You are on page 1of 15

PANGALAN:____________________________________.

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
9
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 4
Mga Salik ng Produksyon

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 4: Mga Salik ng Produksyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi m aaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Elmir L. Edep Jr.
Pangnilalamang Patnugot:
Editor ng Wika: Jonah A. Heredero
Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Ma. Lea A. Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagaguhit: Esrael P. Ramos


Tagalapat: Arnolfo V. Bandola

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,


Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Mga Salik ng Produksyon

MELC: Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga salik ng produksyon sa pang-araw-araw na buhay
2. Naipaliliwanag ang gamit ng bawat salik ng produksyon at implikasyon nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay
3. Napahahalagahan at nagagamit nang maayos ang mga salik ng produksyon

Subukin Natin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

________ 1. Ano ang tawag sa proseso ng pagpapalit anyo ng mga input para gawing output?
A. alokasyon B. kakapusan C. pagkonsumo D. produksyon
________ 2. Ano ang tawag sa kabayaran sa lupang ginamit sa produksyon?
A. kita B. renta C. sahod D. upa
________ 3. Salik ng produsyon na nagbibigay ng hilaw na sangkap?
A. entrepreneur B. lakas-paggawa C. lupa D. puhunan
________ 4. Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa ______________.
A. paglinang ng likas na yaman
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo
C. paggamit ng mga produkto at serbisyo
D. pamamahagi ng pinagkukunang-yaman
________ 5. Ang bawat salik ng produksyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo. Anong tawag sa bawat salik ng produksyon na kapag ginamit ay may
kabayaran?
A. Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo
sa entreprenyur
B. Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at
interes sa entrepreyur
C. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at
tubo sa entreprenyur
D. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at
interes para sa entreprenyur
________ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik ng produksyon?
A. kapital B. lupa C. paggawa D. pera
________ 7. Sino ang itinuturing na tagapaglikha ng produkto?
A. entreprenyur B. manggagawa C. mamumuhunan D. tinder

1
________ 8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksyon kaysa sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo
sa pang-araw-araw.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit sa
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
________ 9. Ano ang tawag sa pagpapalit-palitan ng yaman at produkto ng lahat ng tao
na may papel sa produksyon?
A. pagkonsumo C. paikot na daloy ng yaman
B. Pagtitinda D. pangangalakal
________ 10. Ano ang tawag sa paglago ng produksyon dahil sa sipag ng manggagawa?
A. episyenteng produksyon C. pag-unlad
B. full employment D. produktibidad

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan Sa ating pang-araw-araw na buhay, kaakibat ng ating


ng pagkonsumo ay ang produksyon upang matugunan ang ating
Balakid mga pangangailangan at kagustuhan. Ngunit, naitanong mo
na ba sa iyong sarili kung papaano nabuo ang mga produkto
at serbisyo? Kung ano ang mga sangkap na kinakailangan
upang ito ay mabuo?
White collar job –
mga manggagawang
may kakayahang Ang proseso sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay
mental ang tinatawag na produksyon.
gumagamit ng
kanilang isip.
Blue collar job – mga Sa pagtahak sa landas ng kaalaman, ikaw ay haharap sa
manggagawang may mga tekstong magbibigay-kabatiran at mapanghamong gawain
kakayahang pisikal na pupukaw sa iyong interes at magdudulot sa iyo ng
ang gumagamit kaalaman.
naman ng lakas ng
katawan.

Sa nakaraang aralin, naunawaan mo ang kahulugan ng sistemang pang-ekonomiya


na sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon at mekanismo na batayan sa pagsasagawa
ng mga gawaing pangproduksyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang
pang-ekonomiya.

Kahulugan ng Produksyon

Isang katawagan sa ekonomiks ang produksyon na tumutukoy sa paglikha ng mga


bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng
mga material at kagamitan ang anumang paggawa ng isang bagay o kalakal upang magkaroon
ng produksyon.

