You are on page 1of 49

ARALING

PANLIPUNAN
EKONOMIKS
Click icon to add picture
GAWAIN 1: WHAT’S THE WORD?
Mga hakbang sa pagsasagawa ng Gawain:
1. Ang klase ang hahatiin sa limang pangkat.
2. Bawat pangkat ay mag-uunahan sa pagsagot sa mga tanong.
3. Ang pangkat na unang matatawag ay pipili ng bilang na nais nilang sagutan.
4. Meron lamang limang segundo ang bawat pangkat para sumagot. Pag hindi
naka-sagot sa loob ng limang Segundo, ang ibang pangkat ay mabibigyan ng
pagkakataon na sumagot.
5. Bawat bilang na mapipili ay may katumbas na puntos kapag ito ay nasagot ng
tama ng mga mag-aaral.
ECONOMIE
(salitang Pranses)

“Pamamahala sa sambahayan”
(household)

OIKONOMIA
(salitang Griyego)

OIKONOMOS

Oikos - tahanan Nomos - pamamahala


EKONOMIKS

Ang ekonomiks ay isang agham


panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at
asal ng isang idibidwal, kung paano nito
sinosolusyonan na matugunan ng
limitadong resorses ang walang
katapusang pangangailangan ng tao.
Agham
Panlipunan

Limitadong
resorses
Kilos at Asal
EKONOMIKS

Walang katapusang
Sistemang Pang- pangangailangan ng
ekonomiya tao
URI NG EKONOMIKS

MAYKROEKONOMIKS
MAKROEKONOMIKS
MAYKROEKONOMIKS
HALIMBAWA:
 Nagmula sa salitang griyego na mikro na ang
ibig sabihin ay “maliit”  Gawi o kilos ng mga konsyumer
 Pag-aaral ng maliit na yunit sa ekonomiya at prodyuser
 Pagpapaliwanag sa galaw at desisyon ng  Demand
bawat bahay-kalakal sa sambahayan
 Supply
 Pamilihan
 Presyo
 Organisasyon ng negosyo
MAKROEKONOMIKS HALIMBAWA:
 Pambansang kita (national income)
 Kabuuong pambansang produkto (gross
national product o GNP)
 Ito ay nagmula sa salitang Griyego na makro
 Kabuuang domestikong produkto
na ang ibig sabihin “malaki.” (gross domestic product o GDP)
 pag-aaral sa malaking yunit o bahagi ng  Kabuuang demand at supply (aggregate
ekonomiya. supply at demand)
 Utang panloob at panlabas
 Nakapokus ito sa pagtatalakay sa kabuuang
 Palitan ng piso sa dolyar at iba pang uri
ekonomiya ng bansa. ng salapi
 Kawalan ng trabaho
 Kalakalang panloob at panlabas
 Implasyon
Tukuyin kung ang sumusunod na salita o mga salita ay bahagi ng
MAKROEKONOMIKS o MAYKROEKONOMIKS
________________ 1. mamimili ________________ 6. utang panlabas
________________ 2. kitang pambansa ________________ 7. uri ng prodyuser
________________ 3. inflation rate ________________ 8. kabuuang produksiyon
________________ 4. indibidwal na kompanya ________________ 9. suplay at demand
________________ 5. palitan ng piso ________________ 10. uri ng kompanya
Buoin ang pahayag sa bawat bilang.
1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kaniyang
____________ pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kaniyang ____________ pangangailangan.
a. sapat na; may hangganang
b. sapat na; walang hanggang
c. limitadong; walang hanggang
d. limitadong; may hangganang

2. Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomia, samakatuwid ang ekonomiks ay


nagsisimula sa _____________.
a. pamahalaan
b. pamayanan
c. tahanan
d. bansa
3. Ang ______________ at _____________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks.
a. tao; lipunan
b. suplay; demand
c. agham; matematika
d. produksiyon; konsumo

4. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ______________.


a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulongan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang material na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang daigdig
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao
d. pinag-aaralan dito kung paano mahihigitan ang kita ng kapuwa-tao
5. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay ang ___________.
a. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga
pangangailangan at hilig pantao
b. labis na dami ng pinagjukunang-yaman ng lipunan at kakaunting
pangangailangan at hilig pantao
c. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig
d. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya
EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat tulad ng ibang agham,
gumagamit ito ng siyentipikong pamamaraan para maipaliwanag ang isang
phenomena o pangyayari sa bansa.
PAGSUNOD-SUNORIN ANG MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG
SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
1. Pagbibigay ng hypothesis
2. Pagbuo ng konklusyon
3. Paglalapat ng kongklusyon at pagbibigay ng rekomendasyon
4. Pag-alam sa suliranin
5. Pangangalap ng mga datos o impormasyon na magpapatotoo sa iyong
haypotesis
MGA HAKBANGIN SA PAGSASAGAWA NG MGA
SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
1. Pag-alam sa suliranin
2. Pagbibigay ng hypothesis
3. Pangangalap ng mga datos o impormasyon na magpapatotoo sa iyong
haypotesis
4. Pagbuo ng konklusyon
5. Paglalapat ng kongklusyon at pagbibigay ng rekomendasyon
Bago tumungo sa iba pang Gawain,
mahalagang malaman muna kung ano ang
suliraning nais bigyan ng solusyon o
pagpapaliwanag.

