Normal lang ba namakaranas ng hirap sa pagtulog kapag buntis?
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National Sleep Foundation, halos 78% ng mga buntis ang nakakaranas ng hirap sa pagtulog habang nagdadalang-tao. Ang itinuturong dahilan kung bakit nangyayari ito ay ang maling posisyon sa pagtulog ng buntis. Mga Paraan Mas nakabubuti ba na humiga ako ng nakatihaya? Maaring hindi sa karamihan, dahil nagdudulot ito ng pananakit ng likod, hirap sa para sa Mas Mahimbing na paghinga, mababang blood pressure at hindi mabuting daloy ng dugo sa katawan maging sa sanggol. Pagtulog ng Buntis Bakit madalas na ipinapayo na matulog nang nakaharap sa kaliwa kapag buntis? Isa sa mga dahilan kung bakit dapat matulog ng nakaharap sa left side ang isang buntis ay dahil sa kaniyang inferior vena cava o IVC. Ito ang malaking ugat na naka- puwesto sa kanang bahagi ng ating katawan na responsable sa pagdadala ng dugo mula sa kalahati ng ating katawan patungo sa ating puso. Kaya naman kung matutulog ng nakahiga sa kaniyang likod ang isang buntis ay maaring madaganan o siksikin ng fetus sa kaniyang tiyan ang ugat na ito na maaring makaapekto sa pagdaloy ng dugo pabalik sa kaniyang puso. Gano’n din kung matutulog ang isang buntis na nakaharap sa kaniyang kanan na maari ring maging dahilan para maipit ang nasabing ugat na ito
Mga pinagmulan ng babasahin na ito:
Matheen, T., (March 12, 2017). Physiological Changes in Pregnancy. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov Bhatia, P., (January , 2018). Physiological and Anatomical Changes of Pregnancy. Retrieved from www.ijaweb.org Francsisco, J., (March 23, 2018). Sleeping Positions During Pregnancy. Retrieved from https;//americanpregnancy.org Tommy, S., (October 6, 2017). Sleeping during Pergnancy. Retrieved from https://kidshealth.org