay ng rosas. "Wala, 'no! Parasitiko
nga ang tingin sa akin ni Angelo, paano kaming magkakarelasyon?"
"E, bakit ayon sa sinabi ni Papa Jigger, nagseselos si Angelo kapag may ibang
lalaki kang tinitingnan?"
Lalong napakunot ang kanyang noo. Kapag magkasama kayo ni Angelo, huwag ka ng
titingin pa sa ibang lalaki, iyon ang sinabi ni Jigger kanina. Oo nga, ano? Parang
dating nga niyon, nagseselos si Angelo.
"Nadja."
"O."
"Hindi pa nababayaran ni Papa Jigger ang mga bulaklak na kinuha niya."
"Ano?!"
"Sige, sisingilin ko na siya ngayon."
Nagmamadali na itong lumabas ng Picka-Picka bago pa man siya makapagsalita uli.
Ngunit hindi na niya inintindi iyon dahil mas malaking gumugulo sa kanya ngayon ay
ang mga binitiwang salita ng mga makukulit na taong iyon.
Nagseselos si Angelo?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 10

"ANGELO!" Nanggigigil na si Nadja nang sa wakas ay lingunin


siya ng binata mula sa kinasasakyan nitong kabayo. Kanina pa kasi siya umiikot ng
SRC ngunit ngayon lang niya ito natagpuan. "Nakakainis ka na, ha? Ang sabi mo doon
ka lang sa bahay mo? nang pinuntahan kita roon kanina, wala ka naman. Tapos
pinaikot-ikot mo pa ako sa buong Stallion Riding Club! Ano ba ang problema mo?
Pinahihirapan mo ako nang husto!"
Angelo maneuvered the horse to face her. "Nakalimutan ko lang na pinapupunta
nga pala kita sa bahay kanina."
"Nakalimutan?!"
"Oo. Ikaw din naman, nakakalimot minsan, hindi ba?"
"Huwag mo akong pilosopohin kapag ganitong pagod na pagod na ako sa kakahanap
sa iyo!" Nanggigigil niyang iniabot dito ang bungkos ng mga bulaklak na ipinagawa
nito sa kanya. "Hayan! Doble na ang bayad niyan dahil pinahirapan mo ako sa
paghahanap sa iyo." Inalog pa niya iyon nang hindi nito agad iyon kunin. "Napapagod
na ako kaya ang mabuti pa, kunin mo na ito."
"Bakit kasi hindi mo na lang iniwan iyan sa bahay? Imbes na nagpakahirap ka sa
pagsunod-sunod sa akin."
Gusto na niyang tumili sa sobrang frustration. Inis sa kanyang sarili dahil
hindi niya naisip ang sinabi nito, at inis dito dahil naging excited siyang makita
ito matapos niyang patulan ang sinabi naman nina Jigger at Ada. Wala talagang
maidudulot na kabutihan ang pakikinig sa mga sabi-sabi. Just look at her now, she
was feeling so tired and miserable for trying to locate him.
"Mga peste talaga kayong lahat!" sigaw niya. "Mamatay na kayo!"
But even before she could walked away, she saw Angelo dismounted his horse with
one fluid movement. Hinawakan siya nito sa braso.
"Kung napapagod ka na, sumabay ka na sa akin. Malayo-layo rin dito ang
Clubhouse."
"Oo, alam ko. At kasalanan mo iyon!" Inihampas niya rito ang mga bulaklak.
"Hayan ang mga bulaklak mo! Magsama kayo sa impyerno!"
Hindi ito umiwas kaya sa mukha ito tinamaan. Agad naman siyang nginatngat ng
kunsensiya dahil nakita niya ang pagguhit ng dugo sa gilid ng pisngi nito.
"Ah...ano, ahm..."
"Hay," ang tangi nitong nasambit nang makita ang bakas ng dugo sa idinampi
nitong kamay sa nasaktang pisngi. "Hindi ko akalaing nagiging bayolente ka kapag
napagod."
"I, ah...s-sorry." Sinubukan niyang punasan iyon ng kanyang panyo. "Ikaw naman
kasi, bakit hindi ka umiwas? Iyan tuloy..."
"Ikaw naman kasi, bakit mo ako pinalo?"
"Nainis kasi ako sa iyo. Nakakapagod kaya ang maghabol sa iyo." Tuluyan ng
nabagbag ang kanyang kunsensiya. "Magpunta ka na lang sa clinic. Para masigurong
hindi iyan maiimpeksyon. Sayang, guwapo ka pa naman."
Natameme siya nang bumaling ito sa kanya. Ang guwapo, syet! Napaurong na naman
siya palayo rito subalit sa pagkakataong ito, napigilan na siya nito sa kanyang
beywang ng isa nitong braso. Lalong nagwala ang sistema niya.
"Malayo ang clinic dito," wika nito na titig na titig pa rin sa kanya. "Mas
malapit dito ang bahay ko. And Nana could take us there easily."
"Nana?"
"My horse."
"E..."
"Bakit?" Inilapit pa nito nang husto sa kanya ang mukha nito. Nanunukso rin ang
mga mata nito. "Natatakot ka?"
Inilayo niya ang sariling mukha at iniharang ang mga braso niya sa pagitan
nila. "B-bakit naman ako matatakot sa iyo? At tsaka, bakit ka ba lapit ng lapit?
Kaya kong alagaan ang sarili ko, hindi ko kailangan ang tulong mo kaya puwede mo na
akong pakawalan."
"Sino ba ang nagsabing kaya kita hawak ngayon ay dahil kailangan mo ng tulong?
Ako ang may problema ngayon at naninigurado lang akong hindi mo tatakbuhan ang
responsibilidad mo sa ginawa mo sa mukha ko." Inilapit uli nito ang mukha sa kanya.
"Treat me gently."
"H-ha?"
"Let's go."
Hindi na siya nakapalag pa nang igiya siya nito sa kabayo nito dala na rin ng
tindi ng dating sa kanya ng ginawa nito. Hindi agad tuloy naka-recover ang sistema
niya. Lalo pa nga at tila tuksong paulit-ulit na umiikot sa isipan niya ang imahe
ng napakaguwapong mukha ni Angelo. Pati na ang kakaibang kislap ng mga mata nito
kanina nang ilapit nito ang mukha sa kanya.
Medyo nahimasmasan lang siya nang tumayo ito sa likuran niya at hawakan siya sa
kanyang beywang. "Wait!"
"What?"
"B-bakit...bakit mo ako isasakay sa kabayo mo?"
"Nasabi ko na sa iyo. Para madali tayong makarating sa bahay ko." Isang beses
pa siyang lumayo rito nang tangkain uli nitong lumapit sa kanya. "Ano na naman ang
problema?"
"H-hindi mo ako puwedeng isakay sa kabayo mo. May rule kayo rito sa Stallion
Riding Club."
"Na?"
"Na ang sinomang babae isabay ninyo sa pangangabayo, siya ang...ang—"
"Ang pakakasalan namin?" He just gave her a mocking grin. "I don't give a damn
about some stupid rule. Isasakay ko ang sinomang babaeng gusto kong isakay, lalo na
iyong gagamot sa sugat ko. Now, let's move before I ran out of blood here."
Sa pagkakabanggit nito sa sugat nitong siya ang may kagagawan ay napilitan na
rin siyang sumunod dito. Madali siyang nakasampa sa likod ng kabayo dahil madalas
din naman siyang nagpapaturo sa Kuya Neiji niyang mangabayo kapag wala siyang
ginagawa. Pero ni minsan, hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong makasakay ng
kabayo ng may kasama. Ngayon pa lang.
Angelo mounted and sat behind her. With the reign in front of them, he now had
his arms on both her side, making her feel imprisoned. Naramdaman din niya ang
paglapat ng kanyang likod sa katawan nito. Mariin siyang napapikit.
Bless me, Father, for I have sinned.
"Hang on," bulong nito sa kanyang tenga na lalong ikinarambol ng utak niya.
"Here we go."
Wala na siyang pakialam kung umabot man sila sa bangin at mahulog doon. Sa
palagay kasi niya, iyon na yata ang pinakakakaibang sandali sa kanyang buhay.
Nakakalito pero napakasarap naman sa kanyang pakiramdam. Magulo pero parang
nagugustuhan niya ang lahat ng iyon. She still has her eyes closed as gust of wind
brushed her cheeks and clung to her long hair. Unti-unti na rin niyang nararamdaman
ang pananahimik ng kanyang buong sistema habang nadarama niya ang init ng matatag
na katawan ni Angelo sa likuran niya.
Ah...this feels good.
Goodness! Kung alam lang niyang ganon pala ang pakiramdam ng may kasamang
mangabayo, sana pala ay noon pa siya nakiangkas sa mga miyembro ng Stallion Riding
Club. But then, magiging ganito rin kaya kasarap ang pakiramdam niya kapag sa iba
siya naki-angkas?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 11

