You are on page 1of 4

ALEGRIA ELEMENTARY

School: SCHOOL Grade Level: I- SAMPAGUITA


GRADES 1 to 12 Teacher: MARY ANN P. ISTURIS Learning Area: ARALING PANLIPUNAN
DAILY LESSON Teaching Dates and Time: Quarter: 4TH QUARTER, WEEK 1
LOG
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling kapaligirang
ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan.
Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon nito. AP1KAP-1VB-3
II. NILALAMAN: PAG-UNAWA SA KONSEPTO NG DISTANSIYA
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro TG pp. 74-77
2. Mga Pahina Gabay ng Mag-aaral LM pp. 197-205
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan
IV. PAMAMARAAN
Magbigay ng mga bagay na nakikita sa itaas at ibaba ng pisara, sa harap at likuran ng
mesa ng guro.
A. Paghahabi sa layunin ng aralin : Pangkatang Gawain. Pagbuo ng puzzle.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.
Pagkatapos nito, sila ay aawit ng bahay kubo.
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Magpakita ng larawan ng bahay sa loob at labas.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ano-anong mga baahagi ng bahay ang nakita mo? Ilarawan ito.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Saan naroon ang sala,silid- tulugan, silid-kainan. kusina at palikuran?
E. Paglinang sa kabihasnan
Tukuyin ang lokasyon ng bawat bahagi ng tahanan. Talakayin ang 4 na uri ng lokasyon
(itaas, ibaba, kaliwa, kanan)
F. Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay

Dumating ka galing paaralan, nais mong kumain dahil gutom na gutom ka. Ano bahagi ng
tahanan ang pupuntahan mo?

G. Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.

Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kani-kaniyang lokasyon.
Bahagi ng Tahanan
1. Sala
- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain
- Dito tumatanggap ng panauhin
- Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
- Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
- Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain

2. Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog

3. Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at hapunan.
- Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo
- Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya

4. Palikuran
- Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak
- Ito ay may inodoro, salamin, at lababo

5. Kusina
- Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod:
- pagluluto ng pagkain
- imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina
-hugasan ng mga pinggan
- paghahanda ng ihahaing pagkain

H. Pagtataya ng Aralin
I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

Iguhit ang inyong tahanan at ang mga bahagi nito.

Prepared by :

MARY ANN P. ISTURIS, T-III

Noted:

DANIEL E. PRADO
School Principal II

You might also like