You are on page 1of 12

5 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Learning Activity Sheets


Health 5
Quarter 4 – Week 6 -8
PANGUNANG LUNAS PARA SA
IBA PANG MGA PINSALA AT
KUNDISYON
MAPEH (Health) – Ikalimang Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – MPangunang Lunas Para sa mga Pinsala at Kundisyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS

Manunulat: Mylin Gamboa- San Jose


Editor: Saturnino D. Dumlao
Tagasuri: Jose Tala, EdD
Tagaguhit: Mylin Gamboa-San Jose
Tagalapat: Raquel F. Queyquep
Layout Evaluator: Jose C. Tala, EdD, SDO-LRMDS
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
I. Alamin I.
Ang materyal na ito sa pag-aaral ay idinisenyo at isinulat upang
makapagbigay sa iyo bilang mag-aaral ng mga kaalaman sa mga pangunang lunas
para sa mga pinsala at kundisyon

Matapos ang Learning Activity Sheet na ito, narito ang mga inaasahang
layunin na dapat mong matutunan o makamit -
1. Natutukoy ang mga pinsala at kundisyon na nangangailangan ng
pangunang lunas. ( H5IS-IV-c-j-36)
2. Naipamamalas ang nararapat na pangunang lunas para sa mga pinsala
at kundisyon (H5IS-IV-c-j-36)

II. Subukin
Panuto: Tukuyin kung anong pinsala o kundisyon ang tinutukoy ng mga sumusunod
na pangunang lunas. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Pagkalason sa Pagkain
b. Kawalang malay
c. Pilay
d. Pulikat
e. Pagkabali ng Buto

1. Suriin ang pulso at paghinga kung malakas.


2. Marahang unatin at masahihin ang namamanhid na bahagi.
3. Huwag gagalawin ang taong nabaliaan ng buto.
4. Lagyan ng cold compress ang bahaging may pilay.
5. Uminom ng maraming fluid gaya ng tubig, sabaw o juice.
6. Pakalmahin at kausapin ang taong biktima ng pagkabali ng buto.
7. Itihaya ng marahan ang pasyente at isagawa ang pagsusuri.
8. Itaas ang napinsalang bahagi sa mataas at komportableng pusisyon.
9. Pahingahin ang bahagi ng katawan na may pulikat.
10. Uminom ng oral rehydrating solution kapag madalas at madubig ang pagdumi.

3
Aralin
PANGUNANG LUNAS PARA SA MGA
2 PINSALA AT KUNDISYON

III. Balikan

Panuto. Lagyan ng bilang 1,2,3 ang mga pangungusap ayon sa wastong


pagkakasunod-sunod ng pagbibigay ng pangunang lunas sa mga kondisyon at
karamdaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sugat
____ Takpan ng malinis na tela ang sugat.
____ Hugasan ang paligid ng sugat gamit ang sabon at malinis na tubig.
____ Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa.

2. Balinguyngoy
____Pisilin ng bahagya ang malambot na bahagi ng ilong.
____Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo.
____Maglagay ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose
bridge.

3. Kagat ng Insekto
____ Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng insekto gamit ang sabon at
tubig.
____Dalhin sa pinakamalapit na ospital.
____ Tanggalin ang karayom na iniwan ng insekto.

4. Kagat ng Hayop
____Paduguin ang sugat mula sa kagat ng anumang hayop.
____Linisang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon.
____Tukuyin kung saang bahagi ng katawan ang nakagat.

5. Paso
____Padaanan sa tubig galing sa gripo ang napasong bahagi ng 15-20 minuto.
____Balutan ng malinis na bandage ang bahaging napaso pagkatapos malagyan ng
burn ointment.
____ Dalhin sa pinakamalapit na ospital.

4
IV. Tuklasin
Panuto. Hanapin sa kahon ang iba’t ibang mga pinsala at kundisyon . Isulat ang mga salita
sa sagutang papel.

P P A G K A L A S O N R
U I O M O L E N A I Y A
L L Q Y M I V A N Z L Z
I A W L Y N E Y R S E S
K Y E I L A L R Y Y E E
A S H N I D Y O L E D Y
T B A L I A N G B U T O
W A L A N G M A L A Y M

V. Suriin
Walang sinuman ang nakababatid kung kailan at saan maaaring mangyari ang isang
sakuna o karamdaman. Wala din sinuman sa atin ang nagnanais na ang mga ito para sa ating
sarili, kamag-anak, o kaibigan. Bagamat isinasagawa natin ang ibayong pag-iingat upang
makaiwas sa mga ito, may mga pagkakataon talaga na ito ay nangyayari. Kaya, mahalagang
malaman natin ang nararapat na pangunang lunas para sa mga karaniwang pinsala o
karamdaman.

Ano ang mga pinsala at kundisyon na madalas mangyari sa paligid at ano ang mga
pangunang lunas na maaaring ibigay sa mga biktima nito?

1. Pagkalason sa Pagkain
https://www.youtube.com/watch?v=DumkGhLzsqw

• Uminom ng maraming fluid tulad ng tubig, sabaw o juice.


