Professional Documents
Culture Documents
Real
Real
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa
paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng
kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal
na kapaligirang ginagalawan.
II. NILALAMAN
ANG AKING PAG-UNAWA SA KONSEPTO NG DISTANSIYA
Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.
Pangkatang Gawain:
Isagawa ang pangkatang Gawain.
Pangkat I
Tukuyin ang lokasyon ng bawat bahagi ng tahanan.
Pangkat II
Isulat ang mga bahagi ng tahanan.
Pangkat III
Iguhit ang inyong tahanan at kulayan ito.
G. Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.
Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kani-kaniyang lokasyon.
Bahagi ng Tahanan
1. Sala
- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain
- Dito tumatanggap ng panauhin
- Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
- Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
- Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain
2. Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog
3. Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at
hapunan.
- Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo
- Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya
4. Palikuran
- Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak
- Ito ay may inodoro, salamin, at lababo
5. Kusina
- Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod:
- pagluluto ng pagkain
- imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina
- hugasan ng mga pinggan
- paghahanda ng ihahaing pagkain
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Tukuyin at pagdugtungin ng guhit ang larawan sa bahagi ng tahanan.
I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation
Inihanda ni:
MANOLET B. PINEDA
Aplikante