Mga Salik ng Produksyon

LUPA PAGGAWA

PRODUKSYON

KAPITAL ENTREPRENEURSHIP

3
Nagiging posible ang produksyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of
production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Suriin ang kahalagahan ng
sumusunod na salik, at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Lupa Bilang Salik ng Produksyon

Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga


magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang-likas sa ibabaw
at ilalim nito, pati ang mga yamang- tubig, yamang- mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad
ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang.
Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat
nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Paggawa Bilang Salik ng Produksyon

Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-
pakinabang kung hindi gagamitin, at gagawing produkto. Nangangahulugan itong kailangan
ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos
na produkto o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa
produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ng lakas-paggawa: ang mga
manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na white-collar job at ang
mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang tinatawag na blue collar job.

Ang white collar job o ang mga manggagawang may kakayahang mental ang
gumagamit ng kanilang isip, kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito
ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white collar ay unang
ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.

Ang blue collar job o ang mga manggagawang may kakayahang pisikal ang gumagamit
naman ng lakas ng katawan, kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero,
drayber, magsasaka, at iba pa. Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa
sa ipinagkaloob. Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang
tumutustos sa ating pangangailangan.

Kapital Bilang Salik ng Produksyon

Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas


magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga
manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng
panibagong kalakal ito ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa
salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay, pati na ang mga sasakyan. Ang
dolyar ay puhunan naman upang bumili ng kalakal sa labas ng bansa.

Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at


lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution
of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng
pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na
mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit
ng kapital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na interes.

4
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon

Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang entrepreneurship. Ito ay


tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang
entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga
desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon. Taglay ng isang entrepreneur ang
pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph
Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang
entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur
sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.

Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong


pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod
ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:

1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.


2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.

Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng


entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi
nakatitiyak ang entrepreneur sa kaniyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng
kaniyang pagnenegosyo.

Ang produksyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksyon


ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa,
kapital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito.
Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at
serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.

INPUT PROSESO OUTPUT

Lupa Pagsama-sama ng Produkto o serbisyong


Paggawa mga input ng pangkonsumo;
Kapital produksyon Produkto o serbisyo
Entrepreneurship na gamit sa paglikha
ng ibang produkto

Mga Kabayaran sa Salik ng Produksyon


upa, sahod, interes, at kita

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao, et.al, Ekonomiks 10 Araling Panlipunan, Pasig City:


Department of Education – Vibal Publishing House Inc., 2015, 76-78.)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga bagay na kailangan upang mabuo ang
produktong makikita sa output.

INPUT OUTPUT
1.

2.

3.

4.

5.

6.

INPUT OUTPUT
1.

2.

3.

4.

5.

6.

INPUT OUTPUT
1.

2.

3.

4.

5.

6.

6
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang konsepto na
tinutukoy sa loob ng kahon.

S A L A P I B S T R
C N G T H S R S D F
R T H M E N T A L L
T H J C V G D H U S
C B H T K S W O P N
G D H R I X R D A S
F O K L T S R G T Y
B L U P A D R S T R
R Y Y H M A N W A L
K A P I T A L T Y S
H R M K L R T F G H
S F R I N T E R E S

1. Puhunang pambili ng kalakal sa ibang bansa


2. Ginagamit din itong tayuan ng pagawaan
3. Pambili ng makinarya at hilaw na sangkap
4. Pakinabang sa ginamit na lupa
5. Paggawa gamit ang isip
6. Pakinabang ng entreprenyur
7. Paggawa gamit ang bisig
8. Pakibanang sa ginamit na puhunan
9. Nagpapadali sa produksyon
10.Pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod

Paano na ang mga mamamayan kung wala ang mga salik ng produksyon?

7
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isulat ang pangalan ng produkto at nawawalang salik ng produksyon sa patlang
na kahon. Gumuhit sa mga kahon ng mga halimbawa ng mga salik na angkop sa produkto.

8
Gawain 2
Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng pagkakabuo ng
produkto. Ilagay ang bilang sa mga kahong inilaan na nasa ibaba ng mga larawan.

1 4

2 5

Ano ang maaari mong gawin upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa
pang-araw-araw lalo na’t apektado ang produksyon ng pandemya sa kasalukuyan?

