You are on page 1of 18

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 4
PRODUKSIYON
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Produksiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Nelson Q. Francisco


Editor: Mary Grace C. Dela Cruz
Tagasuri: Gina C. Cristobal, Mailanie C. Manaban, Leonilo C. Angeles I
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Juan C. Obierna, Chief, CID
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
Alamin:
YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magkaroon ng


lubos na pag-unawa sa mga paksang tatalakayin,
mabuksan ang iyong kritikal na isipan at mahasa
ang kakayahan at kasanayang magdesisyon sa mga
gawaing inihanda sa mga pagsubok sa kaalaman sa
bawat pagtatapos ng pagtalakay sa bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON
Sa Modyul na ito na Araling Panlipunan 9- Ekonomiks tatalakayin natin ang
mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa mga
sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Produksiyon
2. Mga Salik ng Produksiyon
a. Lupa
b. Paggawa
c. Kapital
d. Entreprenyur
3. Mga Suliraning Kinakaharap sa Produksiyon
B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang mga salik ng
produksiyon at ang implikasyon nito sa pang araw- araw na pamumuhay.

LAMP CODE: AP9MKE-1i19

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon.
2. Naiisa-isa ang mga salik ng produksiyon.
3. Nasusuri ang ginagampanang papel ng bawat salik ng
produksiyon.
4. Natutukoy ang mga suliraning kinakaharap ng bawat ng salik
ng produksiyon.
5. Nakapaglalahad ng mga solusyon sa mga suliranin at hamong
kinakaharap ng bawat salik.
6. Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang
implikasyon nito sa pang araw- araw na pamumuhay.

Subukin:

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Hanapin sa Hanay B ang katumbas na sagot na
hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ito ang pinakamahalagang salik ng produksiyon.
kapital
2. Ito ang pinagmumulan ng lahat ng hilaw na materyal entreprenyur
na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
pamumuhunan
lupa
3. Ito ang bayad sa paggawa. mental na lakas
paggawa
4. Ito ay tumutukoy sa paglikha, paggawa, at pagbuo ng
produksyon
mga produkto at serbisyo na siyang tumutugon sa
mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. output
input
5. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salapi para sa
sahod
darating na panahon upang mas lumaki ang
produksiyon sa pamamagitan ng pag-utang sa
tubo
bangko o paghahanap ng mga mamumuhunan. paggawa
renta
6. Ang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon.
Tinagurian ding “Utak ng Negosyo”.
unemployed
blue collar job
7. Ang tawag sa mga manggagawang gumagamit ng underemployed
talino at galing sa paggawa.
brawn drain
8. Ito ay tumutukoy sa produkto na nakalilikha ng iba brain drain
pang produkto.
9. Iba pang tawag sa salik ng produksiyon.
10. Ito ay tumutukoy sa produkto o serbisyong nalikha
gamit ang salik ng produksiyon.
11. Tawag sa bayad sa lupa
12. Ibang tawag sa pisikal na paggawa.
13. Tawag sa kalagayan na kung saan ang mga
manggagawang propesyunal sa Pilipinas ay nauubos
sanhi ng pangingibang bansa nila,
14. Mga manggagawang may trabaho ngunit ang
kanilang trabaho ay hindi nakabatay sa kurso o
kasanayang kanilang natapos.
15. Mga manggagawang walang trabaho
Aralin
4 Produksiyon
Balikan:

Muling balikan ang mga paksang tinalakay natin sa


Sistemang Pang-ekonomiya.Ating alamin kung
natatandaan mo pa ba ang mga paksang natalakay
sa nakalipas na modyul sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

Gawain 2- Tumpak o Ligwak

Panuto: Isulat ang salitang TUMPAK kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at
LIGWAK naman kung ang pahayag ay mali. Ilagay ang sagot sa papel.

1. Mga kapitalista o ang mga negosyante ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
sa sistemang pamilihan.
2. Namamayani ang sistemang command o pinag uutos sa daigdig ngayon.
3. Kailangan ang alokasyon kapag may kakapusan.
4. Sa pinaghalong sistema ng ekonomiya, nakikialam ang pamahalaan sa pamamalakad ng
ekonomiya.
5. Ang presyo ay isang mekanismo sa alokasyon sa sistemang command o pinag-uutos.
6. Ang pangunahing layunin ng sistemang pampamilihan ay upang panatilihin ang tradisyon
na umiiral sa komunidad.
7. Nagbabadyet ang pamahalaan bilang isang paraan ng pag-aalokasyon.
8. Itinuturing na huwaran ang lipunang nasa ilalim ng Sosyalismo.
9. Pamahalaan ang namamahagi ng mga produkto at paglilingkod sa sistemang command o
pinag-uutos.
10. May kalakalan sa ilalim ng sistemang pamilihan.
Tuklasin:

Gawain 3-Anong Konek?


Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga inputs na kinakailangan upang mabuo ang
produkto o output. Isulat ang mga ito sa inyong kwaderno.

A B

Halaw sa Ekonomiks Lm pahina 73


PAMPROSESONG TANONG:
1.Nahirapan ka ba sa pag-iisip ng mga input o sangkap para sa output?
2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng mga sangkap na nasa kahon ng input at
ang larawan na nasa kahon ng output?
3. Ano ang katawagan sa proseso na nag-uugnay sa kahon ng input at sa kahon ng
output?

Matapos nating talakayin ang mga iba’t ibang


sinauna at makabagong sistemang pang-
ekonomiya. Alamin naman natin ngayon
kung saan naman kaya nagsisimula ang mga
gawaing pang-ekonomiya?

Ang produksiyon ay Ang produksiyon ay


isa sa may tumutukoy sa
mahalagang gawain paglikha, paggawa,
sa ekonomiya. Kung at pagbuo ng mga
sa pagkonsumo produkto o serbisyo
nagtatapos o na makakatugon sa
nagwawakas ang mga
mga gawaing pang- pangangailangan at
ekonomiya, sa kagustuhan ng tao.
produksiyon naman Ito ang
ito magsisimula. pinakamahalagang
Kung walang bahagi ng
produksyon, wala ekonomiya. Dito
ring pagkonsumo. nililikha ang mga
bagay o produktong
kailangan ng mga
mamamayan.
Suriin:

Gawain 4- Pagsunud-sunurin
PANUTO: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagkakabuo
ng produkto. Ilagay ang bilang ng larawan sa ibabaw ng bagon ng tren sa ibaba. Gawin ito
sa papel.

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 74


PAMPROSESONG TANONG:
1.Sa iyong palagay, paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan?
2. Suriin ang batayan sa pagsasaayos ng mga larawan?
3. Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang ikaapat na
larawan?

Dumaraan ang paggawa ng isang produkto sa iba’t ibang proseso o yugto. Dahil sa bisa ng
espesyalisasyon, may mga bahay-kalakal na tagagawa ng hilaw na materyal. Mula sa input
ito ay pinoproseso o isinasagawa upang maging isang ganap na produkto o output.

Primaryang Produkto Sekondaryang Produkto Ganap o Tapos na Produkto

Ngayong alam na natin ang Produksiyon,


pag-aralan naman natin ang mga salik na
may kinalaman sa pagbuo o paglikha ng
produkto o serbisyo.
Unawain:
May apat na pangunahing pangangailangan bago makagawa o makalikha ng isang
produkto o serbisyo. Tinatawag natin itong Salik ng Produksyon.

Lupa Lakas
Puhunan Entreprenyur
Paggawa

Ito ang hindi mapapalitang


yaman ng kalikasan na hindi
LUPA maaaring bawasan at dagdagan.
Pinagmulan ng lahat ng mga
hilaw na material na ginagamit
sa produksyon

Ito ay tumutukoy sa lugar na


pinagtatayuan ng mga
Ang unang salik ng pagawaan ng produksyon.
produksyon ay Ito ay maaaring lupa perse,
sumasaklaw sa lupa bilang kagubatan, minahan, o
pinagmumulan ng lahat ng katubigan.
pinanggalingan at lahat ng
hindi mapapalitang yaman
ng kalikasan.