"DAHAN-DAHAN lang. Kapag nagkapeklat ako, lagot ka sa mga


fans ko."
"Huwag ka kasing magulo at nang hindi ako magkamali."
"You're smudging my whole face."
"Kaya nga huwag kang magulo—" Natigilan si Nadja nang hawakan ni Angelo ang
kanyang kamay. "Ano ba?"
"Pasmado ka ba? Bakit nanginginig ang kamay mo?"
Binawi niya rito ang kamay. "Nasagot mo na ang sarili mong tanong."
Binalikan niya ang paglalagay ng antiseptic sa sugat nitong nagkataong galos
lang. Hindi siya pasmado. Talaga lang hindi niya mapigilang manginig ang mga kamay
niya ngayong halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ng binata.
Hindi rin niya alam kung bakit ganito ang reaksyon niya rito. Kanina naman, habang
nakasakay sa kabayo nito, kalmadong kalmado ang pakiramdam niya. Ngayong magkaharap
uli sila nito, saka kung ano-ano na naman ang nararamdaman niya. Ang gulo talaga
niya kahit kailan. Grrrr!
Binitiwan niya ang bulak na may antiseptic na ipinapahid sa galos nito saka
iwinisik sa hangin ang mga kamay.
"Anong ginagawa mo?"
"Huwag kang maingay." Pumikit siya. "Nag-i-internalize ako."
"Ng ano?"
"Basta. Kailangang kong gawin ito o hindi ko matatapos ang paglalagay ng gamot
sa sugat mo." She waved her hands in the air. "Brrrrr! Brrrrr!"
"You look silly."
"Sshhh! Huwag ka sabing maingay diyan."
"If your hands are cold, just say so. Madali lang iyan solusyunan."
"Hindi naman—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin at napadilat siya nagn wala sa oras nang
hawakan nito ang kanyang mga kamay at ikinulong iyon sa sarili nitong mga kamay.
Saka marahang binugahan ng mainit nitong hininga ang loob ng mga kamay nito kung
saan naroon ang kanyang mga kamay. The heat of his breath ran throughout her entire
body. Pagkatapos ay pinagkiskis naman nito ang kanilang mga kamay. Habang ginagawa
nito iyon ay walang imik lang niya itong pinagmamasdan.
Why are you doing this? Why are you making me...like you?
"Ayos na?" tanong nito nang balingan siya. "Kung nilalamig ka pa, ikukuha kita
ng mittens. May mga spare ako riyan, bigay ng mga fans ko."
Oo, nagugustuhan na nga niya ito. Dahil sa kabila ng pagiging bossy nito
minsan, hindi naman maikakaila na madalas ay nakikinabang siya sa kakaiba nitong
kabaitan. Natawa na lang siya nang bawiin na ang kamay dito saka naupo nang maayos
sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa labas ng nakabukas na pinto
ng bahay.
"Ang weird mo, Angelo."
"Weird? Ako?"
"Oo. I'm supposed to hate you, you know. Dahil sinira mo ang pananahimik ko sa
Picka-Picka. At pinahabol-habol mo ako nang husto sa iyo na kahit kailan ay hindi
ko ginawa sa kahit na sino, mapa-babae man o lalaki."
"Ganon ba? And that's what? A good thing?"
"Hindi, 'no?"
"So, what's with the 'I'm supposed to hate you' thing?"
Saglit niyang sinala ang lahat ng mga naiisip bago sumagot. "Yeah, maybe I'm
starting to like you—Pero hindi iyong as in gusto. 'Yun bang tipong gusto lang
kasi...alam mo iyon? 'Yung mapapakisamahan na kita ng maayos. 'Yung hindi na kita
sisigawan o hindi na ako magagalit sa iyo. Ganon. Alam mo iyon?"
"You sound defensive."
"No, I'm not. Nagpapaliwanag lang ako."
"Then you're overdoing it. Pakiramdam ko tuloy, parang may itinatago ka kaya ka
nagpapaliwanag nang husto."
Nilingon niya ito at inipit ng kanyng kamay ang baba nito bago puwersahang
ibinaling sa kanya ang mukha nito. "Akala mo lang may itinatago ako. Pero wala,
wala, wala!"
Siya na rin ang sumampal dito para kumpleto ang drama niya. Ngunit sa ginawa ay
mukhang wala ring balak ito na basta na lang siya pakawalan. Hinawakan nito ang
kanyang kamay na ipinansampal dito.
"Alam mo, ngayon lang may nakasampal sa akin," seryoso nitong wika. "And I
don't like it one bit. Dapat kang parusahan."
Tumayo ito at humarap sa kanya. Saka dahan-dahang inalis ang butones ng suot
nitong riding jacket. Nagrambulan ang daga sa kanyang dibdib.
"A-anong ginagawa mo?"
"Ano sa palagay mo?"
"A-Angelo—"
"Hep!" Iniharang nito ang isang binti sa sofang kinauupuan niya nang magtangka
siyang tumayo. "Hindi pa kita pinapaalis. Nakalimutan mo na ba? Meron pa tayong
kasunduan. At dinagdagan mo pa lalo ang sintensyang makukuha mo sa akin dahil sa
ginawa mo ngayon-ngayon lang."
"Kaya kong p-pagbayaran iyon pero hindi sa...sa naiisip mong paraan."
"Gusto ko ang naiisip kong paraan." Hinaplos nito ang nasampal niyang pisngi
nito. "Masakit talaga iyon, alam mo ba?"
"Oy, mahina lang naman iyon—"
"Pero sinampal mo pa rin ang isang Angelo Exel Formosa." Tuluyan na nitong
natanggal ang lahat ng butones ng riding jacket nito. "Isang malaking pagkakamali
ang ginawa mong iyon na hindi ko agad mapapalampas."
Nanlaki ang kanyang mga mata at halos mabingi na siya sa dagundong ng kaba sa
kanyang dibdib nang ang butones naman ng suot nitong polo ang isa-isa nitong
tinanggal. Seryoso ang mukha nito. 'Yun bang tipong ekspresyon nito kapag nakaharap
sa camera. Nang-aakit. At ang traydor niyang puso, nagpapaakit naman.
"Hindi ako kasing bait gaya ng inaakala mo," patuloy nito. "Marami rin akong
kasamaan sa katawan."
"A-Angelo—"
He put down his booted leg and leaned forward. He had put his arms on the other
side of hers, making her a prisoner. Nang ilapit nito nang husto ang mukha nito sa
kanya, pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng hininga. Sobra na rin ang malakas na
pagtibok ng kanyang puso.
Lalo na nang unti-unti itong ngumiti. "Natatakot ka? Kaya dapat, huwag kang
gagawa ng mga bagay na makakasakit sa kapwa mo."
"S-sorry na..."
"Ayoko. Gusto kong parusahan ka." Pagkatapos ay dumapa ito sa kanyang mga hita.
His broad chest was laying flat on her legs. "Imasahe mo ako at masakit ang mga
balikat ko. Hurry up."
"H-ha?"
Nilingon siya nito. "Madali na lang iyan, Nadja. Don't tell me hindi mo pa
magagawa."
Magulo. Magulong magulo ang utak niya nang mga sandaling iyon. Dahil inakala
niyang ang gustong mangyari nito ay...Tinampal niya ang ulo nito.
"Aray! Bakit ba?"
"Wala. Trip."
Napangiwi na lang ito nang sunod-sunod at malakas niyang idiin ang kanyang
kamao sa likod nito. Pagkatapos ay nanggigigil din niyang pinisil ang balikat nito.
Kung ibang tao lang, siguro ay nagreklamo na sa ginagawa niyang 'pagmamasahe' rito.
But Angelo didn't say anything. In fact, since nakadapa ito sa mga hita niya,
nararamdaman pa nga niya na natatawa ito.
"Baliw talaga..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 12

"AW..." HINIHILOT ni Angelo ang balakang at balikat nito


nang pumasok ito ng kusina. "Nakatulog nga ako, para namang binagsakan ako ng mga
hollowblocks paggising ko. Ang laki talaga ng galit mo sa akin, ano, Nadja?"
"Oo."
"What are you doing?"
"Nagluluto ng makakain."
"Salamat."
"Anong salamat? Para sa akin lang ito." Hawak ang gamit na sandok, nagpamaywang
siya. "Pero dahil nakaganti na rin naman ako sa iyo kanina, sige, ano ang gusto
mong kainin?"
"Porkchop—"
"Pritong itlog na lang." Inilapag niya sa harap nito ang pritong itlog.
"Masarap iyan. Masustansya pa sa katawan."
Nakamot na lang nito ang kilay habang pinagmamasdan ang pobreng itlog sa harap
nito. Hindi niya mapigilang mapangiti. Katatapos lang niya itong gulpuhin sa
kanyang cariño brutal na pagmamasahe rito. Ngayon naman, pakakainin niya ito ng
lutong gusto niya. Aalma kaya uli ito?
He started putting some fried rice on his plate. Ilang sandali pa, sa laking
pagkamangha niya, ay nag-umpisa na itong kumain. Hinintay niyang magreklamo ito
gaya ng madalas nitong gawin kapag may ginagawa siya para rito. Ngunit wala siyang
narinig na ano pa man dito.
Napatingin ito sa kanya. "What? Bumubula na ba ang bibig ko?"
"Hay naku, asa pa ako," bulong niya sa sarili bago naupo sa bakanteng silya at
sinaluhan ito. "Masarap, di ba?"
"Okay lang. Para saan ba itong pagkain natin? Breakfast o lunch?"
"Dinner."
"May araw pa sa labas."
"Sige, miryenda."
"Walang kuwenta itong usapan natin."
"Bakit mo pinapatulan?"
He leaned back against his seat and grinned. Akalain mo iyon? Kaya pa pala ng
puso niyang sumirko-sirko pagkatapos ng sandamukal na emosyong naranasan niya
kanina? Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nabigla sa naging reaksyon niya
rito. Wala rin naman kasi siyang magagawa kung kukuwestiyunin niya ang lahat ng
nararamdaman niya. Kaya mula ngayon, hahayaan na lang niya ang puso niyang
makaramdam ng lahat ng gusto nitong maramdaman.
"Okay din pala ang mag-usap ng mga walang kuwentang bagay paminsan-minsan,
ano?" wika nito. "Nakaka-relax sa utak na laging nag-iisip."
"Ngayon ka lang ba nakipag-usap ng walang kuwenta?"
"I don't know. Kapag nakikipag-usap kasi ako, ang alam ko may kuwenta lahat ng
sinasabi ko."
"Minsan ba sa buhay mo, pumasok sa isip mong napakayabang mo?"
"Hindi. Bakit?"
"Dahil mayabang ka. Katangahan na ang sinasabi mo, pero ang tingin mo pa rin sa
sarili mo, napaka-importante ng mga sinasabi mo na kailangang pakinggan ng lahat."
"Well, I want everyone to listen because I have something to say. Anong masama
roon?"
"Nakikinig ka ba naman sa mga sinasabi ng ibang tao?"
"Minsan. Kapag interesante ang mga sinasabi nila."
"See that? Iyan ang tinatawag kong kayabangan. Gusto mong pakinggan ka ng
lahat. Pero ikaw, makikinig ka lang kapag gusto mong makinig."
"Kayabangan na ba agad iyon?"
Mangangatwiran pa sana siya nang ma-realize na tama naman ito. Bakit ka nga
naman makikinig sa mga walang kuwentang bagay? And he looked intelligent enough.
Kaya siguro naman ay may katuturan ang mga sasabihin o sinasabi nito.