• Uminom ng ORS o Oral Rehydrating Solution kapag
madalas at matubig ang pagdumi. Puwedeng gumawa ng ORS sa
pamamagitan ng paghalo ng 2 kutsarita ng asukal at ¼ kutsarita ng
asin sa isang baso ng tubig.
• Huwag uminom ng mga gamut na kontra-diarrhea kung hindi
madalas ang pagdumi.
• Kumain ng pauniti-unting malalambot at madaling matunaw na
pagkain kung kaya na para hindi mabigla ang tiyan. Iwasang kumain ng
dairy products , maanghang , at mamantikang pagkain.
• Dalhin agad sa hospital kapag hindi pa humupa ang siontomas.

5
2. Kawalang-Malay
https://www.youtube.com/watch?v=nFB6gtL5kE4

Para maiwasang mawalan ng malay, kumain sa tamang oras, uminom lagi ng tubig at
iwasan ang sobrang init na lugar

 Kung makakita ka ng isang taong nawalan ng malay, ihiga ito nang nakatihaya.
Kung humihinga ang pasyente, itaas ang mga paa ng pasyente na mas mataas
sa posisyon ng puso upang bumalik ang daloy ng dugo sa utak. Luwagan ang
sinturon ng pasyente, collar o damit na umiipit sa katawan ng pasyente. Huwag
agad patayuin ang pasyente upang di ito himatayin ulit. Kung hindi magising ang
pasyente sa loob ng isang minuto, tumawag sa pinakamalapit na emergency
upang mabigyan ito ng atensyong medikal.
 Tingnan ang daanan ng hangin ng pasyente. Siguraduhin na walang nakabara
dito. Tingnan din kung sumuka ang pasyenteng nawalan ng malay.
 Tingnan kung humihinga, umuubo o gumagalaw pa ang pasyente. Kung hindi,
simulan ang CPR. Tumawag sa pinakamalapit na emergency at ipagpatuloy ang
CPR hanggang dumating ang tulong mula sa hospital o hanggang sa bumalik
ang paghinga ng pasyente.
 Kung nasugatan ang pasyente sa pagkawalan nito ng malay, gamutin at linisin
ang mga sugat. Kontrolin ang pagdudugo sa pamamagitan ng direct pressure.
 Humingi ng tulong mula sa hospital o emergency kapag nakitang kulay asul ang
labi ng pasyente, iregular o sobrang bagal ng tibok ng puso, may pananakit ng
dibdib, nahihirapang huminga, mahirap gisingin at mukhang lito o hilo ang
pasyente.

3. Pilay
https://www.youtube.com/watch?v=vcbupDu-PJI

• Itaas ang napinsalang bahagi sa maayos at komportableng posisyon at lagyan ng


malamig na pantapal ( cold compress) o lapatan agad ng yelong nababalot sa damit
ang napinsalang bahagi, tatlong beses maghapon
• Pagkatapos ng ilang araw, maligamgam na tubig naman na pantapal (warm
compress) ang ilagay hanggang sa mawala ang pamamaga.
• Kapag namamaga pa rin ang napinsalang bahagi, dalhin na sa malapit na
pagamutan upang matingnan sa pamamagitan ng xray.

6
4. Pulikat
https://www.youtube.com/watch?v=whPp8q9afT0

• Pahingahin ang bahagi ng katawan na may


pulikat. Ihinto ang ginagawa na nagiging sanhi nang labis na
paggamit ng kalamnan at pagtigil sa isang posisyon sa
matagal na panahon.
• Marahang unatin ang namamanhid na
kalamnan hanggang sa ito ay mawala.
• Ilagay ang cold pack sa bahaging may pulikat upang ma relax ang naninigas na mga
kalamnan. Kung mayroong naramdamang sakit o panlalambot sa kalaunan,
gumamit ng mainit na bimpo o heating pad o gumamit ng mainit na tubig kapag
maliligo.
• Iunat ng madalas ang binti , uminom ng maraming tubig , at kumain ng pagkaing
mayaman sa potassium.

5. Pagkabali ng Buto
https://www.youtube.com/watch?v=88s4LGZFhIc

• Tumawag agad sa emergency medical services.


• Alamin ang kalagayan ng biktima.
• Huwag gagalawin ang biktima.
• Kausapin ang biktima at sabihing iwasang gumalaw
habang wala pa ang mga emergency medical services.

VI. Pagyamanin
Panuto. Sa Hanay A ay ang mga pinsala at kundisyon na maaaring mangyari sa mga
sitwasyong nakalagay sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Pagkalason sa Pagkain A.Hindi malinis ang pagkakaluto at
2. Kawalang Malay pagkakahanda sa pagkain.
3. Pilay B. Kulang sa potassium.
4. Pulikat C. Nadulas sa basing sahig.
5. Pagkabali ng buto D. Umakyat sa mataas na puno ng
mangga at nahulog.
E.Naglalaro sa ilalim ng matinding
sikat ng araw.

