You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

SURING PELIKULA

I. Direksyon
1. Sino ang direktor ng pelikula?
2. Nagawa ba niyang maipakita ang kaisahan ng mga eksena sa sistemang audio-visual? Paano?
3. Nakatugon ba ang direktor sa hamon ng sining na naipakita sa mahusay na pag-arte ng mga artistang
nagsiganap? Ipaliwanag.
II. Istoryang Pantanghalan
1. Malinaw ba ang diyalogo ? Anong antas ng wika ang namayani sa usapan? Akma ba ang mga ito sa tema ng
pelikula?
2. Makabuluhan ba ang pelikula? Ipaliwanag.
III. Pagganap
1. Sino ang mga artistang nagsiganap? Ilarawan ang karakter na kanilang ginampanan
2. Nabigyang buhay ba ng artista ang karakter na kanilang ginampanan o naging pilit lamang ang kanilang naging
parte kung kaya’t hindi nabigyang katarungan ang istorya? Patunayan.
3. Sino ang PROTAGONISTA? ANTAGONISTA? BILOG? LAPAD na artista? Patunayan.
IV. Disenyong Pamproduksyon
1. Inihatid ka ba ng pelikula sa mundo ng imahinasyon? Patunayan.
V. Editing
1. Tukuyin ang mga tagpo na hindi na kailangan isama sa eksena.
2. May mga tagpo ba na sa tingin mo ay nawala na dapat isama? Isa-isahin.
3. Mabilis ba ang naging takbo ng mga istorya na nakatulong upang hindi ito naging kainip-inip?
4. Tama ba ang naging pagkakasunod-sundo ng mga pangyayari? Patunayan.
VI. Musikal Iskoring
1. Angkop ba ang musika at tunog na ginamit sa bawat eksena? Ipaliwanag
2. Nakatulong ba ang musika upang maantig ang damdamin ng manonood? Sa paanong paraan?
VII. *Buod (nasa ikalawang pahina)
VIII. Mensahe (mensahe ng pinanood na pelikula)
IX. Reaksyon
*ISTRATEHIYA SA PAGBUBUOD:

Pamagat

Tagpuan

Problema

Unang Pangyayari

Ikalawang Pangyayari

Ikatlong Pangyayari

Solusyon:

You might also like