You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4- Rizal

Inihanda ni Reden S. Javillo

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matutukoy ang mga kahalagahan ng pakikitungo sa ibang tao o sa kapwa;
b. maibabahagi ng mga mag-aaral kung paano nila maipakita ang tamang
pakikitungo sa kapwa sa pamamagitan ng pag aksyon at
c. makikilahok ng aktibo sa mga gawaing pangklase ang mga mag-aaral.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Gintong Gabay sa Pakikipag-ugnay
B. Sanggunian:
Learning Guide (ESP)
ESP book
C. Kagamitan
Powerpoint
Computer
Cellphone
D. PAGPAPAHALAGA
Gawing gabay ang Ginintuang Aral sa pakikitungo sa kapwa

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Attendance
c. Pag-bati
IV. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pamamaraan
Balikan ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pag tanung sa mga
mag-aaral ng mga piling katanungan tungkol sa nakaraang liksiyon.
B. Pangganyak
Ang mag aaral ay mag babasa ng maikling kwento tungkol sa “Lobo at Agila”
at tatanungin ng guro ang mga mag aaral sa mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang Paksa ng kwento na inyong binasa?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang nararamdaman ng lobo ng malaman nito ang balak gawin ng agila
sa kanyang mga tuta?
4. Ano naman ang nararamdaman ng agila ng malaman nito ang balak gawin
ng lobo sa puno?
5. Ano ang aral na nais ipabatid ng kwento?

C. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng mabuting
pakikitungo sa kapwa at tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ibigig
ipahiwatig ng mga larawan.

D. Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang liksiyon tungkol sa Gintong Gabay sa Pakikipag-ugnay
E. Pagbubuod
*Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
*Ano ang aral na mapupulot natin sa ating tinalakay?

F. Pagsasagawa
Tatawag ang guro ng iilang mag-aaral para sagutin ang katanongan at
bubuksan ang kanilang camera at ipapakita ng mag-aaral kung papano ang
tamang pakikitungo sa kapwa.

1. Bakit mahalaga na isabuhay ang Golden Rule?


3. Sa paanong paraan maisasabuhay ang Golden Rule?
4. ipakita ang tamang pakikitungo sa kapwa tao?

G. Pagtataya
Tama o Mali
Sagutin ng tama kung “tama” ang pangungusap, “mali” naman kung mali
ang pangungusap.
1. ang pag sasabi ng salamat ay isang paggalang sa kapwa?
2. Ang paggalang sa mga nakatanda ay pag respeto sa kanila?
3. Ang pagsisinungaling ba ay paggalang sa kapwa mo?
4. Kahit kaedad mo ay dapat parin ba mag bigay galang sakanila?
5. Respetohin ang pagkakaiba ng bawat tao.
6. Ang pagtulong sa nangangailangan ay isang paraan ng pakikisama na
kapwa?
H. Takdang Aralin

Basahin ang susunod na leksyon na makikita sa pahina 62


Sa oras ng Pangangailangan, Handa Ko Silang Tulungan

You might also like