You are on page 1of 4

Baguio City National High

Paaralan Baitang Baitang 9


School
Araling Panlipunan -
Guro Je-Ann M. Condes Asignatura
Ekonomiks

Petsa at Oras Markahan Ikatlong Markahan

DETAILED LESSON PLAN


(Based from DepEd Order No. 42 s. 2016)

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayan sa Bawat Baitang
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
B. Pamantayang Pangnilalaman at
Pagganap
Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
a. Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya. AP9MAK-IIIa-1
b. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto ng ekonomiya AP9MAK-IIIa-2
c. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na
daloy ng ekonomiya AP9MAK-IIIa-3
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya;
b. natatalakay ang kahalagaan ng mga bahaging ginagampanan ng bawat
aktor sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsagot sa
D. Mga Layunin
gawain;
c. naipag-uugnay ang gampanin ng bawat aktor sa paikot daloy ng
ekonomiya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa
talakayan.
II. NILALAMAN
Paksa Paikot na Daloy ng Ekonomiya
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Gabay ng Mag- Kagawaran ng Edukasyon. Ekonomiks. Araling Panlipunan: Modyul para sa
aaral Mag-aaral, Pahina 256- 263
Kagawaran ng Edukasyon. Ekonomiks. Araling Panlipunan: Modyul para sa
3. Mga Pahina sa Teksbuk
Mag-aaral, Pahina 256- 263
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
https://depedtambayan.net/grade-9-araling-panlipunan-modyul-paikot-na-
B. Iba pang Kagamitang Panturo
daloy-ng-ekonomiya/
IV. PAMAMARAAN
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maikling gawain na pinamagatang
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o “Market Day”, kung saan ang mga mag-aaral ay mamimili ng mga kanilang
pagsisimula sa bagong aralin pangangailangan at magbebenta ng kanilang mga produkto ng base sa naibigay
na senaryo.
Mga Gabay na Katanungan:
a. Mula sa ating maikling gawain, sinu-sino sa ating kumunidad ang mga
bumubuo sa sambayanan at bahay-kalakal?
b. Ano ang nakikitang niyong gampanin ng mga prodyuser sa mga
mamayanan o sambayanan?
B. Paghahabi ng Layunin
c. Ano naman ang mga naitutulong ng mga sambayanan o mamamayan
sa mga prodyuser o bahay-kalakal?
d. Paano kaya umiikot ang pagdaloy ng pera? At paano ito nakaka-
apekto sa pag-unlad ng ating ekonomiya?

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya


at paglalahad ng bagong kasanayan 1. Sambahayan
#1 – Ang bahaging ginagampanan nito ay ang pagiging konsyumer ng
mga tapos na produkto at kalakal na nilikha ng bahay-kalakal at
suplayer ng mga salik ng produksiyon.
2. Bahay- Kalakal
– Ito ang nagiging konsyumer ng mga salik ng produksyon na
nagmumula sa sambahayan at suplayer ng mga tapos na produkto at
kalakal.
3. Pamilihan ng Produkto at Serbisyo
– Uri ng pamilihan na kung saan bumili ng mga produkto at serbisyo
na tutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng mamimili
4. Pamilihan ng mga Salik ng Produksyon
– Uri ng pamilihan para sa kapital, produkto, lupa at pagnenegosyo.
5. Pamilihang Pinansyal
– Uri ng pamilihan kung saan nakikipagkalakalan ng iba’t ibang
pinansyal na ari-arian o assets, kabilang ang dividends, stocks, bonds,
at forex exchange.

Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya


1. Unang Modelo. Simpleng Ekonomiya
- Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng
simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga
pangunahing aktor sa modelong ito. Ang sambahayan ay ang
kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal
naman ay ang tagalikha ng produkto.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan
#2

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng halimbawa ng aktor na bumubuo


E. Paglinang sa Kabihasaan tungo sa sa paikot na daloy ng ekonomiya na siyang itutugma ng mga mag-aaral sa
Formative Assessment tamang aktor na kinabibilangan.

Bilang mag-aaral, ano ang inyong papel o gampanin sa paikot na daloy ng


F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
ekonomiya?
araw na buhay
Paano naka-aapekto ang pangangailangan ng sambayanan sa daloy ng ating
G. Paglalahat ng Aralin ekonomiya?

Gawain.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa
kalahating papel. 5 puntos
1. Magbigay ng dalawang naitutulong ng sambahayan sa mga bahay
kalakal sa paglago ng ekonomiya. (2 puntos)
H. Pagtataya ng Aralin
2. Magbigay ng dalawang kahalagaan ng bahay kalakal sa mga
sambahayan sa pag-unlad ng ekonomiya. (2 puntos)
3. Magbigay ng isang halimbawa ng isang pamilihang pinansyal na
nakikita sa ating kumunidad. (1 puntos)

Takdang Aralin: Magbasa at Magsiyasat


I. Karagdagang Gawain para sa
Takdang aralin at Remediation Panuto: Saliksikin ang ikalawa at ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya.

V. MGA TALA

VI. PAGLILINAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral sa
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa Remediation
C. Nakatulong ba ang Remediation?
Bilang ng mga mag-aaral ba
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa Remediation
E. Alin sa mga stratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Aling suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punong guro at
supervisor?
G. Anong mga kagamitan ang aking
ginamit at natuklasan na nais kong
ibahagi sa kapwa ko guro?

Inihanda ni:

Je-Ann M. Condes
Student Teacher

Binigyang pansin ni:

Imelda P. Bantas
Cooperating Teacher
Assessment

You might also like