You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
BANGA 1 DISTRICT
Lambingi, Banga

Masusing Banghay aralin sa Physical Education III

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag –aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga kilos lokomotor
b. Naisasagawa ang mga halimbawa ng mga kilos lokomotor
c. Napahahalagahan ang malusog na pangangatawan
Content Standards:
The learner demonstrates understanding of body movements.
Performance Standards:
The learner performs body shapes and actions properly.
Learning Competencies:
Describes body shapes actions. P.E III BM-Iia-b-17
II. Paksang aralin: Gumalaw gamit ang kilos lokomotor
A. Sanggunian: Self learning Module ikalawang markahan module 1.
B. Mga kagamitan: Worksheet, Module, powerpoint presentation, Bond paper,
Manila Paper
C. Integrasyon: Music, Art, Science
III. Panimulang Gawain
A. Pamamaraan
 Prayer- Ang mga bata ay nanalangin
 Greetings - Magandang umaga mga bata
 Checking of attendance- Sino- sino ang lumiban sa klase ngayon?
 Classroom rules- Itaas ang kanang kamay kung nais sumagot.

IV. Pagbabalik Aral


Magbigay ng mga kilos Di- Lokomotor.
1. Pagganyak:
Ang guro ay magpapakita ng video “Snap2x Action Song” at susundin ng mga
bata.
B. Paglalahad:
Magpapakita ng mga larawan.
Ano ang ginagawa ng bata sa unang larawan?
Ang bata ay
tumatakbo.
Magaling!
Ano naman ang nasa pangalawang larawan?
Ang bata ay naglalakad
Very Good!
Ano naman kaya ang sa pangatlong larawan?
Ang babae ay tumatalon
Very Good!
Ano kaya ang ginagawa ng bata sa pang apat na
Larawan? Ang bata ay nagwawalis.
Magaling!
Ano naman kaya ang ginagawa ng mga
Tao sa panghuling larawan? Sila ay namumulot ng
mga basura
Excellent!

2. Pagtatalakay:
Kilos lokomotor- kung ang kilos ay umaalis sa isang lugar.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kilos lokomotor.

Paglakad- ang pinakaraniwang kilos lokomotor ang salitan na


paghakbang ng dalawang paa.

Pagtakbo- ang pinakamabilis na paggalaw gamit ang mabilis na


paghakbang.
Pagtalon- ito ang pag-angat ng dalawang paa sa sahig nang
sabay at pagbaba ng sabay.

Pag- ikot - paghakbang ng mga paa na pabilog.

Pagsayaw – maindayog na mga pagkilos ng katawan na


kadalasan ay sinasabayan ng musika.

Naintindihan niyo na ba mga bata ang kilos lokomotor?


Opo Teacher!
3. Pagpayamang Gawain
Ngayon subukin natin ang inyong nalalaman
Tungkol sa kilos lokomotor. Magpapakita ako ng
Larawan at sabihin kung kilos lokomotor o hindi kilos-
Lokomotor.

Ito ang pinakamabilis na paggalaw Pagtakbo po teacher


gamit ang mabilis na paghakbang.

Ito naman ang pag-angat ng


dalawang paa sa sahig nang
sabay at pagbaba ng sabay. Pagtalon, Teacer
Ano naman ang nakikita ninyo
sa pangatlong larawan?

Isang batang
natutulog..
Ano naman ang nasa panghuling
larawan? Kumakain, Teacher.

Magaling. Dahil nakasunod kayo sa ating tinalakay, ngayon sino sa inyo ang
makapunta sa harapan para magpakita ng halimbawa ng kilos lokomotor?

4. Paglalapat
Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa tatlong grupo. kung sino ang nakahawak ng
larawan ng manok ay mabibilang sa unang pangkat. At kung sino naman ang
nakahawak ng larawan ng pusa ay mabibilang sa pangalawang pangkat. At ang
ikatlong pangkat ay ang nakahawak ng larawan ng isang aso.
Pag kayo ay tapos na, kailangan ninyong gayahin ang huni ng hayop ng inyong
pangkat.Bibigyang ko lamang kayo ng limang minuto para tapusin ang nakatakdang
gawain para sa inyo.
Naintindihan ba ninyo mga bata, ang
inyong gagawin? Opo Teacher!
Pangkat 1:
Kulayan ang mga larawan ng
batang nagpapakita ng kilos lokomotor
Pangkat 2:
Alamin at buuin kung anong halimbawa ng kilos lokomotor ang ipinapakita
at isulat ang mga nawawalang titik.
Pangkat 3:
Pagtambalin ang inilarawan. Basahin
ang talata sa hanay A at pagtambalin ito sa
Hanay B.
Ang mga bata ay
gumagawa ng
kanilang
pangkatang gawain.
Rubriks:
Mga Batayan 5 4 2
1. Presentasyon Buong husay at Naiulat at Di- gaanong
malikhaing naiulat naipaliwanag ang naipaliwang ang
at naipaliwanag pangkatang gawain pangkatang gawain
ang pangkatang sa klase sa klase
gawain sa klase
2. Kooperasyon Naipamalas ng Naipamals ng halos Naipamalas ang
buong miyembro lahat ng miyembro pagkakaisa ng
ang pagkakaisa sa ang pagkakaisa sa iilang miyembro sa
paggawa ng paggawa ng paggawa ng
pangkatang gawain pangkatang gawain pangkatang gawain
3. Takdang oras Natapos ang Natapos ang Di natapos ang
pangkatang gawain pangkatang gawain pangkatang gawain
nang buong husay ngunit lumampas
sa loob ng sa takdang oras
itinakdang oras

5. Paglalahat:
Sino ang makapagbibigay ng
kahulugan ng kilos lokomotor?
kapag ang kilos ay umaalis sa isang
lugar.Ay tinatawag na kilos lokomotor.

Ngayon magbigay ng halimbawa ng


Kilos lokomotor at isulat sa isang
Graphic organizer.

Pagtakbo
Pag sayaw

Kilos Lokomotor Kilos Lokomotor


Pag talon

Paglakad

5. Pagtataya:
Isulat ang L kung ang kilos ay kilos lokomotor at DL naman kung kilos na Di
lokomotor.
--------1. Pagyuko
--------2. Paglakad
--------3. Pagtakbo
_____4.Pagtaas ng kamay
_____5. Paglukso

V. Karagdagang gawain
Basahin at tingnan ang mga gawaing bahay na isinasaad sa pangungusap.
Kulayan ang hugis puso kung ang talata ay nagpapakita ng kilos lokomotor.

1. Pagwawalis sa sahig ng bahay araw-araw.

2. Paghuhugas ng plato pagkatapos kumain.

3. Pag- scrub sa sahig linggo-linggo.

4. Pag- wawalis sa bakuran tuwing umaga.


5. Pagtutupi ng mga damit pagkatapos matuyo.

Inihanda ni:
Bb. JANEZA K. ALABAN
PSB Teacher

Sinuri ni:

CHRISTOPHER J. PELAYO
Principal I

You might also like