You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV – A (CALABARZON)
SANGAY NG RIZAL
RODRIGUEZ Sub-Office
EULOGIO RODRIGUEZ, JR. ELEMENTARY SCHOOL

NAME: ______________________________ GRADE/SECTION: ______________DATE: ____________

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng kaligtasan?


a. Ito ang kondisyon na walang problema at hirap sa buhay.
b. Ito ang kondisyon na may masusi at matalinong pagpapasiya.
c. Ito ang kondisyon nang pagiging matatag na walang kinatatakutan.
d. Ito ang kondisyon nang pagiging protektado laban sa iba’t ibang kahihinatnan
ng anumang hindi kanais-nais na kaganapan.

2. Ang mga sumusunod ay mga alituntunin sa pag-iingat sa sunog MALIBAN sa?


a. Laging maglagay ng gamit malapit sa stove o heater.
b. Laging patayin ang mga bagay na may apoy o nag-iinit.
c. Huwag paglaruan ang anumang bagay na maaaring mag sanhi ng sunog.
d. Huwag isaksak ang maraming de-kuryenteng gamit sa iisang outlet lamang.

3. Ang kaligtasan ay siyang tungo sa ating kaunlaran". Ano ang ibig sabihin nito?
a. Kung tayo ay ligtas, tayo rin ay maunlad na.
b. Kung tayo ay ligtas, malayo na tayo sa kapahamakan at wala nang
problema.
c. Kung tayo ay ligtas, tayoy'y makakagalaw nang maayos para sa ikauunlad
ng bawat isa at maging ng ating bansa.
d. Kung tayo ay ligtas, hindi na natin kailangang sumunod sa mga alituntunin
dahil tayo'y maunlad na rin.

4. Nalaman ni Jasmine na mayroong paparating na mapinsalang bagyo kaya naman nanatili


lamang siya sa loob ng kanilang bahay at umantabay sa mga balita. Hindi naman siyang
nagdalawang isip na maghanda para dito. Tama kaya ang ginawa ni Jasmine na aksyon?
a. Tama, dahil ito ay paraan upang siya ay maging masipag sa bahay.
b. Tama, dahil ito ay paraan upang siya ay maging ligtas na tutungo para sa
kaunlaran.
c. Mali, dahil hindi siya naghintay sa mga balita o anunsyo sa kanilang lugar
upang gawin ito.
d. Mali, dahil sa kaniyang ginawa, siya ay nagpapakita lamang ng takot at hindi
pagiging kalmado.

5. Ang pagsunod sa mga alituntunin at mga paalala ay para rin sa ating kaligtasan at kaunlaran.
Alin sa mga sitwasyon na ito ang HINDI nagpapakita ng pagsunod sa mga ito?
a. Inalam ni Joey ang mga numero na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
b. Inalis ni Carmie ang mga sinampay na malapit sa kalan upang ito'y hindi
magsanhi ng sunog.
c. Ang pamilya ni Maxi ay hindi nagpaiwan sa kanilang bahay at kusang
sumama sa mga awtoridad upang magtungo sa evacuation center.
d. Nakita ni Katkat na naiwang nakabukas ang apoy sa kalan nila, ngunit
natakot siyang patayin ito kaya't hinayaan na lamang niya.

B. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag nang maayos ang dapat gawin.

1. Bilang isang mag-aaral, ikaw ba ay nakasusunod nang may matalinong pagpasiya para sa
kaligtasan, lalo sa panahon ng pandemya? Paano mo ito nagagawa?
2. Bilang isang mag-aaral, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang masusi at matalinong
pagpapasiya para sa ating kaligtasan.

3. Ano-ano ang mga sinunod mong alituntunin noong kasagsagan ng pandemya?

4. May mga natamaan ba ng sakit noong panahon ng pandemya? Sino-sino sila? Ano ang ginawa
ng pamilya ninyo?

5. Bakit dapat tayong maging laging handa sa mga problema sa buhay?

You might also like