You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V – B ICOL
S CHOOL S DIVIS ION OFFICE OF AL B AY

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO III


Kwarter 4 – Gawain Bilang 7

Pangalan:
Grado at Seksyon: Petsa:

I. Panimulang Konsepto
Ang mga gawain sa tahanan ay pagluluto ng pagkain, paglilinis
ng bahay, paghuhugas ng pinggan, paglalaba, at iba pa.
Samantala, ang mga gawain sa paaralan ay pag-aaral ng mga
aralin, pagbasa, pagsulat, pakikinig at iba pa.
Ang paglinis, pagsunod sa mga alituntin, pakikilahok sa iba’t
ibang gawain, ay ilan sa mga gawain sa pamayanan.
Ang mga salitang kilos o pandiwa ay maaaring gamitin sa pag-
uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa Most Essential Learning


Competencies (MELC)

Markahan MELC K-12 CG Code/s


Nagagamit ang mga salitang kilos sa
pag-uusap tungkol sa iba’t-ibang
Ikaapat FTWG-IVe-f-5
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.

1
III. Mga Gawain
Gawain A
Panuto: Salungguhitan ang salitang kilos na ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Si nanay ay nagluto ng aming hapunan.

2. Nag-aral siya nang mabuti kaya mataas ang kaniyang marka.

3. Lahat ay sumunod sa mga tuntunin ng pamayanan.

4. Tayo ay magdasal nang mataimtim.

5. Masayang kumain ang pamilya Cruz.

Gawain B
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salitang kilos. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon.

bumasa ipinasa nabilang nagbigay tumawag

1. Si Aleng Maria ay __________________ sa kaniyang anak na nasa


Maynila.
2. Sila ay __________________ ng mga pagkain at gamot sa mga
nasalanta ng bagyo.
3. __________________ na ang mga natapos na modyul sa paaralan.
4. Mahusay __________________ ang mga mag-aaral sa Ikatlong
Baitang.
5. Mabilis na __________________ ang mga kalahok sa palaro.

2
Gawain C
Panuto: Sumulat ng maikling talata na may limang pangungusap na
sumasagot sa tanong na “Ano-ano ang iba’t-ibang gawain ninyo sa
sariling tahanan?” Ikahon ang salitang kilos na iyong ginamit.

IV. Rubrik
Gawain C

Puntos
Mga Pamantayan
5 4 3 2 1
Nakasulat ng talata na may
limang pangungusap at naisulat
ang mga gawain sa sariling
tahanan.
Naikahon ang salitang kilos na
ginamit sa pagsulat ng talata.

V. Susi sa Pagwawasto

5. nabilang 5. kumain
4. bumasa 4. magdasal
3. Ipinasa 3. sumunod
mga mag-aaral. 2. nagbigay 2. nag-aral
Depende sa sagot ng 1. tumawag 1. nagluto
Gawain C Gawain B Gawain A

3
VI. Repleksiyon
Ano ang naramdaman mo tungkol sa ginawa mo sa araling ito?

Ako ay dahil

Alin sa mga gawain ang iyong nagustuhan? Bakit?

VII. Sanggunian
Batang Pinoy Ako (Kagamitan ng Mag-aaral) 3
K to 12 MELCs with Corresponding CG Codes, pp. 143-154
flaticon.com

Inihanda ni: BEVERLY C. DIMAIWAT


Teacher I - Magurang ES, Manito District
Tagalapat: MARK LEO P. MOSTAR
Teacher III - Pood ES, Guinobatan West District
Tagasuri: MA. VICTORIA R. BENITEZ
Teacher III - Sogod ES, Bacacay East District
DANTE C. SALMON
Teacher III - Pioduran West CS, Pioduran West
District
Tagapayo: SANCITA B. PEÑARUBIA
Chief - CID, SDO Albay

You might also like