You are on page 1of 19

Mga Teorya

ng
Pagkatuto
Ulat ni Melvin Boyet Publico
ANO ANG BEHAVIORISM THEORY?

Ayon sa Merriam Webster, ang


Behaviorism is a school of psychology
that takes the objective evidence of
behavior “such as measured responses to
stimuli” as the only concern of its
research . . .
•Tinatawag ding “neobehaviorism”
•Kadalasang iniuugnay kay B.F.
Skinner na isang psychologist at
behaviorist (1900)
•John Watson at Ivan Pavlov (1920)
BEHAVIORISM THEORY
Teoryang Behaviorist — ang mga bata ay
ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang
kanilang kilos at gawa ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang
kapaligiran. Natural lamang sa isang bata na
matutuhan ang isang wika sapagkat ang bawat
nilalang ay biniyayaan ng kakayahang pagkatuto
subalit ito ay may malaking kaugnayan sa kaniyang
kapaligiran.
Ang surroundings or environment ng
isang bata ay makaiimpluwensiya sa
kaniyang paglaki. Wika nga nila, “a child is
a great imitator”. Kung ano ang tinuturo
mo sa bata ay gagayahin niya rin. Kung
ano ang nakikita ng bata ay gagayahin
niya rin.
BEHAVIORISM SA EDUKASYON

Teoryang Pang-asal sa Edukasyon — Ang


pamamaraan na pinakanaaangkop sa
larangan ng edukasyon ay ang
pagpapatakbo ng isang kondisyon. Ito ay
ang paggamit ng Reinforcement at
Parusa.
ANO AT PAANO GUMAGANA ANG
REINFORCEMENT AT PARUSA?
Ang aplikasyon ng Reinforcement ay nakabatay sa mga
pag-uugali na nais mong itaguyod/baguhin sa isang tao,
at PARUSA naman sa mga ugaling hindi mo na nais
makita/ulitin. Ang REINFORCEMENT at PARUSA ay
parehong “positibo” kung may dumadagdag na
pampasigla sa pag-uugali (learnings), at “negatibo”
naman kung may kasangkot itong pagbabawas sa pag-
uugali.
Halimbawa ng POSITIBONG PARUSA: Ang isang bata na
napaso sa paghawak sa mainit na kalan ay tatanggap ng
positibong parusa dahil hindi niya na ito uulitin.

Halimbawa ng NEGATIBONG PARUSA: Ang isang tatay


na kinompiska ang cellphone ng kaniyang anak upang
makapokus ito sa pagkain ng almusal.
INNATISM
ANO ANG INNATISM?
Pinanganak ang isang tao na may likas na kaalaman/karunungan.
Mula sa root word na “innate” na ibig sabihin ay likas, at
panlapi na “ism” na ibig sabihin ay doktrina o sistema.
Ang Teoryang Innatism ay sumasalungat sa Teoryang
Behaviorism. Ang innatism ay sumusuporta sa teoryang sa
kapanganakan ay may likas nang kaalaman ang isang tao at
hindi ito nakukuha/natututuhan sa pag-aaral at karanasan.
Ayon pa sa American Linguist na si Noam
Chomsky, ang wika ay likas na sa mga tao.
Pinanganak tayo na may kakayahang makabuo ng
mga tunog para makipag-usap. Dagdag pa ng
dalubwika, nasa genetics na natin ito at hindi sa
pamamagitan ng karanasan.
COGNITIVE THEORY
ANO ANG TEORYANG KOGNITIB?

Ang wika ay sumasalamin sa prosesong


pangkaisipan ng isang bata. Ang pag-unlad ng
kognitibong kakayahan ay pag-unlad din ng
pagkatuto ng wika. Ang dalawang ito ay
parehong nalilinang sa pamamagitan ng
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang
pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay
palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay ang bagong natanggap
na impormasyon. Ang pagkakamali din ay
tinatanaw ng mga cognitivist bilang isang
integral o mahalagang bahagi ng pagkatuto.
Ang Teoryang Kognitibist at Teoryang Innatism ay
magkatulad sa maraming aspeto. Parehong
pinanghahawakan ng dalawang teorya na ang
mga tao ay ipinanganak na may likas na
kakayahan upang matutuhan ang isang wika. Ang
pinagkaiba lang nila ay may kinalaman sa
aplikasyon at pagtuturo.
PINAGKAIBA

• Innatism: Hindi kailangan suportahan ang


bata sa pag-aaral ng wika dahil likas niya
naman itong matututuhan.
• Cognitive: Kailangan ng bata ng gabay para
sa pagkatuto ng wika.
TEORYANG MAKATAO
Ang pananaw na ito ay nakasalig sa teorya ni
Stephen Krashen mula sa kaniyang teorya na
Affective Filter Hypothesis. Sinasabing mapabibilis
ang pagkatuto ng wika kung may positibong
saloobin ang isang tao na matutuhan ito.
Binibigyan-pansin ng teoryang ito ang
kahalagahang damdamin at emosyon ng tao.
Sa madaling salita, kapag ang kaligiran ng mga mag-
aaral ay hindi angkop (no safe space) walang katuturan
ang anumang pagtuturo dahil makaaapekto ito sa
emosyon ng bata. Tuntunin ito ng guro (tayo ding mga
future teachers) na gumawa ng isang kaaya-ayang
environment/classroom. Walang pananakot at
diskriminasyon, kailangang maramdaman ng mga mag-
aaral na malaya nilang nagagamit at nasusuri ang
bagong wikang natutuhan.
Halimbawa: Gusto mong sumagot sa
tanong ni teacher pero nahihiya ka o
natatakot dahil baka ikaw ay
tawanan ng mga kaklase mo.
Kailangan ding may magandang
saloobin ang mga mag-aaral sa
pag-aaral ng wika, sa gumagamit
ng wika, at sa mga guro ng wika.
WAKAS
MARAMING SALAMAT

You might also like