Ito ay maaring gamitin sa iba’t


ibang pamamaraan gaya ng : Pag
tayuan ng imprastruktura tulad ng
bahay, gusali, tulay,
planta,pabarika, mga tanggapan,
Ang tawag naman sa bayad pagawaan, paaralan at iba pa, Ang Batas Pambansa Blg.877 o ang
Pagsasaka at Minahan Rent Control Law ang batas na
sa lupa ay RENTA.
pumipigil sa pagtaas ng upa sa lupa
Mawawalan ng halaga ang mga hilaw na Ang mental na lakas paggawa
Lakas Paggawa
materyal kung walang tao na lilinang o (white collar job) ay tumutukoy
bubuo nito. sa mga manggagawa na ang
Ang pinakamahalagang salik
ginagamit ay ang pagkulta ng
ng produksyon.
isipan o pag-iisip. Ito ay
bumubuo sa mga manggagawang
Lakas ng tao ang ginagamit
propesyonal. Nakapagtapos ng
sa paglikha ng produkto o
kurso,mga manedyer, supervisor,
serbisyo.
imbentor atbp na may pinag-
Matapos makapag-aral sa white collar job aralan.
Pilipinas ay bahagi ng
tinatawag na “brain Bukod sa mga nabanggit, ang mga
drain”at“brawn drain” Pilipinong naninilbihan sa ibang
naman ang tawag sa mga bansa na tinatawag na Overseas
bokasyunal at teknikal na Filipino Workers (OFW) na
gawain na lumuluwas ng kinabibilangan ng mga nurses,
bansa. caregiver, guro, engineer,
SAHOD O SWELDO ang blue collar job kasambahay o domestic helper at
tawag sa bayad sa mga entertainer ay bahagi din ng
manggagawa. lakas paggawa.

Ang lakas-paggawa ay maaring mental Ang mga manggagawang


Ang pisikal na paggawa ay o pisikal na paggawa na binubuo ng ng propresyunal na pumupunta sa
tinatawag din blue collar job o may edad 15-64 taong gulang na ibang bansa upang magtrabaho
trabahong gumagamit ng lakas lumilinang ng pinagkukunang yaman ay nagnanais kumite ng mas
na pisikal upang ng bansa at gumagwa ng mga malaki kumpara sa loob ng bansa.
makapaghanapbuhay produkto o serbisyo.

Ang pisikal na lakas paggawa o blue collar job ay


nahahati sa tatlo :
1. SKILLED O MAY KASANAYAN
Ito ay tumutukoy sa mga manggagawang
dumaan sa pormal na pag-aaral, ang
kanilang kasanayan
ay maaaring makamit sa pamamagitan
ng seminars, trainings o nakapagtapos ng
bokasyonal at teknikal na kurso.
Halimbawa nito ay caregiver, technician,
mekaniko
2. SEMI-SKILLED O MAY
KAUNTING KASANAYAN
Ito naman ay ang mga manggagawang
walang pormal na pagsasanay ngunit
dahil sa karanasan sa trabaho o gawain
ay naging bihasa na sa kanilang gawain.
Ang ating mga lakas paggawa ay nahaharap sa mga sumusunod na sitwasyon sa ating bansa sa
kasalukuyan :

1. Employed- Ito ay tumutukoy sa manggagawang may trabaho na naaayon sa kanilang kursong


natapos.
Halimbawa
Si G. Francisco ay nakapagtapos ng BSE major in History sa New
Era University kaya sa kasalukuyan siya ay isa ng guro sa Holy Sprit
National High School. Kung kaya’t siya ay maituturing na employed.
2. Underemployed- Mga manggagawang may trabaho ngunit ang kanilang trabaho ay hindi
nakabatay sa kurso o kasanayang kanilang natapos.
Halimbawa
Si G. Francisco na nakapagtapos ng Education ngunit ang kanyang trabaho ay isang
call center agent. Bagamat siya ay may trabaho ngunit ito ay hindi nakabatay sa kursong
kanyang natapos. Si G. Francisco ay may maituturing na underemployed.

.3. Unemployed- Mga manggagawang walang trabaho o walang mapasukang trabaho.

Tumutukoy ito sa mga kagamitang


Kapital/ Puhunan ginawa ng tao tulad ng gusali,
makinarya, kasangkapan,
istruktura, salapi at mga hilaw na
material na gagamitin para
makalikha uli ng ibang mga
produkto.

Ang mga hilaw na materyal ay


hindi maisasagawa kung hindi
gagamitan ng mga kapital o
puhunan. Sapagkat sa tulong ng
kapital/puhunan ay mas magiging
madali para sa mga manggagawa
na maisagawa ang hilaw na
materyales para maging isang
ganap na produkto.

PAMUMUHUNAN O INVESTMENT naman ay


INTERES Ang tawag tumutukoy sa paggamit ng salapi para sa darating na
sa bayad sa panahon upang mas lumaki pa ang tubo. Ito rin ay
kapital/puhunan. ang pagbuo ng mga panibagong imprastaktura,
pabrika o planta, mga makinarya at teknolohiya na
maaaring ipalit sa mga lumang kagamitan na
DEPRESASYON nawalan na ang kapakinabangan.
(DEPRECATION)- Ito ay
tumutukoy sa katangian ng isang
kapital na nasa yugto ng pagkaluma
at pagkasira na nagiging sanhi ng
pagbawas ng kapakinabangan nito.
Entreprenyur

Ang entreprenyur ay isa sa mahalagang


salik ng produksyon sapagkat siya ang nagpapakilos
upang ang isang negosyo ay tumakbo at umunlad.