9
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng
talata. Piliin ang sagot sa kahon na nasa itaas.

Sa ekonomiks, ang _________________ ay hindi lamang sa tinataniman ng


mga magsasaka o pinagtatayuan nga bahay. Kasama rin dito ang lahat ng
yamang-likas sa ibabaw at ilalim nito. Subalit ang mga likas na yaman at mga
hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin,
at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ng __________________
upang makagawa ng mga produkto at serbisyo. May dalawang uri ng lakas-
paggawa: white collar job o manggagawang may kakayahang mental at
___________________ o manggagawang may kakayahang pisikal.
Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o
kasangkapan gagamitin ang mga manggagawa. Ito ay tumutukoy sa
___________________. Mahalaga rin ang isang ____________________ dahil sila ang
may kakayahan at kagustuhang magsimula ng isang negosyo.

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

________ 1. Ano ang tawag sa pagpapalit-palitan ng yaman at produkto ng lahat ng tao


na may papel sa produksyon?
A. pagkonsumo C. paikot na daloy ng yaman
B. pagtitinda D. pangangalakal
________ 2. Ito ang tawag sa paglago ng produksyon dahil sa sipag ng manggagawa?
A. episyenteng produksyon C. pag-unlad
B. full employment D. produktibidad
C. pag-unlad
________ 3. Salik ng produsyon na nagbibigay ng hilaw na sangkap?
A. entreprenyur C. lupa
B. lakas paggawa D. puhunan

10
________ 4. Sino ang itinuturing na tagapaglikha ng produkto?
A. entreprenyur B. manggagawa C. mamumuhunan D. tindera
________ 5. Ang bawat salik ng produksyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo. Anong tawag sa bawat salik ng produksyon na kapag ginamit ay may
kabayaran?
A. Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo
sa entreprenyur
B. Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at
interes sa entrepreyur
C. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at
tubo sa entreprenyur
D. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at
interes para sa entreprenyur
________ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik ng produksyon?
A. kapital B. lupa C. paggawa D. pera
________ 7. Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa ______________.
A. paglinang ng likas na yaman
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo
C. paggamit ng mga produkto at serbisyo
D. pamamahagi ng pinagkukunang-yaman
________ 8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksyon kaysa sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo
sa pang-araw-araw.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit sa
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
________ 9. Ano ang tawag sa proseso ng pagpapalit anyo ng mga input para gawing output?
A. alokasyon B. kakapusan C. pagkonsumo D. produksyon
________ 10. Ano ang tawag sa kabayaran sa lupang ginamit sa produksyon?
A. kita B. renta C. sahod D. upa

11
Susi sa Pagwawasto
Subukin Tayo’y Magsanay Tayo’y Magsanay
1. D Gawain 1 Gawain 2
2. D (Mga Posibleng Sagot) 1. Dolyar
3. B 1. Harina 3. Goma 2. Lupa
Asukal Tela 3. Kapital
4. B
Baker Sinulid 4. Upa
5. A Gatas Factory Worker
6. D 5. Mental
Tubig Plastic
7. C 2. Kahoy 6. Interes
8. B Pako 7. Manwal
9. C Martilyo 8. Kita
10.D Lagari 9. Salapi
Karpentero 10. Sahod

Ating Pagyamanin Aking Natutuhan Ating


Gawain 1 Tayahin
(Mga Posibleng Sagot) 1. Lupa 1. C
1. Puno/kahoy 2. Lakas-paggawa 2. D
3. Blue collar job
Bakal 3. C
4. Kapital
Karpentero 4. C
5. Entrepreneur
Pako 5. D
6. D
2. Kawayan 7. B
Karne 8. C
Cook 9. D
Ihawan 10.B

Gawain 2

3–4–2–5-1

Sanggunian
Aklat
Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Luminao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. Ekonomiks 10 Araling Panlipunan. Pasig City:
Department of Education-Vibal Publishing House Inc., 2015.

12
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad


para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya


para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo,


ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

13

You might also like