You are on page 1of 2

Kalamidad - isang likas na sakuna

Uminog – umikot
Dumulog – nagdarasal
Sa Gitna ng Kalamidad
Sa loob ng aming munting bahay-kubo
Kapit-bisig nilabanan ang pagyanig nito
Takot na ito’y guguho’t maglalahot
Dalangin na manatiling nakatayo

Hating gabi noon ng mangyari ito


Umalingawngaw sigaw ng mga tao
Urong-sulong di alam kung saan patungo
Sa Panginoon taos-pusong nagsusumamo

Madaling-araw na’y di pa makatulog


Lagi nagmamatyag kung uminog
Kahit puso ma’y lumalakas ang kabog
Pilit nagpapatatag, sa Diyos ay dumulog.

Saan makikita ang bata sa tula? Nasa bahay-kubo po, Sir.


Paano nilabanan ang pag-yanig ng lupa? Sila ay nag Kapit-bisig po, Sir.
Kailan naman nangyari ang lindol? Ito po ay nangyari ng hating gabi.
Dahil sa sigaw ng mga tao, hindi alam ng mga bata kung saan pupunta. Sila ay _______. “Ang mga bata ay
urong-sulong po, Sir.”
Dahil sa takot, ang may bata ay nagdasal ng ______ sa Panginoon. Ang mga bata ay nagdasal ng taos-puso sa
Panginoon, Sir.
Anong oras nang hindi pa makatulog ang mga bata? Madaling-araw po ay hindi pa makatulog ang mga bata,
Sir!

You might also like