Sa
pamamagitan
Sila ay tinatawag
nya napagsama
ding tagapangasiwa,
sama
tagapamahala, utak
siya ang lupa,
ng negosyo,
kapital at
supervisor,
paggawa upang
innovator, risk
mula sa hilaw
bearer, decision
na materyal sila
maker at ang may-
ay makagawa
ari ng kompanya.
ng isang ganap
na produkto.

TUBO O PROFIT ang tawag sa kita ng


entreprenyur matapos niyang mapagtagumpayan ang hamon
ng pagnenegosyo.

Gawain 5
PANUTO: Gamit ang Frayer model itala ang mga bagay na may kinalaman sa produksyon.
Tukuyin kung anong salik ng produksyon ito nabibilang. Isulat ang sagot sa papel.

1. cashier 6. 100 sqm na lupa


2. pagkain 7. kuryente
3. mesa 8. manager
4. ovens 9. tubig
5. waiter 10. kasangkapan sa bahay

Education.com

Pamprosesong Tanong

1. Batay sa naitala mo sa Frayer model, paano mo inuri ang mga ito?


2. Masasabi mo ba na mahalaga ang bawat salik ng produksiyon? Bakit?
Pagyamanin

Gawain 6- Editorial Cartoon


Panuto : Suriin ang larawan at sagutin ang mensaheng nais nitong ipabatid. Gawing gabay
ang mga tanong na nasa ibabang bahagi ng larawan. Ilagay ang sagot sa papel.

PAMPROSESONG TANONG:
1.Ano ang mensaheng ipinapakita ng editorial cartoon?
2.Makakaapekto ba ang kasalukuyang pandemya sa produksiyon? Ipaliwanag,
3.Maliban sa pademiya, ano-ano pa ang iba pang maaaring makaapekto
sa salik ng produksiyon?

Gawain 7- Paggawa ng Slogan

Panuto: Sa pamamagitan ng paggawa


ng islogan, ipahayag ang iyong
saloobin paano mo pangangalagaan at
poprotektahan ang mga salik ng
produksiyon gaya ng lupa,lakas
paggawa, kapital at entreprenyur.
Gawain 8

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan ng mga impormasyong hinihingi nito. Upang


mapunan ito, kailangang ikaw ay manood ng balita sa telebisyon o mangalalap ng
impormasyon sa dyaryo o internet. Sa kasalukuyan, ang buong mundo kabilang na ang
Pilipinas ay lumalaban sa pandemyang sanhi ng COVID 19. Libo-libong tao na ang
nagkasakit at namatay sanhi ng virus. Maging ang ekonomiya ng bawat bansa mayaman
man o mahirap ay lubhang naapektuhan. Bagamat mula sa ECQ ay nasa GCQ na ang halos
buong parte ng bansa, ang sigla ng ekonomiya ay nahihirapan pa rin maibalik. Hindi lamang
ang mga negosyo o mga negosyante ang naapektuhan bagkus mas malaki ang dagok ng
pandemya sa mga pangkaraniwang mga mamamayan ng bansa. Ilagay ang sagot sa papel.

SULIRANIN NG MGA PALIWANAG SOLUSYONG


MANGGAGAWA SA MAIBIBIGAY
PANAHON NG
PANDEMYA

Isaisip
● Ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha, paggawa, at pagbuo ng mga produkto o
serbisyo at ito ay may apat na salik: lupa, kapital, paggawa, at entreprenyur.
● Ang lupa ang unang salik ng produksiyon na pinagmumulan ng hilaw na materyal at
pinagtatayuan ng pagawaan. Renta o upa ang tawag sa bayad sa lupa.
● Ang paggawa ang pinakamahalagang salik ng produksiyon dahil ito ang gumagawa
ng mga produkto at serbisyo sa pagawaan. Sahod o sweldo ang natatanggap na
bayad sa paggawa.
● May tatlong katayuan ang paggawa: employed, unemployed at under-employed
● May dalawang uri ng paggawa ito ay ang mental at pisikal na lakas paggawa
● Ang kapital ay ang ikatlong salik ng produksiyon. Tumutukoy ito sa mga kagamitang
ginawa ng tao tulad ng gusali, makinarya, kasangkapan, istruktura, salapi at mga
hilaw na materyal na gagamitin para makalikha uli ng ibang mga produkto.
● Interes ang tawag sa bayad sa kapital.
● Pamumuhunan ang pagdaragdag ng istak upang mapalawak ang produksiyon. Lahat
ng kapital ay maaaring dumaan sa depresasyon o pagkaluma.
● Ang entreprenyur ang tagapag-ugnay ng lahat ng salik ng produksyon. Tinuturing na
‘’Utak ng Negosyo’’.
● Tubo ang tawag sa nakukuhang bayad ng entreprenyur.
● Bawat salik ng Paggawa ay may kani-kanyang suliranin na nararanasan.
Isagawa