Now who's being bias?


"Mayabang ba ang tingin mo sa akin, Nadja?"
"Medyo."
"Medyo?"
Nagsalin siya ng juice sa kanyang baso. "'Yung high and mighty attitude mo
kasi, nakakairita minsan. Kung mag-utos ka, para kang hari. At wala kang puwang
para sa mga taong nagkakamali. I mean, come on. Ikaw ba hindi nagkakamali kahit
minsan sa buhay mo? Kapag oo ang sinagot mo, ipapasok ko ang ulo mo sa pugon."
Sumubo muna ito ng pagkain at tila hinayaan ang sariling makapag-isip ng
isasagot bago ito muling nagsalita. "Hindi ko alam na ganon na pala ang dating ng
mga sinasabi ko. O ng ugali ko. Wala naman kasing nagsasabi sa akin na nakakasakit
na ako ng damdamin kaya akala ko, okay lang ang lahat. Ikaw ang unang nagsalita sa
akin tungkol sa ugali ko."
"Nadadala na lang siguro ng mukha mo ang ugali mo kaya wala ng sinoman ang
nagrereklamo."
"What do you mean?"
"You're too handsome, Angelo. Kaya imbes na magreklamo siguro ang mga taong
nakakaharap mo sa ugali mong iyan, pinalalampas na lang nila iyon."
"Dahil guwapo ako?"
"Oo."
Nawalan ito ng imik, tila ba pinag-iisipan ng husto ang mga sinabi niya. And he
was coming up with a not so very good answer. Ewan niya kung bakit ngunit hindi rin
niya nagustuhan na tila nalulungkot ito sa mga natuklasan nang araw na iyon.
"Well, look on the bright side, Angelo. At least you're not a bad person."
Kunot-noo siya nitong binalingan. "Jigger told me you're nice. And...I agree with
him."
"Kasasabi mo lang na masama ang ugali ko."
"Of course not. Ang sabi ko lang, mayabang ka."
"Masama na rin ang katumbas nun," depressed pa rin ang boses nito. "Ang dami ko
palang dapat na hingan ng dispensa."
Habang patuloy itong pinagmamasdan ay parang gusto na niyang haplusin ang mukha
nito. He was such a handsome guy she doesn't want to see him this sad.
"Angelo, its not your fault you acted the way you did. Sabi mo nga, wala naman
kasing nagsasabi sa iyong nakakasakit ka na ng damdamin. Kung meron mang dapat
sisihin doon, sila iyon. Just like the great philosopher Tracymachus said, the
unjust man is truly the just man. Ikaw ang tama kung walang magsasabing mali ka."
Tinitigan lang siya nito. At habang lumilipas ang mga sandali ay nare-realize
din niya ang ilan pang ugali nitong kayang makapag-compensate sa mga flaws nito.
"Kahit hindi halata, at kahit masama sa loob ko," nakangiti niyang wika. "Sweet
ka."
Her heart seemed to fly when his face lights up. Goodness! Ganito na ba ang
dating nito sa kanya? Nakasalalay na rito ang kaligayahan niya? Iniwasan siya
nitong tingnan nang mapangiti ito.
"That's really cute of you, Nadja."
"So...bati na tayo?"
"Bakit? Magkaaway ba tayo?"
"Ikaw lang ang umaaway sa akin."
"Kailan kita inaway?"
"Nang magbigay ka ng petisyon kay Reid na paalisin ako rito sa Stallion Riding
Club."
Sumandal uli ito sa kinauupuan nito. "Ikaw naman kasi, hindi mo na nga ako
inasikaso, inasar mo pa ako."
"E..."
"I was buying flowers for my Mom. I was sad that day because it was her death
anniversary. Kaya pasensiya ka na kung isa ka sa nakatikim ng kasamaan ko nang araw
na iyon."
Kinarate at pinagsisipa siya ng kanyang kunsensiya. "Sorry..."
"Forget it. Nakaraan na iyon kaya kalimutan mo na lang."
"Ako ang masama rito. Grabe, gaga talaga ako minsan." Nakita niya ang boquet of
tullips na nakalapag sa mesita sa sala.
Kinuha niya iyon at tinanggal sa pagkakatali. Pagkatapos ay naghanap siya ng
magandang vase roon at doon inilipat ang mga bulaklak. Ibinuhos niya ang lahat ng
kaalaman niya sa flower arranging para mapaganda ang mga bulaklak at hindi niya
iyon tinigilan hangga't hindi siya nakukuntento sa itsura ng mga tullips.
"You don't have to do that, Nadja."
"Nahihiya ako sa iyo. Pati na sa kaluluwa ng mommy mo. Inisip ko pang ikaw ang
pinakamasamang nilalang nang araw na iyon dahil sa ginawa mo laban sa akin. Pero
dapat lang pala talaga ang nangyari sa akin. Kulang pa ang ginawa mong pagpapahirap
sa akin sa ginawa ko sa iyo."
"Nadja."
Kinusot niya ang mga mata na nagtutubig na. "If this wasn't enough, kukuha pa
ako sa Picka-Picka para maipadala mo sa puntod ng mommy mo."
"That's enough."
Pinagmasdan niya ang ngayon ay maayos ng mga bulaklak ng mga tullips.
Naramdaman niyang inalalayan na siya nito sa kanyang braso para tumayo.
"That's enough, Nadja," bulong nito malapit sa kanyang tenga, gaya nang
bulungan siya nito noong nakasakay sila sa kabayo nito.
And then she felt his hands lightly touched her shoulders. Her heart jumped and
she suddenly moved away from him.
"Ahm, k-kung wala ka ng iuutos ngayon, babalik na ako sa Picka-Picka." Hindi
niya ito matingnan nang diretso dahil hindi rin siya sigurado kung ano ang maaari
nitong makita o mabasa sa kanyang mga mata. "Kung pupunta ka sa puntod ng mommy mo
para dalhin ang mga bulaklak na iyan, dumaan ka na rin muna sa shop. Gusto ko ring
magbigay ng bulaklak para sa kanya. Sana hindi niya ako dalawin sa gabi."
Sinubukan niyang tumawa subalit masyadong apektado ang puso niyang hindi
nakapaghanda sa paglapit nito sa kanya. Ano ba? Bakit ang laki ng kinalaman dito ng
puso ko? I'm inlove with someone else, ain't I? So what's with this heart thing
issue with Angelo? Asar! Ang dami na namang tanong na wala naman siyang maisagot.
"Sige, magpahinga ka na," wika nito. "Dadaan na lang ako sa Picka-Picka
mamaya."
"Okay." Ilang segundo rin ang lumipas bago siya kumaripas ng alis dahil sa
kabog ng kanyang dibdib. "What's wrong with me?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 13

"HINAHANAP KA ni Angelo kanina, ah."


Natisod sa sofa si Nadja nang salubungin siya ng tanong na iyon ni Ada
pagdating niya ng Picka-Picka. Iika-ika na tuloy siya nang maupo roon.
"O, okay ka lang, Nadja?"
"Oo." Hinilot niya ang nasaktang binti. Pasa na naman sigurado iyon. "Dumaan
siya rito?"
"Oo. May usapan ba kayo?"
"Hindi. Wala."
"Ganon ba? A, oo nga pala. Nakalimutan niya ito kanina. Nagmamadali siya kaya
siguro hindi na niya naalala. Ikaw na lang ang magsoli tutal close naman kayo."
Iyon ang member's card ng binata. "Itabi mo na lang diyan. Dadaanan na lang
siguro niya iyan mamaya pagbalik niya."
"Sige."
"Bakit kasi umalis ka pa kanina? Sana ikaw na lang ang nagbigay sa kanya ng mga
bulaklak na inayos mo. Mukhang may importanteng sasabihin pa naman 'yung tao."
Sinadya talaga niyang hindi magpakita sa shop matapos ayusin ang mga bulaklak
na ibinigay niya sa mommy ni Angelo. Naguguluhan din kasi siya sa sarili niya kaya
hanggat maaari ay iiwas na muna siya. Nagpaikot-ikot siya sa paligid ng SRC at
nakipagkuwentuhan sa mga kakilala niya roon para lang makalimutan ang dilemma niya
damdamin niya sa binata. Pero wala ring nangyari dahil na kay Angelo rin ang balik
ng isip niya.
"Nadja, may problema ka ba?"
"Ha? Wala naman. Bakit?"
"Nagtataka lang ako. Hindi ka kasi balahura ngayon."
"Gaga. Sisantehin kita riyan, eh."
"Uy, huwag naman. Dalawang beses ko pa lang nakakadaupan palad si Papa Jigger.
Maawa ka naman sa pagsinta ko."
Natawa lang siya. Naalala kasi niya na ganon din ang mga choice of words niya
kapag si Ian Jack na ang pinag-uusapan. Si Ian Jack...Nakapagtatakang hindi na niya
ito hinahanap-hanap. Samantalang noon, malaman lang niyang nasa SRC ito ay hindi na
siya mapakali. So, ano ang ibig sabihin niyon? Na nawawala na rin ang pagtingin
niya rito? Pero bakit? Dahil ba...kay Angelo?
"Good afternoon, Sir Ian Jack!" narinig niyang bati ni Ada sa bagong dating.
"Good afternoon. Nandito ba si Nadja?"
Nilingon niya ito. "Bakit?"
Nilapitan siya ni Ian Jack. "Can I ask you something?"
"About what?"
"Would you go out with me tonight?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 14

