You are on page 1of 5

LESSON PLAN IN EPP 5

QUARTER 3 – WEEK 3
REYNANTE J. MARIBAO

EPP5 HE-Oe-12
I. NILALAMAN:

Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang paraan at tuntuning
dapat tandaan sa pag-aayos ng mga silid sa tahanan, mga akmang kagamitan at
kasangkapan na magbibigay ganda sa tahanan gayundin ang kabutihang dulot ng
pagsasaayos nito.

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pag-aayos ng tahanan, mga kagamitan at


kasangkapan.
2. Nalalaman ang iba’t ibang pangalan ng bahagi ng tahanan at mga angkop na
palamuti nito.
3. Nasasabi ang kabutihang dulot ng pagsasaayos ng tahanan.

A. Pamantayang Pangnilalaman
- naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili
B. Pamantayan sa Pagaganap
- naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan
na nakatutulong sa pagsasaayos ng tahanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
- Natutupad ang mga tungkulin sa pagsasaayos ng tahanan
- EPP5HE-OD-10

II. NILALAMAN

- Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang paraan at tuntuning
dapat tandaan sa pag-aayos ng mga silid sa tahanan, mga akmang kagamitan at
kasangkapan na magbibigay ganda sa tahanan gayundin ang kabutihang dulot
ng pagsasaayos nito.

Paksa: Iba’t Ibang Paraan ng Pag-aayos ng Tahanan, mga Kagamitan at


Kasangkapan

Sanggunian: K-12 EPP5 HE-Oe-12

Batayang Aklat sa EPP-Makabuluhang Gawaing Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 ph. 52-59

Kagamitan: mga larawang ng kaayusan ng mga bahagi ng tahanan; larawan ng


kaayusan ng mga bulaklak; dollhouse, mga uri ng bulaklak, figurines o plorera

Subject Integration: ESP, Science, Makabayan (AP)

1
Values: Masunurin, Pagiging Malinis at Maayos, Responsable, Matulungin

Strategies: Cooperative Learning, Group Discussion,

III - PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
- Pagsagot sa takdang aralin.

 Sabihin:
Ang maayos at magandang tahanan ay kagigiliwang tirahan ng lahat ng mag-
anak kung ang bawat kasapi ay magtutulung-tulong sa pagpapaganda at pagpapanatili ng
kaayusan nito. May mga tuntuning dapat tandaan sa wastong pagsasaayos ng mga
kasangkapan sa tahanan at wastong pagpili ng mga gamit na angkop sa uri ng
bahay at pamumuhay ng mag-anak.

Ang mga gamit sa iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat maging angkop sa
silid. Ang mga ito’y kailangang isaayos ayon sa laki at gamit.

 Magpakita ng larawan. Pagmasdan ang mga ito at suriin kung ano ang
inilalarawan nito.
 Itanong ang mga sumusunod:
a. Anu-anong kasangkapan o palamuti ang makatutulong sa kaayusan at
kagandahan ng isang tahanan?
b. Bakit kailangang maging maganda at maayos ang ating tahanan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


- Nasasabi ang kabutihang dulot ng pagsasaayos ng tahanan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ang maayos at magandang tahanan ay kagigiliwang tirahan ng lahat ng mag-


anak kung ang bawat kasapi ay magtutulung-tulong sa pagpapaganda at
pagpapanatili ng kaayusan nito. May mga tuntuning dapat tandaan sa wastong
pagsasaayos ng mga kasangkapan sa tahanan at wastong pagpili ng mga gamit
na angkop sa uri ng bahay at pamumuhay ng mag-anak. Ang mga gamit sa
iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat maging angkop sa silid. Ang mga ito’y
kailangang isaayos ayon sa laki at gamit.

Magpakita ng larawan. Pagmasdan ang mga ito at suriin kung ano ang
inilalarawan nito.

Itanong ang mga sumusunod:


Anu-anong kasangkapan o palamuti ang makatutulong sa kaayusan at
kagandahan ng isang tahanan?
Bakit kailangang maging maganda at maayos ang ating tahanan?

2
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Sala o Silid-Tanggapan

Dito unang pumapasok ang mga tao, ang may-ari ng bahay at bisita. Kailangang
magmukhang kaaya-ayang pasukin ito, laging malinis at maaliwalas. Ang malalaking
muwebles ay dapat na nakaayon sa dingding, ang sulok na bahagi ay may angkop na
muwebles, at ang mga silya ay magkakaharap upang maayos na magkausap ang sinumang
uupo rito.

Silid-Tulugan

Ang silid-tulugan ay silid na pahingahan. Ito ay itinuturing na pribadong silid kung


kay’t tanging may-ari lamang o ang pinaglaanan nito ang maaaring maglabas-pasok dito.
Sinuman ang nais pumasok ay kailangan humingi muna ng permiso sa pamamagitan ng
pagkatok o pagpapaalam sa may-ari. Ito ay isang tanda ng paggalang sa karapatan ng
ibang tao.

