You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
District II-D
PENAFRANCIA ELEMENTARY SCHOOL

Quarter : 1st Quarter Grade Level : Grade 1 - OLIVE


Week : Week 5 (October 3 & 5, 2023) Learning Area : ARALING PANLIPUNAN
MELC/s : Page K-12 MELCS Curriculum Guide Araling Panlipunan p. 24

Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities


October 3, Naipamamalas ang Paghihinuha ng A. Balik-Aral sa Nakaraang aralin at/o Pagsimula ng Bagong Aralin
pagunawa sa kahalagahan Konsepto ng Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga damit ng bata sa sampayan simula
2023 ng pagkilala sa sarili bilang Pagpapatuloy at sanggol hanggang sa kasalukuyan
Tuesday Pilipino gamit ang Pagbabago
3:20 – 4:20 konsepto
ng pagpapatuloy at
pagbabago

B. Paghahabi sa Layunin
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pagbabagong naganap sa paraan ng
pagkain ng bata simula sanggol hanggang sa kasalukuyan. Letra lamang ang
iyong isulat.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Batay sa inyong sinagutan, sasabihin sa mga mag-aaral na ito ay may
kaugnayan sa tatalakayin na aralin.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
#1
Ang bawat bata ay nakararanas ng iba’t ibang pagbabagong pisikal at
sikolohikal. Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng
mga nakakaya nilang gawin. Mula noong pagsilang hanggang isang taon ay
maraming pagbabagong nagaganap sa isang sanggol.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2
Panuto: Kulayan ng pula (red) ang mga gamit mo sa kasalukuyan at dilaw
(yellow) ang mga gamit mo noong sanggol ka.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)


Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang salita upang
Mabuo ang diwa ng pangungusap

Patuloy ang (1)__________ ng bata. Habang lumalaki. Maraming pagbabago


ang nagaganap sa kanyang buhay. (2) __________ ang mga gawaing
makakaya niyang gawin. (3)__________ ang tawag sa mga pagkakaiba ng
mga nagaganap sa buhay. Ang hindi lamang nagbabago ay ang
(4)__________ at (5)__________. Ang mga ito ay mananatili

A.pagbabago B. paglaki C.pangalan D.petsa ng kapanganakan E.


nadaragdagan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Panuto: Ipakita ang finger heart kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga bagay na ibinigay ng magulang at,
thumbs down kung hindi.

1. Tuwing sumasapit ang araw ng kapanganakan ay nagpapasalamat sa Diyos


sa buhya na ibinigay.
2. Nagagalit tuwing walang handa sa araw ng kapanganakan
3. Kinakalimutan ang araw ng kapanganakan.

H. Paglalahat ng Aralin
Tandaan:
Patuloy ang paglaki ng bata. Habang lumalaki. Maraming pagbabago ang
nagaganap sa kanyang buhay. Nadaragdagan ang mga gawaing makakaya
niyang gawin. Pagbabago ang tawag sa mga pagkakaiba ng mga nagaganap sa
buhay. Ang hindi lamang nagbabago ay ang pangalan at petsa ng
kapanganakan.

I.Pagtataya ng Aralin
Panuto: Kulayan ang mga larawan na ginagamit mo sa kasalukuyan.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


October 5, Naipamamalas ang Paghihinuha ng A. Balik-Aral sa Nakaraang aralin at/o Pagsimula ng Bagong Aralin
pagunawa sa kahalagahan Konsepto ng Ano ano ang mga pagbabago sa iyong sarili mula sanggol hanggang sa
2023 ng pagkilala sa sarili bilang Pagpapatuloy at kasalukuyan?
Thursday Pilipino gamit ang Pagbabago
3:20 – 4:20 konsepto Paghahabi sa Layunin
ng pagpapatuloy at Masdan ang larawan
pagbabago Pagsasabi ng mga bata ng kanilang pangalan.

Maari ninyo bang sabihin sa akin ang inyong mga


pangalan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


nasa larawan.
Kaugnay sa kanilang sinagutan.

Ang mga pangalan ninyo ay maaaring iayos ayon sa


ayos ng titik sa alpabeto.
Bawat bata ay may mga pangalan,at ito ay nanatili at
hindi mababago.

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


Ang paghihinuha ay salitang tagalog na nangangahulugang matalinong
paghula o pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayari gamit ang mga patunay
na makatotohanan sa pamamagitan ng matalinong pag-iisip at paghusga.

Pagbabago ang tawag sa mga pagkakaibang mga nagaganap sa buhay

Ang hindi lamang magbabago ay ang iyong pangalan,petsa ng kapanganakan,


at thumbprint. Ang mga ito ay mananaili.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Panuto: Iayos ng sunod- sunod ang mga larawan ayon sa
unang letra ng pangalan sa ayos ng alpabeto.
Lagyan ng bilang 1-5.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)


Gumawa ng talaan ng mga pagbabago sa nagagawa mo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ating tandaan na may mahahalagang pangyayari sa buhay ng bawat tao
simula nang isilang hanggang sa paglaki. Kasama dito ang pagbibinyag,
unang kaarawan, unang araw sa paaralan at marami pang iba. Ang timeline o
guhit panahon ay nagpapakita ng mga pangyayari at kung kailan naganap ang
mga ito.

H.Paglalahat ng Aralin
Ano ang natutunan sa tinalakay na aralin?

I. Pagtataya ng Aralin
Gumupit ng larawan ng inyong pamilya. Isulat ang kanilang mga pangalan sa ibaba.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Prepared by:
MARILYN B.BLANCO
Adviser

Checked by:
LIGAYA P. PAJARES / MELODY M.DAGARAG
Grade Leader

Noted: DR. MARILYN B. RODRIGUEZ


Principal IV

You might also like