You are on page 1of 2

PCC 9 EKONOMIKS 2019 – 2020

Unang Markahan
Review Guide: Lesson 1.1: Ekonomiks

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ____________________


I. Kahulugan ng Ekonomiks
 Ekonomiks – isang agaham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng isang indibidwal, kung paano nito
sinusulusyunan na matuguna ng limited resources ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

A. Depinisyon ng Ekonomiks
1. Agham Panlipunan – ang ekonomiks ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraasn sa pagsagot sa pangyayari sa
ligiran na nakatuon sa kilos at galawa ng tao sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
2. Limitadong Resorses – nabibigyang solusyon ang suliranin sa kakapusan ng pinagkukunang-yaman sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng ideya kung paano ang salat na pinagkukunan ay magiging sapat para sa lahat.
3. Walang Katapusang Pangangailangan
4. Kilos at Asal – tumutukoy sa kung paano tumutugon at kumikilos ang tao upang mabuhay
5. Sistemang Pang-ekonomiya – pamamaraan kung paano pinipili ng mga indibidwal, pangkat at pamahalaan ang
sistemang lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya.

B. Etimolohiya
 Oikonomia (salitang Griyego) – galling sa salitang Oikonomos (oikos – tahanan at nomos – pamamahala)
 Economie (salitang Pranses) – pamamahala sa sambahayan
 Ang ekonomiks ay nagsisimula sa tahanan pa lamang sapagkat nagaganap dito ang pagtugon sa tila walang hanggang
pangangailangan, kagustuhan, at pagpili kung paano pagkakasyahin ang limitadong resources o mga pinagkukunang-
yaman.
 Political Economy – unang pagpapakilala sa kasalukuyang tinatawag na ekonomiks.

II. Uri ng Ekonomiks


May dalawang pangunahing uri ang ekonomiks – Maykroekonomiks at Makroekonomiks
 Maykroekonomiks – salitang Griyego na maykro na ibig sabihin at “maliit”. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng maliit
na yunit sa ekonomiya. (pag-aaral ng presyo, demand at suplay sa pamilihan)
 Makroekonomiks – salitang Griyego na makro na ibig sabihin at “malaki”. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng
malaking yunit sa ekonomiya. (pag-aaral ng kabuuang paggalaw ng ekonomiya o pambansang kita)

III. Mga Dibisyon ng Ekonomiks


1. Produksyon – Tumutukoy sa paglikha, paggawa o pagbuo ng mga produkto at serbisyo upang tumugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ay isang proseso na kung saan ang isang hilaw na material ay nabibigyan ng ibang
anyo.
A. Salik ng Produksyon – input na pangunaghing kailangan upang makalikha, makagawa o makabuo ng isang produkto o
serbisyo na tinatawag nating output.
 Lupa  Kapital
 Paggawa  Entreprenyur
2. Pagkonsumo – tumutukoy sa pagbili, paggamit o pag-ubos ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga
pangangailangan at mabigyang kasiyahan ang sarili.
3. Pagpapalitan – paglipat ng produkto at serbisyo mula sa isang tao patungo sa iba (pagtatagpo ng prodyuser at konsyumer)
 Prodyuser – taga-gawa ng produkto para sa konsyumer
 Konsyumer – taga-bili ng produkto na ginagawa ng prodyuser

IV. Ang Ekonomiks bilang Isang Agham


V. Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Agham

You might also like