Gawain 9- Pagsulat ng Liham

Kung ikaw ay isang negosyante at mabibigyan ng


pagkakataong sumulat ng liham sa Pangulong Rodrigo
Roa Duterte, anu-ano ang nais mong hilingin o
imungkahing mga solusyon upang matulungan ang
mga kagaya mong negosyante na nasa yugto ng
pagkalugi sanhi ng nararanasang epekto ng pandemya
sa Pilipinas na ngayon ay nasa tinatawag ng NEW
NORMAL. Isulat ang iyong liham sa isang buong papel
.

Pamantayan ng Pagtataya:
Nilalaman……………………..5 puntos
Paglalahad ng paksa………..5 puntos
Istilo sa pagsulat…………….5 puntos
Kalinisan at pagkamalikhain…5 puntos
Kabuuan ………………………..20 puntos

Tayahin:
A. Panuto: Gamitin ang nasa loob ng kahon bilang “clue” sa sagot sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bayad sa tinatanggap ng entreprenyur. GHOB


2. Katangian ng entreprenyur na handang makipagsapalaran sa negosyo maging
positibo o negatibo man ang kalalabasan. EVFX GNXRE
3. Pinakamahalagang salik ng produksiyon. CNTTNJN
4. Ang bayad sa lupa. HCN
5. Tawag sa bayad sa paggawa FNUBQ
6. Ang ikatlong salik ng produksyon XNCVGNY
7. Tumutukoy sa paggamit ng salapi sa darating na panahon upang mas lumaki pa ang tubo.
CNZHZHUHANA
8. Ito ay tumutukoy sa katangian ng isang kapital na nasa yugto ng pagkaluma at pagkasira na
nagiging sanhi ng pagbawas ng kapakinabangan nito. QRCERFNFLBA
9. Bayad sa kapital o puhunan. VAGRERF
10. Ulo ng negosyo. Ang nag-uugnay sa mga salik ng produksyon. RAGERCERALHE

B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kwaderno.

1.-3. Basahin ang tala na nasa kahon at sagutin ang mga katananungan.
Si G. Salceda ay nagmula sa pamilyang negosyante. Ipinamana sa kanyang mga magulang
ang mga makinaryang matagal na nilang ginagamit sa negosyo. Napansin niya na mabagal
ang produksyon na gamit ang lumang makinarya at pamamaraan. Kung hindi sa agarang
pag-aaral ng makabagong teknolohiya baka nagsara na ang pabrika. Dahil sa mga
pagbabagong ginawa niya ay unti-unting nagkaroon ng iba’t-ibang sangay ang kanilang
negosyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

1. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang negosyanteng tulad ni G. Salceda?


a. May sariling diskarte sa negosyo
b. May malawak na pananaw at handa sa anumang pagbabago.
c. Mabagal gumawa ng mga desisyon at pakikipagsapalaran.
d. May limitadong kaalaman sa larangan ng pag-unlad.
2. Sa ginawang pagpapalit ni G. Salceda ng kanyang dating ginagamit mula sa makabagong
makinarya, anong katangian ang kanyang ipinakita?
a. Marunong makitungo sa kapwa tao.
b. Bukas ang isipan at handang tumanggap ng pagbabago.
c. Sanay makipagkompetensya sa kapwa namumuhunan.
d. Pabigla-bigla sa pagdedesisyon sa makabagong pamamaraan.