"NADJA VILLARAZA!"
Nilingon ni Nadja si Polly na hinihingal pang nakabalandra sa nakabukas na
pinto ng Picka-Picka. Katatapos lang niyang maglinis ng shop nang mga oras na iyon
para sana maaga siyang makapagsara at nang makapaghanda siya sa kanyang date.
"O, bakit? Napasugod ka yata bigla rito sa Stallion Riding Club—"
"Of course mapapasugod ako rito! I just heard the news!" Pumasok na ito ng
tuluyan at tumayo sa harap niya. "You have a date with Ian Jack tonight!"
"A, iyon ba? Oo." Pinunasan niya ang ibabaw ng mesita. "Niyaya niya ako kanina.
Wala naman akong gagawin kaya sumang-ayon na ako."
"Nadja, ang daya mo!" nagmamaktol na si Polly. "Bakit ikaw lang ang niyaya
niya? Bakit ako, hindi? E, ako naman ang lagi niyang kasama. Nakakainis, ha?"
"E, bakit ka naman niya yayayain? Date namin iyon. Siyempre iba ang date
ninyo."
"Date namin?"
"Oo. Nang yayain ako ni Ian Jack kanina, mukhang may gusto lang siyang iwasan.
Kaya huwag kang mag-alala. Pagkatapos nitong sa amin, siguradong ikaw naman ang
yayayain nun."
"Talaga?"
"Ikaw naman, parang hindi mo kilala si Ian Jack. Akala ko ba close kayo?"
"Oo nga." Mukhang kuntento na ito sa mga narinig mula sa kanya kaya mahinahon
na uli ito. "Nagulat lang ako nang malaman ko mula mismo sa kanya na may date kayo
mamaya."
"Sinabi niya sa iyo?"
"Oo." Ngumisi ito. "Sa tingin mo, pinagseselos lang niya ako?"
"Para kang praning diyan, Polly. Hindi bagay sa iyo ang magpaka-cheap, ha?"
Sumimangot lang ito. Pagkatapos ay mataman siyang pinagmasdan. "O, bakit?"
"Bakit parang...hindi ka na interesado kay Ian Jack? Samantalang noon, isa ka
ring nagkakandarapa sa kanya. Anong nangyari sa iyo?"
"Inlove na kasi iyan sa iba," sagot ni Ada.
"Huuuuwaattt?"
"Heh!" Binato niya ng pinitas na bulaklak sa kalapit na flower vase.
"Asikasuhin mo na lang iyang pagbibilang ng kayamanan ko riyan. Huwag ka ng—"
"Sandali!" singit ni Polly saka lumapit kay Ada. "Totoo ba iyon? Inlove sa iba
si Nadja? Kanino? Shucks! Dapat pala araw-araw akong nandito at nang marami akong
nakukuhang impormasyon!"
"Polly, tandaan mo, may date kami ni Ian Jack mamaya."
"Wala akong pakialam. Kung ganyang inlove ka na sa iba, wala na akong ibang
dapat na alalahanin sa date na iyan. You could date Ian Jack for all you want. Pero
hindi ka na magiging threat sa pagmamahalan namin ni Ian Jack ko. So, girl, sino
itong bagong lalaki sa buhay ng dakila kong karibal?"
"Si Angelo."
"Angelo? As in Angelo Exel Formosa?" Kunot-noo siyang nilingon ni Polly.
"Totoo?"
Binalikan na lang niya ang paglilinis. "Ewan ko sa inyo. ang lakas ng
imagination ninyo."
"Hindi imagination iyon, Nadja," si Ada uli. "Tumingin ka sa salamin minsan,
tapos sambitin mo ang pangalan ni Angelo, siguradong makikita mo rin kung paano
kumislap ang mga mata mo."
"Of course not—"
"Tapos sa tuwing pupunta ka rito, lagi pang si Angelo ang baon mong kuwento.
Dumudugo na ang ilong ko sa kakabanggit mo ng pangalan niya. Lagi kang nakatunganga
sa kawalan at hindi mo na rin ginagalaw itong binocular mo para manilip kay Ian
Jack."
Tatanggi pa sana siya nang makita ang nakapatong na binocular sa ibabaw ng
counter. Oo nga, ngayon lang niya napansin na hindi na nga pala niya iyon
nahahawakan man lang mula nang magkasundo sila ni Angelo.
"Tingnan mo iyang binti mo," patuloy ni Ada. "Puro pasa iyan dahil lagi kang
nababangga sa mga gamit dito sa sobrang pagkataranta kapag nababanggit ko ang
pangalan ni Angelo. Ang pinakamatindi sa lahat, ni wala akong nakitang excitement
sa iyo nang yayain ka ni Ian Jack ng date kanina. Alam mo, kung ako ang niyaya ng
date ni Papa Jigger, uuwi na ako at magpapaganda nang husto. Hindi gaya ng reaksyon
mo na naglinis ka lang nitong shop."
"Of course not..."
"Nadja, huwag mo ng itanggi," nakangiting wika ni Polly. "Although natutuwa
akong wala na akong karibal kay Ian Jack, siyempre mas natutuwa akong sa wakas ay
may totoo ka ng minamahal ngayon. Noon pa man kasi, alam ko ng hindi naman totoo
ang nararamdaman mo kay Ian Jack. Kaya nga naging kaibigan kita dahil hindi ako na-
threaten sa iyo. I know eventually, you'll find someone else to love for real."
Ibinagsak niya ang ginagamit na basahan sa mesa. "I am inlove with Ian Jack!
Ano ba! Huwag nyo nga akong diktahan sa kung sino ang mahal ko! Si Ian Jack lang,
siya lang ang lalaking gusto ko! Noon at hanggang ngayon! Naiintindihan nyo? Siya
lang! And I'm not inlove with Angelo! Nakakainis na kayo!"
Pagbaling niya sa pinto upang ilabas sana ang ginamit na basahan ay nakita
niyang nakatayo roon si Ian Jack. Katabi si Angelo. Sa itsura ng mga ito, mukhang
narinig ng mga ito ang lahat ng kanyang sinabi. Ian Jack looked uneasy as he threw
sideway glances at Angelo who was still silent as he continued looking at her. Siya
man ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Nakapagtapat siya ng kanyang damdamin sa
harap ng lalaking gusto niya. Pero bakit parang mas apektado siya sa kung ano ang
maaaring maging reaksyon ni Angelo sa mga narinig nito? Hindi siya makatingin nang
diretso rito. Pakiramdam niya, napakalaki ng kasalanan niya ito. Gusto rin niyang
lapitan ito at magpaliwanag. Subalit ano naman ang ipapaliwanag niya?
Nang biglang nahawi ang dalawang lalaki at pumasok ang pinsan niyang si Paz
Dominique. "Ano ba ang itinatayo ninyo riyan sa pinto? Istorbo kayo, ha? Oh, Nadja,
nasaan si Neiji? May itatanong daw kasi sa kanya si Zell ko."
Nanatiling walang kumikilos o nagsasalita sa kahit na sino sa kanila. At
nananatiling na kay Angelo ang kanyang atensyon. May malakas na puwersang
nagtutulak sa kanyang i-comfort ang binata. Ngunit ano naman ang idadahilan niya
kung sakali? She hated the way she was feeling now. May kasalanan siya kay Angelo
at batid niyang kailangan niyang magpaliwanag dito. Sising-sisi siya sa kanyang mga
sinabi.
Angelo, I...I'm sorry. I really don't know...what to say.
"Ah, hello?" untag ni Dominique. "Ang alam ko may itinatanong ako so puwedeng
may sumagot sa inyo?" Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanya at sa dalawang lalaki
sa pinto.
Tiningnan din niya ito at lihim itong binigyan ng senyales na kailangan niya ng
tulong. Isang beses pa siya nitong tiningnan at ang mga lalaki saka ito
napabuntunghininga. Alam na nito ang sitwasyon.
"Ian Jack, Angelo, may meeting ang mga members sa conference hall ng Clubhouse.
Kanina pa kayo hinihintay ng mga kasamahan ninyo roon." Itinulak na nito ang mga
lalaki palabas saka ikinandado ang pinto bago siya hinarap. "What the heck is going
on?"
"Nagtapat ako ng damdamin kay Ian Jack," nanghihina niyang wika nang maupo sa
sofa.
"Good. Mabuhay ang mga babae—"
"Sa harap ni Angelo."
"So?"
"I...I think I've hurt him."
"So?"
"Dominique—"
"You love Ian Jack. What's that got to do with Angelo? Unless..." Binalingan
nito sina Polly at Ada.
Nagtaas lang ng kamay ang mga ito saka nagkanya-kanya ng kutingting sa mga
Stallion Shampoo sa harap ng mga ito.
"Oh, brother," sambit ng pinsan niya. "Nadja, are you really inlove with Ian
Jack?"
Matagal siyang nag-isip. Pero ang tanging nakarehistro sa utak niya ay ang
guwapong mukha ni Angelo, walang anomang emosyong mababakas doon.
"I don't know," ang tangi niyang naisagot.
"Okay. Let's change the question. Are you inlove with Angelo?"
Was she? Napatingin na lang siya kay Dominique. Masyadong biglaan ang
kumprontasyong iyon sa kanyang damdamin kaya hindi niya alam kung ano ang dapat na
isagot. Masyadong nagulo ang nananahimik niyang puso. Kahit kailan ay hindi niya
naisip na magkakaroon siya ng ganong klase ng katanungan sa ganong klase ng
sitwasyon.
"I...I don't know."
"Ay...por Diyos!" Malakas siya nitong tinapik sa balikat. "Welcome sa club ng
mga buang sa pag-ibig."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 15

TAHIMIK AT tensyonado ang gabing iyon para kay Nadja.