Hal: Bakit lumaki ang populasyon sa


1. PAG-ALAM SA Pilipinas?
SULIRANIN
Ang haypotesis ay tumutukoy sa
pansamantalang kasagutan o paliwanag sa
inilahad na suliranin.

2. PAGBIGAY NG
HAYPOTESIS
Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng:
a. Pakikipanayam
b. Pagsasagawa ng sarbey
c. Pag-aaral sa mga estadistikang nakalap
d. Pagbabasa ng mga aklat, pahayagan,
3. PANGANGALAP NG mapa at magasin
MGA DATOS O e. Paggamit ng Internet
IMPORMASYON NA
MAGPAPATOTOO SA
INYONG HAYPOTESIS
Ang mga nakalap na datos o impormasyon
ay susuriin upang masagot kung tama ba
ang haypotesis na ibinigay sa suliraning
pinag-aaralan.

4. PAGBUO NG
KONGKLUSYON
Mula sa nabuong kongklusyon, maari
nang gamitin ang mga nakalap na datos o
impormasyon upang masolusyunan ang
suliranin at magbigay ng rekomendasyon
na may kaugnayan sa suliraning pinag-
5. PAGLALAPAT NG aaralan.
KONGKLUSYON AT
PAGBIBIGAY NG
REKOMENDASYON
MGA DIBISYON NG
EKONOMIKS

PRODUKSIYON
PANGKONSUMO
PAGPAPALITAN
PAMAMAHAGI
PAGTUSTOS O PAMPUBLIKONG
PANANALAPI
PRODUKSIYON
(PRODUCTION)
Ang Produksiyon ay tumutukoy sa paglikha,
paggawa, o pagbuo ng mga produkto at serbisyo
upang tumugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Ito ay isang proseso na kung saan ang isang


hilaw na material ay nabibigyan ng ibang anyo.
 Input
 Output
PANGKONSUMO
(CONSUMPTION)
Ang Pangkonsumo ay tumutukoy sa pagbili,
paggamit, o pag-ubos ng mga produkto at serbisyo
upang matugunan ang mga pangangailangan at
mabigyang kasiyahan ang sarili.

Ang pangkonsumo ay hindi lamang Gawain ng isang


mamimili o konsyumer sapagkat ang kompanya o
bahay-kalakal ay kumokunsumo rin upang muling
makalikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa
pangangailangan at kagustohan ng lahat
PAGPAPALITAN
(EXCHANGE)
Ang paglipat ng produkto at serbisyo mula sa
isang tao patungo sa ibang tao ay tinatawag na
pagpaplitan.

Sa pamilihan, nagaganap ang tinatawag na


pagpapalitan ng kung saan nagtatagpo ang
prodyuser at knosyumer.

 Barter – makalumang sistema ng palitan ng


produkto at serbisyo.
PAMAMAHAGI
(DISTRIBUTION) Salik ng
Produksiyon
Bahagi ng yaman na kanilang
natatanggap o bayad sa
kanilang serbisyo
Ginagamit ng mga prodyuser ang mga salik ng
produksiyon upang makalikha ng mga produkto Lupa Upa/renta

at serbisyo. Paggawa Sahod/sweldo

Kapital Interes
Ang mga salik na ito ang nagsisilbing mga input
Entreprenyur Tubo
para makabuo ng mga output o mga yaring
produkto at serbisyo. Dahil dito, ang mga Pamahalaan buwis
prodyuser ay tumatanggap ng kabayaran o
bahagi ng yaman upang gamitin naman nila sa
pangkonsumo ng kanilang mga kakailanganin.
PAGTUSTOS O PAMPUBLIKONG
PANANALAPI
(PUBLIC FINANCE)

Ang pamahalaan ay may malaking tungkulin sa


pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kaya
mahalagang ito ay makalikom ng salapi tulad ng
buwis upang magbigay ng pampublikong
paglilingkod (public service) tulad ng
pagbibigay ng subsidiya, pampublikong
paaralan, ospital, at marami pang iba.
ASSIGNMENT:
Gumawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks.

Isulat sa isang buong papel ang iyong ideya.