3. Ang mga sumusunod ay dahilan sa pag-unlad ng negosyo ni G. Salceda, maliban sa isa,


alin ito?
a. Maayos na pangangasiwa
b. Marami siyang kakilala at tabahador
c. Malawak ang kanyang kaalaman sa negosyo
d. Pabigla-bigla sa pagdedesisyon sa makabagong pamamaraan
4. Si Bb. Rosario ay may-ari ng pagawaan ng sapatos sa Marikina. Nagtatabi siya ng salapi
na gagamitin sa pagbili ng bagong makinarya. Ang unti-unting pagkaluma at pagkasira ng
yamang pisikal/kapital ay tinatawag na _______.
a. Depresasyon b. Depresyon c. Debalwasyon d. Deplasyon
5.Ang produksyon ay nagaganap sa mga bahay kalakal. Ang namumuno sa isang bahay-
kalakal ay ang entreprenyur o negosyante.Ano ang mahalagang papel ng entreprenyur?
a.Taga-angkat mg mga produkto sa ibang bansa
b.Tagapagpalaki ng negosyo
c.Tagapag-ugnay ng lahat ng salik ng produksyon
d.Tagapag-utos sa lahat ng manggagawa.
6.Sa kasalukuyan ang ating bansa ay mayroong mataas na bilang ng mga walang trabaho o
unemployed dahil ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE)ang trabahong
kailangan ng pamilihan ngayon ay mga skilled workers. Alin sa mga sumusunod ang
tinatatawag na skilled workers?
a.Si Dora ay lumuwas ng Maynila upang maging katulong sa bahay ng
pamilya Daza.
b.Nakapagtapos ng edukasyon si Thelma kaya siya ay isa ng guro sa Toro
Hills Elementary School.
c.Nag-aral si Fredo ng anim na buwan sa TESDA ng pagwewelding, ngayon siya ay
nasa Saudi at isa ng welder.
d.Madaling araw pa lang gising na si Rose upang magsimulang magwalis sa
kanilang komunidad dahil siya ay street sweeper sa kanilang barangay.
7. Isa ito sa pinkamahalagang salik sa produksyon na kung saan ito ang pinanggagalingan
ng lakas ng talino. Anong salik ito?
a. Lupa b. Puhunan c. Enretprenyur d. Paggawa
8. Ang yamang likas, yamang tao at yamang pisikal/kapital ay bumubuo ng pinagkukunang
yaman ng bansa. Ito rin ay tinatawag ng mga ekonomista bilang
a. Salik ng Paggawa b. Salik ng Produksiyon
c. Proseso ng Produksyon d. Paglikha ng Kalakal
9. Ang perang natatanggap ng manggagawa bilang kabayaran sa paggawa ng produkto at
serbisyo
a. Sahod/sweldo b. Upa/renta c. Tubo d. Interes
10. Nag-aalaga ng mga baboy si Jhun upang ipagbili sa takdang panahon. Kumuha siya ng
mga manggagawa na makakatulong sa kanya sa panahon ng bentahan. Ano ang magiging
epekto ng mga manggagawa bilang salik ng produksyon sa negosyo ni Jhun?
a. Dadami ang alagang baboy ni Jhun.
b. Mapapabilis ang pagbebenta ng mga baboy ni Jhun.
c. Magkakaroon ng kakompetensya si Jhun sa pag-aalaga ng baboy.
d. Madaragdagan ng puhunan si Jhun.

Matapos mong mapag-aralan ang mga paksa sa modyul na


ito at masagutan ang mga gawain maaari mo nang itama
ang iyong mga kasagutan sa pamamagitan ng pagtingin sa
susi ng pagwawasto sa huling bahagi ng modyul na ito.
Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at KATAPATAN.
HANGGANG SA SUSUNOD NA MODYUL

Sanggunian:
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon pahina 50-59
C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc.
pahina 3-21
Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished
Elektronikong Sanggunian:

Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)


Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE3 (Philippine coins)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE4 (Philippine Peso)
https://bit.ly/AP9Q1M4TITLE (Produksyon)
https://bit.ly/AP9Q1M4P1 (Lupa)
https://bit.ly/AP9Q1M4P2 (Lakas Paggwa)
https://bit.ly/AP9Q1M4P3 (Kapital)
https://bit.ly/AP9Q1M4P4 (Entreprenyur)
https://bit.ly/AP9Q1M4P5 (Primaryang produkto)
https://bit.ly/AP9Q1M4P6 (Sekondaryang Produkto)
https://bit.ly/AP9Q1M4P7 (Ganap o Tapos na Produkto)
https://bit.ly/AP9Q1M4P8 (Blue Collar Job)
https://bit.ly/AP9Q1M4P10 (Kapital)
https://bit.ly/AP9Q1M4P11 ( Cartoon Editorial)

You might also like