Magkasama silang nagdi-dinner ni Ian Jack sa Riders Veranda dahil itinuloy pa rin
nila ang kanilang date. Ngunit damang-dama niya na pareho sila nito na hindi
mapakali.
"I think..." basag ni Ian Jack sa katahimikan. "We have to discuss something,
Nadja. Nararamdaman mo ba iyon?"
Napatingin siya rito. "Oo nga, eh. Ahm, 'yung tungkol sa...sa narinig mo kanina
sa Picka-Picka...ano, ah...hindi mo dapat iyon narinig, eh. Sorry..."
Nanatili itong nakatitig sa pagkain nito. Ilang sandali rin ang lumipas bago
ito tumikhim at nagsalita.
"Nadja, ano kasi...ako dapat ang humingi sa iyo ng paumanhin."
"Ha?"
"I don't know how to tell you this without sounding like a jerk. Pero
kasi...mas makabubuting ibaling mo na lang sa iba ang anomang nararamdaman mo sa
akin. Hindi ako ang lalaking dapat mong mahalin. Hindi ako ang lalaking dapat
mahalin ng mga babaeng gaya mo."
"Bakit? Bading ka ba?"
"Ha?" Napatitig ito sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lang itong tumawa. And
that seemed to have broken the ice between them. "Of couse not! Ikaw talaga, kung
ano-ano na naman iyang pumapasok sa isip mo."
Napangiti na rin siya. "Oo nga, eh."
"Pero, Nadja, totoo ang sinabi ko. Sa tingin ko kasi, mas magiging masaya ka sa
piling ng isang taong marunong magmahal. I'm such a wanderer. Hindi ko kayang isuko
ng kalayaan ko para sa emosyon gaya ng nararamdaman mo."
"Ian..."
"I'm sorry. I don't want to hurt your feelings but then, I don't want to give
you false hopes either. Pero huwag mo ring isipin na niyaya kitang makipag-date
para lang sabihin iyan. Ang totoo, gusto talaga kitang maka-date. Nakikita ko
kasing masarap kang kasama at sa tingin ko ay pareho tayong mag-e-enjoy sa company
ng isa't isa. Nang marinig ko ang mga sinabi mo kina Polly kaninang hapon, naisip
kong dapat ko ng sabihin ito sa iya. You're a good girl, Nadja. And you deserve
someone who will return your feelings without hesitation. I'm sorry I couldn't be
that person. All I can offer is friendship and a constant companionship, kapag
nalulungkot ka."
Habang pinapakinggan niya ang mga sinasabi nito ay kinakapa niya ang sariling
damdamin. Was she hurt? Pero wala naman siyang anomang nararamdaman. Ang kiliting
hatid nito sa kanya noon kapag nakikita niya ito ay wala na rin. Pati ang kaba sa
kanyang dibdib na lagi niyang inaasahan kapag napapatingin ito sa direksyon niya ay
tila nag-iba na ng ibig sabihin. She could still feel something inside her heart
for the man she thought she love. Ngunit malayo na iyon sa dati niyang nararamdaman
dito bago siya nagkaroon ng pagkakataong mapalapit kay Angelo.
Si Angelo. Siya ang dahilan ng lahat ng pagbabagong ito sa damdamin ko.
Kailangan niyang makausap ang binata. Subalit kailangan na muna niyang harapin
ang kaguluhang hatid ni Ian Jack sa kanya.
"Okay," sagot niya. "Kung hanggang friendship lang ang kaya mong ibigay sa
akin, walang problema."
"That's nice."
"Yeah, I'd like to be your friend, Ian Jack."
"Are you...sure?"
Tumango lang siya. "Kaunti lang ang kaibigan kong lalaki kaya okay sa akin na
madadagdagan ang bilang ng mga kaibigan kong iyon."
"Pero...paano na ang...nararamdaman mo?"
"Hayaan mo na iyon. Makakalimutan ko rin iyon." She took out a deep breath. "Sa
tingin ko ngayon, natuwa lang ako sa ideya na inlove nga ako sa iyo. I mean, sinong
babae ang hindi ma-e-excite na ang lalaking maaaring mahal na pala niya ay kasing
guwapo mo? Isa pa, ikaw pa lang kasi ang kauna-unahang lalaking nagparamdam sa akin
kung ano ang feeling ng maloka-loka na sa pag-ibig. Kaya inilagay kita sa pedestal.
Pero sa pagdaan ng panahon, kung hindi naman totoo ang damdaming iyon, mawawala rin
iyon. Gaya ng nangyari sa akin."
Ian Jack couldn't hide his happiness. Tinapik-tapik nito ang kanyang kamay na
nakapatong sa mesa. Pagkatapos ay malakas itong napabuntunghininga.
"Whew! You don't know how relieve I am, Nadja. Akala ko, kapag kinausap kita
tungkol dito, uupakan mo ako."
"Sira! Ano naman ang palagay mo sa akin, bayolente?"
"E...medyo." Ngumisi lang ito nang eksaherado siyang sumimangot. "Hey, next
month, pupunta na uli ako ng Australia. Ano ang gusto mong pasalubong?"
"Kangaroo. 'Yung three-folds."
Napakamot na lang ito ng ulo. Natawa lang siya. Nang mapadako ang tingin niya
sa entrance ng Riders Veranda. Maingay kasi ang bagong dating na grupo kaya hindi
niya naiwasang tingnan ang mga ito. At tila nanlaki ang kanyang ulo nang makita
kung sino ang nag-iisang lalaking nakikipagtawanan sa grupo ng mga babaeng iyon.
"Angelo..." sambit niya.
As if he had heard her, napalingon ito sa direksyon niya at nagtama ang
kanilang mga mata. Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi nito nang makita siya.
Damang-dama niya ang pagpiga na iyon sa kanyang puso habang patuloy itong
pinagmamasdan. Isa sa mga kasama nitong babae ang yumakap sa braso nito.
"Angelo," untag dito ng babae. "Let's go?"
"Ha? Oh, yeah."
Isang beses pang lumingon sa direksyon niya ang binata at ngumiti saka
napatianod na sa babaeng kasama nito. She so numb at that moment that all she could
was follow him with her eyes.
"Jealous?" narinig niyang tanong ni Ian Jack. "Why don't you go and get him?"
Jealous? She was jealous? But why?
"Nadja." Nilingon niya si Ian Jack. He touched her cheek and smiled. "Sa tingin
ko, gusto mo siya. Kaya huwag mo ng itago iyan. Go and get your man, dear girl."
Nang umalis ito sa harap niya, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng panibagong
lakas. Ewan niya ngunit tila naging sundot iyon sa kanya upang tumayo siya sa
kinauupuan at sundan ang direksyong tinungo ng grupo ni Angelo. Dire-diretso ang
lakad niya, hindi na niya halos alam kung ano na ang nararamdaman niya nang mga
sandaling iyon. Basta ang sigurado siya, hindi niya gusto ang nakita kanina. Kung
selos mang matatawag iyon, sige, tatanggapin niyang nagselos nga siya. At hindi
niya maatim na may ibang babaeng dumidikit kay Angelo. Kung bakit naman kasi ngayon
lang niya ito naramdaman? Kung kailan may iba ng babaeng umeksena sa pagitan nila?
At bakit ba kasi ngayon lang niya na-realize kung gaano na siyang apektado ng
damdamin niya para kay Angelo?
"Angelo," sambit niya sa kawalan. "Saan ka bang nagsuot buwisit ka? Layuan mo
ang mga babaeng iyan. Babaho ang kamay mo..."
Natigilan na naman siya nang sa wakas ay makita ang binata kasama ng mga babae
sa may veranda. Nagkakasiyahan ang mga ito. Habang siya ay tila mas lalong
naramdaman ang pagpiga na iyon sa kanyang puso. Pinapalibutan kasi ng mga babae ang
binata, na mukhang tuwang-tuwa naman sa nakukuhang atensyon. Napakagat-labi siya.
Huli na ba ang lahat para sa kanya? Huli na ba para malaman nitong...mahal niya
ito?
Napadako sa direksyon niya ang pansin ng binata. Napatitig din ito sa kanya at
damang-dama niya ang matinding kaba na iyon sa kanyang puso. A, hindi. Hindi iyon
kaba kundi normal na pagtibok lamang ng isang pusong nagmamahal. Ang tanga-tanga
talaga niya. Bakit ngayon lang niya iyon naintindihan? Naramdaman niya ang pag-
iinit ng kanyang mga mata. Kaya bago pa siya magmukhang tanga sa harap ni Angelo ay
bumalik na siya kinaroroonan ni Ian Jack para magpaalam sana. Ngunit iba naman ang
kanyang naabutan. Dahil ang minsan niyang inakalang minahal ay abalang-abala na sa
pakikipaghalikan sa isang babae sa isang tagong bahagi ng restaurant na iyon.
So the two men in her life who taught her how to love decided to find another
woman. Bumaling siya sa pinanggalingang direksyon upang bigyan sana ng privacy ang
mga ito subalit nakaharang naman sa daraanan niya si Angelo. Sumikdo na naman ang
puso nang makito ito.
"Angelo? Bakit umalis ka na naman?" iyon ang babaeng umakay rito kanina palayo
sa kanya. "Come on, let's go back. Mas masaya roon."
Hindi na niya naitago ang matinding pagseselos. Pumatak na ang mga luha sa
kanyang mga mata kaya nagmamadali na lang niyang nilagpasan ang mga ito at umalis
na ng lugar na iyon.
Tama ng parusa iyon para sa araw na iyon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 16