MGA EKONOMISTANG NAGBIGAY NG IBA’T
IBANG KAISIPAN UKOL SA EKONOMIKS
1. ADAM SMITH

• Sya ang “Ama ng Makabagong Ekonomiks”


• Ang kanyang doktrinang laissez-faire o Let Alone
Policy.
• Ang laissez-faire ang nagpapaliwanag na hindi
dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo
ng ekonomiya ng pribadong sektor; sa halip,
kailangan pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang
pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa.
1. ADAM SMITH

• Ang espesyalisasyon ni Adam Smith ay


paghahati ng mga Gawain sa produksiyon
ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa.

• Sinulat niya ang aklat na An Inquiry into the


Nature and Causes of the Wealth of Nations
na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
modernong ekonomiya at sa konsepto ng
malayang kalakalan.
2. THOMAS ROBERT
MALTHUS
• Binigyang-diin niya ang mga epekto ng
mabilis na paglaki ng populasyon.

• Malthusian Theory – nagsasabing ang


populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa
supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na
kagutuman sa bansa.
3. DAVID RICARDO

• Nakilala sya sa kanyang dalawang


ideya:

 Law of Diminishing Marginal


Returns
 Law of Comparative Advantage
3. DAVID RICARDO

 Law of Diminishing Marginal Returns


- ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na
yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha
mula sa mga ito
3. DAVID RICARDO

 Law of Comparative Advantage


- isang prinsipyong nagsasaad na mas
nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga
produkto sa mas mababang halaga (production cost)
kompara sa ibang bansa.
4. JOHN MAYNARD
KEYNES
• Kinikilala siya bilang Father of Modern Theory
of Employment

• Sinasabi niyang ang pamamahalaan ay may mas


malaking gampanin sa pagpapanatili ng katatagan
at balance sa ekonomiya sa pamamagitan ng
paggastos nito.

• Siya ang sumulat ng aklat na General Theory of


Employment, Interest and Money.
5. FRANCOIS QUESNAY

• Nagsilbi sya kay Haring Louis XV ng France


bilang doctor at hindi bilang ekonomista.
• Siya ang pinakakilalang physiocrats o
naniniwala sa kakayahan ng lupa o agrikultura sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
• Naniniwala rin sya sa kahalagahan ng doktrinang
Laissez Faire ni Adam Smith.
6. KARL MARX

• Siya ang tinaguriang Ama ng Komunismo

• Sinulat niya ang aklat na Das Kapital na


naglalaman ng mga arak ng komunismo.

• Sinulat din niya ang Communist Manifesto


kasama ni Freidrich Engels.

• Naniniwala sya sya sa pagkakaroon ng


pagkakapantay ng tao sa lipunan.
5. KARL MARX

• Naniwala siya na ang estado ang dapat na


nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at
gumagawa ng decision ukol sa produksiyon at
distribusyon ng yaman ng bansa.

• Isinulong niya na ang rebolusyon ng mga


proletariat ang magpapatalsik sa mga kapitalista
1. Ang _______________ ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng
isang idibidwal, kung paano nito sinosolusyonan na matugunan ng limitadong resorses
ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

2. Salitang French na ang ibig sabihin ay pamamahala sa sambahayan (household).

3. Tumutukoy ito pag-aaral ng maliit na yunit sa ekonomiya.

4. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa malaking yunit o bahagi ng ekonomiya.

5. Sa _________ nagaganap ang tinatawag na pagpapalitan o dito nagtatagpo ang prodyuser


at konsyumer.
6. Unang hakbang ng pagsasagawa ng mga siyentipikong pamamaraan kung saan inaalam
muna kung ano ang suliraning nais bigyan ng solusyon o pagpapaliwanag.

7. __________ tumutukoy sa paglikha, paggawa, o pagbuo ng mga produkto at serbisyo


upang tumugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

8. Siya ay kilala sa kanyang doktrinang laissez-faire o Let Alone Policy.

9. Ang ________ ay tumutukoy sa pansamantalang kasagutan o paliwanag sa inilahad na


suliranin.

10. Tinagurian siyang “Ama ng Modernong Makroekonomiks”


11-15. Ibigay ang limang Dibisyon ng Ekonomiks.
BALANCING
ACT
WELLSPRING
THE STAR
OF THE SHOW
AMUSEMENTS
AMUSEMENTS

Use this color palette when you want to tell a


joyous and whimsical story. In this palette,
PANTONE Very Peri injects a sense of playful
freshness into the design, exuding a good-
natured warmth that quickly engages the eye.
USE THESE COLORS IN ANY
POWERPOINT PRESENTATION
1. Select a shape or text box border. When you do that, the
Shape Format tab appears.
Tip: To change multiple shapes or text boxes, click the first shape or text box,
and then press and hold Ctrl while you click the other shapes or text boxes.

2. On the Shape Format tab, select Shape Fill > More Fill
Colors.
3. In the Colors box, select the Custom tab.
4. Enter the Hex value of the color you want to use.

You might also like