7
VII. Isaisip Panuto. Lagyan ng bilang 1,2,3 ang mga pangungusap ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod ng pagbibigay ng pangunang lunas sa mga kondisyon at
karamdaman.

1. Pagkalason sa Pagkain
____ Dalhin agad sa ospital kapag hindi pa humupa ang sintomas
____ Uminom ng maraming tubig, sabaw o Oral Rehydrating Solution.
____ Kumain ng paunti unting malambot na pagkain.

2. Kawalang Malay
____Itihaya ang pasyente.
____Tumawag sa emergency hotlines habang isinasagawa ang CPR.
____Dali daling magsagawa ng pagsusuri sa daluyan ng hangin at paghinga.

3. Pilay
____Kapag namamaga pa din ang napinsalang bahagi, dalhin na sa malapit na
pagamutan.
____Itaas ang napinsalang bahagi sa maayos at komportableng posisyon.
____Lagyan ng malamig na pantapal o cold compress.

4. Pulikat
____Pahingahin ang bagi ng katawan na may pulikat.
____Marahang unatin ang namamanhin na kalamnan
____ Ilagay ang cold pack sa bahaging may pulikat upang ma relax

5. Pagkabali ng Buto
____ Kausapin ang biktima na iwasan ang paggalaw at kumalma.
____ Huwag gagalawin ang biktima.
____Tumawag sa emergency medical services.

VIII. Tayahin
Panuto. Isulat ang TAMA kung ang pangunang lunas sa mga pinsala o kundisyon ay tama , at
isulat ang MALI kung ang pangungusap ay nagsasaad ng maling pagbibigay ng lunas sa mga
pinsala o kundisyon.

________1. Uminom ng Oral Rehydrating solution kung nagsusuka dulot ng pagkalason sa


pagkain.
________2. Maaaring uminom ng kotra-diarrhea kung hindi madalas ang pagdumi dulot ng
pagkalason

8
________3. Suriin ang pulso at paghinga ng taong nawalan ng malay kung malakas.
________4. Patayuin ang biktima ng kawalang-malay.
________5. Itaas ang bahaging may pilay at lagyan ng warm compress.
________6. Kpag namamaga pa din ang bahaing may pilay ng ilang araw, dalhin na sa
pagamutan at ipa-xray.
________7. Pahingahin ang bahagi ng katawan ng may pulikat.
________8. Ilagay ang cold pack sa bahaging may pulikat upang ma-relax.
________9. Maaaring galawin ang pasyenteng nabalian ng buto.
________10. Tumawag agad sa emergency medical services upang humingi ng tulong sa
sitwasyong may nabalian ng buto.

IX. Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang dapat gawin o ilapat na pangunang lunas sa bawat
pinsala at kundisyon.

1. Pagkalason sa Pagkain
2. Kawalang Malay
3. Pilay
4. Pulikat
5. Pagkabali ng Buto

9
.
10
TAYAHIN ISAGAWA ISAISIP
1.Tama 6.Tama (answers may vary) 1. 3-1-2
2.Mali 7.Tama
3.Tama 8. Tama 2. 1-3-2
4.Mali 9.Mali 3. 3-1-2
5.Mali 10Tama 4. 1-2-3
5. 3-2-1
PAGYAMANIN TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
1. A 1. 3-2-1 1.b
2. E Pagkalason 2. 2-1-3 2.d
3. C Pulikat 3.e
3. 1-3-2
4. B Walang malay 4.c
Pilay 4. 3-2-1 5.a
5. D 5. 1-2-3
Bali ang buto 6.e
7.b
8.c
9.d
10.a
Susi sa Pagwawasto
.
Sanggunian

1. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat , pahina 208-218

2. http://www.drdrlads.net/2016/02/first-aid-kapag-mayroong-nawalan-ng.html

3. https://www.healthline.com/health/tgct/musculoskeletal-pain

4. https://www.ritemed.com.ph/articles/first-aid-tips-para-sa-ibat-ibang-uri-ng-paso

5. https://www.google.com/search?q=steps+for+burns&tbm=isch&ved=2ahUKEwiorPW
GmfTtAhXYFKYKHbwGB2IQ2

6. https://www.wikihow.com/Treat-a-Sprain-During-First-Aid

7. https://www.youtube.com/watch?v=DumkGhLzsqw

8. https://www.youtube.com/watch?v=nFB6gtL5kE4

9. https://www.wikihow.com/images/thumb/c/cc/Treat-a-Sprain-During-First-Aid-Step-1-
Version-2.jpg/v4-460px-Treat-a-Sprain-During-First-Aid-Step-1-Version-2.jpg

10. https://www.youtube.com/watch?v=whPp8q9afT0

11. https://www.thehealthsite.com/diseases-conditions/get-rid-of-muscle-cramps-in-less-
than-10-minutes-291807/

12. https://www.youtube.com/watch?v=88s4LGZFhIc

11
12

You might also like