HINDI NA alam ni Nadja kung ilang oras na siyang


nagpapalakad-lakad sa parteng iyon ng Stallion Riding Club na hindi gaanong
puntahan ng mga tao. Gusto niyang mapag-isa at itago sa lahat ang kanyang kabiguan
nang gabing iyon. She was hurt, badly. Pero sino ba ang dapat niyang sisihin kundi
ang sarili lang niya? Kaya ngayon, magdusa siyang mag-isa.
She fell inlove with Ian Jack before because he had been the epitome of the
Prince Charming she always dreamt of. Ito ang naging kabuuan ng kanyang mga
pangarap pagdating sa pag-ibig. At kahit minsan, hindi siya nasaktan ng pangarap
niyang iyon. Pero nang dumating sa buhay niya si Angelo, naging kaaway agad ang
tingin niya rito dahil noong una pa man ay pilit na nitong kinukuha ang atensyon
niya kay Ian Jack. Kahit ang totoo ay wala naman itong ginagawa talaga. His mere
existence was enough to shatter her beautiful dream. And replaced it with the most
wonderful feelings she never thought she could ever feel. Maaaring ginulo nito ang
tahimik niyang mundo. Ngunit hindi rin niya mararanasan ang totoong kahulugan ng
pag-ibig kung sakaling hindi ito naging pasaway sa buhay niya.
Mapait siyang napangiti. Pero wala ng silbi ang realization niyang iyon ngayon.
Lumayo na sa kanya si Angelo. Kung meron mang itong nararamdaman sa kanya bago
mangyari ang naging 'pagtatapat' niya kay Ian Jack, siguradong naglaho na iyon
ngayon. Ebidensiya na ang mga babaeng nakapaligid dito kanina sa Riders Veranda.
Napatingala siya sa madilim na kalangitan nang maramdaman ang malamig na patak
ng ulan.
"Great. Sige, makiramay na ang lahat ng gustong makiramay sa kamiserablehan ko
ngayon. Kailangang-kailangan ko ng karamay..." Napakagat labi siya upang pigilan
ang mga luha sa kanyang mata. Na nawalan din ng silbi nang ma-realize niya kung
kaninong bahay ang nasa harapan niya ngayon.
"Angelo..."
Kasabay ng tuluyang pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagdaloy na rin ng mga
luha sa kanyang mga mata. Lalo na nang makitang lumabas ng bahay ang lalaking
tanging umuukopa na ngayon sa puso niya. Gusto niyang umalis dahil alam niyang wala
na siyang karapatang manatili pa sa harap niya ngunit ayaw namang makisama ng
kanyang mga paa. Kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan hanggang sa makalapit si
Angelo.
Oh, yes, she was truly, madly, deeply inlove with this man. Kahit si Ian Jack,
ni minsan ay hindi siya nabigyan ng ganitong klase ng damdamin. Ni minsan, hindi
niya ginustong umiyak at tumawa ng sabay sa sobrang emosyong nararamdaman niya para
sa isang tao. Kay Angelo lang.
"Naistorbo ba kita?" Salamat na lang sa ulan at naitatago niya ang kanyang mga
luha. "Pasensiya na. Hindi ko naman talaga gustong pumunta rito at maistorbo ka.
Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako rito. Sige, magpapahangin na lang uli
ako sa ibang lugar—"
"Nadja."
"I don't know why I'm here either, I swear. Naglalakad-lakad lang naman talaga
ako rito tapos...tapos nakarating na ako rito..."
Hindi na niya napigilan pa ang mapaghagulgol. I'm sorry, Angelo. Binabawi ko na
ang mga narinig mong sinabi ko sa Picka-Picka kaninang hapon. Hindi totoo ang lahat
ng iyon. Please...come back to me.
Napayuko na lang siya habang patuloy sa paghagulgol. "I'm sorry..."
Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagbalot ng maiinit nitong mga braso sa
kanyang katawan. Mahigpit siya nitong niyakap, pilit na itinatago upang hindi na
mabasa ng ulan. Hinayaan na lang niya ang sariling kumilos ayon sa kagustuhan ng
kanyang puso. Matagal-tagal ding sandali ang lumipas na magkayakap sila sa gitna ng
malakas na ulan na iyon. Ngunit ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng lamig. Dahil
nasa mga bisig siya ng lalaking kanyang minamahal. At siguro, patuloy na mamahalin
hanggang sa magsawa siya. But then again, magsasawa nga kaya siyang mahalin ito?
I doubt it.
"Let's get inside the house," bulong nito. "Baka magkasakit ka pa."
Tahimik lang siyang tumango at sumunod ang igiya siya nito patungo sa bahay
nito. Hindi pa rin siya nito inilalayo sa tabi nito.
"M-mababasa ang carpet mo," aniya.
"Damn the carpet. Hayaan mo iyang mabasa." Patuloy siya nitong iginiya patungo
sa banyo na malapit sa kusina. "Ituloy mo na iyan sa paliligo. May hot and cold
shower diyan. Pati 'yung bathtub."
"Pero wala akong damit na pamalit—"
"Ako na ang bahala roon. Basta ang importante mainitan ang katawan mo sa
ngayon."
"Paano ka? Basang-basa ka rin."
"Don't worry about me. May banyo sa kuwarto ko, doon na lang ako maliligo." He
gently pushed her inside the bathroom. Pagkatapos ay marahan din nitong tinuyo ang
mga luha sa kanyang pisngi. "Will you be alright now?"
Tumango lang uli siya. He brushed the wet strands of her hair away from her
face. It was the gentlest gesture anyone had ever given her that day. At ang
maranasan iyon sa piling nito ay isa ng magandang kapalit para sa nagbabanta nilang
tuluyang paghihiwalay ng landas. Puwede ng baon iyon sa kanyang pag-iisa sa mga
susunod na mga araw.
"Nadja." She looked up to him. "Ian Jack doesn't have the heart to love you the
way you want him to. So, just forget about him. I can help you."
"Huh?"
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapagtanong kung ano ang ibig
sabihin ng mga sinabi nito. O magpaliwanag na hindi naman si Ian Jack ang dahilan
ng pagngawa niyang iyon sa ilalim ng malakas na ulan. Dahil hinawakan na siya nito
sa magkabila niyang pisngi at lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Saglit
lamang iyon, mga limang segundo. Ngunit damang-dama niya ang init na hatid niyon sa
kanyang buong katawan. Damang-dama niya ang pagkalma ng puso niya sa lahat ng
problema at sakit na naranasan niya sa loob lamang ng ilang oras.
"Marami pang lalaki sa mundo ang puwede mong mahalin, Nadja. Huwag mong itali
ang puso mo sa isang taong hindi marunong magmahal. You deserve someone better. You
deserve to be happy. You deserve to be loved."
Tango lang uli ang kanyang naisagot. Although wala namang dapat sagutin. Iyon
ang rumehistrong malinaw sa kanyang isip dahil sa sobrang pagkabigla niya sa ginawa
nitong paghalik sa kanya.
"Go and take a bath now, Nadja. I don't want you to get sick."
"Angelo—"
"Hmm?"
"Ano...s-salamat."
"Walang anoman," nakangiti nitong sagot. And that smile of his was enough to
make her feel a lot better. He started to walk away again.
"Angelo, sandali."
"May kailangan ka pa ba?"
"May ano lang...may gusto lang sana akong itanong."
"Tungkol saan?"
Bakit mo ako hinalikan? Ikaw ba ang tinutukoy mo na makakapagpasaya sa akin? Na
magmamahal sa akin?
"Nadja?"
"Ah..." Kaya ko bang itanong? Bahala na nga. "M-may dryer ka ba rito?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 17

"DRINK THIS. Para kahit paano ay mainitan ka."


Tinanggap ni Nadja ang baso ng alak na ibinigay ni Angelo. Pareho na silang
tapos maligo. Ang pagkakaiba lang, siya ay nakabalot pa rin sa makapal na kumot
habang namamaluktot sa malaking sofa na iyon.
"Salamat." Nagtagpo na ang landas ng mga damit niya at dryer. Hinihintay na
lang niyang matuyo iyon at nang makapagbihis na siya ng maayos. Damit kasi nito ang
suot niya ngayon. "Kapag tumila na ang ulan, puwede bang magpahatid na sa iyo sa
Picka-Picka? Nakakahiya na kasi sa iyo. Masyado na kitang naiistorbo."
"Wala naman akong sinasabing nakakaistorbo ka na." Naupo ito sa kabilang sofa.
"You can stay here as long as you want."
"As long as I want?"
"Oo."
"Mamatay ka man?"
Ngumiti lang ito. "I'm glad you can crack a joke again, Nadja. Nami-miss ko na
kasi ang mga witty remarks mo."
"Hindi naman ako nagbibiro." Napangiwi-ngiwi na siya nang malasahan ang mapait
na lasa ng alak. "Pwe! Expired na yata itong alak mo, Angelo. Ang sama ng lasa!"
"Anong expired? Vintage nga iyan. Hindi ka lang kamo marunong uminom...hindi ka
marunong uminom ng alak?"
"Marunong, 'no? Watch me." She tried drinking again. It tasted really awful but
it was doing wonders to her system. Kaya tiniis niya ang lasa. "Waaah! Grabe, tindi
ng sipa, ah. Isa pa nga."
"Tama na iyan." Kinuha na nito sa kanya ang baso. "Pampainit lang ng katawan
ang purpose sa iyo ng alak. Hanggang dun lang iyon."
"Pero nilalamig pa ako."
Imbes na sumagot ay naupo lang ito sa tabi niya at inayos ang pagkakabalot ng
kumot sa kanyang katawan. Nilabanan niya ang pagkailang na nararamdaman. Kaunting
mga pagkakataon na lang ang nasa kanya para magkaron ng ganitong klaseng moment na
kasama ito. Kaya hindi na niya iyon dapat pinapalagpas. Kung anoman ang maging
resulta ng kabaliwan niyang iyon, bahala na si SpongeBob.
"Nadja...?"
"Hmm?"
"I'm sorry about what happened to you and Ian Jack."
"Ha?"
"You saw him...kissing another woman. Alam ko kung gaano iyon kasakit para sa
iyo. Kung meron lang akong magagawa—"
"You've done enough, Angelo." Nilingon siya nito. "Hindi nga maganda ang
nangyari sa amin pero wala na tayong magagawa. Sabi mo nga, hindi ako kayang
mahalin ni Ian Jack gaya ng gusto kong mangyari. Kaya huwag mo ng intindihin iyon.
Okay lang ako." She looked down her bare feet. "Okay na ako."
Wala ng epekto sa kanya ang mga nakita niya kanina sa restaurant. In fact, kung
hindi nga nito binanggit ang tungkol doon ay hindi na niya iyon maaalala. Mas
naging abala kasi ang isip at puso niya sa mga nangyari sa pagitan nila ni Angelo.
The image of the woman clinging to his arm flashed her mind. Nilabanan niya ang
selos na ngumangata sa kalooban niya. "Hindi ka ba hinahanap ng mga ka-date mo sa
Riders Veranda? Mukhang nagkakasiyahan kayo kanina. Don't you think masyado pang
maaga na umalis ka sa party ninyong iyon?"
"Closing party lang iyon para sa pagtatapos ng photoshoot namin dito sa
Stallion Riding Club. I don't have to be there. Besides, its just too boring for
me."
"Boring? Bored ka pa ng lagay na iyon?"
"Bakit? Hindi ba halata?"
"Ang daming babaeng nakadikit sa iyo. Dapat glorya ang pakiramdam mo nun."
Kinusot niya ang kanyang ilong saka suminghot-singhot. "Imposibleng na-bored ka pa
nun."

