You are on page 1of 2

BASAHIN: SRNHS, NAGSAGAWA NG MALIGAYA AT MATAGUMPAY NA 2ND

KASADYA EVENT.

San Ricardo National High School (SRNHS), nagsagawa ng maligayang kaganapan noong Enero
18, 2023. Ito ay ang Kasadya 2024 na taon-taong isinasagawa ng mga guro, mag-aaral ng Senior
High School at ang mga tauhan ng paaralan.

Ginanap pa rin ang maraming kaganapan sa umaga na iyon sa Junior High School Ground kahit
pa man humahagupit ang ulan. Sabi nga ng mga mag-aaral sa Senior High School, “Ilaban pa rin
natin ito”. Nagsimula ang kaganapan noong 8:30 ng umaga at nagsagawa nga parade sa
komunidad ng Barangay Poblacion at Barangay Inolinan, nagpapakitang gilas ang mga iba’t
ibang grupo, nagtatampok ang TEAM HINUGWAY, TEAM DAHUNOG, TEAM PAGMAYA, TEAM
GASA. Nagsagawa rin sila ng mga iba’t ibang uri ng paligsahan kagaya ng Mass Dance, Quiz Bee,
Business Booth, Cooking Show, Poster Making at Talent Portion ng Mr. and Ms Kasadya 2024.
Ang Team Hinugway at Team Dahunog ay ipinagsama sa Mass Dance na paligsahan,
samantalang ang Team Gasa at Team Pagmaya ay ipinagsama rin.

Kinalaunan, nagwagi ang Team Hinugway at Team Danuhog sa ginawang paligsahang Mass
Dance. Dagdag pa rito, ang nanalo sa Quiz Bee at Poster Making ay ang Team Gasa habang ang
nanalo sa Cooking Show at Business Booth ay ang Team Pagmaya.
Sa huli, ipinamalas ng mga mag-aaral sa San Ricardo National High School ang kanilang na mga
talento at kahusayan sa pagsasayaw, pagluluto at iba pa. Maraming dumalo sa kaganapan
upang manood nang masasayang nagsasayawang mag-aaral kasali na rito ang mga suportadong
mga magulang ng mga mag-aaral.

You might also like