Silid-Kainan

Ang silid-kainan ay kailangang paantilihing malinis at maayos upang matiyak ang


kalusugan ng pamilya.

Silid-Lutuan o Kusina

Ang kusina ang pinakamahalagang silid ng isang bahay at dapat itong maging
maayos at malinis dahil dito inihahanda ang pagkain ng mag-anak.

Pagpapaganda ng Tahanan

May mga palamuting maaring gamitin sa pagpapaganda ng tahanan ngunit hindi


kailangan na mamahalin ang mga ito. Pumili ng mga bagay na maliliit, kaakit-akit, at
nakapagpapasigla saanman ito ilagay. Mayroong mga palamuting nababagay sa iba’t ibang
bahagi ng tahanan. Narito ang mga paraan ng pagpapaganda ng tahanan.

a. Paglalagay ng Kurtina

Ang kurtina ay mahalagang palamuti ng tahanan. Dapat na nababagay ito sa lugar


at yari o uri ng pamamahay.

Ang iba’t ibang paraan ng pagsasaayos ng bulaklak ay ang mga sumusunod:

1. Mass Flower Arrangement – halu-halong maramihang bulaklak. Ito’y inaayos sa


isang plorera na may kabuuang sama-sama ngunit may pabilog na anyo sa paningin at hindi
nakikita ang mga pinagtusukan.

2. Floating Arrangement – palutang na bulaklak. Ito’y mga bulaklak na pinutulan nang


malapit sa talutot at ipinatong sa bowl na kristal na may tubig. Ito’y ginagamit sa mga
mesang may mga nag-uusap nang harapan.

3
3. Line Arrangement – ang mga bulaklak ay may kaayusang may simbulo na ang
pinakamataas ay tinatawag na Langit, ang napapagitnang ayos sa plorera ay Tao, at ang
pinakamababa ay Lupa.

4. Ikebana – ito’y pagsasaayos ng bulaklak mula sa bansang Hapon. Ito’y may


sinusunod ding simbulo ayon sa damdamin at interpretasyon ng nag-aayos. Karaniwan
nitong gamit ang pinagsamang sariwa at tuyong bahagi ng halaman.

5. Bouquet Arrangement - ito ay pag-aayos ng bulaklak na kinapapalooban ng ternong


sariwang bulaklak at ribbon upang mapaanyong bouquet.

6. Crescent Arrangement – ang kaayusan ng bulaklak ay parang bagong sikat na


buwan ang anyong makikita sa linya sa mababang plorera. Magandang ilagay ito sa hapag-
kainan, mesang pangkomperensya o pansulok na palamuti kung malaki ang paghahanda.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


- Pangkatin ang klase ng apat na grupo at bigyan ng mga sitwasyon ang bawat
grupo. Tukuyin kung anong parte ng bahay makikita o saan dapat ito ginagawa.
1. Sabay-sabay ang pamilyang Reyes kapag panahon sa pagkain. Ayaw ng kanilang
mga magulang na kulang ang kanilang mga anak sa tuwing sila ay kumakain.
2. Galing sa sakahan ang tatay ni Jason at Mark. Inayos nila ang ang kwarto para doon
magpahinga ang kanilang tatay.
3. May nakitang bagong recipe si Mia at nais niya itong subokang lutuin para sa
kanilang pamilya.
4. Dumating ang mga kaibigan ng nanay ni Anna sa kanilang bahay. Pinag uusapan
nila ang mga gagawing magaganap sa nalalapit na Fiesta ng kanilang Baranagay.

F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)


- Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Mayroong ibibigay na larawan sa bawat
grupo at may naka jumbled na mga titik. Aayusin ng bawat grupo ang pangalan
ng bawat larawan sa pamamagitan ng lawaran bilang gabay sa tamang sagot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


- Gamit ang natutunang color combination, pumili ng isang paraan ng pag-aayos
ng mga bulaklak. Ipakita ang inyong ginawa sa klase.

H. Paglalahat ng Arallin
- Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pag-aayos ng tahanan, mga kasangkapan at
kagamitan?
I. Pagtataya ng Aralin

Punan ng angkop na salita ang mga patlang. Piliin sa ibaba ang tamang kasagutan.

1. Ang nag-aanyong damit ng tahanan ay ang paglalagay ng _______________.

2. Ang ____________ ay kahoy na tumatakip sa kawad na sabitan ng kurtina.

3. Ang ____________ ay maaaring ipasok sa loob ng bahay upang maging sariwa ang
hanging malalanghap.

4
4. Sa pag-aayos ng kasangkapan sa tahanan dapat isaalang-alang ang ____________.

5. Ang silid-tulugan ay nagagamit ding ___________.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


kaligtasan halamang berde kurtina
- Ayusin ang inyong tahanan ayon sa prinsipyo ng pag-aayos ng mga kasangkapan
at kagamitan.cornice valance silid-aralan

V- Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _______________

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation


_________

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin _______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation ____________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?


_______________________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro


at superbisor? _________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro? _____________________________________

You might also like