"I'm bored. Kaya nga ako umalis dun. At kahit ilang babae
pa ang kasama ko kanina, hindi iyon sapat para maibsan ang pagkabagot ko."
"Kaya umuwi ka na lang sa bahay mo?"
"Kaya kita sinundan."
Muntik na siyang bumagsak sa kinauupuan niya sa narinig. "S-sinundan mo ako?"
"Oo. Nag-alala kasi ako nang bigla ka na lang umalis ng Riders Veranda matapos
mong makita ang nangyari kanina." Malakas itong napalatak. "Gago talaga iyang si
Ian Jack. Kahit kailan, hindi na iginalang ang damdamin ng mga babae. Kaya ikaw,
hindi mo siya dapat pinag-aaksayahan ng luha. Walang kuwenta iyon."
"Angelo, sinundan mo talaga ako?"
"Oo." Inayos uli nito ang kumot na nakabalabal sa kanya habang nagsasalita. "I
saw you cried. Muntik ko ng masuntok nun si Ian Jack kung hindi ako nag-aalala na
baka bigla ka na lang tumalon ng bangin pag-alis mo ng Riders Veranda."
"Tatalon ng bangin?"
"Well, what do you want me to think? You look so hurt back then. At para sa mga
babaeng nabibigo, kahit ano ay magagawa nila. Sinundan kita kahit saan ka magpunta.
Nang ma-realize kong wala ka namang balak mag-suicide at gusto mo lang talagang
mapag-isa, hinayaan na lang kita. Bumalik ako ng Riders Veranda at nagpaalam sa
crew ko saka ako umuwi ng bahay ko. I thought I might visit you tomorrow morning.
Even try to talk to you. Pero nakita nga kita sa labas ng bahay."
Napabuntunghininga na lang ito. His hot breath gently touching her face as he
looked deep into her eyes. "Do you really love him that much?"
"Ha?"
"Ian Jack. Do you really love him that much?"
"B-bakit mo itinatanong iyan?" At bakit parang nakikita niya sa mga mata nito
na tila ba nahihirapan ito.
"Because..." He gave out a frustrated sigh as he leaned back against the sofa.
"Because I hate to see you crying. I hate to see that broken look on your face. And
I hate the fact that you had given your heart to someone who doesn't know your
worth."
"A-Angelo..." Totoo ba itong naririnig niya?
"Sabi nga sa isang kanta, nakaka-badtrip isipin na binabasura lang ng iba ang
babaeng pinapangarap ko." Bumaling ito sa kanya pagkatapos. "Alam mo iyon?"
Tuluyan ng nablangko ang isip niya, lalo na ngayon habang pinagmamasdan ang
guwapong mukha nito.
"Binalikan ko si Ian Jack sa Riders Veranda para sana iganti ka. Kaso wala na
siya roon." Muli nitong ibinaling ang atensyon sa kisame. "Nadja, you don't have to
look so shocked. I know this isn't the right time to tell you about how I feel.
Pero kung hindi ako magsasalita ngayon, baka abutin na naman ako ng siyam-siyam sa
paghahanap ng magandang timing para magtapat. Baka may makasingit na namang ibang
lalaki."
"Are you saying...you feel something for me?"
"Oo."
Dumagundong ang puso niya. "S-something like what?"
"You know."
"Know what?"
"Do I really have to spell it out?"
"Spell what?"
Dumiretso ito ng upo at nanggigigil na inipit ang leeg niya sa kumot na
nakabalot sa kanya. "I love you, damn it! I love you because you're so stupid
sometimes and that made you look so cute! I love you because you were enough for me
to be satisfied with what I have. I love you because you took me off my pedestal
and made me realize a lot of things. Like the things that I shouldn't ignore. Like
the things I overlook because I was so full of myself. Like...like the way I feel
for you." Inalog-alog pa siya nito. "Naiintindihan mo ba ako?"
Nahihilo siya hindi dahil sa ginawa nitong pag-alog sa kanya kundi dahil sa mga
sinabi nito. Nakakahilo. Nakakatuwa. Natupad ang isa sa mga pangarap niya. Ibinalik
sa kanya ni Angelo ang pagtingin nito. May bonus pa dahil minahal na rin pala siya
nito. Relief flooded her system and she gave out a heady laugh. Ngunit kung kailan
naman nagpipiyesta na ang puso niya sa kagalakang iyon ay saka naman niya nakita na
naman ang kalungkutang iyon na gumuhit sa guwapo nitong mukha.
"I really looked like a fool, don't I?" Kahit sa ngiti nito ay mapapansin ang
kalungkutan nito. "Oh, well."
Sumandal na lang uli ito sa sandalan ng sofa. Hala, anong nangyari? "Angelo?"
"Don't mind me. Ganito talaga ako kapag nasasaktan."
"Nasasaktan?"
"Mula nang mahalin kita, inaamin kong lagi akong nasasaktan sa tuwing nakikita
kong kumikislap ang mga mata mo kapag nariyan si Ian Jack. Naaasar ako nung una.
Hindi nga naman kasi ako sanay na wala sa akin ang atensyon ng babaeng gusto ko.
Pero pagdating sa iyo, natuto akong mag-adjust. At magparaya. Masaya ka kay Ian
Jack, kaya masaya na rin ako para sa iyo. Inaasahan ko na ang reaksyon mo ngayon sa
mga ipinagtapat ko."
"Pero hindi naman—"
"Kaya lang, masakit pa rin pala. But its fine. Nasanay na rin ako dahil lagi
naman akong nasasaktan nang dahil sa iyo. I guess it goes with falling inlove with
you, who's already inlove with someone else. Pero kahit ilang beses akong masaktan,
okay lang. Tanggap ko iyon. Wala, eh. Mahal kasi kita. At siguro, karma na rin iyon
sa akin para sa mga babaeng umiyak din nang dahil sa akin."
"Angelo Exel Formosa."
"Hmm?"
Ibinukas niya ang kumot na nakabalabal sa kanya at isinaklob iyon dito. Ngayon
ay pareho na silang bilanggo ng kumot na iyon. Saka niya ito itinulak pahiga ng
sofa at dinaganan ito.
"N-Nadja..."
"Minsan sinabi mo na I deserve someone better, that I deserve to be happy and I
deserve to be loved." Inilapit niya ang kanyang mukha rito. "Well, I deserve you,
you made me happier than I ever thought possible...and I love you. Not Ian Jack."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Part 18

"WHAT?"
"Anong what?" Buwisit! Handang-handa pa naman akong halikan ka!
"What do you mean, you're inlove with me and not with Ian Jack?"
"O, iyon nga." Bakit parang hindi ito makapaniwala? "May problema?"
"Of course there was. I just heard you confessed your love to him this
afternoon!"
"A, iyon ba? Well, nasabi ko lang iyon dahil hindi ko matanggap na nawala na
ang anomang nararamdaman ko para kay Ian Jack at napalitan iyon ng damdamin ko para
sa iyo. All my life, ang alam ko ay sa kanya lang tumibok ang puso ko. Kaya nang
isa-isahin sa akin nina Polly at Ada ang mga ikinikilos kong hindi ko namamalayan
mula nang mapalapit ako sa iyon, nag-panic akong bigla. Nang mga panahong iyon
kasi, magulo pa rin ang isip ko sa mga nararamdaman ko para sa iyo kaya hayun,
nasabi ko ang lahat ng mga narinig mo kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong
sabihin." Buong puso niyang hinaplos ang nakakunot pa rin nitong noo. "Kasalanan ko
ang kaguluhang ito. Pasensiya na kung nasaktan ka nang dahil doon. Hindi ko
sinasadya."
"Ah..." ungol nito. "So you mean to say, nagtampo ako nang walang dahilan?"
"Parang ganon na nga."
Pinisil nito ang kanyang ilong. "Malaki ang kasalanan mo sa akin. Pasalamat ka
at mahal kita."
Maluwag na ang kalooban niya ngayong nagkasundo at nagkaintindihan na rin sa
wakas ang kanilang mga puso. "So, you forgive me?"
"Kahit pasabugin mo pa ang Malacañang ngayon, hinding-hindi ako magagalit sa
iyo. Hindi ko makakayang magalit dahil ako rin naman ang mahihirapan kung sakali."
Ngumisi lang siya. Parang siya man, willing siyang patawarin ito sa kahit na
anong magiging kasalanan nito sa kanya nang mga sandaling iyon. Kabaliwan na nga
iyon. Pero ganon an yata talaga kapag nagmahal ka. Lahat ay tatanggapin mo, lahat
ng kasalanan ay kaya mong mapatawad dahil nagmamahal ka.
"Angelo?"
"Hmm."
"I'm sorry I've hurt you."
"Nah. It was all worth it."
"Akala ko noon, talagang si Ian Jack lang ang lalaking mamahalin ko. Pero
nakuha mong maibaling ko sa iyo ang atensyon ko. At sa huli, pait puso ko ay nagawa
mo ring makuha." Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. "Thank you."
"For what?" nangingiti nitong tanong.
"Dahil minahal mo pa rin ako sa kabila ng alam mong ibang lalaki ang mahal ko."
"No problem."
"At salamat din, na kahit hindi ka naniniwala sa pamahiin ninyong mga miyembro
ng Stallion Riding Club, isinakay mo pa rin ako sa kabayo mo."
"Hmm. Hindi nga ako naniniwala roon. But then, gusto kong makasiguro kaya
isinakay na rin kita. Thank goodness it worked!"
Oh, yeah. Thank goodness. Nanatili lang siyang pinagmamasdan ang guwapong
mukhang iyon na batid niyang hinding-hindi na uli niya makakalimutan. At mamahalin
habang siya ay nabubuhay. She felt his hand pushing her nape towards him for a
kiss. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Buong puso niyang tinanggap ang mga labi
at halik nito. Ngunit hindi naman iyon nagtagal dahil bigla nitong pinutol ang
kanilang halikan.
"What?" disappointed niyang tanong. "Why?"
Kunot-noo lang nitong idinampi ang palad nito sa kanyang noo. "Nadja, you have
a fever."
"Hindi! Wala!" Napabuntunghininga na lang siya nang hindi man lang ito makinig.
Isinubsob na lang niya ang kanyang mukha sa sofa nang bumangon ito. My
kiss...where's my kiss?
"Kailangang kang madala sa ospital. O sa clinic man lang."
"I don't need to go to any clinic. Lagnat laki lang ito."
"Nadja."
Tiningala niya ito. "Why don't you just kiss me? I'm sure I'll feel better
after that."
"Nadja." Nagpamaywang na ito saka bumuntunghininga. Pagkatapos ay buong ingat
nitong inayos ang kumot sa katawan niya. "We'll have plenty of that later. Pero sa
ngayon, kailangan kang magamot. I'll take you to the clinic."
"Hay, sige na nga." Hinayaan niya itong kargahin siya. At dahil doon ay
nagkaroon siya ng pagkakataong mahalikan ito sa pisngi. "Ikaw lang naman ang
kailangan ko para gumaling ako."
"As much as I love to hear that, I don't want to take any risk when it comes to
your health." He kissed her again on her lips as they walked out the door into the
yard where his four-wheel drive was waiting. Tumila na ang ulan at maliwanag na rin
ang kalangitan. "Pahinga ka lang ngayon magdamag. Don't worry, kung sasabihin ni
Kester na manatili ka sa clinic for the whole night, I'll be there with you."
"Yeah." Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib. "I'd like that..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

END

NAPASIMANGOT SI Nadja nang sa paggising niya ay wala sa


tabi niya si Angelo. Sinabihan siya ng doktor na si Kester na manatili na lang sa
clinic for observation. Para lang daw masigurong hindi na lalala pa ang sakit niya
at para na rin mabantayan ang progress ng kalusugan niya. Pabor na pabor naman doon
si Angelo kaya naroon sila magdamag. Bago pa siya makatulog dala ng gamot na
ibinigay sa kanya ng doktor, nakita niyang nasa tabi lang niya ang binata.
"Saan kaya nagpunta iyon?"
"Si Angelo ba?" nakangiting tanong ni Kester.
Ngayon lang niya napansin na may ibang tao pa pala sa clinic na iyon. Nakaupo
sa visitor's chair si Cloud na nagbabasa ng magazine.
"Ang sabi niya kanina may aasikasuhin lang siya sandali. Babalik din daw siya
agad. Hintayin mo na lang mo siya."
"Okay."
"By the way," singit ni Cloud nang hindi tumitingin sa kanya. "Alam mo bang
binawi na niya ang petisyon na patalsikin ka sa SRC two days after niyang inihain
iyon kay Reid?"
"Ha?"
"Yeah," dugtong ni Kester. "Mabait naman talaga si Angelo. Ayaw lang talaga
niya ng binabalewala siya, lalo na ng isang babae. Sanay kasi iyon na laging center
of attention. Kaya nang hindi mo siya pansinin at inuna ang paninilip kay Ian Jack,
nainsulto siya nang husto. But when you said you're sorry, he immediately talk to
Reid."
"Ang ibig mong sabihin, matagal ng walang bisa iyon kung ganon?"
"Oo." Cloud closed the magazine in his lap and turned to her. "What are you
going to do now?"
"Ha?"
"Lalayuan mo na naman si Angelo? Ngayong wala ng dahilan pa para manatili kang
malapit sa kanya?"
Naguguluhan siya sa pinagsasasabi ng mga ito. Ngunit mas nagtaka siya kung
paanong nalaman ng mga ito ang tungkol sa kasunduan nilang iyon ni Angelo.
Samantalang isang tao lang naman ang alam niyang nakakaalam niyon. Si Jigger
lang...
"Did Jigger tell you about this?"
"No, but Trigger did. But its not as if its still a secret around here."
Sumandal si Kester sa kinauupuan nito. "Huwag kang magalit kay Angelo. For sure, he
had his own reason for not telling you about this."
"Instead, you should thank him," si Cloud uli. "Hindi lahat ng SRC member,
kasing bait niya."
Subalit bago pa siya makasagot sa mga ito ay pumasok na roon ang lulugo-lugong
si Ian Jack. Kasunod ang gaya rin nitong si Angelo.
"Damn it, Angelo! Bakit kailangan mo pa akong suntukin? You could have just ask
me, you know."
"I don't have anything to say to you. Gusto lang talaga kitang upakan." Agad
nagliwanag ang mukha ni Angelo nang makita siya nito. "You're awake. Gusto mo ng
kumain?"
"Angelo, may sugat ka!" Hindi na niya alam kung paanong hahawakan ang mukha
nitong may pasa sa kaliwang pisngi at may sugat sa gilid ng mga labi. "Ano ba ang
nangyari sa iyo? Saan mo nakuha iyan?"
"Nagpang-abot lang kami ni Ian Jack sa labas."
"Anong nagpang-abot?" reklamo uli ni Ian Jack. Inaasikaso na ni Kester ang mga
sugat nito. "Ikaw diyan ang basta na lang ako sinuntok. Ano ba'ng problema mo?
Magkasundo na naman kayo ni Nadja, hindi ba?"
Masiglang naupo sa tabi niya sa hospital bed si Angelo. "Ewan ko rin. Basta na
lang uminit ang ulo ko nang makita kita. Wala naman talaga akong balak na kantiin
ka kung hindi lang nabanggit sa akin ni Jigger ang tungkol sa iyo."
"Tungkol sa akin?"
"Tungkol sa iyo at kay..." Lumingon sa kanya si Angelo. "Ah, nevermind. Sorry,
'tol."
"Sorry...upakan kita riyan, eh. Pasalamat ka at katabi mo si Nadja. Dahil kung
hindi, binalian na kita ng buto."
"Sige, para makabawi ako sa iyo, I'll tell you a little secret."
"Masakit ang panga ko. I don't give a damn about your freakin' little secret!"
Ngunit hindi nakinig si Angelo. Bagkus ay tumayo na uli ito, masiglang-masigla.
Excited.
"Gusto kong kayo ang magsilbing witness sa proposal ko kay Nadja..." Nilingon
siya ni Angelo at binigyan ng napakatamis na ngiti nito.
She could see love shining in his eyes as he pulled out a little box inside the
pocket of his jacket. Tila nagkaroon ng karera ng kabayo sa kanyang dibdib habang
pinagmamasdan ang maliit na kahon na iyon.
"Angelo, you wouldn't mean..."
"I mean it."
Hinawakan niya ang kanyang noo. "Huwag mo nga akong bibiruin ng ganyan.
Kagagaling ko lang sa sakit!"
Tumawa lang ito at naupo uli sa tabi niya nang buksan nito ang maliit na kahon.
Gaya ng inaasahan niya, singsing nga iyon. Muntik na siyang magtititili nang
hawakan nito ang kanyang kamay.
"I'd like you to be a part of my life forever, Nadja. Would you take me?"
"Paano kang nakakuha ng singsing na ito—"
"Nadja."
"Sandali, mag-i-internalize lang ako—" Isinuot na nito ang singsing sa kanyang
daliri. Sa wakas ay natahimik din ang natataranta niyang puso. "This is for
real...right?"
"Its for real."
Naluluha na naman siya nang gawaran niya ng halik sa mga labi si Angelo at
mahigpit itong yakapin. Hindi na rin niya mapigilan ang kanyang pagtawa. Totoo na
nga iyon. Sa kanya na ang puso isa sa mga ipinagmamalaking member ng Stallion
Riding Club.
"Ka-sweet naman nirâ. Nakaka-inggit kamó."
Nakita niya ang tila mannequin na nakatayo sa labas ng nakabukas na pinto ng
clinic. May elegante itong sumbrero tulad ng isinusuot ng mga royalties ng Britanya
at idinadampi-dampi nito sa mata ang isang panyo.
"Ang ganda naman ng love story ninyo."
"Thanks, Genil," aniya saka pinalis ang luha sa kanyang mga mata.
"Sa wakas natapos na rin," narinig niyang sambit ni Ian Jack. "Genil, anong
ginagawa mo rito? Wala rito si Rozen."
"Ginapamangkot ba kita?"
"Ano raw?"
"Kung tinatanong ka raw ba niya," aniya. Umiral na naman ang pagiging Ilongga
ng eleganteng babae.
"Nakasalubong ko si Trigger...ah, si Jigger yata iyon. Ewan, basta isa sa
kambal." Genil waved her gloved hand. "Ipinapasabi niya na kung makikita raw kita,
Ian Jack, sabihin kong paalis na si Naville ng Stallion Riding Club."
"Naville?"
"Who's Naville?"
Napansin niyang biglang natahimik si Ian Jack. At tila ba naging uneasy sa
kinauupuan nito. Ngunit bago pa man siya makapag-usisa ay hinila na siya ni Angelo
palabas ng clinic.
"Ang iingay ninyo!" wika pa nito. "Istorbo kayo sa moment ko!"
Tatawa-tawa na lang siyang sumabay sa binata. Oo nga naman. Dapat ay silang
dalawa lang ang sikat ngayon. Afterall, he just asked her to marry him.
Ang saya-saya, 'no?
THE END

You might also like